You are on page 1of 14

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 4
Ikaapat na
Markahan ICT AND ENTREPRENEURSHIP
EPP- ICT Entrepreneurship – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng “Entrepreneurship”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Merlita V. Franco
Editor: Dr. Dolores O. Antolin
Tagasuri: Dr. Dolores O. Antolin
Tagaguhit: Edison P. Clet/Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Kahulugan at Kahalagahan ng
“Entrepreneurship”
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan ICT/Entrepreneur 4 ng Modyul 1 para sa araling Kahulugan at
Kahalagahan ng Entrepreneurship sa kontekstong madaling maunawaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan ICT/Entrepreneur 4 ng Modyul 1 para sa araling Kahulugan at
Kahalagahan ng Entrepreneurship sa kontekstong madaling maunawaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang paksang tatalakayin sa modyul na ito ay tungkol sa pangangasiwa


ng negosyo, inaasahang naipaliliwanag mo ang kahulugan at kahalagahan ng
entrepreneurship.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at isulat ang letra nang tamang sagot.

1. Ang _______________ ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa


at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
A. entrepreneur B. Entrepreneurship C. Businessman
2. Ano ang tawag sa isang indibidwal na may kakayahang maihatid ang
mga kalakal at serbisyo sa tamang panahon, tamang lugar at tamang
pamilihan upang maibenta sa tamang halaga?
A. Enterpreneur B. Entrepreneurship C. Supervisor
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ibenta ng por dosena o por trey?
A. Gatas B. Manok C. Itlog
4. Ano ang nararapat sa mga karneng natira dahil hindi naubos sa
pagtitinda?
A. Hayaan sa puwesto
B. Itago sa palamigan
C. Takpan na lamang
5. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagbebenta ng
sariwang gatas?
A. Pinakukuluan bago ilagay sa malinis na bote
B. Ipinagbibili ng nakalagay sa karton
C. Ipinagbibili ng nakalagay sa baso
6. Ano ang tawag sa taga-suri bago ibenta ang karne sa palengke?
A. Inspektor ng mga sasakyan
B. Inspektor sa mga pagawaan
C. Inspektor sa pangkalusugan
7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagbukud-bukurin ayon sa laki
bago ipagbili?
A. Itlog B. karne C. Manok
8.
8. Ano ang tawag sa paggawa ng kapital upang makalikha ng produkto at
serbisyo?
A. kumpanya B. produksyon C. kalakal
9. Anong uri ng ng produkto ang hindi makikita sa “Department Store”.
A. Mga kagamitan ng karpintero
B. Iba’t-ibang uri ng damit
C. Mga gamit sa pag-aayos ng buhok
10. Alin sa mga sumusunod ang salitang dapat taglayin ng isang
nagpapahalaga sa negosyo. Maliban sa isa, ano ito?
A. malikhain
B. mayabang
C. mahusay

BALIK-ARAL

Panuto: Kilalanin ang mga larawan na nasa ibaba. Pagtambalin ang hanay
A at hanay B.
Hanay A Hanay B

1. 1. sorbetero
\]\\

2. magtataho

3. panadero

4. modista

5. tindero
ARALIN

Ang Entrepreneur/Entreprenyur

Sa produksyon, may isang mahusay na pinag-uugnay ang lupa,


paggawa at kapital upang makalikha ng produkto at serbisyo. Siya ang taong
gumagawa ng paraan upang pagsama samahin ang mga salik ng produksyon
para makabuong isang produkto.

Siya ang entrepreneur. Ang matagumpay na


entreprenyur ay nangangailangan hindi lamang swerte
at salapi. Mahalaga rin sa entreprenyur ang pagiging
malikhain, mapagsapalaran, at mahusay sa pagbubuo
ng desisyon.

Entrepreneur/entreprenyur at Entrepreneurship
________________________________________

Ano ang Entreprenyur?

Ang Entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprende” na


nangangahulugang isagawa. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na
nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Sa
kasalukuyan ang isang entrepreneur ay isa ring innovator at developer na
napagtatanto ang kahalagahan ng mga oportunidad, kailangan ng
motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills ng isang entrepreneur
upang ang mga produkto ay maging mahusay.

