You are on page 1of 4

Division of Masbate

Cataingan West District


Abaca Elementary School

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EPP IV

Pangalan____________________________ Iskor_____________ Petsa:_________________


I. Basahin ang mga pangungusap.Isulat ang titik T kung tama at titik M kung Mali.Isulat ang
sagot sa patlang.
____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga mamimili.
____2. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang oras.
____3. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
____4. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga
ICT equipment at gadgets.
____5.Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
____6.Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa loob ng
computer.
____7. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito.
____8. Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag-uugnay ng hypertexts o image links.
____9. Ang world Wide Web ang pinakapayak at pinakamaliit na yunit ng web pages.
____10. Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang mabilis na
masuri at masala ang mga kailangang impormasyon.

II. Bilugan ang titik ng wastong sagot .


11. Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong-barong, sa pamumuno ni _____.
a. Henry Sy c. Socorro Ramos
b. Andrew Tan d. Lucio Tan
12. Ang namamahala sa pinakamalaking kompanya sa konstruksiyon sa bansa na gumagawa ng
mga produktong kongkreto at mga gawaing elektrikal. Ang DMCI Holdings Inc. ay abala rin sa
paggawa ng mga konstruksiyon, pangangasiwa at pamumuhunan ng mga power plant.
a. David Consunji c. Tony Tan Cakitong
b. Alfredo Yao d. Manny Villar
13. Sinasabing isa sa mga matagumpay na negosyante sa Pilipinas. Siya ang nagmamay-ari ng
Hapee toothpaste. Ang kaniyang pagiging malikhain sa paggawa ng panlinis ng ngipin ang naging
susi sa kaniyang pagiging maunlad.
a. Manny Villar c. Cecilio Pedro
b. Tony Tan Cakitong d. Socorro Ramos
14. Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na entreprende na nangangahulugang
______.
a. isabuhay c. isaulo
b. isagawa d. isapuso
15. Ang ____ ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang
negosyo.
a. entrepreneurship b. entrepreneur c.elektrisyan
16. Pagpasok sa computer laboratory , ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom
17. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message” , ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider
18. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-
ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.
19.Ito ay idinisenyo upang makasira ng computer. Maaaring illegal na makuha ang sensitibong
impormasyon mula sa computer.
a. malware o malicious software b. spyware c. adware
20. Isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong aplikasyon o iba pang
programa ng computer. Itoy kusang umuulit at nagpaparami ng sarili.
a. malware b. computer virus c. spyware
21. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer files at datos para
madali itong mahanap at ma-access.
a. Filename b. computer File System c. File format d. Soft copy
22. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application
software.
a. Soft copy b. folder c. device d. Hard Copy
23. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na naka-save sa file system.
a. Filename b. File location c. Device d. Directory
24. Ito ang proseso ng pagkuha ng isang electronic file gaya ng text, image, music, o video file mula
sa web server.
a. upload b. download c. click d. double –click
25. Mahalagang software ito kung nais mag-download ng video na nasa You Tube.
a. You Tube Downloader c. Video Downloader
b. Your Music channel d. You Tube Channel
26. Ito ang tawag sa paggamit at pag-angkin sa akda ng iba nang hindi nagpapaalam sa orihinal na
awtor o hindi kinikilala ang tunay na may-akda.
a. Theft b. Plagiarism c. Trespassing d. Deception
27. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerical at tekstuwal na datos na nakaayos sa
pamamagitan ng rows at columns.
a. Table b. Tsart c. Dokumento d. Spreadsheet
28. Ito ay biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon na gumagamit ng mga imahe at
simbolo upang mas maging madali ang pagsusuri ng mga datos.
a. Table b. Tsart c. Dokumento d. Spreadsheet
29. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, pag-eedit, at
pag-iimbak ng mga electronic file sa computer file system.
a. Desktop publishing application
b. Electronic spreadsheet application
c. Word processing application
d.Graphic designing application
30. Tumutukoy ito sa uri ng computer file.
a. Filename b. File extension c. File location d. File lost

III.Paghambingin ang Hanay A at B. Pagtapatin ang magkatugmang ideya o ang tinutukoy ng nasa
Hanay A.

HANAY A HANAY B
31. Vulcanizing Shop a. Pinakaunang kompanya ng eroplano
32. School Bus Services b. Pinakamalaking korporasyon ng pagkain
33. Electronic device na ginagamit upang c. nangunguna sa pagtayo ng aklatan
mas mabilis na makapagproseso ng datos
o impormasyon
34. Isang malawak na ugnayan ng mga computer d. Pinakanangungunang bangko sa bansa
network na maaaring gamitin ng publiko
sa buong mundo
35.Tumutukoy sa ibat ibang uri ng teknolohiya, e. nangunguna sa konstruksiyon at power
gaya ng radio, telebisyon, telepono, plant
smartphones, computer, at internet
36. Danding Cojuangco f. internet
37. Socorro Ramos g. computer
38. Lucio Tan h. Pag-aayos ng gulong
39. Henry Sy i. pagsundo at paghatid ng mga bata sa
40. David Consunji eskuwelahan
j. ICT

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I

Division of Masbate
Cataingan West District
ABACA ELEMENTARY SCHOOL

Talaan ng Espesipikasyon
Unang Markahang Pagsusulit
EPP IV

Area of Content/ Objectives(Layunin) No.of Item


Items Placement
Bilang Aytem
Nasasabi at natutukoy ang salitang may personal touch 3 1-3

Nabibigyang –kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito 3 4-5,16

Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at virus 2 6-7

Natutukoy ang mga katangian ng isang kapaki-pakinabang na website 2 8-9

Naipapaliwanag ang proseso ng pag-sort at pag-filter ng impormasyon 1 10

Nakikilala ang matatagumpay na entrepreneur sa bansa 8 11-13,36-


40
Nabibigyang kahulugan ang kontekstong entrepreneurship 2 14-15

Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at email 3 16-18

Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at virus 2 19-20

Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file system 4 21-23,30

Naipaliliwanag ang proseso ng pag-download ng files mula sa internet 3 24-26

Nabibigyang –halaga ang mga table at tsart para sa mas epektibong pagsasaayos ng datos at 3 27-29
impormasyon
Naiisa-isa ang uri ng negosyo 2 31-32

Naipapaliliwanag ang kaalaman tungkol sa computer, internet, at ICT 3 33-35

Total/Kabuuan 40 40

Inihanda ni: Iniwasto ni : Inaprubahan ni:

JERJINA G. SENOC ESTRELLA S. BRIOSO RAMIL P. DELOS SANTOS


Guro Q & E Member Head Teacher -I

You might also like