You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES


University Town, Catarman Northern Samar
Web: http://uep.edu.ph; Email: uepnsofficial@gmail.com

Sining ng
Pagpapahayag
(Retorika)

Talambuhay, Paglalarawan, at
Pagsusuri

Inihanda ni:

CALAPANO, ALEX JR. R.

Ipinasa Kay:

G. LEONELA LONGCOP, PhD


Propesor sa Asignatura

S.Y. 2022-2023
TALAMBUHAY
Paglalarawan sa mga Pangyayari

Ang aking karanasan noong ako’y nakulong sa loob ng palikuran ng aming


tinutuloyan.

Para akong sinasakal o nalulunod sa loob ng masikip na silid na iyon.


Sa una ay ako ay nataranta at ang tibok ng aking puso sobrang bilis
Pinilit na linibang ang sarili upang Ako ay makapag isip.

Ang bawat sulok ay abot lang ng aking maiikling kamay.


Dinig ang ingay sa labas, malalakas na hakbang ng mga dumadaan.
Hindi ko nagawang mag ingay, sapagkat ako’y naunahan ng hiya.
Hinintay na dumating ang malamig na gabi,
Sapagkat alam kong may magbubukas na ng pinto para sa akin
Sa mga Oras na iyon.

Ako’y ay taimtim na naghintay, at kalmadong nag-iisip.


Ako ay umawit, nag ihersisyo, at parang parang batang naglaro ng tubig.
Ginawa ko ang lahat upang hindi ako maluto sa yaong masikip na silid.
Sa tamang oras nga’y dumating ang taong nagbukas para sa akin.
Ako ay nakalaya, nasilayan ang malawak at maliwanag na mundo
Sa labas ng munting silid na yaon.

You might also like