You are on page 1of 23

1

Tentative date & day December 11, 2023


Face to Face
of demo teaching Monday

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 5

Ikalawang Markahan

Banaag, Jacqueline S.

Silvan, Cassille Joy A.

Pamantayang Natututuhan ng mag-aaral ang pagunawa sa pagtangkilik ng


Pangnilalaman pamilya sa mga lokal na produkto.

Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga sariling paraan ng pagtangkilik


Pagganap ng pamilya sa mga lokal na produkto bilang tanda ng nasyonalismo.

● Naisasabuhay ang nasyonalismo sa pamamagitan ng


pagpapalaganap ng kalidad ng mga lokal na produkto upang
tangkilikin ang mga ito ng mga mamamayan

a. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtangkilik ng pamilya sa


mga lokal na produkto
Kasanayang
b. Naipaliliwanag na ang pagtangkilik ng pamilya sa mga
Pampagkatuto
lokal na produkto ay mahalagang kontribusyon sa
pagtataguyod ng mga gawang Pilipino at sumasalamin sa
pakikiisa sa kulturang nagbibigkis sa mamamayan
c. Nailalapat ang sariling mga paraan ng pagtangkilik ng
pamilya sa mga lokal na produkto

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Mga Layunin
DLC No. & Statement: a. Pangkabatiran:
2

a. Naiisa-isa ang mga Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtangkilik ng pamilya sa mga lokal
paraan ng pagtangkilik
ng pamilya sa mga na produkto;
lokal na produkto

b. Naipaliliwanag na ang b. Pandamdamin: (Nasyonalismo)


pagtangkilik ng pamilya Naipaliliwanag na ang pagtangkilik ng pamilya sa mga lokal na
sa mga lokal na produkto ay mahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng mga
produkto ay
mahalagang
gawang Pilipino at sumasalamin sa pakikiisa sa kulturang
kontribusyon sa nagbibigkis sa mamamayan; at
pagtataguyod ng mga
gawang Pilipino at
sumasalamin sa
c. Saykomotor:
pakikiisa sa kulturang Nailalapat ang sariling mga paraan ng pagtangkilik ng pamilya sa
nagbibigkis sa mga lokal na produkto.
mamamayan

c. Nailalapat ang sariling


mga paraan ng
pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na
produkto

Paksa
Mga Paraan ng Pagtangkilik ng Pamilya sa mga Lokal na Produkto
DLC A & Statement:

a. Naiisa-isa ang mga paraan


ng pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na produkto

Pagpapahalaga Nasyonalismo
(Dimension) (Political Dimension)
3

1. amdeskreporters. (2023, May 25). Pagtangkilik sa mga


produktong-Pinoy hiningi ni Angara. DZIQ Radyo Inquirer
990AM.
https://radyo.inquirer.net/329736/pagtangkilik-ng-mga-prod
uktong-pinoy-hiningi-ni-angara

2. Araling Panlipunan06_066_Aralin. (n.d.). slide 3-9


K12.Starbooks.ph. Retrieved November 13, 2023, from
https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/4726/mod_resource/
content/1/index.html

3. Arianne Merez, ABS-CBN News. (2020, July 2). 'Buy local': DTI
Sanggunian
urges Filipinos to support small businesses. ABS-CBN
(in APA 7th edition News.
format, https://news.abs-cbn.com/business/07/02/20/buy-local-dti-ur
indentation) ges-filipinos-to-support-small-businesses
https://www.mybib.
com/tools/apa-citat 4. Ki. (2020, December 15). Paano Maging Makabayang Pilipino?
ion-generator Halimbawa At Kahulugan Nito. Philippine News.
https://philnews.ph/2020/12/15/paano-maging-makabayang-
pilipino-halimbawa-at-kahulugan-nito/

5. Local definition and meaning | Collins English Dictionary. (n.d.).


Www.collinsdictionary.com.
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/local

