Professional Documents
Culture Documents
Interpretatibong Pagbasa Piyesa
Interpretatibong Pagbasa Piyesa
Chenelyn! Chenelyn!
By: Rhandee Garlitos
Tuwing umaga sa aming bahay, ang pangalan niya ang una mong maririnig.
Kapag binigkas mo ito, mayroong madyik na nangyayari. Biglang magtitilian ang mga
kaldero at siyansi sa ibabaw ng kalan. Huhuni ang takore ng mainit na tubig. Maririnig
ang kalantugan ng mga pinggan at kalansingan ng mga kutsara at tinidor. Tapos, sa
isang iglap, busog na si Tatay.
Biglang magsisindi ang ilaw sa loob ng banyo. Dadagundong ang tulo ng tubig
sa balde. Maglilitawan ang mga sepilyo, sabon, shampoo, at tuwalya. Tapos, sa isang
iglap, mabango at malinis na si Kuya.
Biglang iinit ang plantsang nakatago. Tatakbo ang kabayo na tangay ang lukot
na palda at blusa. Tapos, sa isang iglap, uunatin ang lahat ng damit ni Ate.
Biglang magsisibangon ang basahan at sabon. Magsasayawan ang mga bunot
at walis. Tapos, biglang makintab at mabango ang buong bahay.
Biglang tatalbog ang bola at magsasalita ang manyika. Magiging nanay ko siya
sa bahay-bahayan. Magiging taya siya sa taguan. Tapos, paglingon ko, nakaupo siya.
Natutulog. Bago ako matulog, ang pangalan pa rin niya ang maririnig. Kasi, may madyik
ang pangalan niya.
"Chenelyn! Ang kape ko, akin na!" sabi ni Tatay. Biglang maghahalo ng kape,
asukal, at umuusok na tubig. "Chenelyn! Ang sapatos ko, relo ko, nasaan na?" tanong
ni Kuya. Magsisilabas ang mga sapatos at relo sa kung saan. "Chenelyn! Ang isusuot
ko, ihanda mo na!" tili ni Ate. Magrarampahan naman ang mga pantalon, palda, blusa,
at medyas.
"Chenelyn! Ang pinagkainan, hugasan mo na!" utos ni Nanay. Magsisiligo na ang
mga plato, platito, kutsara at tinidor.
Basta tatawagin mo ang pangalan niya, mayron ng iniinom si Tatay sa kuwarto,
nakita na ang nawawalang gamit ni Kuya, handa na ang damit ni Ate para bukas, at
malinis na ang mga gamit sa kusina ni Nanay. Kapag ako na ang tatawag ng
"Chenelyn!" papasok siya sa maliit kong kuwarto. Pagod na pagod. Pawis na pawis.
Hingal na hingal. Latang-lata. Pero, kapag mayroon siyang ikukuwento sa akin, ang
kuwarto ko, nag-iiba ng anyo.
Nagiging dagat ito kapag kami ay mga sirena. Nagiging kastilyo ito kapag kami
ay mga prinsesa. Kaming dalawa ni Chenelyn ang laging bida sa marami niyang
kuwento. Tapos, tulog na kaming dalawa.
Isang umaga, nagkagulo sa loob ng bahay! Ilang beses nang tinatawag ang
pangalan niya, pero walang nangyayaring madyik.
"Chenelyn! Chenelyn!" sabi ni Tatay.
"Chenelyn? Chenelyn?" tanong ni Kuya.
"Chenelyn! Chenelyn!" sigaw ni Ate.
"Chenelyn! Chenelyn!" sigaw din ni Nanay.
"Chenelyn! Chenelyn!" tawag ko.
Pero walang nangyari. Bigla kaming nagsisugod sa kuwarto niya. Pagbukas
namin, maraming madyik ang nangyayari. Mayroong "Hatsing!" Mayroong "Prssrssrstt!"
Mayroong "Brrr!" mayroong "Ubo-ubo!". Naku, si Chenelyn, hindi makapagmadyik.
"May trangkaso si Chenelyn . . ." sabi ni Tatay. Dali-dali siyang pumunta sa
telepono. Bumulong-bulong si Tatay sa hawakan. Tapos, sa isang iglap, biglang
dumating ang doktor. Pumunta naman si Nanay sa kusina. Naghiwa-hiwa siya ng
karne, ng manok, at ng gulay, hinugas-hugasan niya ang mangga at dalanghita, at
nagtimpla-timpla siya ng tsaa at tubig. Sa isang iglap, may pagkain kaagad para kay
Chenelyn.
"Dapat tayo muna ang maglinis ng bahay!" sabi naman nina Kuya at Ate.
Nagbunot nang nagbunot si Kuya. Nagwalis nang nagwalis si Ate. Naglaba nang
naglaba si Kuya. Nag-ayos nang nag-ayos si Ate. Tapos, sa isang iglap, biglang
natutong maglinis ng bahay sina Ate at Kuya. Para makapagpahinga si Chenelyn,
nagkuwento naman ako nang nagkuwento. Biglang nagbago ang kuwarto ni Chenelyn.
Naging bughaw na langit ito at naging piloto kami. Naging mananayaw kami. Tapos, sa
isang iglap, nakatulog si Chenelyn.Mula non, iba na ang nangyayari sa loob ng aming
bahay tuwing umaga.
Week 21 Day 1
Ang Kabataan
Week 21 Day 2
Week 21 Day 5
Genie?!
Oo. Sa mga kuwento ni Rocky sa akin, sinasabi niya na may hinala siyang may
kaibigang genie ang daddy niya. Tuwing umaga raw kasi ay may nakikita siyang bote
sa kuwarto ng kanyang mommy at daddy.
Isang umaga, dahan-dahan daw na pumasok si Rocky sa kanilang kuwarto at
sinubukang silipin ang loob ng bote. Nang Makita siya ng kanyang mommy,
pinagbawalan siya nito at sinabing galit daw sa mga bata ang genie.
Kaya bago raw dumating ang kanyang daddy ay inihahatid na siya ng mommy
niya sa bahay ng kanyang Tiya Merlie.
“Hayaan mo, Rocky, kakausapin kong mabuti ang genie, ha? Basta huwag na
huwag kang papasok sa kuwarto naming ng daddy mo nang hindi ko nalalaman. Ayaw
na ayaw kasi ng genie sa mga batang malilikot.” Iyon ang laging sinasabi ng mommy
niya kaya hindi na siya nagtatanong pa kahit minsan.
“Nakapagtataka naman iyon. Ang alam ko mababait ang mga genie. Hihingi pa
nga iyong genie ng tatlong wishes sa iyo at ipagkakaloob ang mga iyon. Bakit hindi ka
magsabi ng wishes sa kanya?” tanong ko kay Rocky isang hapon habang naglalaro
kami sa playground.
“Ewan ko nga, eh. Iyon din ang sinabi ko kay Mommy. Hayaan mo, kakausapin
ko uli siya. Darating ang araw na babalitaan na lang kita tungkol sa kaibigang genie ni
Daddy.”
Isang gabi, mula sa bintana namin, sinilip ko ang bahay nina Rocky para
abangan ang pagdating ng daddy niya.
Nang dumating ito, nakita kong pasuray-suray, pasipul-sipol, at pasayaw-sayaw
pa ito habang naglalakad. Pagkatapos niyon ay hindi na ito tumigil sa pagdaldal
habang palakas nang palakas ang boses nito.
Pinatitigil ito ng mommy ni Rocky, pero ayaw nitong tumigil hanggang sa parang
nag-aaway na ang mga ito. At noon ko napansin ang isang bote! Dala-dala iyon ng
daddy ni Rocky.
Baka lumabas na ang genie!
Pero natigil ako sa pagsilip nang dumating sina Mommy at Daddy.
“Mikaela, ano ang ginagawa mo riyan? Hindi magandang Gawain ang pagsilip
sa kapitbahay,” bungad na tanong ni Mommy.
At sinabi ko sa kanila ang laging ikinukuwento sa akin ni Rocky. Ang daddy niya
ay mahilig uminom ng alak.”
“Alak? Ano po iyong alak?” Hindi ko alam ang sinasabi ni Mommy. Ngayon ko
lamang narinig iyon.
