You are on page 1of 13

ROLE/CHARACTER:

INTERPRETATIVE DANCE:

✨ Edwin Nastor

✨ Lexen Kate Cordero

✨ Glorivy Shayne Jumaway


✨ Robert Clinton Estañol Fuentes
✨ John Franklin Magtulis

BACKGROUND MUSIC OPERATOR:

✨ Michael Vincent Bulagao

✨ Romhie Jay Pagsuguiron

✨ Patrick James Amar

MAIN CHARACTER (ANAK):

✨ Jesha Lou Patricio (Middle Child)

PARENTS/FAMILY/FRIENDS:

✨ Princess Shaina Alonsabe (Mother)

✨ Nicole Sorilla (Elder Sister)

✨ Lieshelle Ann Caturan (Elder Sister)


✨ Jeru Avril Cruz (Brother)

✨ Rovelyn Galvez (Youngest Sibling)

SUPPORTING CHARACTERS:

✨ Christine Ann Padios (Kurt Owen’s Mother)

✨ Kirstie Ashley Gindap


✨ Kurt Owen Baleña (Catherine’s Son)
✨ Antonette Alyon (Doctor)
✨ Rizalyn Española (Assistant Nurse)

SCRIPT WRITER:
✨ Jessa Mae Cabangon
SPOKEN WORD POETRY:
✨ Jessa Mae Cabangon

PROPSMEN/WOMEN:
✨ Angelica Rose Ramos- Absalon
✨ Mariel Siason
✨ Hyascent Faye Tumibay
✨Jeson Samillano
✨ Kurt Owen Baleña

PROPS/MATERIALS NEEDED:

🍒: Fake Blood

🍒: Long Table

🍒: Bed ( made of kawayan lang)


🍒: Back drop (High)

🍒: Pambalay nga damit

🍒: Cards (Deck of cards)

🍒:

SCENE I

Shaina: Anak, hindi mo pa rin ba ako papansinin? Kausapin mo naman


ako oh. Hindi mo ba’ko na-miss? (Talking to Jesha, wanting her daughter
to speak to her.)
Nicole: ( Doesn’t respond and continues to do his work.)
Shaina: Hindi ka ba natutuwa na umuwi ako para sa graduation mo?
Ang laki-laki mo na. Ang ganda-ganda mo na. Kamusta ka na?
Nicole: Puwede ba? Nakikita mo namang may ginagawa ‘yung tao
diba? Huwag kang magulo.
Shaina: Na-miss lang kita.
Jesha Lou: (Watching them silently, jealous that her mother doesn’t
even think about her or even ask her how she is.)
SCENE II

(While playing cards...)


