You are on page 1of 24

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay

Pagpapalalim ng Gawain
Sa presentasyong ito’y masusubukan nating bumuo ng
sariling lakbay-sanaysay o pictorial essay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 2
Ang paglalakbay ay
laging
kinapapalooban ng
mayayamang
karanasan.
Mahalagang matutuhan ng taong
nagsasagawa ng paglalakbay, lalo na kung
ito ay nagtataglat ng mayamang kaalaman
at karanasan, na maitala o maisulat ang
karanasan upang ito ay manatili at
mapakinabangan ng mga taong
makababasa.
1
Ang Lakbay-Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
• Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay or
travelogue.
• Ito ay isang uri ng lathalaing pangunahing layunin ay maitala ang
mga naging karanasan sa paglalakbay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 5
Lakbay-Sanaysay
• Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanaylakbay
kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:
sanaysay, sanay, at lakbay.
• Naniniwala din siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat
ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglakbay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 6
2
Mga Dahilan ng
Pagsulat
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa
kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing
dahilan ng pagsusulat ng
lakbay-sanaysay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat

Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga


posibleng manlalakbay
Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili
Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya
ng lugar sa malikhaing pamamaraan

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 9
3
Mga Dapat Tandaan
sa Pagsulat
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ikaanim na Paalala Ikalimang Paalala

Gamitin ang kasanayan sa Ilahad ang mga realisasyon sa


pagsulat ng sanaysay. ginawang paglalakbay.

Ikaapat na Paalala Ikatlong Paalala


Magtala ng mahahalagang detalye Tukuyin ang pokus ng susulating
at kumuha ng mga larawan. lakbay-sanaysay.

Ikalawang Paalala Unang Paalala


Sumulat sa unang panauhang Magkaroon ng kaisipang
punto de-bista. manlalakbay sa halip na isang
turista.
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 11
Pangkalahatan
• Maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon.
• Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan, at
maging kondisyon ng lugar na pinuntahan.
• Maaaring ipakita ang mga ito sa tulong ng photo essay.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 12
4
Pictorial Essay
Ang Pictorial
Essay •Isang sulatin kung saan higit
nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat
•May pagkakataong nakaugnay ito sa
lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan
ng lakbay-sanaysay ay may
kasamang larawan
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pictorial Essay
Mga Dapat
•Ang paglalagay ng larawan ay dapat
Tandaan sa na isinaaayos o pinag-isipang mabuti
Pagsulat ng sapagkat ito ang magpapakita ng
Pictorial Essay kabuoan ng kuwento o kaisipang nais
ipahayag.
•Ang mga nakatalang sulat o katitikan
sa bawat larawan ay suporta lamang
sa mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o
napakaikli.
•May isang paksang nais bigyang-diin sa
Mga Dapat mga larawan kaya’t hindi maaaring
Tandaan sa maglagay ng mga larawang may ibang
Pagsulat ng kaisipan o lihis sa paksang nais
Pictorial Essay bigyang-diin.
•Isipin ang mga naonood o titingin ng
iyong photo essay kung ito ba ay mga
bata, kabataan, propesyonal, o masa
upang maibatay sa kanilang kaisipan o
interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin
sa pagsulat ng mga caption.
Halimbawa ng Pictorial
Essay
Alas singko palang ng umaga ay nagtungo na ako sa Angkor
Wat. Tama nga ang mga nagsabing ang templong ito ay isa
sa pinakam-agandang lugar upang panoorin ang
kahanga-hangang pagsikat
ng haring-araw.
Ang Angkor Wat ay isang tanyag na UNESCO World Heritage
Site. Ito rin ang pangunahing destinasyon ng mga turista sa
Cambodia.
May mga mongheng makikita sa ibat't-ibang baghagi ng
Angkor.
Karamihan sa mga turista ay humihingi ng bendisyon mula sa
kanila.
Detalyadong dekorasyon na nakaukit sa malarosas na bato
ang
katangiang naghihiwalay sa templo Bataey Srei mula sa iba
pang
templo ng Angkor.
Mababait at masayahin ang mga taga-Cambodian. Sila ay
may
payak na pamumuhay at paging handang tumulong sa mga
turista.
Salamat sa pakikinig!

You might also like