Alak?
“Ang alak ay isang uri ng inumin. Kapag uminom niyon ang isang tao ay maaari
niyang makalimutan ang kanyang sarili. Lalo na kapag napasobra ang kanyang inom.
Kung hindi siya agad titigil sa gawaing iyon, maaaring lagi niya iyong hanapin. Iniisip
kasi niya na ang alak ay pampalimot sa problema. Nakapagdudulot iyon ng pagkawala
ng katinuan at kadalasan ng malubhang sakit.”
Week 21 Day 4
“Pero saan ako magsisimula” tanong niya sa kanyang nanay at sumagot ang
nanay niya “Maglinis ka” “Basta simulant mo” wika ng nanay niya at isinara ang pinto,
upang hingi makalabas.
Binabasahan niya rin ang kanyang kapatid at kung sino man na nais making.
May mas gusto siyang aklat na binabasa sa lahat ng mga aklat niya.
“Magsimula ka na” wika ng nanay at isinara ang pinto, upang hindi sila
makalabas ng bahay.
Week 22 Day 3
Ang Magkaibigan
“Tiyak na matutuwa sina Inay at Itay,” sambit ni Rene. “Marami tayong nahuling
isda.” “Oo nga. May pang-hapunan na kayo,: wika ni Edil-Ray. “Pero dapat ay
makatikim ka rin dahil tayong dalawa ang humuli.”
Inay, Inay,Tingnan nyo ang mga isdang nahuli naming ni Edil Ray!Ang tataba at
ang lalaki!pagmamalaki ni Rene.Aba!Oo nga!Akina at nang mailuto,natutuwang sagot
ng ina ni Edil Ray.
Nang oras na iyon ay nasa kuwarto niya si Edil-Ray. Nag-iisa siyang anak kaya
walang makalaro. Nililibang niya ang sarili sa pagbabasa ng mga libro. Isa siya sa
pinakamatalino sa kanilang klase.
Madalas namang nauubos ang oras ni Rene sa pagtulong sa ina. Naglilinis siya
ng bahay bago pumasok. Pagkagaling sa eskuwela ay tumutulong siya sa ama sa
pagpapastol ng mga alagang hayop.
Hindi gaanong matalino si Rene sa kanilang klase pero siya ang nangunguna sa
mga proyektong nangangailangan ng praktikalidad at natural na lakas. “Kaygandang
lalagyan ng magasin!” “Gawa iyan ni Rene!”
Tuwang-tuwa ang mga kaklase ni Rene sa kanyang panalo. Masaya silang lahat.
“Binabati ka namin, Rene!” sabay-sabay nilang sabi. “Salamat,” tugon ni Rene.
Munting salu-salo ang inihanda ng ina ni Rene. “Wow! Sarap!” ani ni Edil-Ray.
Wala sa inyo niyan kaya magpakabusog ka,” wika ni Rene.
“ O,hala, magdasal muna tayobago kumain,” sambit ng Ina ni Rene.
Hindi iba ang trato ng mag-anak kay Edil-Ray. Sa pamilya ng kaibigan ay dama
niya ang pag-aaruga na hindi naibibigay ng mga magulang. Abala kasi ang ama’t ina sa
paghahanda ng kanyang bukas.
Isinali sa Math Quiz Bee si Edil. Siya ang tinanghal na kampeon. “ Ang talino mo
talaga!” ani Jim. “ Dapat ay sa amin ka makipagbarkada. Tulad kasi namin ay matalino
at mayaman ka. Hindi tulad ni Rene.
Binabati kita ,Heto may regalo ako sa pinakamatalino kong kaibigan buong
pagmamalaking ibinigay ni Rene ang dala,Wow!.Ang paborito kong gatas ng kalabaw!
masayang sambit ni Edil .Salamat.
Patingin nga ng mga ngipin n'yo, mga bata? Sino na sa inyo ang nagkabukbok?
Ngiti nga at nang makita kung sino ang bungi. Tungkol sa ngipin ang kuwento ni Tito
Dok ngayon. Sige nga, isipin natin. Halimbawa, isang araw sinabi ni Tatay at Nanay,
"Kailangan mo nang pumunta sa dentista." Ano ang mararamdaman mo? Matatakot ka
ba at iiyak? O magiging matapang? Ano kaya ang nangyari kay Ani ng sabihan siya ng
kanyang Tatay at Nanay na dapat nang patingnan sa dentista ang kanyang ngipin?
Samahan natin si Ani sa dentista!
"Araaay! Aray ko-o-o-o!" Halos umiyak si Ani dahil masakit na masakit ang
kanyang ngipin. Ngayon lang nangyari ito sa kanya. Buong maghapon tuloy niyang
hawak-hawak ang kanyang nananakit na panga. Sinilip niya ang kanyang ngipin sa
harap ng salamin. At talagang nandiri siya sa nakita. Ang itim-itim ng ngipin niya! "Kaya
siguro ang sakit-sakit ng ngipin ko," sa isip-isip niya. Nang hapong 'yon, matamlay
siyang sumalubong sa kanyang tatay at nanay na kagagaling lang ng opisina. Hindi nga
niya halos ginalaw ang pasalubong nilang ensaymada.
"Ang hilig-hilig mo kasi sa kendi. Tingnan mo may butas na ang ngipin mo.
Kinain 'yan ng mga bukbok," sabi ni Nanay Lyn matapos marinig ang problema ni Ani.
"Huwag kendi ang sisihin mo, mahal. Ang totoo, tamad magsepilyo ang anak natin,"
tugon ni Tatay Viyo. "Oo nga. Bukas ng umaga, sasamahan ko si Ani sa dentista," sabi
ni Nanay. "D-Dentista?" Hindi makapaniwala si Ani sa kanyang narinig. Takot na takot
kasi siya sa mga dentista. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Para kasi sa kanya, ang
mga dentista ay nagpaparusa sa mga bata. Parang mga kontrabida sa cartoons. "Oo,
Ani. Patitingnan natin sa dentista ang ngipin mo. Kung bulok na 'yan, baka kailangan
nang bunutin." "Ay, ayoko po, Nanay! Ayokong pumunta sa dentista," iyak ni Ani. "Ani,
huwag matigas ang ulo. Ang mga dentista ay nag-aalaga ng mga ngipin natin." "Basta
po, ayoko! Baka mamaya lang po, wala na ang sakit ng ngipin ko." "O, hayan ka na
naman. Ipinipilit mo nanaman ang gusto mo. Di ba't lagi naming sinasabi ng Tatay mo
na magsepilyo ka pagkatapos kumain? Ang hilig mo pa naman sa kendi. Alam mo bang
abalang-abala ang mga baktirya kapag may naiiwang asukal sa ngipin mo?"
Nabalisa si Ani. Hindi talaga siya papayag pumunta sa dentista. Pagdating ng
hapon, pinilit niyang maging masaya. Niyaya niya ang mga kalaro, si Nina at si Joshua,
na pumunta sa kanilang bahay. Nagtaguan sila. Nagpiko at naghabulan sa playground.
Pero masakit pa rin ang ngipin niya. Naupo na lang siya sa isang sulok at nagmukmok.
"Bakit Ani, may sakit ka ba?" tanong ng kanyang mga kalaro. "A-ang ngipin ko . . . ang
sakit-sakit." "Patingin nga." "O, hayan, a-a-a-h-h-h-h!" "Naku, Ani, sira na ang ngipin
mo," sabi ni Nina, ang bestfriend ni Ani."Sabi ng tiyo kong dentista, dahil daw 'yan sa
bukbok. Kaya pala masakit!"
"Ganoon ba?" "Oo. Sabi ng tiyo ko, puro mikrobyo raw ang bukbok." "Ano 'yon?" "Mi-
krob-yo! Kinakain ng mikrobyo ang ngipin natin at gumagawa ng butas papasok sa
loob. Dapat pumunta ka na sa dentista." Muli na naman kinilabutan si Ani pagkarinig ng
salitang "dentista." ang tingin niya kasi sa mga dentista ay parang monster. Ano nga ba
kasi ang itatawag mo sa taong may hawak ng plais at naambubunot ng ngipin? "Oo,
kaibigan ng mga bata ang mga dentista. Nilalabanan ng mga dentista ang mga
mikrobyo sa ngipin natin. Alam mo, may sirang ngipin din ako noon, eh." "Talaga?" "O,
tingnan mo ang bungi ko. Diyan dati nakatubo ang ngipin kong may bukbok. Kailangan
ko talaga noong maging matapang," sabi ni Nina.
