You are on page 1of 5

Pamagat: “Dahilan Ng Pagbagsak Ng Ilang Sekondarya Ng Saint Vincent de Paul Academy Sa

Kanilang Asignatura”

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon
Mayroon tayong kasabihan sa Ingles na “Education is the key to unlock the golden door
of freedom.” Ibig sabihin, ang edukasyon ay nagbibigay ng kalinangan. Ito ang susi sa mga pinto
ng oportunidad na dapat hinding-hindi natin pinalalagpas. Napakahalaga ng edukasyon sa ating
buhay dahil kung wala ito, wala tayong kalayaan sa anumang palatuntunan na ating pupuntahan.

Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Ito ay
mabisang sandata upang malabanan ang hamon ng buhay dahil sa panahon ngayon, kung wala ka
nito, ikaw ay mahihirapan. May mga hadlang man sa ating rutang tinatahak, kailangan natin ng
sapat na lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili na sa huli, tayo ang magtatagumpay. Ang
edukasyon ay ating magagamit pag nakatapos tayo ng kolehiyo at makatutulong din tayo sa ating
mga magulang. Sikap at tiyaga ang kailangan para makamit ang inaasam na tagumpay.

Nakasalalay ang ating buhay sa edukasyon. Nariyan na ang palagi nating naririnig sa
ating mga magulang at marahil na rin sa mga palabas na “ang edukasyon o karunungan ay ang
pinakamahalagang kayamanan ng iyong magulang na maibibigay o maipamamana sa’yo at hindi
ninuman mananakaw ng iba.” Syempre, sa tulong ng ating mga magulang at lalong-lalo na ng
ating mga guro, patuloy na lumalawak ang ating kamalayan at kaalaman sa iba’t ibang larangan.
Ito ay malaking tulong sa atin dahil maaari natin itong madala sa ating pagtanda at pwede rin
natin ipamahagi ang ating kaalaman sa mga bata.

Ang pag-aaral ay isang magandang libangan. Pinatataas nito ang iyong karunungan at
maaari pang madagdagan ang iyong kamalayan sa paligid. Ngunit hindi lamang layunin ng
pagiging edukado ang pagkakaroon ng diploma at mga medalya, ‘pagkat nangangahulugan din
ito ng pagkakaroon ng magandang asal at respeto sa kapwa. May isa ngang tanyag na kasabihan,
“Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao, mababa man ang pinag-aralan mo, kung
marunong kang rumespeto, daig mo pa ang edukado.”
Sa Pilipinas, napakahalaga ng edukasyon. Ngunit iilan lamang ang may kakayahang
makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay lalo na sa mga liblib na lugar sa
Pilipinas. Ang ilang mga magulang naman ay pilit na iginagapang ang kanilang pamilya, lalo na
ang kanilang mga pinakamamahal na anak upang mairaos lamang ang pangangailangang pang-
edukasyon. Ngunit may iilan ding nakapagtatapos ng pag-aaral kahit mahirap lang ang kanilang
buhay. Patunay lang na hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pag-aaral. At para sa amin,
sila lang naman ang mga dapat na hinahangaan dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon na
makapag-aral. Ngunit hindi rin dahilan ng lahat ang pagiging mahirap upang hindi makapag-aral
o makapagtapos, may iba namang nagsasabing hindi nila gusto ang kursong napili para sa
kolehiyo o kaya naman hindi pa handang magkolehiyo, maagang nagkapamilya, at ang
kadalasang dahilan ay ang katamaran.

Mayroon ding mga tao na kahit anong sipag at anong pilit gawin ay hindi sila pumapasa
sa kanilang pag-aaral. Bakit nga ba sila hindi pumapasa?Hindi na ba maaaring baguhin ang asal
na iyon? Mahirap ba ang mag-aral?

Para sa amin ng mga mananaliksik, bilang mga estudyante, minsan nararamdaman namin
ang kawalan ng interes sa ibang asignatura. Pero kahit na ganoon na lamang ang aming
nararamdaman, sinusubukan pa rin naming gawin at gampanan ang aming parte bilang
estudyante. Gustuhin man natin o hindi, tayo ay dapat na mag-aral. Kahit ano pa man ang
maging kalabasan nito, masama man o hindi ang resulta. Naniniwala kami na sa bawat
pagkakamali ay may matututunan tayo.