Francine: Mare, ngayon 'yung Awarding ng College ah, kamusta si
Jesha? Nakapasok ba sa Dean's List?
Shaina: Anong ibig mong sabihin? Wala namang sinabi si Jesha sa'kin.
Hindi nga ako kinakausap nun. Alam mo namang kakauwi ko lang galing
Qatar.
Kirstie: Ah baka mababa grades ng anak mo (Laughs.) kaya ayun hindi
nagsabi sa'yo. Tinago ganon.
Kirstie: Baka nga. Ay basta ako, proud na proud ako sa anak ko, Top 1
ba naman sa klase nila. (Bragging about her son's achievement.)
Francine: With parents kasi 'yung awarding ngayon sa college, hindi
ako um-attend kay Owen kasi kakauwi ko lang galing bayan pero
nagulat ako nung sinabi niya sa'kin na Top 1 siya sa klase nila.
Christine: Ano nga ulit grade ng anak mo?
Kirstie: Ano ka ba?! First year college student na 'yun. Lalaki pero
matalino. Diba nakaka proud. Eh ikaw Mars?
Shaina: (Stays quiet because of humiliation.) Ewan, tara na maglaro na
tayo.
SCENE III
Shaina: Bakit hindi ka nagsabi na ngayon pala awarding niyo?
(Confronts Jesha Lou) Kumakayod ako at nagpapakahirap para mapag-
aral at matustusan kayong magkakapatid tapos mababang grades lang
maisusukli mo?! Baka lumalandi ka lang sa school tapos binibili mo ng
kung ano-anong luho ‘yung perang ipinapadala ko!
Jesha: (Tries to control herself not to cry, bowing her head down.)
Shaina: Ano?! Hindi ka ba nahihiya? ‘Yung anak ni Francine na si
Owen, matalino, magaling, lalaki ‘yun. Kakauwi ko lang galing abroad
tapos ganitong kahihiyan na ang ibinungad mo sa’kin ? Bakit hindi ka
gumaya dun kay Owen o sa Ate Nicole mo?!
Lieshelle: (Enters the room.)
Shaina: Ano?! Lumalandi ka nga! Nag bi-bisyo ka ganon!
Jesha: Ma! Puwede ba tama na?! Tama na! (Shouted at her Mom while
controlling herself not to cry but her tears are betraying her.)
Shaina: (Shocked…)
Lieshelle: Ano ka ba Jesha, huwag mong pagtaasan ng boses si Mama,
rumespeto ka!
Jesha: Respeto?! (Laughs sarcastically). Buong buhay ko, buong buhay
ko ang baba ng tingin niyo sa’kin! Ni isang reklamo wala kayong narinig
sa’kin. Nirerespeto ko kayo pero ‘yang toxic na mindset at kulturang
kinalakihan niyo na kapag sumagot sa inyo ‘yung mga anak niyo, iniisip
niyo na agad na wala kaming respeto. (Shouts in tears.)
Jesha: Ang abroad ka, ilang taong ‘yun Ma, pero pag-uwi mo, maski
kamustahin ako wala! Sina Ate Nicole at mga kapatid ko lang tinatanong
mo na para bang hindi mo’ko nakikita!
Jesha: Walang kuwenta, tanga, malandi, kahihiyan, ano pa ba? Ma! Ano
bang tingin niyo sa’kin? Sa tingin niyo ba hindi ako nasasaktan?! Ma!
Nasasaktan din ako sa mga salita niyo! Nasasaktan din ako! Akala ko
mas masakit na ‘yung sa ibang tao ko maririnig na ang bobo-bobo ko
pero nakakadurog kayo ng puso na sa inyo ko pa mismo narinig lahat ng
mga salitang ‘yan!
Jesha: Buong buhay ko, ni minsan hindi ko man lang narinig sa inyo
‘yung salitang “anak” ni minsan hindi ko narinig na sinabi niyong “anak
proud na proud ako sa’yo” kaya tinatamad na’kong mag-aral! Puro
pangongompara! Anak niyo rin ako! Pero kung ikumpara niyo ako kina
Ate o sa anak ni Tita Francine parang wala lang akong nararamdaman.
Sinusubukan ko naman lahat ah, pero hindi ko kaya! Hindi ko pa kaya!
Hanggang top 2 lang ako kasi mahina ako! Mahina itong utak ko (Pokes
her head multiple times while crying.)
Nicole: Jesha! Tumigil ka na!
Jesha: (Laughs sarcastically) Tumigil? Gusto mo’kong tumigil kasi ano?
Iniisip mo na nagda-drama lang ako?! Sabagay kasi hindi mo
naranasang ikumpara ni Mama kasi magaling ka, kasi matalino ka, kasi
mas maganda ka! Ikaw puwede kang ipagmalaki pero ako, isang
kahihiyan! Ni minsan hindi ko nga naranasang magkaroon ng bagong
gamit kasi lahat ng pinaglumaan mo at mo ni Ate Nicole at ni Ate
Lieshelle iyon ang napupunta sa’kin. Pero wala kayong narinig na
reklamo diba? Kasi tinatanggap ko lahat. ‘Yung cellphone kong
pinaglumaan mo kasi sabi ni Mama, mahal at magastos bumili ng bago
pero isang hingi mo lang sa kaniya ng Iphone, naibigay niya agad.
Kapag umuuwi si Mama na may dalang bagong mga damit agad niyang
sinasabi sa’kin na “Huwag kong galawin kasi hindi ka pa nakakapili ng
sa’yo” kasi panganay ka pero kahit ganon, hindi ko parin puwedeng
galawin kasi sina Ate Lieshelle wala pa ganon din si Rovelyn kasi siya
‘yung bunso kaya ang natitira sa’kin ‘yung pinakaluma o ‘yung hindi na
magandang damit.
Jesha: Pero wala kayong naririnig na kahit ano mang reklamo mula
sa’kin diba? Kasi iniintindi ko! Tama ka Ma, tinago ko ‘yung Report card
ko kasi alam kong ganito ang mangyayari. Ano pa bang dapat kong