Nang gabing iyon, hindi makatulog si Ani. Masakit pa rin ang ngipin niya.
Nanalangin siya na sana'y maalis ang sakit ng ngipin niya. Sinilip niya ulit ang kanyang
ngipin sa salamin. "Puro bukbok nga!" At naalala niya ang sabi ni Nanay Lyn. "Ani, kung
hindi ka pupunta sa dentista, baka mawala pa ang ibang ngipin mo."
Kinabukasan, pagkagising, agad pinakiramdaman ni Ani ang kanyang ngipin.
"Hmmm, parang wala na yata ang sakit." Pero matamlay pa rin ang kanyang
pakiramdam. Hindi siya bumangon sa kama. Ayaw niyang kumain ng almusal. Ayaw din
niyang maglaro. "Anak, bumangon ka na't pupunta tayo sa dentista," bati ng kanyang
Nanay. Kinabahan na naman si Ani. "E, Nanay, parang magaling na po yata ang ngipin
ko. Hindi na masakit e!" pangatwiran nito."Pero kailangan pa ring tignan ng dentista ang
ngipin mo. paghinayaan mo na may sira 'yan,sasakit na naman ulit. Baka lagyan 'yan
ng pasta ng dentista. O kung sira na talaga, bubunutin na niya. Halika na.Bilisan mo,
Anak!" Pinilit ni ani na huwag umiyak. alam ni Tatay Viyo ang nararamdaman ng anak.
"Natatakot ka ba sa dentista ,anak? "maamong tanong nito. "A, e medyo po,"singhot ni
Ani. "Kasi po,baka masakit pag binunot ng dentista ang ngipin ko." "Konting sakit lang
'yon anak. At di 'yon magtatagal. At saka mas masakit pa sa bunot ang makirot na
ngipin." "Totoo 'yan, Ani. Hindi magtatagal ang sakit ng ngipin mo. At pag nawala na
'yan , lagi naming ipapaalala sa iyo na magsipilyo pagkatapos kumain. Para hindi
masira ang mga ngipin mo," dagdag ni Nanay Lyn. Sa wakas ay napapayag din nila si
Ani.At saka naisip din ng munting bata, "Kung si Nina nga, kayang - kaya maging
matapang at pumunta sa dentista, kaya ko rin maging matapang."
Maganda ang loob ng kanilang klinika ni Dr. De Leon. May mga laruang
nakabitin sa kisame. Marami ring larawan ng mga hayop na nakadikit sa dingding na
panay nakangiti. May matsing. May kuneho. Parang nginingitian nila si Ani. Nagulat si
Ani dahil mabait naman pala ang dentista. sumusipol-sipol pa nga ang ito. Hindi parang
monster. Si Dr. De Leon ay isang dentista na laging nakangiti. Ang gaganda ng
kanyang mga ngipin. Puting-puti! "Ito ba si Ani? Naku, ang cute na bata ," sabi ni Dr. De
Leon. at iniupo niya si Ani sa dental chair. "Okey ka ba Ani?" tanong ni Dr. De Leon. "
opo. Di po ba ako malulula sa silyang ito?" Biniro ni Dr. De Leon si Ani. " Alam mo,
'yong ibang bata ay nagbabayad pa para makaupo lang dito!" itinaas niya si ani nang
mataas na mataas, at pagkatapos ay binababa nang kaunti. Unti-unting nawawala ang
takot ni Ani. maya-maya pa'y nilagyan na siya ni Dr. De Leon ng bib sa leeg.
"Para hindi marumihan ang maganda mong damit, o kaya'y AKO!" ipinakita sa kanya
ng dentista ang mga instrumentong gagamitin. "O, tignan mo ito, may maliit na
salaming bilog sa dulo. ipapasok natin ito sa bibig mo para kitang-kita natin ang iyong
mga ngipin."Tiningnang mabuti ni Dr.De Leon ang lahat ng ngipin ni Ani. "Kailangang
bunutin na natin ang ngipin mo, Ani. Sinira na kasi ito ng bukbok. Ngayon, para hindi ka
masaktan ,patutulugin natin ang iyong mga ngipin. kung tulog na ang mga ngipin, hindi
na magiging masakit kapag binunot natin..." paliwanag ni Dr.De Leon. "Ha? A, eh sige
po, gusto ko pong patulugin muna ang ngipin ko," sagot ni Ani. Pero muling kinabahan
si Ani nang makita ang heringgilya. "O heto, meron tayong sleeping juicepara sa ngipin
mo." "Pero paano ito iinumin ng ngipin ko?" "Eto ang straw para sa sleeping juice,"
sabay turo ni Dr. De Leon sa karayom na nakakabit sa heringgilya na may lamang
anesthesia. Paiinumin na natin ngayon ang sirang ngipin mo para makatulog ito." "Baka
masakit..." "Makararamdam ka ng sakit mula sa injection, Ani. Pero madaling
mawawala ito. okay, now open your mouth." "Aaaaa-aaaahhhhh..."Ngumanga nang
mabuti si Ani habang pinaiinom ni Dr. De Leon ng pampatulog ang kanyang ngipin.
Maya-maya pa'y wala nang nararamdamang kirot si Ani. "Siguro, nakatulog na ang
ngipin kong bulok," naisip niya.
Habang nakapikit ang mga mata, naalala ni Ani ang kanyang alagang pusa na si
Poochie. Naalala rin niya nang maglibot sila nina Tatay at Nanay sa Manila Zoo. At
nang mag-piknik sila sa park. Nang unang sumakay siya sa eroplano papuntang iloilo.
At nang bumili siya ng malaking cotton candy sa karnabal. Parang nakita pa nga niya
ang kanyang lolo at lola sa probinsya. Maya-maya, tinapik ni Dr. De Leon si Ani,
"Tapos na Ani." " Mabilis lang po pala . . ." sabi ni Ani habang pinakikiramdaman ang
gilagid. Ipinakita sa kanya ni Dr. De Leon ang nabunot na ngipin."Ngiii! Ang dami palang
butas ng ngipin ko!" "Ganyan ang ginagawa ng bukbuk sa ngipin. At pag nasira ang
mga ngipin mo, madali kang dadapuan ng kung anu-anong sakit. Kaya lagi kang
magsipilyo para mapangalagaan ang iyong ngipin, at kalusugan. Alam mo Ani, ang
ating ngipin, tulad ng ibang bahagi ng ating katawan, ay regalo sa atin ng Diyos. Kaya
dapat nating alagaang mabuti. " " Babawasan ko na po ba ang mga kendi , tulad ng
sabi ni Nanay?" " Tama! O kailan mo ulit ako dadalawin, Ani?" nakangiting tanong ni Dr.
De Leon.
Nagustuhan na ni Ani ang dentista, pero nahihiya pa rin siya. Kaya sunod-sunod
na tango na lamang ang naging tugon niya. " Sa susunod, aalisin naman natin ang
ibang tartarkapag nalinis natin ang ngipin mo," dagadag ni Dr. De Leon. " Doc, maaari
bang i-iskedyul mo rin kami? Balak po naming magpa-cleaning na mag-asawa sa
susunod na linggo," sabi ni Nanay Lyn.
Bago bumaba si Ani sa dental chair, may ipinakitang kahon si Dr. De Leon.
punong-puno ito ng king ano-anong makukulay na bagay. " O, Ani, pumili ka ng isang
laruan. premyo mo 'yan dahil ang tapang mo kanina." " Bagong toy po, para sa akin?
Salamat po." Palabas na lamang sila nang bumulong pa si Ani kay Dr. De Leon.
Nakangiting ibinigay ng dentista ang hiningi ng bata. " Bakit, anak? Aanhin mo ba ' yang
bulok mong ngipin?" Tanong ni Tatay ng sinundo nito si Ani at Nanay Lyn. "itatago ko
po. Para di ko makalimutang magsipilyo!" sabay kindat at ngiti ni Ani.