Hindi lahat ng mag-aaral ay magagaling sa kani-kanilang mga asignatura. Lahat tayo ay


may kaniya-kaniyang mga kalakasan at kahinaan. Maaaring ikaw ay magaling sa Matematika, at
siya naman ay hindi dahil magaling siya sa Agham. Maaari nating gamitin ito para paunlarin ang
ating mga sarili at para na rin sa ating kinabukasan. Ang pagbagsak ay hindi katapusan ng iyong
mundo. Walang taong perpekto, lahat tayo nagkakamali sa mga bagay-bagay kaya naman sana
gamitin natin ang mga natutunan natin sa pagkakamaling iyon at gawing pangganyak upang
pagbutihin pa ang pag-aaral.
Aminin na natin na mahilig tayong mga Pilipino sa ekspresyong “bahala na”
(nangangahulugang "Ang Diyos na ang maglalaan" o "Ang Diyos na ang magtatadhana."), o sa
madaling salita, mahilig tayong magkibit-balikat sa mga bagay-bagay. Puro na lang salita, wala
na ang gawa. Sa pag-aaral, dapat mariing iniiwasan ang nasabing kaugalian dahil hindi
nakabubuti at walang patutunguhan kung ganoon na lamang ang ating ipakikitang asal. Ipakita
nating may paraan upang magsipag at pagbutihin ang ating pag-aaral. At higit sa lahat, huwag na
huwag kalimutang humingi ng tulong at gabay sa ating mga magulang at lalo na sa ating
Panginoong Diyos – ang ating matatakbuhan kapag nangangailangan.

Malaking tulong ang pananaliksik na ito lalo na sa mga mag-aaral upang maiwasto ang sa
tingin nila ay pagkukulang sa pag-aaral nila nang matiwasay. Pipilitin naming hikayatin ang mga
mag-aaral na makababasa nito na magsumikap pa sa pag-aaral at huwag mawalan ng pag-asa.
Susubukan naming pag-ibayuhin at ibigay ang daang porsyento ng aming makakaya sa
pananaliksik na ito.

Ang mga impormasyon at datos na nakapaloob ay pawang katotohanan lamang at base sa


mga ibinahaging salaysay ng aming mga respondente ng aming sarbey at syempre sa tulong na
rin ng internet.
Layunin
1. Maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon.

2. Pagtuunan ng pansin ang mga asignaturakung saan sila’y nahihirapan.

3. Malaman ang mga magiging epekto ng kanilang kapabayaan sa pag-aaral.

4. Bigyan at palawakin pa ang kanilang kamalayan sa pagkuha ng mabababang marka sa


kanilang mga asignatura.

5. Maiwasto ang kanilang nakaugalian patungkol sa kanilang pag-aaral

Suliranin

1. Ano ang mga kailangang gawin upang makakuha sila ng mataas na marka?

2. Ano-ano ang magiging epekto ng madalas na pagkuha ng mababang marka?

3. Ano-ano ang mga hadlang na nakaaapekto sa mga mag-aaral upang hindi makapasa?

4. Bakit kailangan nilang pumasa sa pag-aaral?

5. Papaano makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipahatid ang tunay na kahalagahan ng pag-


aaral sa ating buhay at pati na rin ang epekto ng pagbagsak o pagkuha ng mababang marka sa
ating mga asignatura, partikular na sa mga sekondaryang mag-aaral ng Saint Vincent de Paul
Academy.

Pagtuunan ng pansin ang mga asignatura, kung saan sila’y nahihirapan at bumabagsak o
nakakukuha ng mabababang marka para na rin matugunan ang kanilang pangangailangan at
pagkukulang pagdating sa pag-aaral nang matiwasay at naayon sa kanilang kagustuhan.
Ang mga magiging epekto ng kanilang kapabayaan sa pag-aaral ay pagbagsak at pagbaba
ng kanilang mga marka sa mga partikular na asignatura. Maaaring malaki ang magiging epekto
ng kanilang kapabayaan sa pag-aaral.

Mabibigyan at mapalalawak pa ang kanilang kamalayan sa pagkuha ng mabababang


marka sa kanilang partikular na asignatura dahil hindi lamang sarili ang maaapektuhan gayundin
ang kanilang mithiin sa buhay.

Maiwawasto ang kanilang nakaugalian patungkol sa kanilang pag-aaral dahil kung


patuloy silang magpapabaya sa pag-aaral, mahihirapan silang makapagtapos at magtagumpay.
Nawa’y pag-ibayuhin pa nila ang pagsisikap sa pag-aaral kahit sa palagay nila na mahirap ang
kanilang mga asignatura.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon lamang ang aming pag-aaral sa mga mag-aaral, partikular na sa mga


sekondaryang mag-aaral, simula ikapito hanggang ikasampung baitang ng Saint Vincent de Paul
Academy na nakararanas ng hirap sa pagpasa at pagkuha ng mabababang marka sa kanilang mga
asignatura. Kami ay magsasagawa ng sarbey na may dalawampu’t limang (25) respondente sa
mga nasabing baitang.

You might also like