You are on page 1of 6

GREAT HEIGHTS LEARNING CENTER OF ILOCOS SUR, INC

Address: Lower Ground Floor, Marinella Commercial Complex


Govantes Dike Zone V, Bantay, Ilocos Sur 2727
Office Phone No: (077) 674-0690
Mobile No.: 0917-798-0831

Araling Panlipunan VII


Unang Markahan
Aralin 2: Ang Mga Rehiyon sa Asya
I. Magandang araw. Congratulations, kayo na ay nasa ikalawang baitang. Sa taong ito
meron kayong bagong pamamaraan ng pag-aaral. Mag-aaral kayo sa loob ng inyong
bahay, dahil ang edad ninyo ay hindi pinapayagang lumabas sa inyong bahay, dahil sa
panganib na dulot ng COVID-19 pandemia. Kahit na ang ating mundo ay naghihirap
dahil sa virus, ang pag-aaral niyo ay magpapatuloy parin. Sa taong ito ay mag-aaral
kayo gamit ang virtual classroom sa inyong virtual classroom. Bago tayo magsimula ay
tayo munang manalangin.
Panginoon, Maraming salamat po sa lahat ng biyaya na binibigay niyo po sa
amin. Sana po ay gabayan niyo po kami sa araw na ito para po marami kaming
matuklasan at matutunan sa aming pagtatalakay ngayon. Ilayo niyo po kami sa
masama, karamdaman at sakuna. Amen!

II. Pagkatapos ng araling ito ay inaasahan na:

 Nailalarawan ang mga rehiyon sa Asya


 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko:
Silangang Asya, TimogSilangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya,
Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang AsyaNasusuri ang kahalagahan ng
hanapbuhay ng mga tao sa pag-unlad ng sariling komunidad
 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano
III. Sa nakalipas nating aralin napag-aralan natin ang tungkol sa Katangiang Pisikal ng
Asya
 Paano nakakaimpluwensiya ang heograpiya sa pamumuhay ng mga Asyano?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
IV. Ngayon ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga Rehiyon sa Asya

 Ano-ano ang uri ng kapaligirang pisikal ng Hilagang Asya ?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Sa kasalukuyan, ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon base sa


eksaktong kinalulugaran ng mga ito sa Asianong pananaw: Ito ang
Hilaga, Kanluran, timog, Silangan at Timog - SIlangan

Hilagang Asya
 Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Soviet Union o
Union of Soviet Socialist Republics (USSR). Nang mabuwag ang USSR noong 1991 ay
nagsarili ang mga dating Soviet Republic. Sa kabuuan, tinatayang may 4,180,500
km2 ang lawak ng teritoryo ng Hilagang Asya.
 Nasa rehiyong ito ang ilan sa mahahalagang anyong tubig at anyong lupa sa Asya.
Kabilang dito ang Caspian Sea na hangganan ng Azerbaijan, Kazakhstan, at
Turkmenistan. Nasa pagitan naman ng Kazakhstan at Uzbekistan ang Aral Sea. Unti-
unting kumikipot ang lawing ito. Ang tubig mula sa dalawang ilog na dapat sana ay
dumadaloy patungong Aral Sea ay ginamit sa irigasyon. Sa ngayon, patuloy ang
pagsisiskap na masagip ang bahagi ng Aral Sea na unti-unting natutuyo.
 Makikita rin sa Hilagang Asya ang Kara Kum, isa sa pinakamalaking disyerto sa
daigdig. Saklaw nito ang malaking bahagi ng Turkmenistan. Sa Tajikistan naman
matatagpuan ang malaking bahagi ng bulubunduking Pamir. Marami sa mga tuktok nito
ay may taas na higit sa 20,000 talampakan.
 Ang malawak na rehiyon na ito ay tinatawag din Siberia, isang bahagi ng malaking
bansa ng dating Unyon Sobyet.
 Walang anumang punong kahoy na maaaring tumubo rito bunga ng napakahaba at
napakalamig na panahon ng taglamig at napakaikling tag-araw. Ang pag-init ng
panahon ay tumataas lamang ng 50 0 F (100 C)
 Sa maikling panahon ng tag-araw, nananatiling may yelo ang buong kapaligran. Ang
kalagayang ito ay tinatawag na permafrost.
 Mayroon ding makikitang malalawak na damuhan na tinatawag na steppe sa
pinakatimog na bahagi ng rehiyon.
 Ang steppe ay isang malawak na damuhang mayroon lamang ugat na mababaw.

Silangang Asya
 Ito ay may kabuuang sukat na 11,794,795 km2 . Sakop ng Silangang Asya ang rehiyon
na nasa pagitan ng mataas na kapuluan ng Gitnang Asya at ang Karagatang Pasipiko.
Ang rehiyon na ito ay kinikilala rin bilang rehiyon ng mga malalakas na bansa.
 Matatagpuan din sa rehiyong ito ang Japan na isang industriyalisadong bansa,
Mongolia na lupain ng mga nagtataasang talampas at kabundukan, at North Korea at
South Korea na mga nagsasariling bansa mula pa noong 1948.
 Napaliligiran ang silangang Asya ng mga likas na hangganan. Ihinihiwalay ng Sea of
Japan (o East Sea) at Korea Strait ang Japan sa pangkontinenteng Asya; ng Taiwan
Strait ang Taiwan at China; at ng Bashi Channel ang Taiwan at Pilipinas.
 Sa timog ng rehiyon, pumapagitan sa Silangang Asya at Timog Asya ang matataas na
bulubundukin ng Himalayas. Sa kanlurang bahagi ng China matatagpuan ang
Taklamakan Desert at sa hilagang-kanlurang bahagi naman ang Bulubundukin ng Tian
Shan (Tien Shan).
Bansa Kabisera