Week 22 Day 5
Week 22 Day 1
Earthquake
Panay ang kuwentuhan nina Aling Ana at Marie habang nagluluto. Nang bigla ay
tumigil sa ginagawa si Aling Ana. “Nahihilo ako,” sabi nito.
“Nahihilo rin ako, Inay!” sambit ni Marie. Noon lang naisip ni Aling Ana kung bakit
siya nahihilo at maging si Marie din. “Lumilindol!”
Takot na takot si Marie. Ramdam niya na umuugaang bahay nila. “Inay ! Inay!”
iyak niya. “Sa ilalim tayong mesa, dali!” ani Aking Ana.
Hindi gaanong malakas at hindi rin nagtagal ang lindol. Dumating ang Tatay at
mga kapatid ni Marie. “Salamat sa Diyos at ligtas tayong lahat,” ani Mang Dan, Tatay
niya.
“Ang lindol ay ang pagyanig ng Lupa” paliwanag ng guro. “Ang episentro nito ay
ang lugar na direktang sentro nang pagbuka ng lupa.”
Tinuruan din ng guro na kailangan ay alam nila kung anong bahagi ng kanilang
bahay ang ligtas na tigilan sa oras ng lindol.
“Patayin kung may apoy ang kalan at isara ang de-gaas na kagamitan. Isara rin
ang pangunahingswitch ng gas at ng kuryente.”
“Tiyaking makakalabas ng bahay kaya buksan ang mga bintana at pintuan.
Dumapa at magtago sa ilalim ng mesa. Takpan ng unan ang ulo upang
maprotektahan.”
“Pagkatapos ng lindol, suriin ang sarili at mga kapamilya kung may nasaktan at
bigyan agad ng pang-unang lunas.”
“Sa panahin ng Lindol at iba pang sakuna, ang mga pampublikong paaralan at
mga gusali ay nagiging evacuation center.Alamin kung saan naroon ang mga ito.”
Bagama’t hindi makaiwas sa lindol, alam ni Marie na malaking tulong ang mga
tinuro ni Mrs.Cruz, kaya nasambit niyang mahalaga talaga ang nag-aaral Gayunman ay
nagdarasal siya na huwag na sanang lumindol pa.
Week 22 Day 2
Ingatan at Tipirin
Week 23 Day 3
Pasko sa Klasrum
Malamig ang simoy ng hangin. Malapit na talaga ang pasko. Huling araw nina
Susana sa paaralan bago magbakasyon. Ang sabi ni Ms. Garcia, mga ilang araw din
daw hindi sila papasok dahil sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Chrismas Party
daw nila ngayon.
Maraming mga palamuti sa silid-aralan iba’t iba ang kulay. May pula, asul,
dilaw, lila at kahel. May mga regalo ding iba’t iba ang hugis. May parisukat, bilog,
parihaba at tatsulok. Maski saan ka lumingon makikita mo ang mga maliliit at
malalaking parol. Ang saya talaga dito sa paaralan.
Pero hindi masyadong masaya si Susana. Iniisip niya kasi ang sinabi ng guro
nila kahapon. “ Magdala kayo ng kahit na anong regalong maaari ninyong ibigay sa
mabubunot ninyo” ang sabi ni Ms. Ablian. Ikinahihiya ni Susana ang panyong binili ng
nanay niya para sa kris kringle nila.
“ Mga bata, bumuo kayo ng bilog at sisimulan na natin ang ating mga laro,” sigaw
ni Ms. Ablian. Tuwang-tuwa si Susana. Masaya silang naglaro ng kanyang mga
kaklase. Dumating ang bigayan ng regalo. Natatakot si Susana sa maaaring mangyari.
Magugustuhan kaya ng kaklase niya ang regalo nito? Hindi umiimik si Susana noong
regalo na niya ang bubuksan ni Lina, ang nabunot nito.
“ Wow, kulay rosas na panyo”, wika ni Lina. “Ang ganda ng natanggap kong
handog. Maraming salamat Susana. Maligayang Pasko!”
Masayang-masayang umuwi si Susana.
Week 23 Day 5
Sa Araw ni Titser
Maagang nagising si Ana. Siniguro niyang handa na ang kanyang uniporme
papasok sa paaralan. Kagabi pa niya iniisip ang maaring mangyari ngayong araw na
ito.
“ Nanay, papasok na po ako!, tuwang-tuwang sabi ni Ana. Agad namang iniayos
ni nanay ang bag at iba pang gamit. “Bakit ba maaga kang naghanda ngayon Ana?”
tanong ng kanyang nanay. Ngumiti lang si Ana, sabay yaya na lumakad na.
Nadaanan ni Ana si Mario na nagaayos ng mga kwintas na bulaklak. “Halika ka
na Mario!, yakag ni Ana. “Sigurado ka bang maganda ang mga ginawa mo?” tanong
nito. “Oo Ana, siniguro ko talagang matutuwa si Ms. Dela Cruz.” sagot ni Mario.
Masayang pumasok sa paaralan ang dalawa. Sa kanilang pagdating, nakita nila
ang ibang mga kaklaseng abala na rin sa paghahanda ng ilang mga bagay na
ihahandog sa kanilang guro. May mga nag-alay ng bulaklak. May mga yumakap at
bumati. May mga ilan ding naghandog ng sayaw at awit sa kanilang paaralan.
Napaluha sa tuwa si Ms. Dela Cruz. Tunay na mahal na mahal siya ng
mga bata sa kanilang paaralan. Tuwang-tuwa din ang mga bata. Sabay-sabay nilang
binati ang kanilang guro, “Maligayang araw ng mga guro, Ms Dela Cruz.”
Week 23 Day 1
Sampung Magkakaibigan
Week 23 - Day 4
Si Emang Engkantada at ang Tatlaong Haragan
By: Rene Villanueva
Week 23 Day 2
Si Tembong Mandarambong
Sa isang malayong lugar, may isang baryon a ubod ng linis. Masipag at masaya
ng mga tao rito. Lahat sila ay lagging naglilinis. Lahat sila ay lagging nawawalis. Kaya
tinawag nila itong Baryo Walis.
Si Tembong ay taga Baryo Walis. Pero kaiba siya sa mga tao rito. Tamad na
tamad si Tembong. Ayaw na ayaw niyang maglinis. Ayaw na ayaw niyang magwalis.
Pero gustong gusto niya ng walis. Kaya lagi siyang naiingit sa mga taong may hawak
ng walis.
Isang araw, may naisip si Tembong. “Kapag kinuha kong lahat ang kanilang
walis, makapagtatayo na ako ng isang palasyo na yari sa walis,” sabi nni Tembong.
“Isang magandang magandang palsyo ang aking gagawin”.
Gumawa agad siya ng maraming walis! Kay ganda ng ginawa niyang mga walis!
At pinamigay niya ang mga walis na ginawa sa lahat ng tao sa buong baryo.
Week 24 Day 5
Ang Ngipin ni KATKAT
Week 24 Day 1
Ang Paaralan
Evacuation Center
Rowena V. Dela Cruz
Isang gabi, umuulan ng malakas at hindi namin namalayan na mabilis na pala ang
pagtaas ng tubig.
“Niko! Niko!, kunin mo na ang lahat ng gamit natin. Bilisan mo mataas na ang tubig at
lilikas na tayo” nagmamadaling wika ni Inay.
“Sige po Inay” at mabilis akong sumunod.
Maya-maya ay may dumating ng Bangka upang isakay kami. Hindi namin alam kung
saan kami pupunta. Pinili ko na lamang na ‘wag ng magtanong at hitayin na lamang na
makarating kami sa ligtas na lugar.
Sa wakas! Wala ng baha sa pinupuntahan namin pero laking gulat ko ng maisip ko bigla
na eskwelahan ko pala ang tutuluyan namin.
“Nanay, bakit po tayo andidito sa school ko?” nagtataka kong tanong kay Inay.
“Kasi anak dito muna tayo pansamantala habang hindi pa humuhupa ang baha” sagot
ni nanay
“Ahh ganon po ba? Ano nga po pala ang tawag sa lugar na tinutuluyan ng mga
nabaha? E-V-aaaacccuu?”