6. Mga Paraan ng Pagtangkilik ng Pamilya sa Mga Lokal na


Produkto | OurHappySchool. (n.d.). Ourhappyschool.com.
Retrieved November 13, 2023, from
https://ourhappyschool.com/Mga-Paraan-ng-Pagtangkilik-ng
-Pamilya-sa-Mga-Lokal-na-Produkto

Traditional Instructional Materials

● Handouts
Mga Kagamitan ● Manila/Cartolina Paper

● Worksheets
4

● Whiteboard Marker

Digital Instructional Materials

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Ilang minuto: 3) Technology


Integration
Stratehiya: Pagbubuo ng pangungusap
App/Tool: Vimeo
Panuto: Ang mga pangungusap ay babanggitin
ng guro. Kumpletuhin ang pangungusap ayon Link:
sa iyong sariling sagot. Itaas lamang ang heart Logo:
emoji na ibinigay ng guro kung sasagot.
Description:
Mga Katanungan:
Picture:
1. Ang pangalan ng brand ng paboritong kong
damit ay __________.
2. Kung ako ang pagpipilian sa kainan na
Panlinang Na
pupuntahan namin ng pamilya ko mamaya sa
Gawain
pagitan ng Jollibee at McDonald’s, ang pipiliin
ko ay __________.
3. Sa pagitan ng Nickelodeon at Team Yey!
bilang palabas sa telebisyon, ang aking
ipapanood sa aking mga kaklase ay
__________.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong mahihinuha sa mga


pangungusap na ibinigay?
2. Paano mo maipapaliwanag ang iyong paraan
sa pagbuo ng mga pangungusap?
5

3. Ipaliwanag kung paano ito makakatulong sa


pagpapaunlad ng pagtangkilik sa lokal na
produkto.

Halimbawa ng heart emoji na itataas ng mga


mag-aaral:

(Ilang minuto: 6) Technology


Integration
Dulog: Values Inculcation
App/Tool:
Stratehiya: Pagkukuwento
Link:
Panuto: Makinig nang maigi sa maikling Logo:
kwento na babasahin ng guro sa harap ng klase.
Sa pagtatapos ng pagkukuwento, itaas lamang
ACTIVITY ang kamay upang sumagot sa mga katanungan. Description:
Pangunahing
Gawain Si Ana at Karina ay kilala sa kanilang lugar Picture:
bilang matalik na magkaibigan at kadalasan sila
DLC A & Statement: ay napagkakamalan pang magkapatid dahil lagi
a. Naiisa-isa ang mga paraan silang magkasama kahit saan. Ang kanilang
ng pagtangkilik ng pamilya pagkakaibigan ay nagsimula noong lumipat ang
sa mga lokal na produkto pamilya ni Karina sa tabing bahay nila Ana.
Ang magulang ni Ana ay may-ari ng gawaan
ng sapatos sa lungsod ng Marikina. Ito ay
mabenta, sikat sa buong Kamaynilaan at
dinarayo sa mura at kalidad na produkto.

Sa nalalapit na ika-pitong kaarawan ni Karina


na ididiwang sa kanilang bahay. Ang naisip na
regalo ni Ana sa kanya ay sapatos mula sa
kanilang sapatusan. Ito ay kanyang naisip dahil
matagal nang hiling ni Karina na gusto niya
magkasapatos dahil hindi pa nakakarating ang
6

padala ng kanyang tatay na galing sa bansang


Amerika na may kilalang tatak na Nike.

Sa araw ng selebrasyon ng kaarawan ni Karina,


puno ng lobo at palamuti ang kanilang bahay.
Kasama ang mga bisita, niregaluhan ni Ana si
Karina ng sapatos na gawa ng kanyang mga
magulang. Ngunit, hindi tinanggap ito ni
Karina dahil ang kaniyang hinihiling ay sapatos
na mula sa bansang Amerika at hindi siya
gumagamit ng lokal na produkto sa
kadahilanan na lumaki siya na gamit ang mga
kagamitan galing Amerika. Nalungkot si Ana
sa nangyari at siya ay umalis papalayo sa
kanyang kaibigan. Sa pangyayaring ito ay
nakita ng kanyang mga magulang at nanay ni
Karina.

