You are on page 1of 20

Magandang

Araw
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA'T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
GROUP-2
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang iba't ibang paraan sa pagpili ng mainam na paksang
dapat saliksikin:
• Paraan ng pagpili ng paksa
• Katangian ng isang mabuting paksa

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto kaugnay ng pagpili sa


epektibong paksa sa pananaliksik

3. Naipapahayag ang mga tiyak na hakbang sa pagbuo ng epektibong


paksa at layunin sa pamamagitan ng pangkatang palihan
Aralin - 12
INTRODUKSYON
AT PAGLALAHAD
NG SULIRANIN
Kaligiran ng
Pag-aaral
- Sa bahaging ito ay tinatalakay ang
pangangailangan sa pagsasagawa ng
Pag-aaral at dahil ang pananaliksik ay
isang proseso, unti-unti iyong
tumutungo sa talagang layunin nito.
Pagpili ng paksa
- Ang paksa ang pangunahing ideya na
nagbibigay daan sa takbo ng isinasagawang
pananaliksik kaya't napaka halaga ang pumili
ng paksa.
- Tandaan ang paksang pipiliin ay magiging
sentro ng saliksik.
Mahahalagang
Punto sa
Pagpili ng
Paksa
1. Kahalagahan at
kabuluhan ng paksa
- Ikaw ay gugugol ng panahon upang magsaliksik
tungkol sa paksa, kailangang malinaw ang iyong
layunin. Sa ganitong paraan, walang masasayang
na oras at magiging kapaki-pakinabang ang
naturang pananaliksik.
2. Interes sa paksa
- Mainam kung ang paksang pipiliin ay iyong
interes. Mas magiging kasiya-siya ang iyong
pananaliksik dahil ito ang nais mo pang
matutuhan at matuklasan.
3. May sapat na
impormasyon
- May mga paksang nagawan na ng maraming
pag-aaral, ang mga ito ay bukas pa rin sa
masusing pananaliksik. Alamin din kung saan
makukuha ang mga impormasyong kailangan.
4. Haba ng nakalaang panahon
para isagawa ang pananaliksik

- Depende sa paksang pipiliin ang


kailanganing panahon para sa iyong
pananaliksik.
5. Kinakailangang
gastusin
- Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa,
isipin din ang mga praktikal na aspeto
gaya ng iyong gagastusin.
Upang maiwasang maging masaklaw ang pag-
aaral, bigyang-pansin ang paglilimita sa mga
sumusunod:
1. Panahong pasaklaw
2. Gulang ng mga kasangkot
3. Kasarian ng mga kasama
4. Lugar na kasangkot
5. Pangkat Ng taong kinabibilangan
6. Haba at kalidad ng teksto o naratibong nakalap
7. kombinasyon ng iba pang batayan
Bernales (2009)
- Ang pamagat ng pananaliksik ay
kailangang maging malinaw at hindi
matalinghaga, hindi maligoy, at tiyak.
Layunin ng Pag-aaral:
Pangkalahatan at Ispisipiko

- Sa pamamagitan nito natutukoy ng


mambabasa ang nilalandas ng pag-aaral at
nahuhulaan na ang maasahan mula rito.
Kahalagahan ng
pag-aaral
- Ang layunin nito ay ipaliwanag ang kahalagahan
ng pananaliksik upang madagdagan ang kaalaman
ng mga mambabasa sa paksa ng pananaliksik at
ipinapaliwanag kung bakit gustong tuklasin ng
mananaliksik ang isyu.
Sakop at Delimitasyon
- Nagbibigay linaw ang bahaging ito sa hangganan
ng pananaliksik. Nagtatakda rin ito ng parametro
ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagtiyak sa
kung ano-ano ang mga baryabol na sakop at hindi
sakop ng pag-aaral.
Depinisyon ng mga
Terminolohiya
- Makikita rito ang mga katawagan makailang ulit na
ginamit sa pananaliksik. Bawat isang katawagan dito ay
binigyang kahulugan ayon kung paano iyon ginamit sa
teksto o ang tinatawag na operasyunal na depinisyon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like