“Evacuation Center ang tawag doon anak.”
”Ahh ganon po ba? Salamat na lang po at ang school ko ay sya pong nagamit na
Evacuation Center po natin.
Week 24 Day 3
Paaralan ng Muslim
Rowena V. Dela Cruz
Madami man itong kaibahan sa iba ay masaya pa din ako na magaral dito dahil
dito nabibilang ang isang Muslim na tulad ko
Week 24 Day 2
Pasukan sa Eskwelahan!
Rowena V. Dela Cruz
“Mira, 5 taon na si Lisa sa Mayo naisip ko na baka pwede na natin syang ipasok
sa paaralan?” sabi ni tatay “uhm, pwede na din , siguradong magiging masaya siya
kapag nalaman niya.” Ani ni nanay.
Kaya ang gagawin ko ay ihanda ang aking sarili at hintayin ang pasukan!
Week 25 Day 2
Ang mga Unang Paru-paro
Sa tabi ng isang ilog ay may isang malaking halamanan, ito ay punong puno ng
magaganda at mabangong bulaklak, mga bulaklak na hindi natin nakikita sa ibang
halamanan.
Week 25 Day 1
Ang Pambihirang Sumbrero
by:Jose Miguel Tejido
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi,
tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang Marikina.
Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. "Paano mo ba
naiisip ang ganyang mga istilo? Kay gaganda!". "Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga
sapatos at suwelas . . ." "Parang may madyik ang iyong kamay!" Sa lahat ng papuri,
matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.
Lumaki ako sa piling ng mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas na kinaiingitan
ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago
ang sapatos ko kapag pasukan, kapag Pasko, kapag bertdey ko, o kung
nakakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa ako ng ekstrang sapatos ni
Tatay kapag may mga tira-tirang balat at tela. "Buti ka pa, Karina, laging bago ang
sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng Ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagliitan
n'ya." himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade 2 na ako nang muling mabuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay
na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng lola ko, sinagot na raw ang matagal na nilang
panalangin na masundan ako. "Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga
sapatos! Pero hindi bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon."
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap si Tatay at Nanay. "Nagpa-
check-up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!" "Talaga?
Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaroon ng anak na ballet
dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-
ballet," sabi ni Tatay.
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang
makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa! Ipinanganak na putol ang dalawang
paa! Nakarinig kami ng kung anu-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.
Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang
parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa.
Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga
pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika. "Nanay, bakit po ba
walang paa si Susie?" "Nagkaroon kasi ako ng impeksyon, anak. nahawa ako ng
German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At . . . iyon ang
naging epekto," malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-
araw, ganu'n naiisip ko kapag nakikita ko na walang mga paa si Susie. Kaya pinilit ko si
Nanay na pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw mag-ballet). Pero . . .
"Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa
banduria class? Hindi yata talaga para sa kanya ang pagsasayaw," sabi kay Nanay ng
titser ko sa ballet. Nalungkot ako. Hindi para sa akin, kundi para kina Tatay at Susie, at
sa mga pangarap na masyadong mailap.
Saksi ako kung paano minahal si Susie nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng
manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mamang
nakakita kay Susie. "Tingnan n'yo o, puwedeng pangkarnabal 'yung bata!" At tinuro nito
si Susie. Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. "Ano'ng problema mo, ha?" Muntik na
niyang suntukin ang lalaki. Mabuti't napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang
nakahiga kami sa kama, narinig kong kinausap ni Tatay si Susie, "Anak, hindi baleng
kulang ang mga paa mo. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo. Alam naming
espesyal ka sa mata ng Diyos. Mas mahalaga sa amin na lumaki kang mabuting tao . . .
at buo ang tiwala sa sarili." Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko,
kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntong-hininga siya. Pagkatapos ay
titingin sa kuna. "Sayang, Bunso, hindi mo mararanasang isuot ang magagarang
sapatos na gawa ni Tatay . . ." bulong ko kay Susie.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isat-isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na hindi
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble,
at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanunukso sa kanya. Ako ang
tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay! Noon ko natuklasan na marami
kaming pagkakatulad. Parehong mas magaling ang aming mga kamay kaysa aming
mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si
Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. napakaganda raw nito sa kanyang mga paa. May paa siya sa kanyang
panaginip? gulat na tanong ko sa sarili. "Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa
panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!"
Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na kanyang kaarawan,
nananaginip siya ng mga sapatos.
"Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malaking buckle sa tagiliran." Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na
bukas ang dulo at litaw ang mga daliri ng paa niya. Ang sapatos na puti na may
kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa mga maong na may
burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang
sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Manghang-mangha ako sa kung
paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang
disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins, beads, o buckle. Inaangkin niya ang mga
sapatos na'yon. "Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kwento tungkol sa mga sapatos
na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdo-drowing, ha?"
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paggawa ng mga sapatos.
Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking hindi matanggihan. Noong
nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may
nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman
siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer. "Pinasaya n'yo
ang Tatay n'yo," sabi ni Nanay. Pagkatapos noon, naging sakitin na si Tatay.
Labindalawang taon si Susie ng pumanaw si Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng
mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan. Sa
paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na
nakasalansan! Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?
tanong ko sa sarili. Pero nang masdan ko ang mga sapatos na'yon, nagulat ako. Taglay
ng mga pares ng sapatos amg pinakamahusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat
ng mga ito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pampasyal.
May pampasok sa eskuwelahan. May pansimba. May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay,
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos
ng kaarawan si Susie. Sandosenang sapatos lahat-lahat!!
Handog sa mahal kong bunso,
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ko ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala
kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina
Nanay at Susie. "H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa'yo, Susie."
Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. "Inilihim niya sa akin ang mga sapatos . . ."
"A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko . . ." Hindi makapaniwalang sabi ni
Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos. "Ha?" Noon ko lang naalala ang
mga sapatos na ikinukuwento ni Susie. Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower
sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na
bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon
na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na
parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos? Hindi ko tiyak. Ang tiyak ko lang, hindi perpekto
ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may
mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nililikha ni Tatay ang mga
pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
Week 25 Day 3
Si Eman
May isang bata ang ngalan ay Eman. Siya ay anim na taong gulang. Minsan siya
ay sumamang mamasyal. Kasama ang kanyang Nanay at Tatay. Walang anu-ano mga
tao'y nagtakbuhan. Bata, matanda, lahat nagpulasan. Ang kawawang si Eman, naiwan
ng magulang sa gitna ng kaguluhan, Sa gitna ng takbuhan. “Inay, Itay nasaan na kayo?
Mama, para na ninyong awa, tulungan ninyo ako, ako po'y nawawala”. “Naku, amang,
kawawa ka naman, sumama ka't ikaw ay aking tutulungan”. Sa isang tindera sa gilid ng
daan. Lumapit agad at siya'y pinagtanungan. Ngunit naging sagot pawang iling lamang
kaya sina Eman, umalis, nagpaalam.
Isang nars, nasa di kalayuan agad nilapitan at pinagtanungan. Sila'y itinuro sa
silid-gamutan kaharap ng doktor kanyang Nanay at Tatay. Sa naganap na takbuhan
Nanay niya'y nasaktan, agad isinugod sa pagamutan. Nang itong si Eman masulyapan
ni Tatay agad na niyakap at sinabihan "O, Eman, sori, ikaw ay naiwan. Salamat sa
Diyos, ikaw ay naiwan. Salamat po sa inyo, mga tao
Week 25 Day 4
Tuwing Sabado
ni: Rusell Molina
Tuwing Sabado, kapag naririnig ko ito, nagiging bulkan ako. Nagbabaga ang ulo
ko. Nagiging bato ang kamao ko. Gusto ko sana silang suntukin kaya lang naalala ko
ang bilin ni Tatay sa akin: “Iwas sa gulo, lumayo sa basag-ulo. Walang nagagawang
maganda ang pagpatol sa mga nanunukso.
“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...nagbilang na lang ako at humakbang papalayo.