China Beijing

Mongolia Ulaanbaatar

North Korea Pyongyang

South Korea Seoul

Japan Tokyo

Taiwan Taipe

Timog-Silangang Asya
 Ito ay may kabuuang sukat na 4, 510,000 km 2 . Ang hangganan nito ay mula sa
bahaging timog ng Karagatang Pasipiko, patungong Dagat Timor. May klimang tropical
ang Timog- Silangang Asya. .
 Ang lupain ng Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawa: ang mainland Southeast
Asia at ang insular Souheast Asia.
 Ang mainland Southeast Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at
Indian Ocean.
 Ang insular o island Southeast Asia ay binubuo ng mga kalupaang nakakalat sa
karagatan.
 Ang ilan sa mga kapuluang matatagpuan dito ay tinatawag na Ring of Fire na
matatagpuan sa Pacific Ocean.
 May klimang tropical ang Timog-silangang Asya sapagkat matatagpuan ito malapit sa
equator. Ang mainam na klima nito – na binubuo ng panahon ng tag-ulan at ng tag-
araw – ang nagbibigay sa rehiyon ng biyaya ng makakapal na tropical rainforest.
Bansa Kabisera

Brunei Darussalam Bandar Seri Begawan


Cambodia Phnom Penh
East Timor Dili
Indonesia Jakarta
Laos Vientiane
Malaysia Kuala Lumpur
Myanmar Rangoon (Yangon)
Pilipinas Manila
Singapore Singapore
Thailand Bangkok
Veitnam Hanoi

Timog-Silangang Asya
 Ito ay may kabuuang sukat na 4,489,240 km 2 . Ang hangganan nito ay mula sa Dagat
Timor patungong Karagatang Indian at Dagat ng Arabia. ..
 Ang Himalaya ang nagsisilbing hangganan ng Timog Asya at silangang bahagi ng
kontinente.. Ipinapalagay ng mga heograpo na ang kalupaan ng Timog Asya, kung
saan ang malaking bahagi ay sakop ng India, ay dating nakahiwalay sa
pangkontinenteng Asya.
 Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, unti-unting dumikit ang kalupaan ng Timog Asya
sa kontinente hanggang sa maging bahagi na ito ng pangkontinenteng Asya. Ito ang
isang paliwanag kung bakit tinagurian ang India bilang “Asia’s subcontinent.”.
 Ang Timog Asya ang isa sa pinakamataong lugar sa buong daigdig.

Bansa Kabisera

Bangladesh Dhaka

Bhutan Thimphu

India New Delhi

Maldives Male

Nepal Kathmandu
Pakistan Islamabad

Sri Lanka Colombo

Timog-Kanluran Asya
 Ito ay may kabuuang sukat na 6,645, 878 km 2 . Ang hangganan nito ay mula sa Dagat
ng Arabia paakyat sa Red Sea at Mediterranean, patuloy sa Black Sea at Kabundukang
Ural. Ang karamihan ng bansa sa rehiyong ito ay kabilang sa tinatawag na Gitnang
Silangan o Middle East ng mga taga Europa.
 May taglay na yamang langis ang rehiyon kung kaya maraming bansa ang maunlad
dito.
 Matatagpuan sa Timog- Kanlurang Asya ang 16 na bansa. Ito ang rehiyon ng Asya na
may pinakamaraming bansa.
 Ang Saudi Arabia at Iran ang pinakamalalaki sa mga ito.
 May mainit na temperature ang Kanlurang Asya na umaabot sa 460C.
 Dahilan ito upang katagpuan ang rehiyon ng malalawak na disyerto tulad ng Arabian
Desert, Syrian Desert, at Negev Desert. May nagtataasang talampas din ang rehiyon.
Dalawa rito ang Plateau of Iran at Arabian Central Plateau.
Bansa Kabisera

Afghanistan Kabul

Bahrain Manama

Cyprus Nicosia

Iran Tehran

Iraq Baghdad

Israel Jerusalem

Jordan Amman

Kuwait Kuwait

Lebanon Beirut

Oman Muscat

Qatar Doha

Saudi Arabia Riyadh

Syria Damascus

Turkey Ankara

United Arab Emirates Abu Dhabi


Yemen Sanaa

Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung ito ay mali.


_____ 1. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon.
______ 2. Ang timog-hilagang asya ay kabilang sa mga rehiyon sa Asya.

______ 3. Ang Kara Kum ang isa sa pinakamalaking disyerto sa daigdig.

______ 4. Ang Timog Asya ang isa sa pinakamataong lugar sa buong daigdig.

______ 5. Ang kabisera ng bansang Thailand ay Hanoi.

______ 6. Ang East Timor ay isang bansa na matatagpuan sa Hilagang Asya.

______ 7. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang matatagpuan sa Timog-


Silangang Asya.

______ 8. Ang steppe ay isang malawak na damuhang mayroon lamang ugat na


mababaw.

______ 9. May klimang tropical ang Timog-silangang Asya sapagkat


matatagpuan ito malapit sa prime meridian.

______ 10. Ang timog-kanlurang Asya ang may pinakamaraming bansa sa


Asya.

Sagutin ang mga sumusunod sa iyong aklat:


 Paglinang A sa pahina 37
 Paglinang B sa pahina 38
 Pag-isipan sa pahina 39

You might also like