Professional Documents
Culture Documents
Ang Pamilyang Mahirap - Script
Ang Pamilyang Mahirap - Script
Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di nakapag- babayad.
Inay: Osig--
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos mo nang makapasok
ka na. Maaga pa naman.
...
Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan.. Naiwan ang
mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko? Bukas
na pala ang exam ni Kara.
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira na.
Kawawa naman ang bata.
Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman ito'y kinamusta
nya.
Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan nito ang leeg at
noo..
Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna sa
ngayon at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya--
Inay: Hindi.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng
pera.
Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang pagtatrabaho mo.
Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam. Tandaan mo, makararaos din
tayo.
Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya ang laging kumikilos
sa bahay nila. Nagtatrabaho sya bilang isang labandera. Ang itay naman, isa syang pulis. Mayron
silang tatlog anak, ang panganay na si Ivan, na nasa kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na
4th year student na. At ang grade 5 nilang anak na bunso. Mahirap ang buhay ngunit
pinagtyatyagaan na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang pera. Mahigit tatlog
buwan na silang di nakapag babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman sunud- sunod ang bayarin.
Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng mga anak ko.
Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Dayoff nila. Kaya ikaw
lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo mo.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po akong kung
maaari ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapag- bayad
lang ako sa amin.
Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.
Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka nang nagtatrabaho
dito. At malaki ang naitulong mo sa bahay pati sa pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang pabor.
Magkano ba talaga?
Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming kaibigan. Walang
niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay nila.
Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang namin sa
nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na buwan may
sweldo ka pa.
Pagbibiro nito.
Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming naging ganyan
kaya tumutulong ako.
Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.
Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak ko. Haha. Maiwan
na kita ha? Uuwi din kami dito mamayang hapon.
Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at nagkaroon sya ng Amo
na handang tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan sya sa bahay nito, nilinis nya ang bawat
sulok ng bahay. Naglaba, atbp. Hanggang sa dumating ang pamilya ng amo nito.
Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila. Dahil nandyan ka
naman.
Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na yun siguro.
Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?
Inay: Tama po kayo.
Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na kayo kanina bago sila
pumasok. Tila magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming inaatupag. At narinig nya raw po
ang napagusapan nyo ng asawa mo. Kaya naman nung uwian na po namin, niyaya namin syang
isabay pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.
Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Part-time Job daw po.
Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw na ito,
napakaraming nangyaring hindi inaasahan.
Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati ang Itay.
Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.
Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag babayad na rin tayo ng
mga bayarin natin!
Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati ang pangbayad sa tuition ni
Kara at sa bahay natin ay binigay nya.
Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara na't gutom na siguro
kayo.
Itay: Halina.
...
Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila. Si Itay, si Kara
at ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man at
inaantok na ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na pumasok sa gate nila.
Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot oh.
Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang pinahahalata. Kaso
kaninang umaga po, di na kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa kayo. Malala na ang
sakit nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan agad yan.
Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito. Kinaumagahan ay
isa nanamang panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay para sa ikinabuti ng
pamilya nila.