“Anim, pito...walo!” Sayang at hindi tumatalab ang madyik sa kanila. Hindi ko sila
mapawala na parang bula. “Magsasawa rin ‘yan,” ang sabi ni Nanay sa akin. “Huwag
mo na lang patulan.” Di kasi nila kilala si Tatay na gaya ng pagkakilala ko.
“Kelan ba ang uwi mo? hanggang kelan ka rito? ilang Sabado pa? Ilang
linggo?” Di nakasagot si Tatay sa dami ng tanong ko. Napapikit siya (napuwing yata sa
hangin) sabay yakap sa akin. Parang ayaw na niyang bumitaw. Siguro ilang Sabado
pa siya rito, naisip ko, hindi kayang bilangin ng mga daliri ko.
“Tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Linggo,” ang sabi ng
tatay ko, “ikaw muna ang bahala, iho. Alagaan mo’ng nanay mo. “Wag maging sakit ng
ulo. Gamitin mo ang lahat ng itinuro ko sa ‘yo,” sabay kindat sa akin. “Ikaw muna ang
tatay habang wala ako.” napangiti siya. Pati ang mga linya niya sa noo ay parang
ngumingiti rin.
Tuwing Sabado ng gabi, bago matulog, ay binibilang ko ang mga bituin na
sumisilip sa bintana.
Isa, dalawa, tatlo....
Sabi nila puwede ka raw humiling sa mga bituin. Ewan ko kung totoo.
Apat, lima, anim...
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Isa lang naman talaga ang
gusto ko.
Pito, walo, siyam...
Sana, bukas paggising ko... Sabado nang muli.
Sampu.
Week 26 Day 2
Alamat ng Atis
Sa isang malayong kaharian noong araw, may isang prinsesa. Sita ang kanyang
pangalan. Mahilig siyang mangako ng kung anu-ano makuha lamang ang gusto.Isang
araw,malambing na hiling niya sa kanyang biyudo amang hari na gawin siyang
pansamantalang reyna. “Susubukan ko po lamang, Ama.” Pinalambing pa ni Prinsesa
Sita ang boses,saka nangakong pagkaraan ng isang lingo, “Ibabalik ko rin po sa inyo
ang korona at trono.”
Habang nag-aalmusal ang palaka, mabilis na pumuslit sa silid niya ang reyna.
Pero mas madulas ang makulugong palaka. Bago pa maisara ng reyna ang pinto,
nakalusot na ang madulas na palaka sa nakaawang na pinto at nakapasok sa
marangyang silid ng reyna.
Nang nag-iisa na lang si Reyna Sita sa kanyang silid, nagtaka siya nang unti-unti
siyang pumunggok habang naninikip ang kanyang hininga. Naramdaman din niyang
parang maraming umiigkas na buto sa loob ng kanyang katawan. Kinaumagahan,
Takang-taka ang dama nawawala ang reyna sa kanyang silid.nagpatulong siya sa mga
kawal na hanapin ang reyna. Pero ang nakita lamang nila ay isang kakaibang prutas sa
harap ng tokador ng reyna : isang maliit at bilog na berdeng prutas na nang biyakin nila
ay pagkarami-raming buto.
Nang tikman nila ang prutas,natuwa sila dahil napakatamis nito-pero mahirap
kainin. Sa dami ng buto,Kailangang ibuga ang mga buto ng sinumang kumain. Sa
katagalan, ang prutas ay nakilalang “atis” pabaligtad na baybay sa “Sita.” Matamis ang
atis,gaya ng reynang walang isang salita o hindi marunong tumupad sa pangako.
Ngunit maraming buto, gaya ng sumpa ng mahiwagang palaka.
Kaya tuwing kakainin ang atis,ang kinakain lamang ay ang matamis na laman.
Ibinubuga ang buto, gaya ng pagkamuhi sa maitim na ugali ng reyna.
Week 26 Day 5
Alamat ng Durian
Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din ng bunga ang
buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto.
“Ang lungkot naman dito. Nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita
ang kagandahan ng kapaligiran”, wika ng buto ng kasoy. Narinig ito ng diwata ng
kagubatan.
“Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng kapaligiran? Gusto mo bang
lumabas sa iyong bunga?” ana ng diwata.
“Opo, Inang Diwata, gusto ko po sana kung iyong mamarapatin.” Pahayag ng
mainiping buto.
“Maganda nga sa labas, ngunit ito’y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init
at lamig sa labas? Mababasa ka ‘pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan kang makakita
pagsapit ng gabi. Mas kumportable at tahimik sa loob ng iyong bunga”, paliwanag ng
Inang Diwata.
“Opo, kakayanin ko po, basta’t makita ko lamang ang nasa labas,” paninindigan
ng makulit na buto.
“O siya. Maaari kong pagbigyan ang iyong hiling, subalit hindi ko na maari pang
bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maaari pang bumalik sa loob,” kundisyon ng
diwata.
“Sige po, hindi ko hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko,” pangako ng
buto.
Kumumpas ang Inang Diwata. Namulat ang buto ng kasuy sa kagandahan ng
kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang nakita.
“Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata,
pinasaya mo ako nang lubos,” tuwang sambit ng buto.
“Walang anuman, mahal na buto. Tandaan mo lang ang iyong pangako,” sambit
sa Diwata at naglaho.
Magdamag na nagmasid ang buto habang nakatungko sa ulunan ng kanyang
bunga. Nang unti unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting
buto. Nangutim ang mga ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit
ang kulog at kidlat.
‘Inaykupo. Bakit naging ganito? Nakakatakot pala dito. Gusto ko nang bumalik sa
loob. Brrrr. Nanlalamig na ako,” nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang tawagin
ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako sa
diwata na hindi na maaari pang humiling na makabalik sa loob.
“Tama nga ang Inang Diwata. Sana’y hindi na ako nagmatigas na masunod ang
gusto ko,” malungkot na wika ng nanlulumong buto.
Week 26 Day 3
ANG PUNO NA MAPAGBIGAY
Sa bakuran ng isang malaking paaralan, may dalawang puno na nakatanim. Sila
ay si punong mapagbigay at si punong matayog. Si punong mapagbigay ay hitik sa
dahon at laging namumunga kapag panahon. Samantala si punong matayog ay hindi
namumunga, puro tinik pa ang kanyang mga sanga.
Kapag naglalabasan na ang mga bata sa paaralan sila ay naglalaro sa ilalim ng
puno na mayabong. Sumisilong sila sa ilalim ng madahon nitong sanga. Naghahabulan
pa ikot—ikot sa mataba nitong katawan. At namimitas din ang mga bata ng hinog na
bunga. Masayang masaya si punong mapagbigay tuwing kapiling ang mga bata.
Samantalang si punong matayog ay galit na galit sa Batang Masaya na
naglalaro. Ito ang dahilan kaya ayaw niyang mamunga. At pinabayaan na niyang
gapangan siya ng halamang baging na tinutubuan pa ng tinik.
“Ayokong pakinabangan ng mga tao!” ang galit na wika ni punong matayog.
“Pero nilikha tayo ng Diyos,para sa tao,”ang paliwanag ni punong mapagbigay.
“Hindi marunong tumanaw ng utang na loob ang mga taong iyan. Kahit ano ang ibigay
mo hindi parin sila masaya”. “Tingnan mo at darating din ang panahon na puputulin ka
rin nila.” “Kaya ako kahit putulin nila patas lang kami, kahit minsan wala naman silang
pakinabang sa akin.”
Isang araw dumating ang mga taong naka-kontrata na gagawa ng gusali. “Doon
sa may nakatanim na punong mayabong tayo magtatayo ng gusali.” Sabi ng
kontraktor.“Kaya lahat ng nakatanim sa lugar na iyan ay simulan ng alisin, at yong
punong mayabong ay putulin na rin.
Nang minsan malaman ng mga bata na puputulin si punong mapagbigay ay
dalidali silang pumunta at sila ay nagpaalam sa puno.
“Nakita mo na, kaibigang puno” ang wika ni punong matayog.” matapos mong
pasayahin ang kanilang mga anak, puputulin ka pa rin nila, diba wala silang utang na
loob, iyan pa ang igaganti nila ang aking katawan, hindi nila kayang maputol ang
kabutihan na itinanim sa puso ng mga bata”.
