You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
CABULOAN ELEMENTARY SCHOOL
NAME: __________________________________________Date:_____________________

HEALTH 5
SUMMATIVE TEST 1 (WEEK 5 & 6)
I. Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang KM kung ito ay naglalarawan ng kalusugang
mental, KE kung kalusugang emosyonal, at KS kung kalusugang sosyal. Isulat ang sagot sa
patlang.
____1. Tumutulong si Gary sa mga taong mahihirap.
____2. Si Liza ay aktibong nakikilahok sa mga gawaing pampaaralan.
____3. Isang mapagmahal na bata si Aya kaya marami siyang kaibigan.
____4. Palaging handa si Rea sa paglutas ng mga suliraning kanyang kinakaharap.
____5. Si Donna ay may positibong pananaw sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang
buhay.
II. Panuto: Punan ang patlang ng mga salita mula sa kahon upang makabuo ng
makabuluhang pangungusap.

Ang ating ______________ ay mahalaga kaya’t dapat natin itong _________________. Ang
ating __________________ ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalusugang
______________ at _________________ dahil sila ang ating nakakasama araw-araw.

III. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Kung ang maayos na relasyon ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang hindi maayos
na relasyon ay nagdudulot ng _____________.
a. kaluwalhatian b. kapayapaan
c. kayamanan d. tensiyon at alalahanin
2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng hindi mabuting pakikipag-ugnayan
maliban sa isa _____________.
a. Walang tiwala sa isa’t isa.
b. Walang pagkakaunawaan.
c. Mapanglaw o laging malungkot.
d. May epektibong pag- uusap o komunikasyon.

Cabuloan, Sta. Catalina, 2701 Ilocos Sur


Tel. No.: (077)604-9158
https://www.facebook.com/cabuloan
100659@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
CABULOAN ELEMENTARY SCHOOL

3. Makikita sa may magandang relasyon ang pagiging masaya, tapat, may tiwala,
respeto at ________________.

a. malungkot b. pananakit
c. pagmamahal d. selos
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na relasyon?
a. Ito’y mahalaga dahil sisikat ka.
b. Ito’y mahalaga dahil aangat o yayaman ka.
c. Ito’y mahalaga dahil utos ng mga magulang, guro at nakakatanda.
d. Ito’y mahalaga dahil nagdudulot ng saya sa buhay at katahimikan ng
kalooban.
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
a. Tinutukso ni Aldrin ang pilay niyang kaklase.
b. Ipinahiram ni Luz kay Fe ang isa niyang bolpen.
c. Tinawanan ng buong klase ang maling sagot ni Jay.
d. Kinuha ni Shaira ang papel ni May nang walang pahintulot.

IV. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa Hanay A. Isulat
ang sagot bago ang numero.

Hanay A Hanay B
1. respeto A. pagiging tapat sa bawat isa para sa
mabuting pagsasama
2. komunikasyon B. pagtanggap sa pagkakaiba-iba at pakikinig
sa opinyon ng iba upang mapanatili ang
mabuting relasyon ng isa’t isa
3. pagtitiwala C. pakikipag-usap nang maayos sa kapwa
para hindi masira ang magandang samahan
4. pagpapahalaga D. pagpapahayag ng nararamdaman na
makatutulong upang mapabuti ang kalusugan
5. pagmamahal E. pagbibigay-halaga sa isang tao upang
maiwasan ang negatibong epekto sa
pakikipag-ugnayan

Cabuloan, Sta. Catalina, 2701 Ilocos Sur


Tel. No.: (077)604-9158
https://www.facebook.com/cabuloan
100659@deped.gov.ph

You might also like