Ano naman ang Entrepreneurship?

Ang “Entrepreneurship” ay isang siyensya at arte (style) ng


pangangalakal ng mga bagay – bagay at paglilingkod sa maaaring
makapagpaunlad ng kabuhayan ng isang tao.

Tumutukoy sa kakayahan ng indibidwal na mabatid ang mga kalakal


at serbisyo na kailangan ng tao na maihatid ang mga ito sa tamang panahon,
tamang lugar at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.
Kahalagahan ng Entrepreneurship sa Ekonomiya

Ang mga entrepreneur ay nakakalikha ng mga bagong hanapbuhay.

Milyon-milyon ang trabahong nalilikha ng pagnenegosyo ay


nagpapakita ng paglago ng ekonomiya. Subalit
dahil sa pandemic dulot ng COVID 19 na
naranasan ng ating bansa unti-unting humina
at bumagsak ang ating ekonomiya. Marami ang
pansasamantalang nawalan ng trabaho at ang
iba naman ay tuluyan nang nawalan ng trabaho
o hanapbuhay dahil sa pagsasara ng ilang
pabrika at kumpanya.

Ang mga entrepreneur ang nagpapakilala ng mga


bagong produkto sa pamilihan at kung gayon ay
may pananagutan kung nag negosyo ay
bumagsak dahil sa hindi tinangkilik ang
produkto.

Ang mga entrepreneur ay naghahanap ng


makabagong paraan na magpagpapahusay sa
mga nakasanayan.

Ang mga entrepreneur ay makapaghahatid ng


mga bagong teknolohiya, industriya at produkto
sa pamilihan

Siya ang nangunguna upang pagsamahin ang


iba pang salik ng produksyon tulad ng lupa,
paggawa at puhunan upang makalikha ng
produkto at serbisyo na kailangan sa
ekonomiya ng bansa.
Alam mo ba na maaari kang kumita sa mga
produktong galing sa hayop o maaari din sa mga gulay at
prutas? Malaking tulong sa pamilya at sa pamayanan kung
ang mga produktong ito lalo na sa panahon ng COVID 19
mapag-uukulan ito ng maayos na pamamahala, ikaw bilang
isang mag-aaral ay dapat tumulong sa wastong pamamahala
ng mga produktong ito kung nais mong maging isang
mahusay at matagumpay na entrepreneur balang araw.

Pansinin ang mga larawan, ito ay ilan lamang sa mga maaaring pagkakitaan
na madaling ibenta sa pamilihan o kahit sa harapan ng tahanan. Karamihan
sa mga kababayan natin ay naisipan na lamang magtinda sa harap ng bahay
upang may pagkakitaan dahil sa dulot ng pandemya o COVID 19.

Alam nyo ba?


Pamamahala ng Produkto
✓ Maaaring ipagbili kung sobra
✓ Pangasiwaan nang wasto at maayos ang produkto
✓ Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto
✓ Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang hindi malugi

Pag-iingat sa Ipinagbibiling Produkto


• Husto ang timbang
• Nabayaran ang tamang buwis
• Walang sakit o sariwa
• Nasuri ng inspector pangkalusugan
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang guhit sa tapat ng bilang kung tinutupad ang
umiiral na batas sa pagbebenta. Kung hindi, lagyan ito ng ekis (X).

_____ 1. Tama sa bilang para sa dosena ng itlog ang ipinagbibili.


_____ 2. Husto ang ibinayad na buwis para sa mga itinitindang karne.
_____ 3. Hindi dumaan sa inspector na pangka-lusugan ang mga kakataying
baboy at baka.
_____ 4. Walang sakit o pinsala ang ipinagbibiling produkto.
_____ 5. Turukan ng tubig ang manok para bumigat bago ibenta sa pamilihan.

