You are on page 1of 7

Department of Education

Region IX-Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Sta. Maria District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
Special Alternative Intervention for Learning
San Roque, Zamboanga City
______________________________________________________________________________

BANGHAY ARALIN SA HEALTH V

I. LAYUNIN
Sa loob ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. B. Nauunawaan ang mga pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.
C. Naipapakita ang pagtanggap sa pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata.

II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagdadalaga at Pagbibinata
Sanggunian: Modyul ng Rehiyon IX week 7
K to 12 Most Essential Learning Competencies (H5GDIab-1)
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
Ana B. Ventura at Evelyn D. Deliarte, pahina 2-3
Kagamitan: laptop, LED TV, activity sheets, metacard, marker, manila paper
Video ng mga pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata, rubrik
Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa sarili at pagtanggap ng pagbabago

Integrasyon: ESP, SCIENCE, MATH

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak (Picture Analysis)
 Magpakita ng mga larawan.

 Ipalarawan ito sa mga mag-aaral.


 Itanong:
o Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?
o Anong magbabago ang inyong napansin sa bawat larawan?
o Kailan kaya natin nararanasan ang mga ganitong pagbabago?
o Ano ang tawag sa yugto ng buhay na nararanasan ng mga lalaki at babae
katulad ng nasa larawan?
o Naranasan mo rin ba ang mga ito? Ano ang iyong naramdaman? Bakit?

2. Paghahawan ng Balakid
Bigyang kahulugan ang ilang salitang mapag-aaralan sa aralin.

Panuto: Iayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng
katangian o paglalarawan.

Ginulong Letra Nabuong Salita Katangian/Paglalarawan


Ang isang yugto ng buhay ng tao na
maraming nagaganap na pagbabagong
YUTBERP puberty
pisikal, emosyonal, at sosyal na pagbabago
ng katawan.
YOSALS sosyal Pakikisalamuha sa ibang tao
Tumutukoy sa pabago-bagong damdamin o
LANOYSOME emosyonal saloobin
Ito ay pagbabagong pisikal sa katawan ng
SIPIKAL pisikal lalaki at babae.
Isang mahalagang hudyat ng pagdadalaga,
RAMENEHC menarche ang panimulang regla ng mga babae

B. Panlinang na Gawain GUMAMIT NG 4A’S STRATEGY


1. Gawain (Activity)
Magpanood ng video tungkol sa pisikal, emosyonal, at sosyal na mga pagbabagong
nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata. https://www.youtube.com/watch?v=pk-
IkteMT8w
https://www.youtube.com/watch?v=CPQABgMpS8M
 Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat.
 Ipaliwanag ang nilalaman ng gawain.
 Ibigay ang mga kagamitan o activity sheets sa bawat pangkat.
 Magbigay ng pamantayan sa paggawa.

(Isulat ang mga sagot sa napiling graphic organizer)


Unang Pangkat – magtala ng mga pisikal na pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.
Ikalawang Pangkat - magtala ng mga emosyonal na pagbabagong nagaganap sa sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
HOTS
Ikatlong Pangkat - magtala ng mga pagbabagong sosyal na nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at
Questions

pagbibinata.
2. Analysis
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat na mag-ulat ng kanilang mga sagot at agad
iwasto ang mga sagot na kailangan ng linaw o mayroong kulang na impormasyon.
1. Ano ang Puberty Stage?
2. Sa anong edad kadalasang nagsisimula ang pagbibinata at pagdadalaga?
3. Ano ang hudyat na ang isang lalaki o babae ay nagdadalaga o nagbibinata
na?
4. Ano ang kaibahan ng Precocious Puberty at Delayed Puberty?
5. Ano-anong pagbabagong pisikal, emosyonal, at sosyal ang nagaganap sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata?
6. Bakit kailangan nating tanggapin ang mga pagbabagong ito sa ating katawan o sarili?
7. Paano ninyo maipapakita ang pagtanggap sa mga pagbabagong nagaganap sa panahon
ng puberty?