gawin para marinig ko rin sa inyo na proud kayong naging anak niyo
ako? Kasi ako, pagod na pagod na’kong patunayan sa inyong lahat na
magaling din ako pero ni minsan hindi niyo man lang na appreciate. Na
para bang hindi ako miyembro ng pamilyang ito!
Lieshelle: Jesha, tumigil ka na sabi!
Jesha: Nakaka-kingina! Nung high school ako, isang beses mo lang
nagawang itapak ‘yang mga paa mo sa paaralan para um-attend ng
graduation o programs ko pero kina Ate at Kuya, ikaw pa mismo ‘yhng
nagsasabi ng “Anak, tara na na.” Umuuwi ka pa galing Qatar para lang
um-attend. Naalala mo Ma? Iniyakan pa kita para lang um-attend ka at
‘yun ‘yung una at huling beses na um-attend ka kasi hindi ka masaya na
top 2 lang ako! Kasi ang gusto mo gayahin ko si Ate Lieshelle at Kuya
Jeru na grumaduate na Valedictorian.
Jesha: Pamilya ko kayo eh. (Cried herself loudly) Pamilya ko kayo kaya
you’re the validations I need pero bakit niyo ako hinihila pababa?!
Shaina & Lieshelle: (Staring at Jesha Lou’s face quietly while tears are
also flowing from their eyes.)
Jeru: (Enters the kitchen.) Ano ba? Hanggang sa kalsada abot ‘yang
boses mo Jesha! Hindi ka ba nahihiya at sinisigawan mo si Mama?! At
sa harap pa mismo ng pagkain?!
Jesha: (Smiles sarcastically). Ganito ba talaga kapag middle child ka?
Walang kakampi, walang pumapansin. Walang bagong gamit, lahat
pinaglumaan.
Shaina: (Slaps Jesha Lou). Ang sinasabi mo ba…. Ang unfair ko bilang
isang Ina? (In tears)
Jesha: Hindi Ma, hindi ko sinasabing unfair ka pero ang totoo, meron
kang favoritism. The type of situation that I truly hate the most kasi
kapag favoritism na ang usapan, alam kong hinding-hindi ako kailanman
mananalo.
Jesha: Ang sakit sakit na ng puso ko . (Pounds her heart multiple
times.) Nakakapagod mabuhay sa ganitong sitwasyon. Alam kong may
mga taong mas pagod pa sa’kin pero nakakapanghinang mabuhay sa
ganitong uri ng pamilya. Alam ko namang sa pamilya, hindi mawawala
‘yung favoritism eh at kahit papaano masaya ako kasi lagi niyong naiisip
ang mga kapatid ko (Paused for a while….) Pero paano naman ako?
Kahit kailan hindi ko man lang naranasan at naramdaman iyong suporta
niyo. Awang-awa na’ko sa sarili ko. Hindi porket kayo ‘yung mas
matanda, kayo na agad ‘yung nasa tama. Minsan kasi makinig din
naman kayo!
Jesha: I am trying to do my best but I guess my best was still not
enough to make you proud of me as your Daughter. Palagi ko nalang na
hinahanap ang atensiyon niyo.
Jeru: Ang drama mo!! (Slaps Jesha Lou hard.)
Shaina: Jeru!
Lieshelle: Jeru!
Jesha: (Didn’t respond and bows her head, silently crying.)
Jeru: Huwag kang bastos!
Jesha: Hindi ako bastos! (Crying, shouting at the top of her lungs.)
Jeru: Anong hindi ka bastos? Bakit mo sinasagot-sagot si mama ng
ganiyan?! Wala kang respeto!
Jesha: Ba’t ba palagi nalang ako ‘yung mali?! Pakinggan niyo rin naman
ako! Sana man lang pakinggan niyo rin naman ‘yung anak niyo kahit
minsan!
Christine: Natural dahil ako ‘yung mas matanda! Ako ‘yung masusunod!
Marami ka pang kakaining bigas Jesha! Umayos ka! Papunta ka palang,
pabalik na’ko! Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa’kin ang
palakihin kayong magkakapatid nang ako lang mag-isa! Hindi mo alam
kung anong pakiramdam ng isang Ina na nahihirapan para lang may
maibigay sa mga anak niya! Nagtitiis ako sa abroad mag-isa para lang
may maipadala rito sa Pinas, para sa inyo.
Jesha: Oo, palaging ganiyan! Sumbat! Puro sumbat! Hindi porket kayo
‘yung mas matanda, palagi niyo ng iniisip na kayo na palagi ‘yung tama!
Iniwan tayo ni Papa pero hindi ibig sabihin nun ako na ang sasalo sa
lahat ng galit mo sa kaniya! Ang taas taas ng expectations niyo sa’kin
pero maski isang porsyento ng suporta, hindi niyo man lang magawa!!
Lieshelle: Jesha! Tumigil ka na! Tumigil ka na! (Crying. Walk towards
Jesha and slaps her hard.)
(A moment of silence….)
Jesha: Ni minsan nga hindi niyo man lang ako nagawang tawaging
Anak! Hindi ko kailangan ng isang Ina na magta-trabaho sa ibang bansa
at isusumbat sa’kin lahat ng materyal na bagay. Hindi ko kailangan ng
materyal na bagay Ma! Ang kailangan ko ay maramdaman ang
pagmamahal ng isang magulang! Ang pagmamahal ng isang Ina na
naipaparamdam mo kina Ate at kay Rovelyn bilang bunso, pero sa’kin
hindi!
Shaina: (Dumbfounded and shocked.)
Jesha: Kapag ba namatay ako…….iiyak ba kayo? (Smiles sadly wiping
her tears and walks out.)
Rovelyn: (Crying, standing near the kitchen door.) Ate Jesha….. (Tries
to hold Jesha Lou’s hand.)
Jesha: (Didn’t respond.)

