You are on page 1of 16

Senior HIGH

SENIOR High SCHOOL

School
Baitang 11

Filipino: Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ikalawang Kwarter – Ikapitong Linggo – Aralin 7

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo.Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino

Writer: Shannon Khey A. Amoyan, Kattie C. Tagud, Rhyne Mae S. Gales

Illustrators: Precious E. Garcia, Roel S. Palmaira
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Nelson A. Cabaluna
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason
Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto

ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga
kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito
na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga
gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at unawain upang masundan ang
mga panuto.
Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na
papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Panimulang Pananaliksik
Maligayang bati kaibigan!
Binabati kita dahil ito na ang huling aralin mo sa Komunikasyon at Pananaliksik
Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino bilang bahagi ng iyong pagkuha ng asignaturang
Filipino sa Senior High School.
Likas sa mga tao ang magtanong. Dahil dito, naghahanap siya ng mga kasagutan
sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng datos. Dito umuusbong ang
pananaliksik na isang mahalagang proseso ng pangangalap ng impormasyon na
humahantong sa paglalatag ng katotohanan.
Isinasagawa ang pananaliksik bilang isang lohikal at organisadong batayan ng mga
karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan.
Ang bahaging ito ng sanayan ay makatutulong upang higit mong matutuhan ang
pananaliksik at mga hakbang sa pagbuo nito upang makapag-ambag sa kakapusan ng mga
pananaliksik na kritikal na tumitingin sa kalagayan ng mga wika sa Pilipinas gayundin sa
kultura ng mga Pilipino.
Bilang tugon sa iyong pagkatuto, nakapokus ito sa mga sumusunod na kompetensi:
• Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino;

Inaasahan na pagkatapos ng araling ito, makamit ang mga sumusunod na tiyak

na layunin:
• nabibigyang-kahulugan ang pananaliksik;
• natutukoy ang katangian at kahalagahan ng pananaliksik; at
• naihahambing ang dalawang pangkalahatang uri ng pananaliksik.
Halina’t simulan mo nang basahin at sagutin ang mga sumusunod na gawain!

TUKLASIN NATIN!
Gawain 1
Panuto: Punan ng mga titik ang mga kahon upang mabuo ang hinihinging salita sa
bawat bilang.

1.
pp ll k = proseso ng pangangalap ng impormasyon na
humahantong sa kaalaman

2.
t = anumang uri ng kaalaman tungkol sa
kahit na anumang bagay na kinakalap sa
isang pananaliksik

3. p s = sistema, pamamaraan, o kasalukuyang

galaw pagpapatakbo sa isang pananaliksik.

1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Gawain 2
Panuto: Magtala ng mga kaisipan, konsepto o produkto na bunga ng pananaliksik sa
bawat larang.
Larang
Medisina
Information Communication Technology
Astronomiya
Kasaysayan
Edukasyon

Gawain 3
Sa iyong palagay, ano ang mga katangian ng isang mahusay na pananaliksik sa
wika at kulturang Pilipino? Magbigay ng limang katangiang ng isang mahusay na
pananaliksik.
1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________
6. _________________________________________________________________________
7. _________________________________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang maingat, kritikal, at disiplinadong proseso ng pangangalap ng datos upang
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
a. empirical c. pananaliksik
b. pagtatanong d. pag-iimbento
2. Ang Binanog ay isang sayaw na bahagi ng kultura ng mga binukot ng Panay-
Suludnon. Natuklasan ito sa pamamagitan ng pananaliksik. Anong kahalagahan ng
pananaliksik ang binabanggit sa pahayag?
a. Nalalaman ng tao ang kasaysayan
b. Nakapagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay
c. Natitiyak ang mas ligtas na pamumuhay
d. Nalalaman ng tao ang katotohanan.
3. Naimbento ni Graham Bell ang telepono. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik ang
ipinakikita sa pahayag?
a. Nalalaman ng tao ang kasaysayan
b. Nakapagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay
c. Natitiyak ang mas ligtas na pamumuhay
d. Nalalaman ng tao ang katotohanan
4. Ito ay pangkalahatang uri ng pananaliksik kung saan ang pinakalayunin ay unawain
at bigyang-kahulugan ang mga ugnayang pantao.
a. deskriptibo b. kwantitatibo c. kwalitatibo d. action riserts
5. Dito tinatakay ang kaligiran o batayang prinsipyo ng pananaliksik.
a. disenyo ng pag-aaral b. rasyunal c. layunin d. tanong
2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
LINANGIN NATIN!

