You are on page 1of 5

Colegio De Sta. Lourdes of Leyte Foundation Inc.

Brgy. 1 Quezon Tabontabon, Leyte


Cellphone No.: 09057244430
Website: https://csllfi.wordpress.com
College of Nursing and Entrepreneurship

Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal


Modyul 3

Layunin:
CSLLFI
1. Nalilinang ang ating kaisipan upang mapahusay ang ating kaalaman sa
mga teksto sa Agham Panlipunan.
2. Masusing pananaliksik at mahusay na pagpili ng salitang gagamitin ng kailangan
dito.

Sanggunian:

Belvez, Paz M. and Iliscupidez, Priscila P. et al. Sining ng Komunikasyon


Pangkolehiyo (Filipino I). 2003. Rex Printing Company, Inc. P.Florentino
Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon.
Santos, Angelina L. et al. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon.
2012. Mutya Publishing House, Inc. 105 Engineering Road, Araneta
University Village, Potrero, Malabon City.
Magracia, Emma B. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. 2008. Mega- Jesta Prints, Inc. 9 Guyabano St., Antonio
Subdivision Dalandan, Valenzuela City.

Aralin 3: Pagbasa sa Tekstong Akademiko at Propesyonal

Ano nga ba ang Teksto?


Ang Teksto ay isang babasahin na puno ng mga ideya ng
iba’t-ibang tao at impormasyon.

Ang Tekstong pang akademik ay ginagamit ng mga mag-aaral


sa paaralan at lumilinang sa ating kaisipan upang mapahusay
ang ating kaalaman.
Hailimbawa ng mga Teksto tungkol sa Agham Panlipunan
Kasaysayan, Ekonomiks, Sosyolohiya at iba pa.

Pagbasa ng Tekstong Propesyonal ay tumutukoy sa mga


tekstong may kinalaman sa propesyon o kursong kinuha
isang mag-aaral sa kolehiyo o pamantasan.

Ang pagbasa ng tekstong akademiko at propesyonal ay nangangailangan din


ng masusing pag-aaral sapagkat may ginagamit na natatanging wika sa iba’t-ibang
disiplina. Ang mga tekstong ito ay may sariling rejister ng wika na kailangang
maunawaan ng mambabasa. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gumagawa ng
paraan ang ilang manunulat na maintindihan ng mambabasa ang kanilang teksto.
Ang ilang paraan dito ay paglalagay ng glosaryo sa hulihang bahagi ng aklat,
paggamit ng talababa, ilustrasyon, dayagram, grap, pagbibigay ng depinisyonng salita,
o kaya’y pabibigay ng pahiwatig sa kahulugan ng salita batay sa paggamit nito sa
pangungusap. Mahalaga ang mga nabanggit na paraan at nakatutulong sa
mambabasa na maunawaan ang mga teknikal na salita at mga terminolohiya na
ginagamit sa teksto.
A. Pagbasa ng Tekstong Pang-Agham Panlipunan at Pangkasaysayan
Ang agham panlipunan ay isang disiplina na nagsusuri sa ugnayan ng mga
tao sa lipunan at kung paano sila nakikitungo sa isa’t isa at sa kanilang
kapaligiran. Ang agham panlipunan ay batay sa pag-aaral at pagsusuri ng mga
relasyong ito mula sa iba’t-ibang larangan gaya ng antropolohiya o
pamahalaan, sikolohiya at sosyolohiya.
Ang mga kurso sa agham panlipunan ay nangangailangan ng malaking
panahon sa pagbabasa. Ang mga teksbuk sa ekonomiks ay may tambak-
tambak na imporasyon na kailangang basahin nang maingat ng mga naunang
aralin bago magpatuloy sa pagbasa.
Ang agham panlipunan ay tinatawag na “mga agham” dahil ang mga
propesyonal sa larangang ito ay nagtitipon ng mga datos sa pamamagitan ng
eksperimentasyon, obserbasyon, at sarbey; nagsusuri ng mga datos; at
bumubuo ng kongklusyon mula sa mga sinuri. Inihaharap sa mga propesyonal
sa larangang ito ang resulta ng kanilang pananaliksik upag ang proyekto ay
muling masubok o pagtuunan pa ng ibayong pag-aaral.