(INSERT BACKGROUND MUSIC AND INTERPRETATIVE DANCE)

SCENE IV
(SPOKEN WORD POETRY)

“HINAING NG ISANG ANAK”


“Family is the safest place.”
Iyan ang sabi nila.
Ngunit sa sitwasyon ko’y bakit tila naiba?
Ang daming katanungang pumapasok sa isipan kong
hindi ko mahanapan ng akmang sagot at mga salita.

Pamilya,
Ang sarap pakinggan sa tenga, hindi ba?
Lalo na kapag buo at masaya.
Tipong magkakasama at nagkakaisa,
Sabay-sabay na nangangarap para sa isang
buhay na maginhawa.

Pamilya,
Ano nga ba ang pamilya?
Bakit iba ang kahulugan ng salitang iyan
sa bokabularyo ko?
Bakit tila’y naging isang masamang bangungot
at hindi isang magandang paraiso?

Alam kong mas may pagod pa sa’kin


at wala akong karapatang magreklamo.
Pero teka, tao rin naman ako, at ang masasabi ko
lang ay “Pagod na pagod na pagod na ho ako.”
Pagod sa pagdadala ng buhay kong malungkot at magulo.

Sa pagdadala ng buhay na para bang walang


kasama at walang katuwang.
Suporta mula sa pamilya ko’y hindi ko maramdaman.
Ni salitang “Anak” ay hindi ko man lang napakinggan
at naranasan.

Pamilya, diba, diba sila ‘yung dapat na mag-aangat


sa’kin pataas?
Tutulungan akong abutin ang matayog kong mga pangarap
at sasamahan akong hanapan ang bawat sakit ng lunas.
Pamilya, diba ‘yan ‘yung bumubuo sa isang
tahanang ipaparamdam sa’yong ikaw’y ligtas?

Pero bakit sa akin tila’y nag-iba?!


Ano ba talaga ang kahulugan ng salitang “Pamilya?”
Bakit ‘yung sa’kin, sila mismo ang nanghihila pababa?
Bakit hindi ko maramdamang masaya sila na ako ‘yung dahilan?
Bakit puro pangongompara ang natatanggap
ko’t walang tigil na sumbatan?

Bakit? Bakit ang daya-daya ng mundo?!


Bakit sila may masayang pamilya tapos ‘yung
sa’kin may peboritismo?
Oo nga’t nakakasama ko sila ngunit bakit
tila kinakailangan ko pang manlimos ng oras at ng atensiyon niyo?

Bilang isang magulang, kamusta ka?


Anong klaseng pangangaral ba ang nagawa mo na?
Kapag ba sumagot sa inyo ang inyong anak,
“walang respeto” na agad ang bibitawan niyong salita?
Sasabayan ng “wala kang kuwenta” at ng “sana hindi
ka nalang nabuhay” at ng kung ano-anong “dapat” at “sana.”

Akala ko, akala ko mas masakit ‘yung pisikal na mga sugat sa


aking katawan,
Ngunit mas masakit pa pala ‘yung sugat dito sa
pagkatao kong gawa ng mga masasakit na salitang
kanilang binibitawan.

Hindi na maghihilom at mananatili sa puso ko,


Nakabaon, nakatatak hanggang lisanin ko ang mundo.
Dahilan na kung sino pa ‘yung mga taong mahalaga sa buhay ko,
Ay sila pa mismo ang wawasak sa kung ano at sino ako.

Walang kuwenta at walang respeto!