Panuto: Basahin ang nilalaman ng teksto hinggil sa pananaliksik at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

Pananaliksik
• Isang sistematikong pag-aaral, imbestigasyon o paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
• Isang maingat, kritikal, at disiplinadong proseso ng pangangalap ng datos upang
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
• Isang siyentipiko at sistematikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri,
paglilinaw, pag-aayos, pagpapaliwanag, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos o
impormasyon na nangangailan ng solusyon sa problema. (Calderon at Gonzales,
1993)
• Isang proseso ng mga hakbang upang makalikom at makasuri ng impormasyon
upang lumawak ang kaalaman hinggil sa isang paksa o isyu. Ito ay may tatlong
mahalagang hakbang: Pagtatanong, mangongolekta ng datos at pagsagot sa
tanong. (Cresswll, 2014)
Kahalagahan ng pananaliksik

1) Ang pananaliksik ay nakapagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay.

Napapadali ng pananaliksik ang buhay ng tao sa pamamagitan ng mga
imbensiyon tulad ng eroplano, smartphone, at laptop.
2) Natitiyak ang mas ligtas na pamumuhay sa pamamagitan ng pananaliksik.
Nakaiimbento ang tao ng bakuna, gamot at aparato upang masigurong magiging
maayos ang kalusugan.
3) Nalalaman ng tao ang katotohanan. Kung dati, maraming mga pamahiin ang mga
tao, nagiging malinaw ang mga sitwasyon at pangyayari dahil sa pananaliksik.
4) Nakalilikom ang tao ng mga importanteng impormasyon upang magamit sa iba
pang pag-aaral. Isa na rito ang pagkakaroon ng iba’t ibang feautures ng sasakyan
mula sa sari-saring impormasyong nakalap.
5) Mas nalalaman ng tao ang kasaysayan. Maraming mga pangyayari sa nakaraan
na nabibigyang-linaw dahil sa pananaliksik tulad ng pyramid ng Ehipto, Binukot
ng Panay-Suludnon at marami pang iba.
6) Nagiging batayan upang magdesisyon ang resulta ng mga pananaliksik sa iba’t
ibang larangan. Ang pagkakaroon ng Batas Republika 10533 na hinggil sa
pagpapatupad ng K to 12 na kurikulum ang isang halimbawa nito.

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Katangian ng pananaliksik Paliwanag

• Nakabatay sa mga datos mula sa mga obserbasyon

Empirikal at aktuwal na karanasan

• Mayroong sinusunod na proseso o hakbang sa

Sistematiko
pagtuklas sa kasagutan o layunin ng pananaliksik

• Nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot

Napapanahon at maiuugnay sa suliraning kaugnay ng kasalukuyang, at ang
sa kasalukuyan kalabasan ay maaaring maging basehan sa
desisyong pangkasalukuyan.

• Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang

mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-
Kritikal
aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang
paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.

• Nagmula sa mga materyales ang mga

impormasyon at datos
Dokumentado
• Binibigyan ng karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.

Orihinal • Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik

• Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang upang

Hindi minamadali mapanatili ang katumpakan ng mga nakalap na
datos at resulta.

Pangkahalatan Uri ng Pananaliksik

May dalawang pangkalahatang uri ang pananaliksik:
1. Kwantitatibo – tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng
iba’t ibang paksa at penomenang panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
kompyutasyon. Kadalasang ginagamit din ito ng mga nasusukat at
nakababalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey,
eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.