Lumapit ang nanay ni Karina sa kanyang anak


at kinausap niya si Karina tungkol sa nangyari.
Pinagsabihan ng nanay si Karina na humingi
muna ng tawad kay Ana at dapat matuto rin si
Karina na tumangkilik ng gawang Pilipinas
dahil ang pagsuporta nito ay makakatulong sa
pagbibigay halaga sa mga nagbebenta,
pag-unlad ng ekonomiya, at ang kultura na
nakapaloob sa bansa. Idinagdag niya rin bilang
halimbawa ang pamilya ni Ana bilang
mabuting ehemplo sa pagpapatuloy ng lokal na
produkto. Humingi ng tawad si Karina at
kanyang susundin ang mga pangaral sa kanya
ng kanyang nanay.

Sa pagtatapos ng pag-uusap nila Karina at ang


kanyang nanay, pinuntahan ni Karina si Ana
upang humingi ng pasensya sa kanyang hindi
pagtanggap ng regalo. Nagkaayos na ang
magkaibigan at sila ay magkatabi na. Habang
ang mga magulang ni Ana at nanay ni Karina
ay magkakasama, inamin ng nanay ni Karina
ang kaniyang pagkukulang sa mga aral ng
pagtangkilik ng sariling produkto sa kanyang
anak at ito naman ay naintidihan ng mga
magulang ni Ana. Sila ay nag-usap ng
masinsinan at puno ng kasiyahan.
7

Halimbawa ng storyboard na ipapakita sa


klase:
8
9
10

ANALYSIS (Ilang minuto: 5) Technology


Integration
Mga Katanungan 1. Sino sa magkaibigan ang nagdiwang ng
ika-pitong kaarawan? App/Tool:
DLC a, b, & c & Statement:

● Naisasabuhay ang 2. Bakit naisip ni Ana na regaluhan si Karina Link:


nasyonalismo sa ng sapatos na gawa ng kanyang mga Logo:
pamamagitan ng
pagpapalaganap ng magulang?
kalidad ng mga lokal na
produkto upang
tangkilikin ang mga ito 3. Ipaliwanag kung bakit hindi tinanggap ni Description:
ng mga mamamayan Karina ang regalo ni Ana sa kaniya.
a. Naiisa-isa ang mga Picture:
paraan ng pagtangkilik 4. Ano ang iyong makukuhang aral mula sa
ng pamilya sa mga
lokal na produkto
turo ng nanay ni Karina sa kaniya?

b. Naipaliliwanag na ang 5. Bakit mahalaga ang pagtangkilik ng lokal na


pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na
produkto?
produkto ay
mahalagang 6. Bilang estudyante, paano mo maipapakita
kontribusyon sa
pagtataguyod ng mga
ang pagtangkilik ng lokal na produkto?
gawang Pilipino at
sumasalamin sa
pakikiisa sa kulturang
nagbibigkis sa
mamamayan

