‘Ang Kuwento ni Rosario
Gerardo Andamo
‘Ang Barrio Tanyong ay nasa tabi ng estero ng Ilog Malabon. Ito ay may laking limang ektarya kung saan may
nakatirang 1,850 pamilya o may 12,400 katao. Para marating ang mga bahay- bahay, ang mga tao ay lumalakad
sa mga tulay na hindi naman matitibay. Kaya maraming tao ang naaksidente at maraming mga bata ang
nahuhulog sa marumi at napakaitim na tubig. Ang tubig sa ilalim ng bahay ay tapunan ng basura at palikuran na
rin,
Sa survey na isinagawa, 10% lamang ang may sariling palikuran at 90% ay gumagamit ng "balot system” o diretso
na saistero. May 10 porsyento rin ang may sariling tubig habang 90 porsyento ay umiigib sa poso. May dalawang
pampublikong poso at ang tubig ay binibili. Ang isang container na may lamang limang galon ay may halagang
P'15.00-P30.00 depende sa layo ng bahay.
‘Ang mga nakatira rito ay walang titulo sa lupang tinitirikan nila, Ang upa sa kuwartong parang tirahan ng baboy
ay 500.00-P1,000.00 bawat buwan. Ang mabuti-buti naman ay #1,500.00-P2,000.00 bawat buwan. Dito sa
Barrio Tanyong nakatira si Jaime, 24 taong gulang. Ang kanyang asawa ay si Lucy, 27 taong gulang. Ang mga
anak nila ay sina Jocelyn, limang taon; Marites, apat na taon; Antonio, 2 1/2 taon; at si Rosario, isang taon at
apat na buwan
Isa si Jaime sa 70% na galing sa probinsya at lumuwas patungong Maynila upang magkaroon ng mahusay-
husay na buhay. Ang pamilya niya ay galing sa Pangasinan. Ang kanyang ama ay isang maliit na magsasaka.
Ngunit ang kanilang ani ay hindi sapat sa kanilang pamilya kayat luuwas silang patunong Maynila.
Ngayon, si Jaime ay isang laborer sa isang construction site sa Quezon City. Ang kita niya ay 165.00 isang
araw. Hindi ito sapat para sa kanilang pamilya. Tinitipid nila ang lahat ng gastos, ngunit baon sila palagi sa utang.
Kung namamalengke si Lucy, ang 50.00 na ulam ay pinagkakasiya niya sa tatlong kainan. Kung minsan ay
hindi na siya nakakatikim ng ulam.
Minsan, nung buntis si Lucy kay Rosario at gustong-gusto niyang kumain ng masusustansiya at masasarap na
pagkain ay hindi niya ito magawa, mapakain lamang niya ang kanilang tatlong anak noong mga panahong iyon.
Nagtitiis na lamang siya at iniisip niyang Diyos na lamang ang bahala sa kanya. Sabi nga ng bishop sa sermon,
“pinagpala ang mahihirap, dahil mapapasakanila ang kaharian ng Diyos!”
Si Lucy ay tubong Bisaya at siya ay high schoo! graduate, hindi tulad ni Jaime na hanggang Grade 3 lamang.
Kulang ang mga pangangalaga niya sa kanyang mga anak. Noong sanggol pa ang mga ito, sinabihan siya ng
doctor na bawal sa kanya ang magpasuso dahil may sakit siya sa puso. Ang sabi sa kanya ay bumili na lamang
siya ng infant formula sa katabing botika na ang doktor mismo ang nagmamay-ari. Subalit malusog naman si
Lucy. Dahil nga sa pinagbawalan siya ng doktor na magpasuso, ang apat niyang anak ay lumaki sa condensada
Kaya lamang, ang pagtimpla niya ng condensada ay isang guhit na gatas sa pitong guhit na tubig. Kung may
pera sila ay bumibili siya ng Bear Brand, ngunit hindi naman siya tinuuan kung papaano ang wastong pagtitimpla
ing gatas kaya't para sa kanya ay sapat na ang magkulay puti ang tubig. Hindi niya pinapakuluan ang mga tubig,
tsupon, at bote ng mga bata. Ang mga tsupon at bote ay hinuhugasan niya nang basta na lamang ng tubig at
sabon. Hindi rin siya tinuruan ng wastong pagpapakain sa mga bata at may paniniwala siya na ang kalamansi
ay masama para sa mga bata. Kape at kanin ang pang-almusal ng mga bata.
