You are on page 1of 2

Maikling Kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino

 Bago pa dumating ang mga Kastila, mayroon ng sariling


panitikan, sariling baybayin, o alpabeto na tinatawag
nilang Alibata at kakaiba sa kasalukuyang alpabetong
Romanong dala rito ng mga Kastila.

 Nakapagdulot ng malaking impluwensya sa pagkakabuo


ng ating wika ang mga Indones at Malay

 Tinangkilik ng mga unang Pilipino ang wikang Bahasa


Indones na katutubong wika na taglay ng mga Indones at
kasalukuyang kanilang wikang pambansa noong sila ay
manayuhan ditto.

 Unti-unting nabawasan ang pagtangkilik ng mga unang Pilipino sa wikang dala ng mga Indones noong ikalawang
sapit ng mga Malay dahil dala rin nila ang kanilang wika na siyang tinangkilik rin naman ng maraming Pilipino.

 Tinawag ito sa Ingles na mga Alphabet Using Malays.

 Nakaugat sa wikang Bahasa Indonesia at wikang Malay, at ang ating alpabeto ay nagmula sa angkan ng Malayo,
Polinesyan at mga Indones ang wikang Filipino.
A. Ang Alibata
 Ipinalalagay na katutubo at kauna unahang abakada o alpabetong Filipino ang alibata.
 Binubuo ng 17 titik, 3 patinig at 14 katinig.

B. Alpabetong Tagalog

Ito ay binubuo ng 5 patinig (a, e, i, o, u) at 15 katinig (b, k , d, g, h, l, m, n, ng, p , r, s, t, w, at, y).

C. Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambansa

 Ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay nagsagawa ng pagbabago sa alapabetong Tagalog noong
Oktubre 4, 1974 na tinawag nilang “ Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambasa”
 Nakatulong sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa ang desisyon ng Surian ng Wikang
Pambansa
 Ayon sa SWP nakapagpabagal ang 20 letra sa proseso ng pagpapaunladng ating wika kaya kailangan
magkaroon ng reporma
 Nagpalabas ng Memorandum ang DECS blg 194 (1976)
“ Mga Tuntuninsa Ortograpiyang Filipino”
mula sa 20 letra ay nagging 31 na.
 Sa layuning mapaunlad pa lalo ang ating wika.

1. Sa pangkalahatang pagbaybay ng mga kariniwang salitang mula sa iba’t obang katutubong wika, dapat
sundin ang simulating isa-sa-isang tumbasan o kung ano ang bigkas ay gayon din ang baybay gaya ng
sinusunod sa sistema ng palabaybayan ng 20-letrang abakada na likas na katangian ng wikang pambansa at
ng iba pang mga katutubong wika; sa pasubali, na maaring manatili ang katutubong baybay ng mga salitang
isinasama sa bokabularyo ng Filipino buhat sa iba’t ibang wika.
2. Ang mga salitang banyaga na bago pa lamang ginagamit sa Filipino ay maaring isulat nang alinsunod sa
baybay nito sa wikang pinanghiraman. Sa ganitong pangyayari maaring gamitin ang mga letrang c, ch, f, j, ll,
ñ, q, rr, v, x, z.
3. Ang mga simbolong pang-agham gaya ng sa kemistri, pisika, biyolohiya at iba pa ay dapat manatili
sa anyong internasyonal, bagaman ang salitang kinakatawan ng bawat sagisag ay maaring
tumbasan sa Filipino.
4. Ang mga pangalang pantangi ay karaniwang binabaybay ayon sa nakamihasnang baybay bagat binabaybay
ang ilang salita ayon sa tuntunin 1.
D. 1987 Alpabeto at Patnubay sa Pagbaybay
 1976 nagsasaad ng pagdaragdag ng 11 letra sa dating alpabeto
 Simposyum Ukol sa Repormang Ortograpiko
- Upang masuri at mapag-aralang mabuti kung anu-anong mga letra ang dapat mapasama sa
dating 20 letra at mapagusapan din kung paano babasahin at gagamitin ang mga letrang
idinagdag sa ating alpabeto.
 Ang 20 letra ay dinagdagan at ginawang 28 letra.
- a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z.

Ang ilan sa mahalagang tuntunin ng 1987 Patnubay sa Pagbaybay ng Wikang Filipino

1. Sa Pagsulat ng katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na nagsisimula na sa sistema ng


pagbaybay sa wikang pambansa ay susundin pa rin na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang
sulat ay siyang basa.

2. Ang dagdag sa wakibg ketra ay gagamitin sa pagbaybay ng


a. pantaning pangalan tulad ng tao, lugar, gusali, sasakyan, at
b. salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas.

3. Sa paghiram ng mula sa Ingles at iba pang banyagang wika, ang pagbaybay ay naaayon sa sumusunod na
paraan :
a. kung konsistent sa Filipino ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.

b. kung hindi konsistent ang baybay ng salita hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa
simulating kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.

c. May mga salita sa Ingles o iba pang banyagang wika na makabubuting pansamantalang hiramin sa
orihinal na anyo tulad ng mga salitang malayo na ang bayabay ayon sa alpabetong Filipino.

E. 2001 Alfabeto at Binagong Patnubay sa Pagbaybay

 Sa pamumuno ng Komisyon ng Wikang Filipino muling pinag-aralan an gating alfabeto sa


pangunguna ni Dr. Rosario E. Maminta (edukador, iskolar sa applied linguistics)
 Natuklasan nila na ang 8 dagdag na letra sa 1955 Alfabeto ay may limitasyon pa rin ang gamit

 Hinati ng komite ni Dr. Maminta sa dalawang pangkat ang 8 letra.

 Ang unang pangkat ay f,j,v, at z


- May ponemikong katangian at may sariling tunog na hindi nagbabagu-bago kaya sa
pagbaybay ng mga hiram na salita, gagamitin lamang ang mga letrang ito.
- Sabjek, Volyum, Formalismo

 Ang ikalawang pangkat ay c, ñ, q, at x


- Kumakatawan sa mahigit pa sa isang tunog . Hindi ito kumakatawan sa iisa at tiyak na yunit
ng tunog sa palatanugang Ingles, kundi nakatutunog pa ng isang letra
- Central = Sentral
- Cabinet= Kabinet

You might also like