2. Kwalitatibo – kinapalolooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay

malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan
na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang
ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong
pinangyayarihan nito at ang panlipunang realidad gaya ng kultura,
institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Pagkakaiba ng Kwalitatibo at Kwantitatibong Pananaliksik

Krayterya Kwalitatibo Kwantitatibo

Unawain at bigyang- Suriin ang ipotesis, tukuyin ang

Layunin kahulugan ang mga sanhi at bunga at gumawa ng
ugnayang pantao mga prediksyon

Mga kalahok Kaunti at purposively Marami at randomly selected

selected

Uri ng Datos Salita, larawan o bagay Numero at istadistika

Paano lilikumin Panayam, pagmamasid, field Structured at validated na data-

ang datos notes, open-ended responses collection instrument

Uri ng pagsusuri Pagtukoy sa patterns, Pagtukoy sa kaugnayang pang-

ng datos feautures o themes istadistika

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Isang Pananaliksik

1. Paggawa ng Panimula
Ang panimula ay nagbibigay ng paglalarawan sa tinutukoy na suliranin
ng pananaliksik. Binubuo ito ng taltong bahagi: rasyunal, layunin at mga
katanungan.
a. Rayunal - Dito tinatakay ang rasyunal, kaligiran o batayang prinsipyo
ng pananaliksik. Nakapaloob rito ang pagpapaliwanag kung bakit
mahalagang paksaing pinag-aaralan.
b. Layunin - Tumutukoy sa tunguhin o obhetibo ng pananaliksik
c. Tanong - Sa pamamagitan ng tanong nakakalap ang mga datos na
siyang gagamitin upang makamit ang pinakalayunin ng pag-aaral.
2. Pagbuo ng Katawan
Ang katawan o nilalaman ng pananaliksik ay nagbibigay ng mukha sa
isinasagawang pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga
sumusunod:
a. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura – Isang komperehensibo at
pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may
kaugnayan sa partikular na paksa o suliranin ng pananaliksik.
b. Pamamaraang ginamit sa pananaliksik
c. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
3. Paglalatag ng Konklusyon
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng kabuuan, naglalagom
ng pangunahing ideya, at nagpapaliwanag kung bakit makahukugan ang
ginawang pananaliksik. Kalauna’y mula sa konklusyon, at ilalagay rin ang
mga tagubilin at rekomendasyon ng mananaliksik.

5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:
1. Ano ang pananaliksik?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pananaliksik sa buhay ng tao?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pananaliksik?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Katangian ng
pananaliksik

4. Paanong nagkakaiba at nagkakatulad ang dalawang pangkalahatang uri ng

pananaliksik?

Kwantitatibo Kwalitatibo

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
5. Ano ang mga hakbang na dapat sundin sa paggawa ng pananaliksik?