Kaya kahit pinutol na ang punong mayabong, marami pa rin batang pumupunta
sa puno. Karamihan sa mga bata ay naging malungkutin dahil hinahanap nila ang awit
ng mga ibon, at ilalim na doon sila naglalaro.
Nakadama ng sobrang galit si punong matayog sa pagputol kay punong
mayabong. Kahit hindi man siya ang pinutol at hindi rin siya ang naapektuhan, alam
niya ang sakit na ginawa ng mga tao sa kanyang kaibigang puno.
Lumipas ang mga araw at panahon sa daigdig ni punong matayog siya ay naging
matahimik.Wala na siyang naririnig na ibong umaawit at batang nagtatawanan. Dahil
wala narin ang kaibigan niyang puno na mapagbigay.
Isang umaga, nagulat nalamang si punong matayog ng makita niya ang mga
bata na masayang-masayanang nag aawitan, at nagtutulungan na magbunot ng damo
at may guro pa.
Ang lahat ng mga kamag-aral ay nagkaroon ng isang proyekto na sila ay
magtatanim ng mga halamang umuusbong mula sa buto ni punong mayabong.
Hindi makapaniwala si punong matayog sa kanyang mga nasaksihan. At noon
niya naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigang puno.
Noon pa lamang nalaman ni punong matayog ang kapangyarihan ng kabutihang
asal Tunay nga pala ang kasabihan na, “ KUNG ANO ANG TINANIM AY SIYA RING
AANIHIN”. Pareho lang naman ang binigay samin ng lumikha. “Bakit ako naging
maramot?” ang wika ni punong matayog.
Dahil sa kanyang mga nasaksihan nakadama siya na magbabago. Pinaalis na
nya ang mga sagabal na halaman na baging na maraming tinik sa kanyang katawan.
At pinilit niyang pagyamanin ang kanyang katawan at pagyabungin ang kanyang
mga dahon.
Simula noon sa pamamagitan ng pag-ayos sa kanyang sarili siya ay namulaklak.
Week 26 Day 1
Ang Tambo at Roble
Sa pampang ng isang ilog kung saan tumutubo ang mga tambo ay may isang
matayos at matipunong roble.
Isang araw,isang ipu-ipo ang umihip. Ang munting tambo na pinakamalapit sa
roble ay umindayog at umikot sa lakas ng hangin.
Tinawanan ng roble ang mahagaway at maliit na tambo. “Tingnan moa ng sarili
mo,Tambo,” aniya. “Yumuyuko ka maski sa pinakamahinang ihip ng hangin.kahit kalian
ay hindi ka makakaagapay sa akin.Hindi ako mabubuwag ng pinakamalakas na hangin.
Pagkaraan ng ilang araw ay may dumating na bagyo.Malakas ang ulan at
matindi ang ihip ng hangin.Kahit kalian ay hindi pa nakakakita ang roble ng ganoong
kalakas na unos.Ang munting tambo at ang mga kasamahan nito ay umindayog at
namaluktot sa bawat haplit ng malakas na hangin.
‘Di naglaon, isang pagkalakas –lakas na ihip ng hangin ang pumalibot sa
katawan ng roble at hinila ito ng kasama ang mga ugat nito mula sa lupa.
Kinabukasan,sumikat ang araw. Nakahandusay ang roble sa gitna ng mga
tambo.Ang munting tambo at ang mga kasamahan nito ay nakatirik pa rin sa lupa,
umiindayog sa mabining pag-ihip ng hangin.
Napahimutok ang roble. “Paano naigupo ng bagyo ang isang matayog na
punong katulad ko samantalang ang mga patpating tambo ay hindi man lang natinag sa
kinatitirikan nila?”
“Kahit kailan kasi ay hindi mo inisip na mas malakas ang bagyo kaysa sa ‘yo,
Roble,” anang munting tambo. “Kung naging mapagkumbaba ka lang noon pa man at
yumuyuko sa puwersa ng hangin, siguro’y nakatayo ka pa rin hanggang ngayon.”
Week 27 Day 5
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “ Aba,
nasa sa iyo iyan. Kung kailan mo gusto.”buong kayabangan na sagot ni Agila.
Napatingin ang maya sa kalawakan. Nakkita niyang nagdidilim ang kalangitan, natityak
niya ang kasunod niyon ay malakas na pag-ulan.
“Sige Agila, gusting umpisahan natin nag karera nagyon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan g bawat isa sa atin ay mgadadala ng
kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak.
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ng Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit
nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulal na dadalhin niyakumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito. “O ano, Agila payag kaba?” untag ni Maya. “
Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na iyon at doon tayo hihinto sa ituktok ng
mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan
dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi na siya nagpahalata.
Week 27 Day 5
“Sige Agila, gusting umpisahan natin nag karera nagyon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan g bawat isa sa atin ay mgadadala ng
kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak.
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ng Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit
nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulal na dadalhin niyakumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito. “O ano, Agila payag kaba?” untag ni Maya. “
Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na iyon at doon tayo hihinto sa ituktok ng
mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan
dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi na siya nagpahalata.
Week 27 Day 4
Ang Isang Mayang Uhaw
Maliit si Maya.
Maikli ang kaniyang tuka.
Mataas ang baso at mababa ang tubig sa loob.
Paano makakainom si Maya ng tubig sa baso?
Isang araw, kinausap ni Miss Moo ang kanyang mga kasamang hayop “Hindi
ko na kayang magtagal pa dito, hindi na ako masaya sa lugar ditto, panahon na siguro
upang ako ay humanap ng bagong makakasama at matitirahan”
Huwag kang umalis Miss Moo, mahal ka naming lahat. Ngunit umiling si Miss
Moo “Aalis na ko mga kasama” sabi ni Miss Moo.
Ito ang zoo ng bayan. Zoo para kay Miss Moo? Pumasok si Miss Moo para
makita kung ano ang nasa zoo.nakarinig si Miss Moo ng hindi pamilyar na tunog at
paglinga niya, nakita niya si Elepante. “Sino ka? At ano ang gingawa mo dito?” pagalit
na tanong ng elepanate. “Ako ay isang baka. Nakakapagbigay ako ng gatas, maaari ba
akong tumira kasama ninyo? Ang sabi ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal,
hindi ka naming kailangan dito. Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang
katulad mo” sabi ni Elepante.
Malungkot na umalis si Miss Moo at naglakad lakad. Nakita niya ang mga
giraffe. “Sino ka at ano ang gingawa mo ditto?” tanong ng giraffe sa hindi magandang
tono. “Ako si Miss Moo, nakakapagbigay ako ng gatas maaari ba akong tumira kasama
ninyo?” sagot ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal, hindi ka naming kailangan
dito. Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang katulad mo” sabi ng
giraffe.
Malungkot na umalis muli si Miss Moo at nakita niya ang mga leon. “Sino ka at
ano ang ginagawa mo dito” tanong sa kanya ng leon. “Ako ay isang baka,
nakakapagbigay ako ng sariwang gatas, maaari ba akong tumira kasama ninyo” sagot
muli ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal, hindi ka naming kailangan dito.
Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang katulad mo” pasigaw na sabi ng
leon.
Nagsimulang umiyak si Miss Moo. Nakita siya ng mga zebra “Sino ka at ano
ang ginagawa mo dito” tanong ng zebra sa kanya. “ ako ay isang matandang baka
lamang, nakakapagbigay lamang ako ng gatas” “Hummpphh!” sabi ng zebra “Kami na
walang ginawa kung hindi tumayo sa init ng araw buong maghapon.
Pinapakain lamang kami ng taong taga bantay. Alam niya ang gagawin sa
katulad mong baka.
Nabigla si Miss Moo sa kanyang mmga nakita. Maraming mga bata ang
nandoon pinapakain ang mga hayop. At ang mga hayop ay hindi elepante, giraffe at
leon kundi mga baboy, tupa manok at mga kabayo!
Tinignan ni Miss Moo ang mga bata, mga hayop na nasa zoo. Ngumiti sya at
ngumiti din ang mga ito sa kanya.
