You are on page 1of 1

Gilas, naghari sa 2023 Asian Games; ginto, sinungkit

Nagpasiklab ang Gilas nang muling maghari sa 2023 Asian Games kontra Jordan, 70-60, sa laban sa
Hangzhou, China ngayong Biyernes, makalipas ang 61 taon.

Taong 1962 nang huling iuwi ng Pilipinas ang ginto sa men’s basketball sa Asian Games.

First Quarter pa lamang ay naungusan na ng Gilas ang Jordan sa iskor na 17-12.

Sa second quarter, naging mainit ang laban sa muntik na pag-abante ng Jordan ngunit idineklara ng
referee na not counted ang huling layup para sa iskor na 31-31.

Ngunit binasag ni Rondae-Hollis Jefferson ng Jordan sa simula ng third quarter ang pagkatabla nang
makakuha ng dalawang puntos sa kaniyang jumper shot.

Hindi naman nagpasindak ang Gilas at nagpakawala ng tatlong tres at lumamang ang Pilipinas ng sampu,
51-41.

Sa fourth quarter, si Jefferson pa rin ang kumana upang tapyasan ang lamang ng Pilipinas. Kaagad naman
itong sinapawan ng Gilas sa back-to-back basket nina Ange Kouame at Scottie Thompson para mapanatili
ang 10 kalamangan, 60-50.

Sa nalalabing 55.4 segundo, nanatiling lamang ang Pilipinas, 64-55.

Tinanghal na kampyeon ang Gilas sa iskor na 70-60.

You might also like