c. Nailalapat ang sariling


mga paraan ng
pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na
produkto

Pangalan at
Larawan ng Guro
11

(Ilang minuto: 15) Technology


Integration
Outline 1
App/Tool:
1. Depinisyon ng lokal na produkto Link:
2. Mga iilang paraan ng pagtangkilik ng Logo:
ABSTRACTION
pamilya sa mga lokal na produkto
Pagtatalakay 3. Kahalagahan ng pagtangkilik ng lokal na Description:
produkto
Picture:
DLC a, b, & c & Statement: 4. Mga paraan ng pagtangkilik ng lokal na
● Naisasabuhay ang produkto bilang isang mag-aaral
nasyonalismo sa
pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Nilalaman:
kalidad ng mga lokal na
produkto upang 1. Depinisyon ng lokal na produkto
tangkilikin ang mga ito
ng mga mamamayan
Ayon sa Collins Dictionary, ang lokal na
a. Naiisa-isa ang mga produkto ay tumutukoy sa mga produkto na
paraan ng pagtangkilik gawa mula mismo sa inyong lugar.
ng pamilya sa mga
lokal na produkto
Samantalang ang internasyonal na mga
produkto naman ay ang mga produkto na gawa
b. Naipaliliwanag na ang sa ibang bansa.
pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na
produkto ay
Halimbawa: Si Keni ay gustong bumili ng
mahalagang palaman na peanut butter. Imbes na magpabili
kontribusyon sa siya sa kanyang nanay na gawa sa ibang bansa,
pagtataguyod ng mga
gawang Pilipino at
sinabi niya na lang na bumili sa mga
sumasalamin sa gumagawa mismo at nagtitinda ng peanut
pakikiisa sa kulturang butter.
nagbibigkis sa
mamamayan
2. Mga iilang paraan ng pagtangkilik ng
c. Nailalapat ang sariling pamilya sa mga lokal na produkto ayon
mga paraan ng
pagtangkilik ng pamilya
sa isang Academic and Entertainment
sa mga lokal na Magazine na base sa Pilipinas, ang Our
produkto
Happy School (2023):
● Pagbili ng mga Lokal na Produkto at
Serbisyo - Imbes na piliin ang mga
produkto at serbisyo na gawa o galing
sa ibang bansa, mas mainam na piliin
ang mga lokal na bersyon ng mga ito.
● Pagpunta sa mga Lokal na Palengke -
Isang simpleng paraan upang
masuportahan ang mga magsasaka at
mga mangangalakal sa kanilang mga
12

produktong sariwa at galing mismo sa


Pilipinas.
● Pagtangkilik sa mga Lokal na Kainan -
Ang pagpunta at pagkain sa mga lokal
na restawran o kaya naman ay mga
karinderya kaysa sa pagkain ng mga
fast food chains o kainang banyaga, ay
isang magandang paraan ng pagsuporta
sa mga kapwa nating Pilipinong
negosyante.
● Pagpunta sa mga Lokal na Pagtitipon -
Ang pagpunta sa mga lokal na
pagtitipon katulad ng mga piyesta ay
isang magandang pagkakataon para sa
atin upang makihalubilo sa ating mga
kapwa at isang paraan upang maipakita
ang ating pagpapahalaga sa ating
kultura.
● Pagsulong sa Social Media- Sa
pamamagitan ng pagpo-post,
pagse-share, pagre-react, at
pagko-comment, o kaya’y pag like at
follow sa kanilang mga page, ay
napapakita natin ang isang paraan ng
pagsuporta sa ating mga lokal na
produkto. Bukod sa nakatutulong tayo
na ibahagi ang kagandahan ng lokal na
produkto sa mas malaking plataporma,
ay nagiging inspirasyon din tayo sa iba
upang gawin ang hakbang na ito.
3. Kahalagahan ng pagtangkilik ng lokal
na produkto

Ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal


na produkto ay ang mga sumusunod:
● Upang magkaroon ng mataas na kita
ang komunidad kung saan ginawa ang
produkto
● Upang magkaroon ng karagdagang
trabaho ang mga mamamayang Pilipino
● Upang maipakilala at maipagmalaki ang
mga lokal na produkto sa mas
maraming bansa
13

Kung ating susuriin ang pag-aaral ng


Department of Trade and Industry (DTI) noong
2020, umabot sa lagpas pitong (7) milyon ang
mga Pilipinong walang trabaho noong
nagkapandemya. Kaya’t panawagan ng DTI ay
tangkilikin ang mga produktong gawang
Pilipino dahil makatutulong ito sa mga lokal na
negosyo o kompanya na nagbibigay trabaho sa
mga Pilipino.

Ayon nga sa panawagan din ni Senador Angara


(2023) sa senado ngayong taon lamang,
mahalaga na gamitin natin ang ating sariling
kakayahan na makabuo ng mga produktong
may export quality o de-kalidad. Dahil sa
ganitong paraan ay makakatulong tayo sa mga
lokal na industriya, makapagbibigay ng dagdag
na trabaho at maaabot pa ang hangarin na
maisulong ang mga Tatak Pinoy na produkto.

