Ngayon lets talk about dependency theory/ “What is dependency theory?”
Dependency Theory - It is an approach to understanding the economic development of a country in terms of external influences like political, economic, and cultural effects. -Ang dependency theory ay naka-focus sa mga underdeveloped/mahihirap or developing countries/pa-develop palang. Sinasabi na ang mga bansang less developed ay masyadong naka-depende sa mga bansang developed na. Like for example Philippines, ang development ng Pilipinas ay nakadepende sa mga bansang nagpapasok ng mga business nila dito, by colonization or yung pag-export ng mga raw materials ng Pilipinas sa ibang bansa, kung baga umaasa tayo sa external influences, galing sa labas o galing sa ibang bansa para sa development ng bansa natin. •Sinasabi ng Dependency Theory na may mga mas yumayamang mga bansa at the expense of other country. Like for example, yung bansang Africa, export sila ng export ng kanilang mga natural resources or raw materials sa America kasi akala nila sa pamamagitan ng pag-export ay madedevelop nila ang kanilang economy, but little did they know exploitation ang nangyayari. Kasi parang ginagamit lng ng mga mayayamang bansa ang mga less developed countries para mas lalo silang yumaman. Yung mga resources na galing sa Africa for example, gagamitin yun ng America para makagawa ng isang bagong product or manufactured goods, and then i-eexport ng America papuntang Africa at kikita sila ng mas malaki. So, sino ngayon ang mas malaki ang income? Syempre ang America, samantalang ang Africa underdeveloped parin and it is all because of what we called Dependency Theory. •Less developed countries depend too much to the developed countries for their economic development. •Any factors na galing labas/galing ibang bansa, dun umaasa yung mga less developed countries para umangat sila. •We can observe here that richer countries are the cause of global poverty, kumbaga yung mga mayayamang bansa pa yung nagiging dahilan kung bakit maraming bansa ang naghihirap parin, or we can say less developed countries. At dahil yun sa nature ng mayayamang bansa. Ano nga ba yung nature nila? Yun yung exploitative nature na sinasabi which means ginagamit nila yung ibang mga bansa para mas lalo pa silang umangat, katulad ng example ko kanina about sa relationship ng Africa and America. •Neo-Marxist Approach -This approach focusses on issues such as social inequality, cultural aspects, na nakakaapekto sa pag-usbong/function ng capitalist societies or yung tinatawag nating mga mayayamang bansa. Ang focus ng approach na ito ay para malabanan ang capitalist system at magkaroon ng equality ang mga bansa. Binibigyang diin din nila dito na yung capitalism ay nagdudulot ng economic, social, and cultural inequality. Neo-marxists wants to create a more equitable or just society, which means gusto nilang magkaroon ng pagkapantay-pantay ang mga bansa. Naniniwala sila na ang totoong pagbabago or pag-develop sa lipunan ay dapat magmula sa kolektibong pagkilos at laban for the real and long-term equality. Medyo broad tlga yung Neo-Marxist Approach and Structuralist Approach. -Neo Marxism says that the world is divided into developed and underdeveloped countries. At sinasabi nila na ang mga developed countries daw ang dahilan kung bakit may mga underdeveloped countries. •Latin American Structuralist Approach - This approach focuses on understanding and explaining the challenges/problems sa economy and social development na kinakaharap ng mga bansa. Sinasabi ng approach na ito na yung underdevelopment at laging pagdepende ng mga mahihirap na bansa ay hindi dahil sa internal factors. Ano ba yung internal factors? Ito yung mga bagay na galing sa bansa ntin like for example, human resources/mga trabahador, or natural resources at iba pa. So, hindi daw internal factors ang dahilan kung bkit nararanasan ng Latin America ang underdevelopment at Dependency, kundi dahil ito sa mga external factors. When we say external factors dahil ito sa ibang mga bansa like colonization na nangyayari, connections sa kanila, exploitation na ginagawa nila at iba pa. -Dahil may inequality na nangyayari, kaya underdeveloped ang latin american countries nung mga panahon na yun. (Dahil again sa external factors) Sinasabi din sa approach na ito that, dahil yung Latin America ay nakaconcentrate masyado sa pag-export ng kanilang mga raw materials/natural resources sa mga mayayamang bansa, it gives a lot of possibility or masyado siyang vulnerable sa fluctuations/pagbaba ng kanilang ekonomiya. May 2 types of nation kasi which is yung Core and Peripheral. •Core- rich countries •Peripheral- underdeveloped countries Graph explaination) Ang nangyayari diyan yung mga natural resources ng peripheral countries as well as yung workforce nila ay ini-export nila sa ibang bansa (core countries). And then yung mga natural resources nmn na natatanggap ng mga mayayamang bansa (core) sa mahihirap na bansa (peripheral), ginagawa nilang manufactured product para mabenta nila sa mga mahihirap na bansa. Kaya mas lalong yumayaman yung mga "Core Nations" at yung mga "Peripheral Nations" mas lalong naghihirap. •Periphery- mahihirap na bansa (Sila yung taga export (taga bigay) ng mga natural resources/raw materials sa mayayamang bansa. •Semi-periphery- mga bansang mahihirap din pero hindi as in mahirap like periphery. Taga bigay din sila (export) ng mga raw materials sa mayayamang bansa. •Core- sila yung mayayamang bansa. -They produce a new product or manufactured the natural resources from peripheral countries to earn more money. The products na ginawa nila, they will export it pabalik sa mga mahihirap na bansa. Tayo namang mahihirap na bansa binibili din ntin yung mga products na gawa at galing sa kanila kahit mahal, kaya yung mga mahihirap na bansa hindi umaangat or mabagal, tapos yung mga mayayaman na bansa lalong yumayaman. -Exploitation of natural resources and workforce ang ginagawa ng mga Core countries sa Peripheral countries