Pagsasanay 2

Panuto: Alamin ang mga kahulugan ng mga nasa kaliwang hanay upang
malaman ang kasingkahulugan nito. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

_______ 1. nakatuklas A. nagtatag ng kompanya


_______ 2. intensiyon B. ipagbili
_______ 3. ibenta C. pera
_______ 4. tagapamuno D. ninanais
_______ 5. kuntento E. nakaalam
_______ 6. kinikita F. wala nang mahihiling

Pagsasanay 3

Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang kahon kung ito ay tama at ekis naman ( × )
kung mali ang ipinapahayag sa pangungusap.

1. Ang isang entrepreneur ay nakapaghahatid ng makabagong


industriya at teknolohiya sa pamilihan.
2. Mahalaga sa isang entrepreneur ang manahimik na lamang at
walang pakialam sa negosyo.
3. Importante sa isang negosyante ang magpakilala ng bagong
produkto sa pamilihan.
4. Matatawag kang isang mahusay na entrepreneur kapag wala kang
kaalaman sa pamamalakad ng negosyo.
5. Ang entrepreneur ay isang indibidwal na nangangasiwa ng negosyo.
PAGLALAHAT

Alam mo ba na mahalaga ang pagiging entrepreneur sa pag-unlad ng


kabuhayan. Ngayong nalaman mo na ang kahalagahan ng pagiging isang
entrepreneur ibigay ang hinihingi ng nasa ibaba.
Magtala ng tatlong (3) kahalagan ng isang pagiging entrepreneur.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Sa panahon ng pandemic nararapat lamang na maging mapanuri at maging


matalino sa anumang pagpaplano ng negosyo upang hindi magkamali at
mauwi sa pagkalugi.

Isulat sa loob ng puso ang iyong tugon sa tanong:


• Ano sa mga kahalagahan ng entrepreneur ang maaari mong isabuhay?
• Paano mo gagamitin ang mga ito para sa iyong sariling kagalingan?

Ang kahalagahan ng isang entrepreneur na maisasabuhay ko


ay_________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________________________________________
____________________________________________
Gagamitin ko ito para sa aking sariling kagalingan sa
pamamagitan ng ____________________________________________

_____________________________________________________
__________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita na bubuo sa pangungusap.


Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Ang salitang entrepreneur ay galing sa salitang French na ________ na


ang ibig sabihin ay “isagawa”.
2. Nakikipagsapalaran, nangangasiwa at nagsasaayos ng negosyo ang
isang ________________.
3. _____________ pangkalusugan ang tawag sa nagsusuri sa mga pagkaing
ibinebenta sa pamilihan.
4. Ang mga entrepreneur ay makapaghahatid ng mga bagong
____________, industriya at produkto sa pamilihan
5. Ang bawat negosyante ay nararapat lamang na magbayad ng tamang
_________.

entrepreneur teknolohiya Inspektor


buwis entreprende isagawa
SUSI SA PAGWAWASTO

10.B
9. A
8. B
7. A
6. C 6. C
5. F 5. / 5. X 5. panadero 5. Buwis 5. A
4. A 4. x 4. / 4. Sorbetero 4. Kilo 4. B
3. B 3. / 3. X 3. magtataho 3. Inspektor 3. C
2. D 2. x 2. / 2. Tindero 2. Entrepreneur 2. B
1. E 1. / 1. / 1.modista 1. Entreprende 1. A
2 3 1 Pagsusulit Pagsusulit
sa Pagsasanay Sagot Balik-Aral Panapos na Paunang

Sanggunian
A. Aklat

1. Samadan , Eden F and et. ai, 2015: Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan, Batayang Aklat 4
Entrepreneur & ICT, Department of Education - Bureau of
Learning Resources (Deped-BLR) pp.2-8 (LM)
2. Samadan , Eden F and et. ai, 2015: Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan, Batayang Aklat 4
Entrepreneur & ICT, Department of Education - Bureau of
Learning Resources (Deped-BLR) pp.2-7 (TM)
3. MELC- 1.1 Entrepreneur at ICT 4

B. Online and Electronic Sources


1. https://www.google.com/search?q=image+clip
2. https://www.google.com/search?q=entrepreneur+clip
3. https://www.google.com/search?q=palengkeimage+clip
4. https://www.google.com/search?q=hanapbuhayimage+clip

You might also like