Professional Documents
Culture Documents
Ang Paglilitis Ni Mang Serapio
Ang Paglilitis Ni Mang Serapio
Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin ang isang paglilitis,
dahila’y ang krimen ng isang pulubing huling- huli namin. Si Mang Serapiong pisak at surutin. (Tatakbo
sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang
nasasakdal! Dalhin dito agad!
(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang bantay si Mang Serapio sa
gitna ng silid at iiwan doon. Katahimikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang
kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad
namin.
Unang Tagapagtanong: A, problema mo na ‘yon. (Sa mga manonood) Pag-aaruga ng bata ang krimen
niya. (Biglang titindig ang tatlong saksi)
Unang tagapagtanong: (Sa mga manonood) Krimen sapagkat ang pag-aaruga ng bata ay panunuksong
gumasta.Samakatuwid nawawalan ng pera ang federacion. Nahuli siya ng tatlong kasapi nitong
federacion. Narinig siyang nagsasalita sa anak niya at alam pa nila ang pangalan ng anak niya- Sol.
Pormalidad na lamang itong paglilitis.
Unang tagapagtanong: Ang parusa niya ay nais panoorin nitong mga pulubi. Siya’y bubulagin.
(Bubungisngis at tatawa ang mga pulubi) Ginoong Serapio, mabuti ba’ng tulog mo?
Serapio: Oho.
Serapio: Oho.
Unang tagapagtanong: Magaling! Handang-handa ka sa paglilitis mo. Ilang araw mo nan g suot ‘yang
kamisedentro mo?
Hukom: (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis! (Sa mga
manonood) Sa siyam na taon sa federaciong ito bilang hukom, wala pa akong nakikilalang
tagapagtanong na kasindaldal nitong dalawa. (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium)
Ituloy ang paglilitis?
Unang Tagapagtanong: Bueno! Ginoong Serapio, sabihin mo sa amin- (Babatuhin si Serapio ng ikalawang
tagapagtanong ng yeso o anumang maliit na bagay)
Serapio: Ho?
Ikalawang tagapagtanong: Serapio?
Serapio: Serapio.
Serapio: Classificacion?
Ikalawang Tagapagtanong: O tumutugtog ka ban g silindro o gitara, dram, o kahit na banda, o rondalla?
Unang Tagapagtanong: Kasama ng sayaw o kundi nama’y kanta nang madla’y maaliw at bigyan ka ng
kwarta?
Dalawang Tagapagtanong: ‘Yan ang uring aliwan.
Unang Tagapagtanong: Maaari naman ding nagkukunwari ka, ika’y ipinaglihi sa isang palaka.
Ikalawang Tagapagtanong: O kung hindi naman ika’y isang palso, ngunit isang palsong palsipikado.
Dalawang Tagapagtanong: Pakunwaring bingi, bulag, pilay, pipi, madla’y madaya man ikaw nama’y
yayaman. ‘yan ang uring pakunwari.
Dalawang Tagapagtanong: Talagang ganyan ang buhay ng nasa huling uri: ang uring karaniwan.
Hukom: Patibayan na ninyo ang krimen niya. (Biglang tindig ang tatlong saksi)
Tatlong Saksi: (Sa mga manonood) Patibayan na ang krimen niya. Patibayan na ang krimen niya.
Dalawang Tagapagtanong: Isang babaing bumahagi sa puso mo? (Sandaling tigil) Babaing nakasal sa
harap ng altar, sa opisina ng gatpuno, o iba pang lugar. (Katahimikan)
Dalawang Tagapagtanong: Asawa na ngayo’y nagsasaya sa bahay ng Diyos o bahay ng iba? (Katahimikan)
Unang Tagapagtanong: O ano? Malinaw na malinaw ang tanong ngayon. May asawa ka ba noon?
(Katahimikan) Ginoong Serapio, nakapagtataka ‘yang katahimikan mo.
Serapio: Oo.
Hukom: (Pupukpukin ng Hukom ang podium niya ng dalawang beses) Magaling! (Sa mga manonood)
Napakabilis ng aming mga paglilitis sapagkat lahat ng aming mga tagapagtanong ay matatalino at
magagaling.
Mga Pulubi: (Biglang titindig ang mga pulubi’t papalakpak) Magagaling! Magagaling! Magagaling!
(Yuyuko ang mga tagapagtanong)
Dalawang Tagapagtanong: Payat na payat, tuyung-tuyo pa. Walang alinlangang wala na siyang katas.
