You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 3

Ikalawang Kwarter- Ikawalong Linggo

Lingguhang Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay,
lugar at pangyayari, ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino.
(F3WG-III-b-6 F3WG-IVab-6)

Unang Araw

I.Layunin: Nagagamit ang Ano at Sino sa pagtatanong tungkol sa mga tao


at bagay.

II.Paksang Aralin: Ang Paggamit ng “Ano” at “Sino” sa Pagtatanong


Sanggunian: Batang Pinoy Ako, Patnubay ng Guro p. 182-183
Batang Pinoy Ako, Kagamitan ng Mag-aaral p.97
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/20750
Kagamitan : larawan at kartolina
Values Integration: Sumunod sa mga babala.

III.Pamamaraan
A. Pangganyak/Balik-aral

Ipakita ang dalawang larawan.

1. 2.

1.Ano ang nakikita niyo sa unang larawan?


2.Ano naman ang masasabi niyo sa pangalawang larawan?
3.Sino kaya sa dalawang bata ang mas gusto ng mga tao?
3.Sino ang gumagawa din ng ganito sa kanilang tahanan?
4.Anong angkop na mga salita ang ginamit ko sa pagtatanong?

B. Presentasyon ng Paksa
Ngayong araw ay tatalakayin natin ang paggamit ng Ano at Sino
sa pagtatanong.
Basahin ang kwento.

Ang Pangako ni Alma


Araw ng Martes sa paglalakad ni Alma papunta
sa paaralan naiisip niyang lagyan ng bulaklak ang
plorera ni Bb. Reyes upang masiyahan ito sa kaniya.
Nadaanan niya ang malalaking bulaklak ng Gumamela
sa plasa. Nakita niya rin ang babala na nagsasabing
“Huwag pitasin ang mga Bulaklak”. May nakita siyang
mangilan ngilang bata na naglalaro kasama ng
kanilang mga magulang.Pagkalipas ng ilang sandali
ay nag-alisan na ang mga ito.Tumingin muli siya sa
paligid at ng wala na siyang makitang tao ay patago
niyang pinutol ang tatlong bulaklak.
Nagpasalamat at ipinagmalaki ni Bb. Reyes ang
ginawa ni Alma.
Sa araw na iyon ang kanilang aralin ay tungkol
sa pagsunod sa mga babala at simbolo. Isana rito ay
“Bawal ang Magputol ng mga Bulaklak”. Ipinaliwanag
ng husto ni Bb, Reyes ang kahalagahan ng pagsunod
sa mga babala. Naalala ni Alma ang ginawa niya
kaninang umaga, Nakaramdam ng hiya si Alma at
ipinamgako niya sa sarili na sundin na niya lahat ng
babala magmula sa araw na iyon.

C. Pagtatalakay

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino ang bata sa kwento?
3. Sino ang naisip ng bata na lalagyan niya ng
bulaklak ang plorera nito?
4. Ano ang nakasulat na babala?
5. Ano ang natutuhan ni Alma sa kanyang pagpitas ng
bulaklak?

Sa pagbuo ng mga tanong, mahalagang gamitin


ang mga angkop na salita sa pagtatanong upang
madaling masagot ang mga katanungan.
Ang salitang patanong na sino ay tumutukoy sa
ngalan ng tao at ang salitang patanong naman na
ano ay tumutukoy sa ngalan ng bagay.
D. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Rubrik ng Pangkatang Gawain
Pangkat Pagtutulungan Pagsunod sa Pagsagot Kabuuan
30% Gawain 40% 100%
30%
Unang
Pangkat
Pangalawang
Pangkat

Unang Pangkat

Panuto:Buuin ang katanungan sa pamamagitan ng


pagdagdag ng mga salitang sino at ano. Isulat ang angkop
na salitang patanong sa bawat patlang sa sagutang papel.

1. (Sino) kaya ang mananalo sa paligsahan?


2. (Ano) ang dapat kong gawin para pumasa sa pasulit?
3. (Sino) kaya sa mga kaibigan ko ang uuwing luhaan?
4. (Ano) kaya ang ulam namin ngayon?
5. (Sino) ang sasama sa parke?

Pangalawang Pangkat

Panuto:Ibigay ang angkop na salita sa pagtatanong ng mga tao at bagay.

1.May bulaklak sa hardin. (Ano)


2.Si Lito ang kaibigan ni Ben. (Sino)
3.Sinabawang gulay ang ulam nila. (Ano)
4.”Lupang Hinirang” ang ating Pambansang Awit. (Ano)
5.Si Bb. Reyes ang aking guro. (Sino)

E. Paglalahat
Kailan ginagamit ang Sino?
Ginagamit ang salitang patanong na sino kung ito ay
tumutukoy sa ngalan ng ta.
Kailan naman ginagamit ang Ano?
Ginagamit ang patanong na ano kung ito ay tumutukoy sa
ngalan ng bagay.
F. Pagpapahalaga
Sumunod sa mga babala na nakasulat sa kapaligiran.

IV.Ebalwasyon
Salungguhitan ang angkop na salitang patanong sa bawat pangungusap.

1. (Ano, Sino) ang kanilang ginagawa?


2. (Sino,Ano) ang pangalan mo?
3. (Ano,Sino) ang bago nilang kapitbahay?
4. (Ano, Sino) ang guro mo?
5. (Sino, Ano) ang nag-utos sa kanila para maglinis?

V.Takdang Aralin
Tingnan ang larawan at gumawa ng mga katanungan tungkol sa larawang
nakita.

Inihanda ni:

LOTIS B. DIN

Dumalogdog ES

You might also like