Dahil dito, ang lahat ng anak niya ay second degree malnourished. Pare-pareho ang kanilang mga sakit ~ palagi
silang inuubo, nilatagnat, at nagtatae. Ang kanilang tiyan ay parang tambol. May bulateng lumalabas kapag sila
ay dumudumi na pnaniniwalaan naman ni Lucy na normal lamang dahil sa pagkakaalam na tumutulong ang mga
bulate sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan.
Wala ring bakuna sina Antonio at Rosario dahil natakot si Lucy noong nilalagnat ng bahagya sina Jocelyn at
Marites nung ang mga ito ay pinabakunahan niya. Kinagagalitan din siya ni Jaime kung lagnatin ang batapagkatapos ng bakuna. Isa pang dahilan ay ang walang katiyakang pagkakaroon ng libreng bakuna sa kanilang
barangay health center sanhi ng kakulangan sa bakuna at kakulangan ng midwife at health workers sa center.
‘Ang pinakasakitin sa kanilang lahat ay ang bunsong si Rosario. Siya ang pinakapayat, maputla at palaging
agtatae. Isang araw, si Rosario ay nagkasakit ng tigdas. Dinala siya ni Lucy sa pinakamalapit na health center
na siya rin namang knilang barangay health center. Libre ang konsulta subalit walang naibibigay na libreng gamot
ang barangay health center.
‘Ang sabi ng nurse ay ubos na raw ang budget para sa taong iyon para sa mga gamot sa center. Hindi rin daw
na-approve ng Sangguniang Bayan ang request ng Municipal Health Center na dagdag na budget para sa mga
gamot sa taong ito. Dahil daw ito sa naghihinala ang mga konsehal ng bayan na mapupunta lamang sa Mayor
at Municipal Health Officer ang idadagdag na pondo.
Binili na lamang ni Lucy ang tatlong gamot na inireseta para kay Rosario: Loviscol syrup (para sa ubo) / 60m
109.00, Ercefuryl suspension (para sa pagtatae) 220mg per Smi / 60ml 243.00, at Ceporex (isang antibiotic)
250mg per Sm / 30m! P'150.00. Sinabihan siyang yung mismiong brands na inireseta ang dapat bibilhin dahil ito
ang para sa karamdaman mismo ni Rosario. Nang maubos na ang tig-isang bote ng tatlong gamot ay hindi na
sila makabili dahil wala na silang pera. Hindi tuluyang gumaling si Rosario. Patuloy ang pagtatae niya hanggang
sa matuyuan.
Dinala muli ni Lucy si Rosario sa health center, subalit ipinalipat na sila sa pribadong ospital ng hindi malinaw
kay Lucy kung bakit hindi puwedeng sa barangay health center tingnan si Rosario. Humingi ang ospital ng
deposito na 1,200.00. Mabuti na lang at naka- utang sila ng 1,500.00 sa kanilan Barangay Captain na nagpapa-
5'6". Dahil maputlang- maputla si Rosario ay isang yunit ng dugo ang kinailangang isalin sa kanya. Si Jaime ang
kinunan ng isang yunit ng dugo para rito,
Sa pagtigil nila ng isang gabi sa ospital, ang kanilang gastos ay umabot sa 4,150.00 at ipinasya nilang ilabas
naa lang si Rosario kahit ayaw nilang ilabas ito ng hindi pa magaling dahil parang patak ng metro ng taxi ang
gastos nila sa ospital. Lahat ng sinisingil sa kanila - bulak, alcohol, gasa, tape, at iba pa. Pagkatapos ng katakot-
takot na pakiusapan ay pinayagan din ang pasyente na lumabas. Pinapirma sila na silang mag-anak ay nagpipilit
lumabas ng ospital kahit labag sa utos ng doktor. Pinayuhan silang bumalik na lamang kung may pera nao kaya
ay sa gobyernong ospital pumunta
Pagkaraan ng isang linggong patuloy na pagtatae at lagnat, si Rosario ay nanghina, natuyuan, at tuluyan nang
namatay.