Halimbawa
Ang Pagtuturo sa Filipino ng Agham Panlipunan II
Malaya C. Ronas
(Piniling Bahagi ng Artikulo)

Ang agham Pnlipunan II ay isa lamang sa labng-apat na kurso na kabilang sa


programang malawakan edukasyon ng Unibersidad ng Pilipinas. Layunin nito na
ilahad at siriin ang mga pangunahing tradisyon ng kanluran tungkol sa panlipunan,
pang-ekonomiy, at pampulitikang kaisipan. Bilang malawakang sarbey, ang kurso ay
sumasaklaw sa sinauna, medyibal, at modrnong panahon ng sibilisasyong kanluran.
Hindi na lubos na tinatanggap ang pananaw na ito sa ating modernong
panahon. Sa katunayan, ito ay tinalikuran na ng sosyolohiya. Ayon kay Alvin
Gouldner, ang pananaw na pansosyolohiya ay nakatuon sa kabuuan ng lipunan. Ang
lipunan ay tiuturing na may identidad na iba sa mga indibidwal. Sa gaitong pananw,
ang lipunan ay humuhubog ng mga paniniwala ng indibidwal sa pamamagtan ng
pamilya, simbahan, paaralan, at pamahalaan.
Ang kakanyahan ng lipunan ay idiniin din ni Emile Durkheim, tinaguriang “Ama
ng Sosyolohiya” sa France. Sinabi ni Durkheim na:
Ang metodong pansosyolohiya na aming ginamit ay buung-buong nakatayo sa
batayang prinsipyo na, ang mga kaganapang sosyal ay dapat pag-aralan bilang
mgabagay; bilang mga realidad na bukod sa indibidwal. Hindi nauunawaan na hindi
maaring magkaroon ng Sosyolohiya kung walang mga lipunan kung mayroon lamang
mga indibidwal.
Samakatwid, nakatuon ang pansin ng sosyolohiya sa buong lipunan at hindi
sa indibidwal o sa kalikasan ng tao. Gayon pa man, mahirap na sabihing lipunan na
lamang ang dapat pag-aralan. Sa katunayan, patuloy na pinag-aaralan ang kalikasan
ng indibidwal sa disiplinang sikolohiya. Ang sikilohiya ng mga sinaunang pilosopo na
tulad ni Plato ay makikita sa kanilang metapisika. Ayon sa kanya, ang kalikasan ng
tao ay nakasalalay sa elemento na nangingibabaw sa kanyang kaluluwa. Kung
katwiran ang nangingibabaw, siya ay marunong: kung katapangan, siya ay matapang;
at kung pagnanasa, siya ay mapag-angkin. Ang kalikasang ito ng tao ay makikita rin
sa kalikasan ng bayan,dagdag ni Plato.
Ang aspekto ng sikilohiya ay makikita rin sa mga modernong pilosopong nag-
aaral ng ekonomiya na tulad ni Adam Smith at Alfred Marshall. Ayon kay Smith,ang
pagkamakasarili ng tao ay nagdudulot ng pangkalahatang pakinabang para sa
lipunan. Lumihis si Smith sa tradisyon ng kaisipan na kailangang itakwil ang
pagkamakasarili kung nais ng tao na maging mabuti. Ayon naman kay Marshall,ang
kilos ng tao sa pamilihan ay mauunawaan kung siya ay itinuturing na homo
economicus, isang tao na naghahanap ng mas malaking kasiyahan bilang mamimili, o
mas malaking gantimpala bilang tagagawa ng mga produkto. Sa katunayan ay iginiit
ni Joseph Schumpeter na ang ekenomikong pagsusuri ay hindi pangunahing aspekto
ng kaisipang kaunlaran noong panahong klasiko. Ang modernong pagsusuri ng
ekenomiya ay nagsimula noong huling bahagi ng siglo 17 nang talakayin ni Locke ang
konseptong “halaga”at mga patakaran tungkol sa pananalapi. Itinuloy ni smith ng
suriin niya ang iba pang aspekto ng ekonomiya tulad ng “presyo,”” produksyon,””
distribusyon, kalikasan ng pamilihan at ang kaugnayan nito sa estado.
Ang kaugnayan ng pamilihan at estado ay isa sa mga pangunahing isyu ng
pampolitikang ekonomiya. Sa pananaw na ganap ang kapangyarihan ng estado,
itinuring sa mahabang panahon na ang lakaran sa pamilihan ay sakop ng
kapangyarihan ng estado. Ang kalakalan sa ibayong dagat ay kasangkapan ng estado
upang pagyamanin ang kaban ng estado. Ang layunin ay pagkalap ng ginto at pilak sa
pamamagitan ng kalakalan at kolonyalismo. Ang patakarang ito ay tinawag na