4. Mga paraan ng pagtangkilik ng lokal na


produkto bilang isang mag-aaral

Paano nga ba natin maipapakita ang simpleng


mga paraan ng pagtangkilik sa mga lokal na
produkto bilang isang mag-aaral pa lamang?
Marami tayong paraan upang maipakita ito
kahit na tayo ay nasa ikalimang baitang pa
lamang. Iilan dito ay ang mga sumusunod:

● Pagbibili ng mga school supplies o


kagamitan para sa paaralan. Halimbawa
ay ang inyong mga kwaderno o
notebook, ang bag, mga ballpen o lapis.
● Kapag makikinig ng mga musika o
kanta ng mga Pilipino o OPM.
Halimbawa na lamang ay kanta ng Apo
Hiking Society na “Batang-bata ka pa”
● Panunuod ng mga makabuluhan o
educational na mga palabas sa
14

telebisyon. Halimbawa ay ang palabas


na Batibot o kaya’y Sine’skwela.
● Kapag mamimili ng kasuotan o gamit.
Halimbawa na lamang kapag pasko, ang
inyong mga bagong damit at laruan.
● Pagbili ng mga lokal na pagkain o
pagkain sa mga lokal na kainan.
Halimbawa ay tuwing recess, maaaring
bumili ka ng pagkain na produksyon
mula mismo sa bansa natin o kaya’y
magbaon ng pagkain upang makatipid.
Dagdag sa halimbawa ay ang pagkain
sa mga karinderya o mga lokal na
kainan kapag lalabas kayo ng inyong
pamilya.

(Ilang minuto: 10) Technology


APPLICATION Integration
Stratehiya: Roll and Roleplay
Paglalapat App/Tool:
Panuto: Mahahati ang klase sa apat na grupo. Link:
DLC C & Statement:
Irorolyo ng lider ang dice at kung anong parte Logo:
c. Nailalapat ang sariling mga ng dice ang mapupunta sa inyong grupo, iyon
paraan ng pagtangkilik ng
pamilya sa mga lokal na
ang katumbas na inyong isasadula sa klase. Description:
produkto Nasa ibaba ang katumbas ng bawat parte ng
dice at ang rubriks na maaari ninyong maging Picture:
gabay.
15
16

(Ilang minuto: 10)


Technology
A. Multiple Choice Integration
Panuto: Basahin at unawain ang mga
tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. App/Tool:

Link:
1. Ano kahulugan ng lokal na produkto? Description:
ASSESSMENT
a. Mga produktong galing sa Note:
Pagsusulit tindahan

OUTLINE: b. Mga produktong galing sa ibang


Picture:
1. Mga katangian na bansa
nagpapabukod-tangi sa
lahing Pilipino
c. Mga produktong galing sa
2. Patatagin ang
pagkakakilanlan,
balikbayan box
pagdakila at
pagpapayaman sa mga
d. Mga produktong ginawa mula sa
katangian na
nagpapabukod-tangi sa
inyong lugar
lahing Pilipino
2. Alin sa mga pagpipilian ang halimbawa
3. Mga paraan ng
paglalapat ng mga ng isang lokal na brand?
katangian na
nagpapabukodtangi sa a. Dunkin
lahing Pilipino ayon sa
kaniyang kakayahan b. Lola Nena’s
4. Pagsasabuhay ng
nasyonalismo sa c. Tim Hortons
pamamagitan ng
pagpapalaganap ng mga d. Krispy Kreme
bukod-tanging
katangian ng mga 3. Alin sa mga sumusunod ang
Pilipino
nagpapakita ng pagtangkilik sa mga
lokal na produkto?
a. Pagbili ng mga gulay at prutas
sa lokal na palengke
b. Pagtangkilik sa mga kainan na
nagmula sa ibang bansa
c. Pagpo-post sa social media ng
mga imported na produkto
17