Dalawang Tagapagtanong: (Tatakbo ang dalawang tagapagtanong sa likod ng mesa) Ginoong Serapio!
Serapio: Oho.
Ikalawang Tagapagtanong: Umupo ka. Malalaman mo rin. (Aakayin siya ng bantay sa kanyang upuan.
Susulat ang Ikalawang tagapagtanong sa kwaderno.) (Sandaling tigil)
Serapio: (Sa mga manonood) Yaon din ang pangalan ng namatay niyang ina- Sol, Consuelo. Namatay ang
kanyang ina nang siya’y ipanganak. Ang aming unang anak at namatay pa ang ina, isang dalagang
tahimik na may ngiting nagmumungkahi ng simoy at tubig ng batis. Ang pagpanaw niya’y pagsapit ng
kalungkutan. Dalawang hiyaw ang tumaginting sa aming silid sa gabing yaon: ang aking hiyaw ng hapis
ng pagkamatay ni Sol, at ang hiyaw ng takot na naisilang na Sol, na naging larawan ng kanyang ina:
maputi, maitim ang mga mata, madalas na nakangiti, lundag nang lundag kapag inuwian mo ng kendi,
matamis, at laruan. Sana’y nakita ninyo siya. At ang kanyang halakhak, ang kanyang halakhak.-,Sol, Sol.
Ikalawang Tagapagtanong: Nais pang talunin ang radio. (May mga papel na ibinigay ang Unang
Tagapagtanong sa Hukom)
Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (pPapalakpak nang dalawang beses ang Ikalawang
Tagapagtanong)
Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya ‘yung “Sol” na ‘yun. (Ibibigay ng isang bantay
sa Ikalawang Tagapagtanongang isang kahon)
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga instrumentong ginagamit
namin sa pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang nagtatalumpati siya, maglalapg siya sa mesa ng martilyo,
pait, malaking gunting, tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon) Kahangahanga itong
federacion: ubod ng karunungan at pag-uunawa, sapagkat sa katotohanan ay pagkakawanggawa ang
mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya. (Maglalapag siya ng bareta sa mesa) ipalagay
nating bulag ang kriminal at nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi ba tataas pa ang kita niya kung
pilay rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang siya ang makikinabang. Ang federacion din, sapagkat tataas
ang kanyang abuloy sa federacion. ’Yan ang tinatawag kong maunawaing parusa: ang pinarurusahan at
nagpaparusa ay kapwa nakikinabang. (maglalabas siya ng icepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang
icepick.
Serapio: Ha?
Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang turukin.
Serapio: Pagbulag?
Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si Serpio)
Unang Tagapagtanong: ‘Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang Tagapagtanong ang
mga instrumento ng parusa, ang malaking aklat, at ang kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)
Serapio: Para sa ano?
Serapio: Krimen?
Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabay-sabay ang mga
sumusunod na talumpati)
Serapio: Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Nagsisinungaling kayo.
Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan n’yo ang ulo niya!
Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang nais mong malaman?
Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking aklat mula sa sahig)
Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang tagapagtanong sa
plataporma, bubuksan ng Unang Tagapagtanong ang malaking aklat, at hahanap ng pahinang mababasa
ang dalawang Tagapagtanong)
Dalawang Tagapagtanong:
Dalawang Tagapagtanong:
Serapio: Tatlong taon nang patay. Sinagasaan ng dyip. Patay na siya. Patay.
Unang Tagapagtanong: Tunay na malungkot ang iyong kuwento. Pinipiga mo ang aming puso.
Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi na nanubok sa’yo,
araw, gabi.
Unang Tagapagtanong: Dalawang linggo silang nagbantay.
Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan, ngunit kung ikaw ang
sinungaling – (Sa mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong saksi. (Titindig ang tatlong saksi)
Serapio: Buwaya!
Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng mga Bantay si Serapio at
hihilahin sa sulok ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar ng mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa
plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil) (Sa
Saksi) Ngayon, mga ginoo nitong marangal na federacion, sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita
kagabi.
Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa kilikili niya, at susulyap-
sulyap sa kana’t kaliwa, takot wari ko na makita siya.
Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kami’t narinig namin siya. Heto
na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.
Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.
Serapio: Si Sol, ang aking ‘”buhay” na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!
Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi) May isa ba sa inyong
nakakita sa “buhay” na anak ko? Wala!
Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa buong linggong nanubok
kami. (Bibigkasin nang sabayang sumusunod na talumpati. Lalapitan at kakausapin si Serapio isa-isa ang
mga manonood.) At kaya namin alam na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat -
Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!
Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras au naririnig namin siyang paulit-ulit na
nagsasabing, “Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula,” at inuulit niya ito gabi-
gabi.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang mga kasangkapan ko!
Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin n’yo siya rito! Dudustain pa ninyo ang alaala niya.
Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Serapio: Dalhin n’yo rito ang anak ko, kung buhay pa siya! At bulagin n’yo ako.
Unang Tagapagtanong: Kami’y nagpadala na, ginoo, kanina pa, ng dalawang kasapi nitong federacion sa
iyong barung-barong upang agawin ang anak mo sa karaniwang oras ng pag-uwi mo. Nakabalik na sila.
(Sa mga bantay) Nasaan sila? (Titindig ang dalawang Pilay)
Ikalawang Pilay: Itong baul ho, o. (Kakaladkarin nila ang baul sa hilagang gilid ng acting area.)
(Katahimikan)
Ikalawang Tagapagtanong: Nakakandado. (Sandaling tigil) Buksan ninyo ang baul. (Pupukpukin ng Pilay
ng martilyo nang dalawang beses ang kandado ng baul)
Serapio: Wala ‘yang laman! Wala ‘yang laman! Isang lumang baul na nakita ko lang sa basurahan.
Unang Tagapagtanong: Nagsisinungaling ka, Ginoong Serapio. Bagung-bago ang kandado. Wala ni isang
bakas ng kalawang. Ikaw ang nagkandado nitong baul.
Unang Tagapagtanong: Kung ganoon, Ginoong Serapio, hindi mo daramdamin ang pagbukas naming
rito. (Sa Pilay) Buksan ang baul. (Dalawang hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi!
Unang Tagapagtanong: Hala! Buksan mo! (Talong hampas ng martilyo)
Serapio: Huwag!
Unang Tagapagtanong: titignan natin. Ituloy ang pagbukas. (Apat na hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi n’yo dapat pakialaman ’yan! Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Unang Tagapagtanong: Sasabihin ko sa’yo kung ano ang malalahad pagbukas namin nito! Katibayan ng
krimen mo!
Serapio: Wala kayong matutuklasan diyan. (Uulitin niya ang linyang ito habangnagsasalita ang unamg
Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ano ang tinatago mo riyan? Ang mga damit ng anak mo? Ang mga laruan
niya? Ituloy ang pagbukas! (Patuloy ang mga hampas ng martilyo habang nagsasalita ang Unang
Tagapatanong at si Serapio)
Serapio: Huwag!
Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko kayo sa pulis!
Ibubunyag ko kayo at ang inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong pandaraya sa madla! Ibubunyag ko
ang inyong pagmamalupit sa aming lahat; ibubunyag ko ang inyong sadyang pagpapabaya sa mga
matatandang kasapi! Ibubunyag ko itong federacion sa pulis! (Katahimikan)
Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong sa’yo, Ginoong Serpio,
wala! (Kakaladkarin si Serapio ng mga Bantay sa patimog-silangang sulok ng acting area. Lumupagi si
Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw mo’y di maririnig;
ang bawat kilos mo’y mabibigo, walang papansin sa’yo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa,
matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga pulubi) Tandaan
ninyo ‘yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang
perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung
kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y nakakalakad, babasagin
naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyo’y
isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang
kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag sumali ka sa federciong ito. Buksan ang
baul!
(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng mga hampas ng
martilyo ang karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).
Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan. Balewala sa inyo ang
laman niyan. (sandaling tigil) Hindi naman ninyo mauunawaan. Hindi naman ninyo mauunawaan. Kung
tangkain kong magpaliwanag, kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit, hindi naman ninyo
mauunawaan. Pagtatawanan lamang ninyo ako. Anong masasabi ko sa inyo? (Sandaling tigil) Nabubulok
na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat, nabubulok na buto. (Masisira
ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang Tagapagtanong sa baul. Titindig ang ilang Pulubi.
Itataas ng unang tagapagtanong ang isang manika.)
(Patuloy ang tawanan ng mga pulubi habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng tanawin ang mga
linya ni Serapio.)
Serapio: Sol! Sol! Anak. Anak. Sol. Anak. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Sol. Sol. Anak. Ang bituin.
Ang hangin. Sol. Ang langit. Hangin. Sol ko. Anak. Diwa. Imahen. Kristal at buhay. Buhay. Buhay. Sol.
