You are on page 1of 4

POSISYONG PAPEL

Q2 M2
Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o
usapin. Kailangang pumosisyon sa isang panig.
Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento at mga
makatwirang ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel. Ang layunin ng posisyong papel
ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga argumentong inihain sa kanila.
Ang argumento ay pahayag na ginagamit upang mahikayat at mang impluwensiya ng iba upang
ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa isang posisyon. Kailangang pag-aralan mabuti ang pag buo
ng mga argumento at ang orginisasyon ng papel.
Kailangang alam din ang mga argumento ng kabilang panig. Ito ay upang mapabulaanan ang mga ito o
mapahina ang kanilang bisa.
Mahalagang ipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng kaalaman tungkol sa paksa.Ang posisyong
papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o kaya naman ay sanaysay. Maaari din
naming mas masalimuot (complex) ang anyo nito, tulad ng akademikong posisyong papel o opisyal na
pahayag na binabasa sa mga pandaigdigang kumperensiya.
Karaniwang ginagamit ng malalaking organisasyon ang posisyong papel upang isapubliko ang kanilang
opisyal na paniniwala, posisyon o rekomendasyon.
Katangian ng Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay may mga sumusunod na katangian:
Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag angbasehan sa likod nito.
Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa
mga inilalatag na argumento.
Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatitiwalaan at may awtoridad.
Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa kabilang
panig.
Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.
Gumagamit ng akademikong lengguwahe.

Pagsulat ng Posisyong Papel


Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon ng
papel.kapag malinaw na ang paksa, magpasiya kung ano ang magiging posisyon. Sa introduksyon,
talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon o ang tesis ng sanaysay.
Isulat ito sa paraang nakapupukaw ng atensiyon.
Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga argumento ng
kabilang panig, at pagbibigay ng mga impormasyong sumusuporta sa mga pahayag na ito. Pagkatapos,
pahinain ang mga argementong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensiyang sumasalungat
sa mga ito.
Ang susunod na bahagi ang laman ng posisyong papel. Dito iisa-isahin ang mga argumento, opinyon at
suportang detalye. Maaaring maging gabay ang sumusunod na balangkas:
A. Ilatag ang matalino at pinag-isipang opinyon
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
B. Ilatag ang pangalawang argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
C. Ilatag ang pangatlong argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Q2-M4

Kahulugan
Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa
paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao.

Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa
lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakisalumuha niya at higit sa lahat
tungkol sa kanyang sarili. Kung gayon, ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang paraan ng pagkilala
sa sarili.

Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita,
nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay.

Hindi ito record o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating
ito nang malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O’Neil,
2005)

Isa sa mga popular na sulating ang lakbay-sanaysay. Iba-iba rin ang estilo ng pagkakasulat nito-may
seryoso, may magang basahin, may nagpapatawa. Ang ilan ay nagbibigay lamang ng impormasyon
samantalang ang iba ay insight ang iniiwan sa mga mambabasa. May mahuhusay ang pagkakasulat:
impormatibo, nakaaliw at puno ng inspirasyon. Ngunit may ilan din naming hindi mahuhusay
ang pagkakasulat: nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga tala, gumagamit ng
malalalim na salita, kulang sa repleksiyon at iba pa.

Tungkol Saan o Kanino ang Lakbay-Sanaysay?


Ang lakbay –sanaysay ay tungkol sa lugar na pinuntahan. Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig,
naamoy, nalasahan at naramdaman sa lugar na pinuntahan.

Ito rin ay tungkol sa ibang tao. Kumusta ang mga tao sa iyong pinuntahan?
Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Anong karanasan mo sa kanila? Sino-sino
ang mga nakasama sa paglalakbay?

Higit sa lahat, ito ay tungkol sa sarili. Paano ka kumilos sa lugar na iyong pinuntahan? Ano ang
natuklasan mo sa sarili? Paano ka nabago ng iyong paglalakbay? Ano ang natutuhan mo sa pagpunta
sa ibang lugar? Paano naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong pananaw sa buhay?

Pagsulat ng Lakbay–Sanaysay
Paano magsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay? Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan.
Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito. Magiging pamilyar sa politika, ekonomiya at mga
tradisyon at relihiyon sa pupuntahang lugar. Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na
magagamit kapag naglalakbay na.

Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng nasa paligid. Ngayon, paano mo isusulat ang iyong naging
karanasan sa paglalakbay? Maaaring gumamit ng mga element ng katha upang bigyan ng buhay ang
sulatin. Makatutulong ang paggamit ng diyalogo, ritmo, imahen, mga eksena sa pagbibigay ng kulay sa
sanaysay. Ngunit, siguruhin pa ring wasto ang facts at huwag mag-imbento.

Gamitin ang unang panauhang punto de bista ngunit tiyaking diary ang lakbay-sanaysay. Planuhin
muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag itong limitahan sa paglalarawan at pagbibigay
lamang ng impormasyon. Kailangang maipakita sa mambabasa na may malalim at malinaw na
pagkaunawa ang naging paglalakbay.

Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono o
mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mambabasa. Ito ay upang hindi sila bumitiw sa
pagbabasa. Huwag simulant angsanaysay, halimabawa, sa pagsakay ng bus o sa eroplano.

