You are on page 1of 2

Maraming karanasan kasama ang aking ina ang hindi ko

malilimutan 'pagkat ang lahat ng ito'y espesyal. Espesyal lagi


kahit anong ganap pa 'yan. Kahit saan. Kahit kailan. Basta't
kasama siya. Ngunit syempre, may mga tagpo sa aking buhay na
kasama ang aking ina na tumatatak hindi lamang sa aking utak
o memorya kundi pati na rin sa aking puso. Isa sa mga ito ang
makikita sa larawan na aking ipinakita. Ito ay nung ako ay
nagtapos ng kinder. Kung hindi ako nagkakamali, kakauwi lang
ni mama galing ibang bansa nung mga panahong ito (siya ay
dating ofw) upang madaluhan ang okasyon kong ito. Makikita
rin sa litrato na ako ay talagang bata pa kaya siguro ay wala na
rin akong masyadong maalala sa mga nangyari nung araw na
ito. Subalit alam ng aking puso na isa ito sa mga pinakaespesyal
na pangyayari sa aking buhay sapagkat sa dinami-rami ng
tagpong hindi ko malilimutan kasama si mama, ito ang napili
kong ibahagi.

Karaniwang ipinapayo ng mga magulang ang "mag-aral ng


mabuti", "huwag sumama sa hindi kilala", "huwag sumabat sa
usapan ng matatanda" at marami pang iba. Bata pa lamang ay
ipinapayo na ito ng ating mga magulang upang mas maaga rin
nating matutunan gawin ang mga ito. Kaya't ngayong ako'y nasa
sapat na edad na, tila normal na gawain na ito para sa akin at
naisasagawa ko sa pang-araw-araw na pangyayari sa aking
buhay. Ngunit ang mga payo ni mama na "mag-ingat ka" o
"ingatan mo ang sarili mo" ay may kakaiba nang impact para
sa'kin ngayon. Lalo na sa panahon ngayon kung saan maraming
sakuna ang nangyari sa paligid tulad ng biglaang pagkakaroon
ng pandemya, ang sunod-sunod na pagpasok ng bagyo sa ating
bansa nitong mga nagdaang taon, at ang naging maingay na
usapin noon tungkol sa mga babae o maging sa mga lalaking
nakikidnap gamit ang puting van kuno. Ang payo na ito ay
tumatak sa aking isip sapagkat natutulungan ako nitong alagaan
at mahalin ang aking sarili at napipigilang abusuhin ang sarili
sa pamamagitan ng pagpupuyat at pagpapakapagod sa walang
makabuluhang bagay.
Mama
Mama, salamat. Sa lahat. I'll always thank God
for letting me have you. I'm not very open but I
want you to know that you will always be my
favorite person in the world and number one in
my heart. Home is wherever you are, Mama. I'm
proud to be your daughter. I won't make this
long, I just want to thank you for all the love,
patience, and understanding you gave me
through the years. Love you, Ma. Mwaps ;>.

- Katrina

KATRINA B. ROBRIGADO
10 - PARVIFLORA

You might also like