Anak ko. (Hihina ang tawanan ng mga Pulubi. Titigan ng buong korte si Serapio.) Larawan ni Consuelo.
Sol na anak ni Sol. Sol. Kristal at diwa. (Tahimik ang buong korte.) Diwa. Diwa. Ang buwan. Ang bituin.
Ang langit. Ang hangin. Ang sinag. (Mapapansin ng Unang Tagapagtanong ang mga mukha ng mga
Pulubi.) Ang araw. Sol! Ang araw! Sol! Ang araw! Son na anak ni Sol! Consuelo. Anh jangin…ang
araw…sol(Aagawin ng unang tagapagtanong ang manika.)
Ikalawang Tagapagtanong: (Matinis) Tatay ka ng trapo? (Tatawa ng malakas ang mga Pulubi. Matinis ang
tawanan nila.)
Serapio: Ang anak ko ay maganda! At buhay. Buhay. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng araw.
Unang Tagpagtanong: Kapok! (Hahagutin niya ang manika; katahimikan; Biglang lulundag si Serapio sa
Tagapagtanong.)
Serapio: Bitiwan mo siya! (Tatakbo ang TAGAPAGTANONG sa kanyang mesa’t ihahagis ang manika sa
mga Pulubi.)
Unang Tagapagtanong: Kunin mo siya! (Sisigaw ang mga Pulubi’t sasaluhin ang manika sa iba’t ibang
sulok ng silid habang nagsisigaw at nagsisitawiran. Hahabulin naman ni Serapio ang manika. Mahahagis
ang manika sa sahig, ngunit bago mapulot ni Serapio ang manika, sisigaw ang Unang Tagapagtanong.)
Bulagin natin siya! Bulagin! (Uulitin ng mga Pulubi ang sigaw…Kakaladkarin nila si Serapio sa plataporma.
Lahat sila’y nagsisigaw at nagtatawanan. Biglang maririnig ng mga manonood ang hiyaw ng binulag na
Serapio. Biglang tatahimik ang mga Pulubi’t lalayo kay Serapio. Babangon si Serapio.Duguan ang
kanyang mukha. Duguan din ang mga kamay ng ilang mga Pulubi; gayundin ang kanilang mga damit.
Walang-imik ang mga Pulubi’t si Serapio. Susuray-suray na lalakad si Serapio. Mararapa siya’t gagapang.
Aapuhapin niya ang manika. Biglang lalabas ang mga Pulubi maliban sa tatlo. Papalibutan nila si Serapio
kasama ng mga tagapagtanong. Mahihipo ni Serapio ang manika, ngunit bago niya makuha ito, sisipain
ng isang pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio. Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa. Biglang
titigil ang mga Pulubi’t Tagapagtanong. Lalabas ang mga Pulubi. Aakapin ni Serapio ang manika. Wala
siyang imik.)
Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas ng silid. Aayusin ng
mga Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)
Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong; Katahmikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo kung bakit kami
napilitang parusahan si G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga kasaping magkaroon ng mga haraya, ng
mga pangarap, na di naman matutupad at dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niya’y
nakasisira sa mga kasapi nitong federacion. Tinutulungan lang naming sila nang parusahan namin si G.
Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano mang federacion ay
nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira nitong kaayusan ay mapanganib. Ang ginawa
ni Mang Serapio’y salungat sa aming mga batas. Ang ginawa niya’y pulos malisya. Ipinagtanggol lang
naming ang aming kapwa tao. Ito’y dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na maunawaan.
(Katahimikan.)
Alam niyo, nagkamali si G. Serapio nang sinabi niyang kami’y sadyang pabaya sa mga matatandang
kasapi. Ang mga matatandang kasapi, ang mga matatandang pulubi, ang siya mismong ayaw mabuhay.
Pilitin mo man sila, ayaw nilang kumain, umiinom lang ng kaunting tubig araw-araw, sapagkat wala
silang makita kundi karimlan sa langit at hinihintay na lang nila ang pagdapo ni Kamatayan sa kanilang
durungawan. (Sandaling tigil.)
Bali-bali na an gaming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang napakataas na pader na
kongkreto. Marahil ay ibinitin na nga ni Mang Serapio sa harap naming ang susi sa aming piitan, ngunit
napakahirap hiwain ang sarili’t ilahad ang pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang nasang
lumipad at hanapin ang sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit na diwa’y mahinang wumawagayway
lamang. (Lalabas siya.)