Mahina, bobo, hindi magaling at walang modo.
Gayahin ko si ano, ‘yung anak ni ano kasi pasok
sa listahan ng mga matatalino.
Konting pagkakamali, isisisi na sa mga kaibigan ko.
Sasabihing tigilan ang pagsama sa kanila sapagkat
nauuwi sa masama at maling ihemplo.
Ano ba kasing mali sa paghangad na sana man
lang ay pakinggan niyo rin ako?
Masama bang maghangad na sana man lang
iparamdam niyo rin sa’kin na masaya ring mabuhay
sa mundong ‘to?
Wala pa’kong ginagawa’y huhusgahan niyo na agad ako!

Pamilya,
Nagsisilbing sandalan, lakas at kahinaan.
Subalit para sa aki’y nagmimistulang isang mahabang lubid.
Na nakatali sa leeg ko’t pinipigilan akong huminga
ng walang kalaban-laban.
Nagmimistulang bote ng lason na babara sa aking lalamunan.
Isang matalim na bagay na pupunit sa balat ng
aking leeg at pulsuhan.

Sabi nila mas masakit kapag iniwan ka ng kasintahan mo,


Subalit hindi nila alam na wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam,
Ng Oo, meron ka ngang pamilya pero ay trato sa’yo’y balewala at
basura.
Kaya patawad, patawarin niyo ako.
Patawad sa kakulangan ko’t hindi ko napunan ang ekspektasyon ninyo.
Patawad sapagkat naging mahina ako.
Hindi kasing galing ng iba at hindi kayang maipagmalaki bilang isang
miyembro ng pamilya ninyo.

Ma, patawarin mo sana ako.


Kung nasagot man kita dahil sa paghahangad
na mapakinggan niyo rin ang hinaing ko.
Hindi mo man ako nagawang tawaging “Anak”
at marami man ang naging pagkukulang mo,
Hindi ako nagsisising ikaw ang naging magulang ko.

Ang mga masasakit na salitang binibitawan mo,


Dahilan upang mawalan ako ng tiwala sa sarili ko.
Ang pagkakaroon mo ng peboritismo at ang
Pagsabi mong “wala akong kuwenta” at “walang respeto.”
Walang mararating sa buhay sapagkat nilimitahan mo,
Ikaw ang unang taong nagparamdam sa’kin na hindi pala,
Hindi pala masayang mabuhay sa mundong ito.

Patawad kung hindi ko kayang maging kasing galing nila.


Patawad kung napagtaasan kita ng boses at nasagot kita.
Mama, patawad pero hindi ko na kaya.
Wala na’kong maisip na dahilan upang magpatuloy pa.
Ipagpatuloy itong buhay ko kaya’t mas mabuting wakasan ko na.

Alam kong mali pero hindi ko na kaya.


Masiyado ng masakit at nakakapanghina.
Sinubukan kong maging matatag,
Upang maabot ko ang matatayog kong mga pangarap.
Subalit huli na.
Hindi ko na alam kung paano at hanggang kailan ako makakaalis sa
ganitong sitwasyon.
Ayoko na ng ganito, hindi naman madala sa mabuting usapan sapagkat
iniisip niyong nagda-drama lang ako.

Bilang isang anak, ito ang hinaing ko.


Hindi ako nagsisising ikaw ang naging magulang ko.
Kasama ang mga kapatid kong ginawa mong sentro ng buhay mo na
wala ako.
Bilang isang anak, ito ang hinaing ko.
Hindi ako nagsisising ikaw ang naging magulang ko.
Kahit na ipinaparamdam mo sa’king nagsisisi kang binuhay mo pa’ko’t
iniluwal sa mundo.
Ngunit gayumpaman ay hindi run ako nagsisising wakasan itong buhay
ko.

Patawad, Paalam, Nawa’y maging masaya kayo.


Ngunit nakakalungkot isipin, iiyak ba kayo kapag nawala na’ko ?
Sana Oo, kahit hindi ko na makita at nasa loob na’ko ng kahon.
Kasi ganon naman talaga diba?
Ganon naman talaga.
Mahal ka lang ng lahat kapag nakasuot ka na ng puting barong o saya
at hindi ka na humihinga.

Ako, ang inyong anak.


Ay humihingi sa inyo ng kapatawaran.
Sapagkat ang buhay kong ito’y aking pinangunahan.
Kasabay ng pagkatok niyo sa pintuan ng aking kuwarto,
Ay siya namang pagkitil ko sa buhay kong ito.
Hindi mo man ako nagawang tawaging “Anak”,
Masaya na’kong tawagin kang “Mama ko.”

Ako, ang inyong anak,


At ito ang hinaing ko.
Nawa’y sa pagkakataong ito’y pakinggan niyo na’ko.
Ang nagmamahal,
Jesha Lou Viscara Patricio.

You might also like