8. Sa mga pagbabagong ito, hindi malayong makaranas ng panunukso ang isang tulad
mo.
ESP Integration

 Naranasan mo na bang matukso dahil sa mga pisikal, emosyonal, at sosyal na


pagbabago sa inyong katawan? (Pagbabahagi ng mga karanasan)
 Ano ang nararapat gawin kapag nakakaranas ng panunukso dahil sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating pangangatawan?

3. Paglalahat (Abstraction)
Ang pagbibinata at pagdadalaga o puberty ay ang pisikal, emosyonal, at sosyal na
pagbabago ng katawan ng isang batang lalaki at babae patungo sa pagiging isang
matandang lalaki.

Walang saktong gulang o edad kung kailan mararanasan ang pagbibinata o


pagdadalaga. Kadalasan, ang gulang na pumapasok sa puberty ang isang tao ay mula
10-14 taong gulang. Para sa mga lalaki, ang kadalasang gulang ng puberty ay mula 12-
14 taong gulang at ang mga babae naman ay nagsisimula sa 10-12 taong gulang.
Science
Integration
Magkakaiba ang mga pagbabagong nararanasan ng babae at lalaki dahil sa hormones
na tinataglay nito. Ang Pituary Gland ay ang glandulang gumagawa ng hormones na
kailangan sa paglaki. Ang hormones ng babae ay tinatawag na Estrogen at
Testosterone naman sa lalaki.

Isang mahalagang hudyat ng pagdadalaga ang menarche, ang panimulang regla, na


karaniwang sumisibol sa gulang na labindalawa-labintatlo (12-13); para sa kalalakihan,
ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng semilya na karaniwang nagaganap sa gulang
na labintatlo (13).

Ang pagdadalaga o pagbibinata na mas maagang nagsisimula ay tinatawag ding


precocious puberty. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay delayed puberty.

Pagbabagong Pisikal Emosyonal Sosyal


Pagbibinata Pagdadalaga
 Lumalapad ang  Tumatangkad  Madaling mairita  Nais maging
balikat  Nagkakahugis ang at sensitibo independent
 Tinutubuan ng buhok baywang at lumalapad  Masyadong  Nagsisimulang
sa iba’t ibang bahagi ang balakang conscious sa bumuo ng grupo
ng katawan  Lumalaki ang dibdib
panlabas na ng kaibigan at
 Tumatangkad at  Pagkakaroon ng
kaanyuan posibleng
bumibigat ang buwanang regla
timbang  Tinutubuan ng buhok  Nagkakaroon ng makaranas ng
 Lumalaki at sa iba’t ibang bahagi interes sa peer pressure
pumipiyok ang boses ng katawan. pakikitungo sa iba  Pagkakaroon ng
 Paglaki ng sex organ  Pagkakaroon ng at paghanga atraksyon o
o ari taghiyawat  Pagkalito sa pagkagusto sa
 Paglitaw ng Adams pagitan ng kapwa
Aple  Pagpunta sa mga
pagiging bata o
 Pagkakaroon ng concert o mga
matanda.
taghiyawat kasiyahan
 Pakikinig sa radyo at
panonood ng
telebisyon at tutok
sa gadgets.

3. Aplikasyon
Magkaroon muli ng pangkatang gawain.
Ipaliwanag ang nilalaman ng gawain.
Ibigay ang mga kagamitan o activity sheets sa bawat pangkat.
Magbigay ng pamantayan sa paggawa.
Ilahad ang rubrik na gagamitin ng bawat pangkat na siyang batayan ng pagbibigay ng
puntos ng kanilang gawain.

Differentiated Instruction

UNANG PANGKAT IKALAWANG PANGKAT


Pagsasadula
Sumulat ng tig-tatlong halimbawa ng mga
Magsadula ng mga sitwasyon na pagbabagong pisikal, emosyonal, at
nagpapakita ng mga pagbabagong sosyal sa panahon ng pagbibinata at
pisikal, emosyonal, at sosyal sa pagdadalaga.
panahon ng pagbibinata at Isulat ang inyong sagot sa isang graphic
pagdadalaga. organizer.

