You are on page 1of 3

Biag ni Lam-ang Rehiyon I

Biag Ni Lam-Ang (Buod)

Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga Igorot ang tribo ni Don Juan na naging
sanhi ng pagkamatay ng kanyang pangkat.

Dahil dito ay dumayo si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang ipaghiganti ang kaniyang tribo.

Gayunman, hindi na nakabalik pa sa kailang lambak si Don Juan. Naisilang naman ang anak nilang si Lam-
ang na mayroong pambihirang kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang lakas.

Nalaman ni Lam-ang nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya maipaghiganti ito. Tutol man ang
kaniyang inang si Namongan ay hindi naman siya napigilan. Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at
nakita ang amang nakapiit.

Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad sa kaniyang ama. Ngunit
sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa.

Pinaulanan siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang sibat at dito ay
nalupig ang puwersa ng mga Igorot.

Umuwi si Lam-ang sa kanilang lambak at nagpahinga. Sinuyo niya rin ang isang dalagang si Ines
Kannoyan. Nagpaalam siya sa mga magulang nito na agad namang pumayag.

Kanailangan lamang niyang magdala ng panhik o alay na kapantay ng kayamanan ni Ines. Hindi sila
binigo nito at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto. At naikasal ang dalawa.

ARAL
Bago tayo magdesisyon sa ating buhay, nararapat lamang na pahupain muna natin ang mga galit at poot
na ating nararamdaman. Sabi nga nila, huwag mag- desisyon kapag ikaw ay galit at huwag mangako
kapag ikaw ay masaya.

REHIYON II

GAMUGAMO SA LAMPARA

May isang lamparo at mag-inang gamu-gamo. Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na
huwag lumapit sa apoy ng lampara dahil masusunog siya.

Subalit, sinaway ng anak na gamu-gamo ang utos ng kanyang ina. Lumipad siya patungo sa apoy at
naglaro siya malapit sa apoy.

Hindi niya namalayan na hinagip siya ng apoy. Nasunog ang anak na gamu-gamo at namatay. Sana kung
nakinig siya sa utos ng ina ay hindi pa siya napahamak.

ARAL

Ito rin ay nagbibigay rin ng mensahe na ang anak ay dapat sundin ang kanilang mga magulang kapag ito
ay para sa ikabubuti nila.

REHIYON VI

Hinilawod(Epiko ng Panay)

Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa. Una niyang nakuha si


Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon.

Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa ni


Saragnayan, tagapag-alaga ng araw.
Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng maraming
taon.

Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng bahay niya.

Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu Mangga at
Buyung Baranugan.

Hinanap ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang
lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kaya napatay ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling.

Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat.

Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob ng
lambat ngunit halos bingi at lubhang matatakutin.

Gayunman, pinagtulungan siyang gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon pagkatapos
mangako na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling.

Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon at Dumalapdap na nakuha din ng kani-
kanilang asawa.

Manik Buangsi-Virgilio S. Almario Rehiyon IX

itinuturo rito ang pagiging : MABUTI, MAKATARUNGAN, MAPAGKUMBABA....

You might also like