merkantilismo, isang patakarang kumilala sa kapangyarihan ng estado na
pamahalaan at pakialaman ang lakaran sa pamilihan.
Mahigpit ang pagtutol ni Smith sa merkantilismo. Naniwala siya na dapat
magkaroon ng kalayaan ang pamilihan mula sa estado sapagkat ito ang paraan upang
higit pang lumaki ang produksyon ng ekonomiya. Tinawag niya ang patakarang ito na
laissez faire. Ang patuloy na paglaki ng ekonomiya ang daan tungo sa kabutihan ng
pamumuhay ng mga taong doon ay naninirahan. Ipinaliwanag niya na ang paglaki ng
ekonomiya ay nakasalalay sa paglago ng kapital sapagkat mula lamang sa mga
namumuhunan nanggaling ang panibago at dagdag ng kapital na nagmula sa
kanilang tubo.
Ayon sa pagsusuri ni Karl Max, ang sistemang laissez faire ay mapagsamantala
sa produkto ng mga manggagawa. Itinuring ni Marx na ang lahat ng halaga ay galing
sa paggawa, na ang paggawa lamang ang tunay na batayan ng kayamanan ng bayan.
Ang tubo na napupunta sa mga namumuhunan, ang may-ari ng mga instrumento ng
produksyon, ay galing din sa mga manggagawa. Ang mga manggagawa ay hindi
binabayaran ng sapat na sahod na dapat sana ay batay sa kanilang produksyon,
manapa’y ang kanilang sahod ay nasa antas lamang na kung tawagin ay subsistence
wage.
Ang pagwasak sa buong sistema ng laissez faire o kapitalismo ang tanging
paraan upang mawala ang “pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa tao.” Ito ay
mangyayari, wika ni Marx, sa pamamagitan ng tunggalian ng mga uri. Lulupigin ng
uring proletaryo ang uring burgis upang itatag ang isang makatarungang lipunan—
isang lipunang pantay-pantay na wala nang mapagsamantalang uri. Sa
makatarungang lipunan ni Marx, ang mapanikil na estado ay unti-unting maglalaho.
Bukod sa pagkakapantay-pantay, marami pang ibang prinsipyo ang nagging
batayan ng konseptong “katarungan” sa sibilisasyong kaunlaran. Sa mga Griyego, ang
armonya ng mga uri sa bayan ang kahulugan ng katarungan. Ibig sabihin nito na ang
bawat tao ay may natural na gawain na dapat gampanan sa bayan at tungkulin
niyang manatili sa kanyang uri upang gampanan ang gawaing ito. Maaari siyang
maging pinuno, mandirigma o manggagawa. Ngunit ang kanyang papel sa bayan ay
dapat na nakasalalay sa kanyang likas na kakayahan na maaaring alamin sa
pamamagitan ng sistemang edukasyon. Ang prinsipyong pagkakapantay-pantay ng
proporsyon ay ginamit ding batayan para sa konseptong “katarungan.” Ibig sabihin
nito na ang mga taong nagtataglay ng kabutihan(virtue) ang dapat na mamuno sa
bayan. Ito ang nararapat na daan tungo sa minimithing “mabuting buhay.”
Ang espiritwal na mithiin ng buhay ay hindi kailanman makakamit sa lupa. Ito
ang paninindigan ng mga pangunahing pilosopong Kristiyano. Sa Kristiyanong
pananaw ang tunay na katarungan ay matatagpuan sa kaharian ng Tagapagligtas.
Ang kahariang ito ay wala sa ibabaw ng lupa kundi nasa kalangitan. Walang
makalupang bayan ang maaaring magdala sa tao sa pangakong buhay na walang
hanggan. Ang pagtalikod sa kanyang makasariling interes, at ang ganap na
pagpapasailalim sa mga utos ng Diyos, ang tanging daan tungo sa mithiing espiritwal
ng buhay. Nangingibabaw ang Kristiyanong pananaw na ito sa Europe mula nang
huling bahagi ng sibilisasyong Romano hanggang sa panahong medyibal….

Pag-unawa sa Paksa
1. Pumili ng 3 salita mula sa teksto at ipaliwanag.

2. Ibigay ang pangunahing paksang tinatalakay sa


tekstong binasa?

3. Paano nagkakaiba ang pananaw nina Smith at Marshall sa aspekto ng


sikolohiya?

4. Ano ang laissez faire at paano inilahad ni Karl Marx ang kanyang paniniwala rito?

5. Ano ang nakapaloob sa Teksto na binanggit tungkol sa Kristiyanong pananaw?


Ipaliwanag ang sagot.

You might also like