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

Loa ng mga Ilonggo: Pagtitipon at Pagsusuring Sosyo-Kultural

Ma. Lulubel C. Claro
Leon NHS
ABSTRAK
Layunin ng palarawang pag-aaral na ito na matipon at masuri ang mga loa ng mga
Ilonggo sa dulog sosyo-kultural. Inilakip sa pag-aaral ang mga nakalap na loa mula
sa aklat nina Rabuco at Campos at maging ang mga natipong loa na napreserba
sa mga aklatan, gayundin ang mga nakalap mula sa panayam sa ilang mga Ilonggo
na ginamitan ng kwalitatibong-narrative inquiry. Nakatipon ang mananaliksik ng
anim na raan at pitumpu’t lima (675) na mga loa at ito ay pinangkat ayon sa iba’t
ibang pagpapahalaga. Walong kategorya ng loa ang nabuo. Ang mga loa na
nauukol sa pang-aliw, ang nangunguna; pangalawa ang tungkol sa pag-ibig,
pagliligawan at pag-aasawa; ang pamimintas at panlalait, pangatlo; pagkabigo at
pagsuko, pang-apat; panlima, ang pakikipagsapalaran at paghamon; pagpuri o
paghanga, pang-anim; paggalang, ang pampito; at nauukol sa kasipagan at
katamaran, ang pangwalo. Ang mananaliksik ay pumili ng tiglilimang mga loa sa
bawat kategorya at sinuri ayon sa uri ng pamumuhay at kulturang Ilonggo.
Mayroong apatnapung (40) mga loa ang sinuri sa dulog sosyo-kultural. Ang tungkol
sa pang-aliw sa pamamagitan ng pamimilosopo at kabulastugan ay nabanggit ang
mga bagay na may kinalaman sa pagtatalik (sex) at sa sariling ari (sex organ). Ang
mga ito ay maaaring iskandalo sa mga makamurang pag-iisip bilang mahalay o
kalapastanganan ngunit, para sa mga katutubong Ilonggo, ay nagiging bahagi ng
kaswal na salitaan o pang-araw-araw na pag-uusap. Lumabas sa kategoryang pag-
ibig, pagliligawan at pag-aasawa ang paghaharana ng mga binata sa napupusuang
7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
dalaga sa pagsapit ng gabi. Sa kategoryang pamimintas at panlalait sa kapwa,
makita na sa panliligaw, sadyang magagaling maghabi ng mga salita ang
kalalakihan. Sa pagkabigo at pagsuko sa hamon ng buhay, nasasalamin na hindi
lahat ng gustuhin ng tao ay makukuha niya kahit sabihin pang pinaghihirapan ito
nang sobra. Sa pakikipagsapalaran at paghamon sa buhay at pag-ibig, sinasabi na
sa bawat laban sa dagok ng buhay ng isang Ilonggo laging naroroon ang pananalig
sa Maykapal. Sa kategoryang pagpuri o paghanga, ang mga Ilonggo ay
mapagmahal sa Inang kalikasan at sa mga bagay na malapit sa kanila.
Nasasalamin ang kulturang Ilonggo ng pagbibigay-galang at pakikisalamuha sa
lahat ng tao, mapabata man o matanda, kilala man o hindi ay naging kaugalian na.
Sa kategorya naman ng kasipagan at katamaran, lumabas na maraming mga bagay
ang napagkaabalahan at napagkikitaan mula sa mga simple at di-gaanong
mahalagang bagay at gawing puhunan ang pagsisikap at pagtitiyaga. Batay sa mga
kinalabasan ng pag-aaral mahihinuha ang mga sumusunod: Mayaman sa loa ang
mga Ilonggo. Ang mga ito ay kakikitaan ng mga pagpapahalaga na nagsisilbing
gabay at repleksyon ng kanilang pamumuhay, pagkatao at kultura. Napapaloob din
sa mga loa ang iba’t ibang pagpapahalaga na hitik sa sosyo-kultural na aspeto gaya
ng positibong pananaw sa buhay, ang pagiging hindi pikon o madaling magalit,
mababaw na kaligayahan, pagpapahalaga sa pag-ibig at pag-aasawa,
mapamaraan at malikhain at mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya. Mahihinuha
din na ang mga Ilonggo ay tila may katatagan at may magandang pananaw sa
buhay. Sila rin ay parang hindi sumusuko, handa makipagsapalaran at makikitalad
sa hamon ng buhay para sa sarili at sa pamilya; may mataas na panlasa at
pagpapahalaga sa sining at kalikasan. Waring masisinag din sa pamilyang Ilonggo
ang pagtataglay ng mga maiinam na pag-uugali at magandang kaasalan gaya ng
pagkamagalang, kasipagan at iba pa dahil napapanatiling matatag at malapit ang
pagkakabuklod ng pamilya.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang pananaliksik?
2. Ano ang layunin nag-udyok sa mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik?
3. Ano ang kahalagahan ng nasabing pananaliksik?
4. Paano isinagawa ng mananaliksik ang pagtupad sa layunin?
5. Ang disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa tekstong binasa?
6. Ano ang naging resulta inilahad ng pananaliksik?
7. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagbuti pa ang ginawang pananaliksik?