Magsimula agad sa pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng mambabasa. Iwasan ang cliché o
gasgas nang paglalarawan tulad ng: “pagsasalubong ng langit at dagat”, “sumilip ang araw sa likod ng
mga bundok”, at iba pa. sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan iwasan din ang paggamit ng mga
salita o pararilang hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Maging natural
sa pagsulat. Huwag magpasikat. Iwasan ding magpatawa kung hindi naman nakatatawa ang tono ng
sanaysay.

PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Q2 M3
Kahalagahan ng Lakbay-Sanaysay
Mahalaga ito sapagkatito ay ating magiging pamamaraan upang maibahagi
ang naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa ating mga paglalakbay.
Makapupukaw ito sa realidad
Makapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang
destinasyon.
Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbay-sanaysay
Magkakaroon ng maraming kaalaman ang mambabasa at ang manunulat
ukol sa lugar na inilalarawan o inilalahad ng sanaysay.
Napahahalagahan at mapahahagahan ng mga tao ang lugar o kulturang
itinalakay.
Nagbubukas ng kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay
Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasang bigay ng
Maykapal at mga kulturang o anumang makikita sa ibang lugar.

Mga Katangian
Ito ay personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa.
Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan
Naglalaman ng mga larawan at paksa tungkol sa lugar

REPLEKSIBONG SANAYSAY
Q2 M5
Ang Repleksibong Papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubuhay-buhay. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin o opinion tungkol sa isang paksa,
pangyayari, o tao, at kung paano naaapektohan ng mga ito.
Bukod dito, ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-
iisip. Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary
reaksiyong papel o learning log.

Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay, hindi gaanong limitado ng kumbensiyon ang repleksibong
sanaysay kaya naman marami ang nasisiyahan sa pagsulat nito. Kakaiba ang repleksibong sanaysay sa
iba pang akademikong sulatin dahil karaniwan ay hindi kailangan sumangguni sa ibang akda at
manghiram ng kaisipan.

Nakabatay ito sa pagpapahayag ng manunulat sa sarili niyang pananaw batay sa kaniyang karanasan.
Bagaman personal at subhetibo, kailangan panatilihin ng manunulat ang akademikong tono ng
sanaysay. Sa pagsusulat ng akademikong ito, tayp ay nagpapahayag ng damdamin at dito ay may
natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapwa at kapaligiran.

Ang mga katangian ng repleksibong sanaysay ay personal at subhetibo ngunit hindi ibig sabihing
maaari nang isulat ang lahat ng pumapasok sa isipan. Hindi limitado sa paglalarawan o paglalahad ng
kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na kasanayan sa pag-iisp. Mahalagang gumamit ng
deskriptibong wika

PHOTO ESSAY
Q2 M6
PHOTO ESSAY Ang Photo Essay ay koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang upang
maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng particular na konsepto o
magpahayag ng damdamin. Hindi limitado ang pak, magulong konsiyerto, o tahimik at payapang
bukirin.
Maaaring ito ay tungkol sa natatanging tao o mga kakaibang pangyayari. Ang photo essay ay katulad
din ng iba pang uri ng sanaysay na ginagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay.ang kaibahan lamang ay
ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay na binubuo ng mga larawan.ang
SURIIN PAGSUSURI PAGLALAHAD 6 ISAISIP iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling
teksto.
May mga nagsasabing ang photo essay ay isang sulatin kung ang kalakihan nito ay teksto at
sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing ang mga larawan ang dapat
lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.
Ang photo essay ay hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin at
kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.ang mga larawan ay ang pangunahing nagkukuwento
samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan. Gumagamitnlamang ng
mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin. Sa pag-
aayos ng mga larawan, dapat ito’y kronolohikal upang kronolohikal din ang pagkukuwento sa
sanaysay.

PANUKALANG PROYEKTO
Q2 M7
Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor. Ito
rin ay isang paraan upang makikita ang detalyadong pagtatalakay sa dahilan at pangangailangan sa
proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resources.
May mga bahagi ang panukalang proyekto. Ito ay ang mga espisipikong laman ng sulating panukalang
proyekto.
• Pamagat – tiyaking malinaw at maikli ang pamagat
• Proponent ng Proyekto – tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Isinusulat dito ang address, e-mail, cellphone o telepono at lagda ng tao o organisasyon
• Kategorya ng Proyekto – ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik,
patimpalak, konsiyerto, o outreach program
• Petsa – kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto
• Rasyonal – ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano
ang kahalagahan nito
• Deskripsyon ng Proyekto – isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais
matamo ng panukalang proyekto. Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang
proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito
• Badget – itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
• Pakinabang – ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito sa ahensiya o
indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto Ilan pang tips sa pagsulat ng panukalang
proyekto:

✓ Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag-aapruba


ng panukalang proyekto. ✓ Bigyan-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.
Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang malaki ang maitutulong
nito sa mga indibidwal o grupong target ng proyekto.

✓ Tiyaking malinaw, makatotohanan at makatuwiran ang badget sa gagawing panukalang proyekto.

✓ Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-aaprubao hindi ng panukalang proyekto.


Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy. Hindi nakatutulong
kung hihigit sa sampung pahina ang panukalang proyekto

You might also like