d. Pagkakaroon ng pabor sa mga


banyagang produkto kaysa sa
mga lokal na produkto
4. Mahalaga lamang na tangkilikin natin
ang sariling atin dahil isa ito sa paraan
upang ipakita ang ating suporta sa mga
manggagawang Pilipino.
Sumasang-ayon ka ba sa pangungusap
na ito?
a. Hindi po, dahil marami naman
na ang sumusuporta sa kanila
b. Hindi po, dahil hindi naman
magaganda ang mga produkto
na gawa ng mga Pilipino
c. Opo, dahil hindi lang ang mga
manggagawa ang natutulungan
bagkus ang buong komunidad.
d. Opo, dahil pwede nating
ipagyabang ito at husgahan ang
mga hindi nagpapakita ng
suporta
5. Suki ang inyong pamilya ng mga
sapatos na gawa sa Marikina, isang
araw nakita mong halos lahat ng
kaklase mo ay nakasuot ng mga
kilalang pangalan ang mga sapatos
galing ibang bansa. Anong
mararamdaman mo?
a. Matutuwa, dahil ang sapatos ko
ay mas matibay kaysa sa iba
18

b. Maiinggit, dahil ipinagmamalaki


nila ang gawa ng ibang bansa
c. Magagalit, dahil hindi sila dapat
magkaroon ng sapatos na galing
ibang bansa
d. Matutuwa, dahil tinatangkilik ng
aming pamilya ang mga
produktong sariling atin

Tamang Sagot:
1. D
2. B
3. A
4. A
5. D

B. Sanaysay
Panuto: Basahin at unawain nang maigi ang
mga tanong. Sa isang tanong,maaaring
isulat ang sagot sa tatlo hanggang limang
pangungusap.

Tanong Bilang 1: Bilang isang mag-aaral, sa


paanong paraan mo maipapakita ang suporta
mo sa mga lokal na produkto?

Inaasahang Sagot:
Bilang isang mag-aaral, maipapakita ko po ang
pag-suporta sa mga lokal na produkto sa
pagbili po ng mga gamit sa paaralan na gawa sa
Pilipinas. Kapag naman po kakain, ang bibilhin
ko po ay ang gawa rin dito. Sa ganitong paraan
po ay maipapakita ko ang pag-suporta sa mga
lokal na produkto.
19

Tanong Bilang 2: Anong maaari mong gawin


upang mahikayat din ang iyong mga
kapamilya, kamag-aral o mga kaibigan na
tangkilikin ang sariling atin?

Inaasahang Sagot:
Para naman po mahikayat ang aking
kapamilya ay sasabihin ko po ang mga
magandang maidudulot kapag mas pinili
namin bumili ng mga produktong lokal. Sa
aking mga kamag-aral naman po ay
hihikayatin ko sila sa pamamagitan ng
pagpapakita ng aking mga nabiling lokal na
produkto na matibay at may magandang
kalidad. Sa aking mga kaibigan naman po
ay mahihikayat ko sila sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng mga posts na nilalaman ng
mga produktong lokal.

Rubriks para sa paggawa ng sanaysay:

Napak Mahus Nalilin Nagsis


ahusay ay (3) ang (2) imula
(4) (1)

Nilala Kumpl Kumpl May Kulan


man eto ang eto ang iilang g ang
nilala nilala kulang nilala
man man. ang man na
ng Hindi nilala sanays
sanays gaanon man ay.
ay. g ng Hindi
Wasto nagam sanays guma
ang it ng ay. mit ng
pagga wasto Hindi waston
mit ng ang tama g mga
mga mga ang bantas.
bantas. bantas. mga
ginami
t na
bantas.

Organi Malina Malina Iilan Maram


20

sasyon w na w ang ing


nauuna ngunit hindi hindi
waan hindi gaanon malina
at gaanon g w at
maayo g malina hindi
s ang maayo w at maayo
nilala s ng hindi s sa
man nilala gaanon nilala
ng man g man
sanays ng maayo ng
ay. sanays s na sanays
ay. nilala ay.
man
ng
sanays
ay.