8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Gawain 1
Panuto: Suriin nang mabuti ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

Ang Konteskto sa Likod ng TV Ads

ni: Shannon Khey A. Amoyan
Ang pananaliksik na ito ay palarawang pag-aaral–dokumentaryong pagsusuri na
naglayong masuri ang tatlumpung (30) mga TV ad na lumabas sa tatlong
malalaking istasyon ng bansa, ang ABS-CBN, GMA7 at TV5 batay sa konteksto
na ipinanukala ni Torres-Yu (2011). Nahugot sa konteksto ng isyung panlipunan
ang mga sumusunod: hindi lubusang pagtanggap sa mga homosekswal sa
lipunang Pilipino, mababang kalidad ng edukasyon, pangingibang bansa ng mga
Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, diskriminasyon sa matatanda, ang lugar ng
mga may kapansanan sa lipunan, patuloy na mukha ng kahirapan, pagkasira ng
kalikasan, pagpasok sa di-akmang trabaho dahil sa kakulangan ng
mapapasukang trabaho sa bansa. Lumabas naman sa pagsusuri ang mga
sumusunod na pagpapahalaga o value na pinagtitibay: pagbibigay-halaga sa
matatanda bilang kasapi ng pamilya at lipunan, ang kasiyahan sa pagtulong sa
kapwa, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapahalaga sa bisa ng kasal,
pagsasalo-salo sa hapag-kainan, ang bigkis ng magkakapatid, determinasyon at
pagpupursige sa ginagawa, at kapangyarihan ng binitawang salita. Lumabas na
malawak ang saklaw ng mga TV ad at ang mga ito ay may malaking kaugnayan
sa mga gawi, paniniwala, pag-uugali at pamumuhay ng mga Pilipino. Sa
kabuuan, makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagpapasigla ng pagtuturo at
pagkakaroon ng interes ng mga mag-aaral sa kulturang kinagisnan na siyang
humuhubog sa kanilang katauhan bilang isang Pilipino.

1. Ano ang paksa ng binasang pananaliksik?

2. Ano ang layunin nag-udyok sa mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik?
3. Ano ang kahalagahan ng nasabing pananaliksik?
4. Paano isinagawa ng mananaliksik ang pagtupad sa layunin?
5. Ang disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa tekstong binasa?
6. Ano ang naging resulta inilahad ng pananaliksik?
7. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagbuti pa ang ginawang pananaliksik

9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Gawain 2
Panuto: Magbasa ng dalawang abstrak ng pananaliksik. Tiyaking nakikilala ang bahagi
ng pananaliksik at ilapat ang bawat isa sa talahayan sa ibaba.

Pamagat ng Pananaliskik
May Akda ng Pananaliksik
Panahong Isinagawa ang Pananaliksik
Panimula
Rasyunal
Layunin
Tanong
Katawan
Mahahalagang puntong
tinalakay sa Kaugnay na
Literatura
Disenyong ginamit sa akda
Resulta ng pagsusuri
Kongklusyon

Gawain 3
Panuto: Batay sa mga konspetong natutunan, gumawa ng akrostik hinggil sa salitang
pananaliksik.

