You are on page 1of 4

KABANATA l

Panimula

Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay na ipinasa mula sa isang

henerasyon hanggang sa susunod. Kabilang dito ang mga kaugalian, tradisyon,

paniniwala, pagdiriwang, kasangkapan, kasabihan, awit, at sining. Ang kultura ang

nagpapaiba sa isang bansa sa iba. Mahalaga ang kultura dahil ito ay sumasalamin sa

ibinahaging pagpapahalaga at paniniwala ng isang komunidad.

Kilala ang mga taga-Mindanao sa kanilang magagandang sining, kultura at

tradisyon. Ang lugar na ito ay nahahati sa iba't ibang grupo. Kasama sa kanilang kultura

ang mga kasanayan tulad ng pagbuburda, pag-ukit, at paghabi. Karamihan sa mga tribo

ay mahusay sa paggawa ng mga bagay, at ito ay kung paano sila kumikita.

Ang simbolo ng Sarimanok ay napakahalaga sa kanilang panitikan. Ang puso ay

simbolo ng pagkakaibigan at pagkakasundo. Maraming alamat at kuwentong-bayan sa

Mindanao, tulad ng sa ibang bahagi ng mundo. Mayroong tatlong mga alamat tungkol

sa mga bagay na napupunta sa gabi. Ang Alamat ng Perlas ay nagsasabi tungkol sa

isang babae na nakatagpo ng isang mahalagang perlas. Ang Alamat ng Waling-Waling

ay nagsasabi tungkol sa isang batang lalaki na nakahanap ng mahiwagang bola ng

sinulid. Ang alamat ng Mount Pinto ay nagsasabi tungkol sa isang batang lalaki na

nakatagpo ng isang bundok na puno ng ginto.


I.2: Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga

sumusunod:

1. Demograpikong Profayl ng mga Respondante

 Pangalan

 Edad

 Kasarian

2. Malaman ang mga iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Maguindanaon sa

Maguindanao.

3. Malaman ang positibo at negatibong epekto ng kulturang Maguindanao sa

mga makabagong henerasyon.

4. Malaman ang mga rason o dahilan kung bakit ipinagpapatuloy parin ang mga

kultura at tradisyon ng mga Maguindanaon.


I.3: Kahalagahan ng Pag-aaral

 Sa Susunod na Mananaliksik

Mahalaga ito sa mga susunod na mga mananaliksik dahil sila ang mga

mangangalap ng mga datos at impormasyon tungkol sa positibo at negatibong

epekto ng kultura sa makabagong henerasyon.

 Sa Bansa

Mahalaga ito sa isang bansa dahil ito ay kanilang pagkakakilanlan at

bagay na maipagmamalaki sa ibang karatig na bansa.

 Kabataan

Mahalaga ito sa kabataan upang maintindihan nila ang konsepto ng

kultura, paano ito gamitin at i-preserba sa pagtanda.

 Magulang

Mahalaga ito sa mga magulang dahil mabibigyan sila ng ideya kung kailan

mabuti o nakakapamahak, delikado at di kaaya-aya ang mga kultura at tradisyon

na ituturo sa mga anak.


MGA KULTURA NG MGA MAGUINDANAON SA MAGUINDANAO

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng iba’t


ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Inihaharap nina:
ARSHELYN DONNA L. NOVENO
CJ G. JADMAN
RHENZ RODEL G. ORANTE
BJ ANGELU G. EROLON
ANABAI U. SALIK
KRYSTAL CHARM V. VALDERRAMA

NOBYEMBRE 2022

You might also like