Professional Documents
Culture Documents
iii. Make a Goal Setting Plan (Short Term Only) based on what you learned from
Locke’s goal setting theory.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ito ang una kong pagpasok sa kolehiyo
kundi pang-apat at panghuli. Maaaring sa pananaw ng iba parang winawaldas ko lamang
ang pera ng aking mga magulang pero may mas malalim pang rason kung bakit nangyari
iyon. Parang pumunta ako sa giyera na walang kaalam-alam sa kalaban, bala at armas.
Hindi ako naging handa sa aking pagpasok sa kolehiyo. Hindi ko alam kung anong kurso
ang kukunin ko tanging magulang ko lang ang nag dedesisyon kung ano kukunin ko at
sasangayunan ko lang ito. Tatlong beses itong naulit sa loob ng apat na taon. Kaya
tumigil muna ako pansamantala upang maiayos ko ang aking pagiisip patungkol sa aking
pangarap. Isipin mabuti kagustuhan na nasa aking puso’t isip.
Akala ko noong una hanggang doon nalang ako. Akala ko noong una hindi
na ulit ako makakakuha ng pagkakataon. Akala ko noong una wala akong pangarap.
Akala ko noong una wala akong patutunguhan. Akala ko huli na ako. Lahat pala ng iyon
akala ko lang. Magkakatotoo lang ang akala mo kapag walang kang ginawa para baguhin
ito. Noon, nasasaisip ko lang pala ang mga negatibo at takot. Kailangan pala muna may
magpa-realize sa akin para malaman ko ang kagustuhan ko at harapin ang mga nasa sa
isip ko. May sarili pala tayong mga timeline sa buhay. Sa mga ka-batch ko, iyon ang
timeline nila at sa akin naman ay ito. Sila man ay nauna pero hindi ibig sabihin sa akin
nito ako ay huli na.