You are on page 1of 7

MAYNILA

Bienvenido A. Ramos

Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa


Ay nanakluhod sa iyong eskolta;
Kayrikit ng ilaw
Sa iyong libingan
Ng mga bulaklak na nangakatawa
Habang nilalagas ng hayok na pita!

Ang nagmamadaling sala mong maharot


Ay dumadapurak sa banal na loob;
Sa iyong simbahan
Buwitreng naglisaw
Ang abalang nasang kahit nakaluhod
Ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos!

Nagpapaubaya ang kandungang-lagim


Sa kawalang-muwang na nangaglalasing;
Ang iyong pagtawa
Isang libo’t isang hiwaga sa dilim
Ang isinisilang at inililibing!
Nag-aanyaya kang bagong paraiso,
May ngiting salubong sa singki at dayo;
Kung mayakap ka na
Saka mapupuna
Na ang kariktan mong akala’y kung sino
May ikinukubling maruming estero.
Isang Tula sa Bayan
ni Marcelo H. del Pilar

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,


pawang nalilimbag ang lalong dakila;
narito rin naman ang masamang gawa
na ikaaamis ng puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,


halaman at bundok, yaman at bukirin;
na pawang naghandog ng galak sa akin,
ay inaruga mo, bayang ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa,


ang pagdaralitang iyong binabata;
luha’y ikinubli nang di mabalisa,
ang inaandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayong lumaki nang loobin ng langit,


maanyong bahagya yaring pag-ibig
magagandang nasa’y tinipon sa dibdib
pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap


ang pagkafusta mo’t naamis na palad;
sa kaalipinan mo’y wala nang mahabag,
gayong kay raming pinagpalang anak!
Sa agos ng iyong dugo ipinawis,
marami ang dukhang agad nagsikinis,
samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na’t putos ng gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang


ng Diyos na lalong makapangyarihan
na siya na dapat na magbigay-dangal,
bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at mapupurihan,


Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno’y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala


Ng nangagpupuno sa ami’y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo’t kolera,
Lindol, beriberi’t madla pang balisa.
a. Persona: Marcelo H. del Pilar
b. Adressee: Mambabasa
c. Saknong: Siyam (9)
d. Sukat: Walang Sukat
e. Tugma: May tugma: ganap at di-ganap, una at ikalawang lipon
I {a} – ganap
II {n,w} – di ganap, ikalawang lipon
III {a} – ganap
IV {t,g,b} – di ganap, unang lipon
di ganap, ikalawang lipon
V {p,d,g,k} – di ganap, unang lipon
di ganap, ikalawang lipon
VI {s, g, t} – di ganap, unang lipon
di ganap, ikalawang lipon
VII {g, n, l, y} - di ganap, unang lipon
VIII {n,w} – di ganap, ikalawang lipon
IX {a} – ganap
f. Tono: Kalmado
g. Mood:
h. Tayutay: Walang Tayutay
i. Uri ng Tula: May tugma, walang sukat
j. Kariktan: Walang Kariktan
I. VI.
-------------------- 12 a ---------------- 12 s
-------------------- 12 a ----------------- 12 s
--------------------- 12 a ------------------ 12 g
--------------------- 12 a ------------------- 12 t
II. VII.
--------------------- 12 n ------------------- 12 g
--------------------- 12 n ------------------- 11 n
--------------------- 12 n -------------------- 11 l
---------------------- 12 w -------------------- 11 y
III. VIII.
--------------------- 12 a ------------------- 12 n
--------------------- 12 a ------------------- 12 n
---------------------- 12 a ------------------- 11 w
----------------------- 13 a ------------------ 12 n
IV. IX.
----------------------- 12 t ------------------ 11 a
----------------------- 12 g ------------------- 12 a
------------------------ 12 b ------------------- 11 a
------------------------- 12 g ------------------- 13 a
V.
----------------------- 12 p
----------------------- 12 d
----------------------- 13 g
------------------------ 11 k
FILIPINO
PERFORMANCE
TASK

Ipinasa kay: Mainlyn Son

Ipinasa nina:
Aliyah Lou C. Pielago
Angel Mae D. Piadoche

You might also like