P = __________________________________________________________________

A = __________________________________________________________________

N = __________________________________________________________________

L = __________________________________________________________________

I = __________________________________________________________________

K= __________________________________________________________________

S= __________________________________________________________________

I = __________________________________________________________________

K= __________________________________________________________________

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Binabati kita kaibigan, nalampasan mong sagutin ang mga mapaghamong mga
gawain sa bawat bahagi ng aralin na ito. Ngayon, sukatin natin ang iyong kabatiran upang
sukatin ang iyong kaalamang natutuhan!
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pagsasagawa ni Maria ng pananaliksik, binibigay-pansin niya ang tamang pagkilala
sa pinagkunan niya ng datos. Anong katangian ng pananaliksik ang makikita sa
sitwasyon?
a. Sistematiko b. dokumentado c. original d. kritikal
2. Ano ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng pananaliksik?
a. Papapahayag ng layunin ng pananaliksik
b. Pagpili ng paksa
c. Paglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral
d. Pagtukoy ng suliranin ng pag-aaral
3. Alin ang pinakahuling ginagawa sa pananaliksik?
a. Pagpili ng paksa c. pagkalap ng datos
b. Paglalahad ng suliranin d. kongklusyon
4. Sa pagtalakay ng resulta ng pananaliksik, ano ang dapat pinakaisasaalang-alang?
a. Ipakita ang lohikal na presentasyon ng datos at resulta batay sa mga tanong na
sinagot
b. Isaad ang buod ng pag-aaral
c. Ipakita ang pangunahing sangguinan na gagamitin sa pananaliksik
d. Isulat ang tentatibong kasagutan sa tanong ng mananaliksik o mga pala-palagay
5. Paano isinasagawa ang pagpili ng mabuting paksa sa pananaliksik?
a. Pumili ng angkop, makabuluhan at napapanahong paksa.
b. Isaalang-alang ang interes ng babasa.
c. May sapat na kagamita at sanggunian.
d. Masaklaw at limitado ang paksa.
6. Si Ana ay gagawa ng pananaliksik na nakabatay sa katotohanan ng katibayan o
ebidensya sa pamamagitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag ito. Anong katangian
ng pananaliksik ito?
a. Balid b. empirical c. obhektibo d. mapanuri
7. Kagaya ng tekstong prosidyural ang pananaliksik ay magkakasunod na hakbang sa
pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon.
a. sistematiko c. obhektibo
b. Balid d. kontrolado

11
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
8. Kailan nagiging obhektibo ang empirical na katangian ng isang pananaliksik?
a. Kapag nagaganap ito sa manipulasyon ng mananaliksik sa isang datos.
b. Kapag nangongolekta ng datos ang isang mananaliksik.
c. Kapag ang gumamit ang mananaliksik ng dalawang uri ng datos.
d. Kapag nabahiran ng personal na saloobin ang interpretasyon.

9. Ang pananaliksik ay may sinusunod na proseso o hakbang sa pagtuklas sa kasagutan o

layunin ng pananaliksik. Anong katangian ng pananaliksik ang ipinahahayag sa
pangungusap?
a. Sistematiko b. kritikal c. dokumentado d. original
10.Layunin ng pananaliksik na bumuo o mangalap ng problema upang___________.
a. Pahirapan ang mga taong mag-isip at maging kritikal.
b. Makahanap ng kapaliwanagan o solusyon sa ikagaganda ng buhay.
c. Bigyan ng gawain ang mga taong upang maging kapaki-pakinabang.
d. May pagkaabalahan ang mga mananaliksik.

Mahusay! Nalampasan mo ang unang aralin para sa unang linggong ito. Ipagpatuloy
ang iyong kasipagan at tiyaga sa pagsagot sa susunod pang mga gawain sa sususnod na
aralin.

12
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
isang sulatin (F11WG – IIh – 89)
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88); at
Kompetensi: Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino (F11PB – IIg – 97);
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
13
Susi sa Pagwawasto
Panimulang Pananaliksik
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo – Aralin 7
TUKLASIN NATIN
Gawain 1
1. pananaliksik
2. datos
3. Proseso
Gawain 2
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain 3
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 4
1. c
2. a
3. b
4. c
5. b
LINANGIN NATIN
Alamin
Sagutin
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
BASAHIN AT SURIIN NATIN
Sagutin
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
PAGYAMANIN NATIN
Gawain 1
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot batay sa sariling kaalaman at pag-
unawa ng mga mag-aaral sa hinihingi sa bawat aytem.

You might also like