You are on page 1of 41

Batayang Kaalaman sa mga

Teorya sa Pananaliksik na
Akma o mula sa Lipunang
Pilipino
Mga
Diskuroso sa
Nasyonalismo
Ano nga ba ang
NASYONALISMO?
Ayon sa Philippine Cultural Education,
ang
nasyónalismo ay isang sistema ng
paniniwala o ideyolohiyang politikal ng
pagiging makabansa,
ng katapatan sa interes ng bansa, ng
identipikasyon nang may pagmamalaki sa
kultura at
tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating
matamo ang pambansang pagsulong.
Sa pananaw ni Rizal, ang
nasyonalismo ay
pagsasakripisyo para sa bayan.
Handang kalimutan ng isang
taong makabayan ang
kaniyang sarili para maisulong
ang kabutihan
ng kaniyang mga kababayan.
Higit sa lahat, gagawin niya ito
nang walang pag-aalinlangan
o “sin dudas, sin pesar
Ayon kay Smith,
Objective factors Subjective factors
mga tumutukoy sa mga
kahulugang kahulugang
nakatuon sa wika, nakasentro sa mga
relihiyon, asal, saloobin, pang-
teritoryo, at unawa, at
institusyon. sentimyento ng
mga mamamayan.
Premordialism (Perrenialism)
Ethnosymbolism

Modernism
➢ Ang mga pambansang watawat, pambansang
awit, at iba pang simbolo ng mga
pagkakakilanlang pambansa ay itinuturing na
mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.
➢ Sa aklat nina San Juan et al, (2019), nabanggit
na sa isang bansang dating kolonya gaya ng
Pilipinas, isa sa mga karaniwang lente ng
pagsipat sa mga pananaliksik ang mga diskurso
sa nasyonalismo.
Ano ang TEORYA?
Ano ang TEORYANG
DEPENDENSIYA?
❖ Ang Teoryang Dependensya na kilala rin sa tawag na Teoria
de la Independencia o Teorya ng Dependensiya at nakaugat
sa Amerika Latina. Ang paniniwala na ang pinagkukunang-
yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na
kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung
saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa.

❖ Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang


mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay
pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap
sa "pamamalakad ng mundo."
➢ Ang pagsasamantala ng
mga bansang
industriyalisado sa mga
bansang mahihirap ay sa
pamamagitan ng
neokolonyalismo sa
ekonomiya na nakaapekto
rin nang malaki sa
sistemang politikal at
kultural ng bansa.
Ibinubuod ng Pigura 5.2 ang konsepto ng
Teoryang Dependensiya sa konteksto ng
Pilipinas, batay sa artikulo ni San Juan (2014),
gayundin ang mungkahing paksa na maaaring
lapatan ng pagsusuring nasyonalista at Teoryang
Dependensiyan (San Juan et al., 2019)
Marxismo, Feminismo, Mga Tinig Mula sa
Ibaba, Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas, at
Kritikal na Diskurso sa Iba’t Ibang Isyu.
Ang Marxismo (Maranan, 2018) ay isang
metodo ng sosyo-ekonomikong
pagsusuri na kung saan ay tinitignan
ang ugnayan ng klase (class relations)
at tunggaliang panlipunan (class
conflict) gamit ang materyalistang
interpretasyon ng pag-unlad ng
kasaysayan (materialist interpretation
of historical development) at
ginagamitan din ng diyalektikal na
pananaw ng transpormasyong
panlipunan o social transformation.
Ang kaisipang ito ay pinukaw ng dalawang Alemang
pilosopi - sina Karl Marx at Friedrich Engels — noong
kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na
siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista
ay nakaimpluwensiya sa maraming ideyolohiyang
pulitikal sa kilusang panlipunan.
Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-
ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at
panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng
lipunan.
Ang Feminismo na maituturing na
malapit na malapit sa Marxismo ay
isa rin batayang teoretikal. Ang
pokus Feminismo ay nakatuon
naman sa pang-aapi o
pagsasamantala sa isang partikular
na kasarian (babae).
Ipinaliwanag sa sanaysay ni Taguiwalo
(2013) na may pamagat na ”Ang
Marxistang Lapit sa Isyu ng
Kababaihan” ang malinaw na
ugnayan ng Marxismo at
Feminismo.
Pantayong
Pananaw
Upang maiangkop ang teoryang ito sa isang
espisipiko o tiyak na pag-aaral, mainam na
himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng
mga salitang bumubuo sa konsepto ng
pantayong pananaw. Ang salitang “pantayo”
ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng
salitang ugat na “tayo” at unlaping “pan” na
ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin
– para sa amin.”
Ang pantayong pananaw ay isang
deskriptibong konsepto na tumutukoy sa
anumang kalipunan na nagtataglay ng
pinag-isa at panloob na artikulasyon ng
linggwistik-kultural na istruktura ng
komunikasyon at interaksyon ng
kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at
dahilan ng pananatili.
Ang pantayong pananaw (San Juan, et al.,
2019) ay isang konsepto at hinuha ng
multilinggwal na historyador na si Dr.
Zeus A. Salazar mula sa Unibersidad ng
Pilipinas na nag-aadhika ng isang
nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa
wikang pambansa para sa kasaysayan at
agham panlipunan.
Samantala, may tatlong mahahalagang
sangkap ang Pantayong Pananaw na
binanggit sa aklat ni Maranan (2018).
Ito’y ang:
1. Dulog etic at emic;
2. Pag-unawa at pagpapaliwanag; at
3. Suliranin ng ideolohiya.
❖ Dulog etic at emic
❖ Pag-unawa at Pagpapaliwanag
- ang higit na nakararaming
teksto na nakasulat ang
pagpapalitan ng berbal na
komunikasyon ay ginamitan ng
Filipino.
❖ Suliranin sa ideolohiya
- Ang wika ng tekstwal na
eksposisyon ay nakasulat din sa
wikang Filipino.
Pantawang
Pananaw
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kanya ni
Apples Jalandoni (2018) na higit sa kaligayahan ay
mayroong tatlong (f) na kayamanan ang lipunan: faith
(pananalig); family (pamilya); at friends (mga kaibigan).