IKATLONG PANGKAT
Paggawa ng Venn Diagram
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat sa kaliwa ang pagbabagong pisikal,
emosyonal, at sosyal na nagaganap sa lalaki, sa kanan naman sa babae. Sa gitna,
isulat ang magkakatulad na mga pagbabago sa babae at lalaki.
Pagkatapos ng presentasyon ng bawat grupo, bibigyang marka ang kanilang ginawa gamit ang
rubrik.

Puntos
Pamantayan
5 3 1
Nilalaman Wasto ang nilalaman ay Wasto ang nilalaman Kulang ang nilalaman at
naibigay ang lahat ng ngunit medyo kakaunti hindi angkop
impormasyong lamang ang naibigay na impormasyong binigay.
hinihingi. impormasyon.
Presentasyon Maayos na naipakita at Maayos na naipakita Hindi naipakita ng
naipaliwanag ng ngunit hindi maayos at hindi rin
lubusan ang paksa. naipaliwanag ng naipaliwanag ng
maayos ang paksa. maayos ang paksa.
Pagkamalikhain Malikhain sa paggawa Hindi gaanong Hindi malikhain sa ang
ng kanilang gawain malikhain ang paggawa paggawa ng gawain.
ng gawain

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Ilarawan kung anong uri ng pagbabago ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin
ang sagot mula sa kahon.

Pisikal emosyonal sosyal

__________________ 1. Kumain sa labas kasama ang barkada.


__________________ 2. Minsan sumasakit ang puson at balakang dahil sa malapit na
pagreregla.
__________________ 3. Nagkakaroon ng hinahangaan at ginagawang modelo sa
pananamit at pagkilos.
__________________ 4. Mabilis ang pagtangkad na maaaring maghatid ng mainam o di-
mainam na epekto. Ang iba ay napapanatiling matuwid ang tindig,
ang ilan ay nakukuba o nahuhukot.
__________________ 5. Nakapagbibigay ng mungkahi sa iilang isyung panlipunan.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumawa ng islogan sa pagtanggap sa mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata. Gawing basehan ang Pamantayan sa Pagmamarka sa susunod na pahina
para sa pagbibigay ng iskor sa iyon nabuong islogan.
Prepared by:

ROBIN C. CLEMENTE
TEACHER 1

Checked and Processed by:

JOCELYN G. IBAÑEZ WILMA DS. SOLDIVILLO


Master Teacher I ESP III

Objective 16
Annotation

The lesson plan that I prepared is a learner-centered teaching philosophy in


all the components of instruction to improve student learning.

I started an engaging activity to get students interest in learning. Learners


asks questions such as, why did this happen? What do I already know about this?

What can I have found out about this? They show interest in the topic and share
their experiences.
Next was, allowing students to explore about the lesson through cooperative
learning. I used the 4A’s Strategy (Activity, Analysis, Abstraction and
Application). First, they were asked to watch a video about the lesson that will lead
them in doing their activity. Differentiated activities are given in each group. All
students have an input and actively discussing and developing ideas on their task.
They are encouraged to draw, discuss, and write about what they learn. The
learners are actively involved. After the group activity, each group analyze and
explain on what they understand, observe, and discuss about their task. Learners
explains possible solutions or answers to others, listens officially to others’
explanations, questions others’ explanations, and listens to and tries to comprehend
explanations the teacher offers. Abstraction follows, solicit answers from learners
about the concept of the lesson. I gave another differentiated activity to
accomplish. I asked the learners to relate the lesson to their daily lives how they
can apply it. Some shared their experiences.
Lastly, I conducted evaluation to know if my learners can demonstrate an
understanding or knowledge of the concept or skill.
.

You might also like