Kalinis Napak Malini Hindi Hindi


an alinis s ang gaanon gaanon
na gawa g g
gawa ng kalinis kalinis
ng sanays ang ang
sanays ay. gawa gawa
ay. Walan ng ng
Walan g bura sanays sanays
g bura ng ay. ay.
ng mga May Maram
mga salita mga ing
salita at iilang bura sa
at maayo bura sa gawa
maayo s na ipinasa at
s ang ipinasa . hindi
ipinasa . ito
. maayo
s na
ipinasa
.

Technology
Takdang-Aralin (Ilang minuto: 3) Integration

DLC a, b, & c & Statement: Stratehiya: Paglalapat sa mga patlang App/Tool:


21

● Naisasabuhay ang Panuto: Gamit ang rubrik na nasa ibaba,


nasyonalismo sa
pamamagitan ng mayroong Cookie Jar na may lamang cookies. Link:
pagpapalaganap ng Sa limang cookies, isulat ang limang lokal na Logo:
kalidad ng mga lokal na produkto na matatagpuan sa loob ng bahay,
produkto upang
tangkilikin ang mga ito
maaaring magpatulong sa mga kasama sa
ng mga mamamayan bahay. Maging malikhain sa gagawing Description:
takdang-aralin. Picture:
a. Naiisa-isa ang mga
paraan ng pagtangkilik
ng pamilya sa mga Rubrik:
lokal na produkto

b. Naipaliliwanag na ang Puntos Pamantayan


pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na 9-10 Kumpleto ang hinihinging sa
produkto ay
limang produkto. Malikhain at
mahalagang
kontribusyon sa makulay ang Cookie Jar. Malinis
pagtataguyod ng mga ang gawa.
gawang Pilipino at
sumasalamin sa
8-6 Kulang ng isa hanggang dalawa sa
pakikiisa sa kulturang
nagbibigkis sa hinihinging limang produkto.
mamamayan Malikhain at makulay ang Cookie
Jar. Hindi masyado malinis ang
c. Nailalapat ang sariling
mga paraan ng
gawa.
pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na 5-3 Kulang ng dalawa hanggang tatlo
produkto sa hinihinging limang produkto.
Kulang ang pagiging malikhain at
makulay sa Cookie Jar. Hindi
masyado malinis ang gawa.

2 Isa lang ang binigay sa hinihinging


limang produkto. Hindi malikhain
at makulay ang Cookie Jar. Hindi
malinis ang gawa.

Halimbawa:
22

Panghuling (Ilang minuto: 5) Technology


Gawain Integration
Stratehiya: 3-2-1 STICK!
DLC a, b, & c & Statement: App/Tool:
● Naisasabuhay ang
Panuto: Mayroong tatlong sticky notes o papel
nasyonalismo sa na ibibigay at ito ay inyong pupunan ayon sa Link:
pamamagitan ng nasa ibaba. Matapos punan ang tatlong sticky
pagpapalaganap ng
kalidad ng mga lokal na
notes, ito ay ididikit sa ating board. Logo:
produkto upang
tangkilikin ang mga ito Unang Papel: Ang inyong tatlong natutunan sa Description:
ng mga mamamayan ating diskusyon
a. Naiisa-isa ang mga Picture:
paraan ng pagtangkilik Ikalawang Papel: Ang inyong dalawang
ng pamilya sa mga katanungan tungkol sa ating diskusyon
lokal na produkto

b. Naipaliliwanag na ang
Ikatlong Papel: Ang inyong isang takeaway o
pagtangkilik ng pamilya realisasyon sa ating diskusyon
sa mga lokal na
produkto ay Halimbawa ng kalalabasan ng panghuling
mahalagang
kontribusyon sa
gawain:
pagtataguyod ng mga
gawang Pilipino at
sumasalamin sa
pakikiisa sa kulturang
nagbibigkis sa
mamamayan
23

c. Nailalapat ang sariling


mga paraan ng
pagtangkilik ng pamilya
sa mga lokal na
produkto

You might also like