Kaugnay ng kaligayahan ay ang konteksto ng pantawang


pananaw subalit upang magkaroon ng higit na
kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti kung
bibigyan ng paghimay ang dalawang salitang bumubuo
sa kontekstong ito, ang “pagtawa” at “pananaw.”
May limang elemento ang
pantawang pananaw. Ito ang:
(1) midyum,
(2) konteksto,
(3) kontent o anyo,
(4) aktor, at
(5) manonood.
Sikolohiyang
Pilipino
❖ Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang
pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral ng isip,
diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral
ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na
iyong nakaaapekto sa kilos.
❖ Ayon kay Enriquez (1994), ang Sikolohiyang
Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng etnisidad, lipunan, at kultura ng tao at
ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay ng
katutubong karunungan na nag-uugat sa
etnikong pamana at kamalayan ng mga tao.
❖ Ayon sa paliwanag nina Pe-Pua at Protacio-
Marcelino (2000), ang Sikolohiyang Pilipino ay
paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng
karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino at
pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip,
pagkilos, at pagpapakita ng damdaming
Pilipino, na sinasabing maaaring may kaibhan sa
pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng
damdamin ng iba pang mga mamamayan.
❖ Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez,
mayroong tatlong anyo ang
Sikolohiyang Pilipino : Sikolohiya sa
Pilipinas, Sikolohiya ng Pilipino, at
Sikolohiyang Pilipino.
❖ Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa
lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang
makikita sa Pilipinas, banyaga man o maka-
Pilipino.
❖ Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay
tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral,
pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na
may kinalaman sa mga Pilipino.
❖ Ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng
karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa
Pilipinas.
Bakod, Bukod,
Buklod
❖ Ang bakod ay isang patayong istruktura
na nakapaligid sa isang sukat ng lupa na
maaaring gawa sa bato, kahoy, tabla,
kawayan, halaman, o punong-kahoy.
❖ Ang ibig sabihin naman ng salitang
bukod ay tangi, tangi sa rito, nakahiwalay,
at hiwalay. Ang bukod ay maaari ding
mangahulugan ng layo o nakalayo, nag-
iisa, hindi kasama o tiwalag.
❖ Ang buklod naman ay bangkat,
balangkat, kalupkop, bigkis, tali, tangkas,
at bitling. Bilang patalinghaga, ang ibig
sabihin ng buklod ay alyansa o
pagkakaisa. Sa Ingles, ang salin ng
pagkakabuklod-buklod ay unification
bond.
❖ Maituturing naman na sangandaan ng
ilang konseptong Marxista at ng mga
konseptong sariling atin ang
pagdadalumat ni Elizabeth Morales-
Nuncio (2012) sa konseptong
Bakod/Bukod/Buklod sa aklat na Ang
Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod, at
Buklod bilang Espasyo at Biswal mula
Tabuan Hanggang SM City North EDSA.
❖ Batay sa aklat na ito, ang mga mall ay pisikal
na nakahiwalay (may bakod) sa iba pang
lugar, at may figurative din na bakod – ang
paghihiwalay sa may kakayahang mag-mall
at sa walang pambili ng mga produkto rito,
kaya nagbubukod din ang mall:
nagbubukod-bukod sa iba’t ibang uring
panlipunan depende sa mall at sa tindahan
sa loob ng mall mismo.
Salamat sa Pakikinig
Do you have any questions?

alyssamae.macatangay@g.batstate-u.edu.ph
0999-515-4304

CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo,


including icons by Flaticon, and infographics & images by Freepik.

You might also like