Sa wakas ay nalaman na din ni Miis Moo ang kanyang dapat gawin at saw
akas mayroon na rin siyang bagong tahanan
Week 27 Day 3
Iyon lang at dali- dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at
nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, Kaya naman hindi rin
nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t ibang kulay na balahibong nakadikit sa
katawan ng uwak. Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng
mga ito. “Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling
anyo!”
Week 28 Day 4
Mahilig sa gimik sina Kalabaw at Baka. Pero problema nila ang mahigpit na
amo, na si Mang Leoncio. Madisiplina kasi ang lalaki.
“Ano kaya at minsan ay hindi tayo gumawa,” panukala ni Baka. “Naku, eh baka
gulpihin tayo ni amo,” takot na sambit ni Kalabaw. Ang gusto ni Mang Leoncio ay lagi
silang handa basta may iuutos ito. “Dali, Kalakian! Ayoko nang babagal-bagal.
Maraming tao ang umaasa sa ating aanihin.”
Naaawa kina Baka at Kalabaw ang ibang mga hayop sa bukid. Hindi naman nila
alam kung paano makakatulong. “May magandang balita ako,” wika ni Aso.
Ani Aso ay may pagtitipon na gaganapin sa plasa. Para lang daw sa mga baka at
kalabaw iyon. Eksayted ang magkaibigan. “Naku, tiyak na masaya iyan!” wika ni Baka.
May awitan, sayawan at palabas sa pagtitipon. May costume party pa. Hindi
makatulog sina Baka at Kalabaw sa tindi ng pananabik. Ngayon pa lang kasi sila
makadaranas ng gayong pagtitipon.
Naging doble ang sipag nina Baka at Kalabaw. Talagang lahat ng ikatutuwa ni
Mang Leoncio ay ginagawa nila. Gusto kasi nilang payagan sila ng amo na dumalo sa
pagdiriwang.
Nagpaalam sila sa amo. “Gusto po sana naming dumalo sa pagtitipon,” ang sabi ni
Kalabaw. “Payagan n’yo sana kami,” ang samo ni Baka. “Tatapusin po naming nang
mas maaga ang trabaho,” pangako ni Baka. Nag-isip si Mang Leoncio. “Sige,
pumapayag ako.” Tuwang-tuwa ang magkaibigan.
“Hindi na ako makatulog sa pananabik,” ani Baka. “ako rin,” ang sabi ni
Kalabaw. Dahil sa hinihintay na pagtitipon ay naging magaan ang loob ng magkaibigan
sa pagtatrabaho.
“Kung may ninang lang akong engkantada ay tinawagan ko na,” ani Kalabaw.
Nagulat pa siya nang biglang lumitaw ang isang engkantada. “Ako ang iyong ninang,”
ang sabi nito. Pinatulog ng engkantada si Mang Leoncio. “Isang hiling pa po,” wika ni
Kalabaw. “Kailangan po kasing ibang damit ang isuot naming para hindi kami makilala.”
Pinagbigyan ang hiling nila.
“Bago maghating-gabi ay bumalik kayo rito,” anang engkantada. “Pag hindi kayo
nakabalik ay magigising ang inyong amo. Hindi na rin ninyo mahuhubad ang mga
damit ninyo.”
Mula noon, ang naging damit ni Baka ay ang damit ni Kalabaw. Ang naging
damit naman ni Kalabaw ay ang damit ni Baka.
Week 28 Day 3
Bakit may Ilaw sa Buntot ang Alitaptap
Week 28 Day 1
Si Aling Oktopoda at ang Walong Pugita
Bukod sa pugitang may walong galamay, Si Aling Oktopoda ay may walong panganay.
Pero bilang inang-pugita, tamad at pabaya si Aling Oktopoda. Pag nawili, araw-
gabi siya na kasugal ng mga pugitang amiga. Kapag umuwi naman ng bahay, tulog siya
sa buong araw.
Kaya ang walong munting pugita ang nagtatrabaho kahit bata pa. Sila ring walo
ang naghahanap ng pagkain nilang mag-anak.
Minsan, ang munting si Walo, biglang napalayo sa grupo. Hinanap ng pitong
kapatid si Walo. Pero talagang napalayo ito.
Agad silang umuwi at nagsumbong kay Aling Oktopoda na kagigising lang noon.
Siyempre, si Aling Oktopoda ay kinabahan at dagling ginalugad ang karagatan. Isinama
pa ang walong kaibigang tapat para may katulong siya sa paghahanap.
At laking gulat ng walong pugita nang si Walo’y makitang hinahabol ng walong
barakuda.
Agad binomba ng tinta ni Aling Oktopoda ang dalawang nauuna sa walong
barakuda. Sinugod naman ng mga kaibigang pugita ang natira sa walong barakuda.
Mula noon, tumigil si Aling Oktopoda sa pagsusugal at paglalakwatsa. Araw-
gabi, ang walong munting pugita ang tangi at laging laman ng kaniyang mata.
Week 28 Day 2
Si Pagong at si Kuneho
Isang araw nagtipon tipon ang mga hayop upang maghanap ng pagkain. Sina
baboy, aso, ahas, pusa, kuneho at pagong.
Sinabi ni Kuneho, “Pagong, bilisan mo naman! Ang kupakupad mo talaga.”
“Hindi ah, sadyang mabagal lang ako.” sagot ni pagong
“Gusto mo patunayan ko sa iyo” ani pa ni pagong
“Paano naman?” tanong ni kuneho.
“Sa pamamagitan ng isang karera!” sagot ni pagong
“Karera? hahahaha” tumatawang tanong ni kuneho
“oo, mula dito hanggang sa dulo ng ilog”
Nagsimula na ang kanilang karera. Nauna si kuneho pero ng siya’y nasa
kalagitnaan na at hindi pa nya natatanaw si pagong ay naisipan nyang matulog muna
dahil alam naman nyang makupad si pagong. Hindi nagtagal ay dumaan si pagong at
nakita nyang natutulog si kuneho kaya sya ay nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Nang
dapit hapon na ay nagising na si kuneho. Tinignan nya ang daan at hindi pa nya
nakikita si pagong kaya sya ay dahan dahang naglakad.
Pagdating nya sa ilog ay nagulat sya ng makita nyang nagkakatuwaan na sina pagong
at iba pang mga hayop. Napagisip isip ni kuneho na hindi nya dapat hinamak at minaliit
si pagong. Tinanggap ni kuneho ang kanyang pagkatalo at nagpatuloy ang kasiyahan
ng mga hayop kasama si kuneho.
Week 28 Day 5
Sino pa?
Mayroon baka sa bukid na nangangain ng sariwang damo na walang
kasamang tagabantay.
Mayroon ding mga kabayo. Malalakas, malalaki, malulusog ang mga ito at
tumutulong sila sa gawaing bukid.
Ang mga kabayo ay natutulog sa mga mesa at ang mga inahing kabayo
naman ay kasama ng kanilang mga anak.
Ang mga baboy naman ay mahilig kumain. Kapag mainit ang panahon sila ay
nagpapagulong gulong sa may putikan.
Week 29 Day 2
Ang Alamat ng Butiki
Week 29 Day 3
Kain, Kumain, Kinain
By: Mile L. Bigornia
Week 29 Day 5
Ang Dalawang Palaka
Week 29 Day 4
Kayo ba ang Nanay ko?
by: Rodolfo Desuasido
Week 29 Day 1
Lester, Ang Matabang Pusa
Week 30 - Day 1
Ang Batang si Jose
Aling Nena: Oh Jose, magandang umaga naman, ano ang kailangan mo?
Jose : Bibili po ako ng asin at mantika...
Aling Nena: Eto na ang binibili mo Jose, at eto na rin ang sukli mo... salamat...
Jose: Wala po, napansin ko lang po na sobra ang sukli ninyo sa akin, ibabalik ko po
sana...
Aling Nena: Ay naku... hindi ko pala nabilang mabuti, buti na lang at mabait kang bata
Jose, maraming salamat...
Week 30 -Day 5
Ang Batang Salbahe
Nang pabalik na sila sa kanilang silid aralan, nakita ni Elizer ang isang wallet.
“uy wallet oh! ,” sabi ni Elizer. “Tara dalhin natin ito sa Lost and Found!,” wika naman ni
Joshua.“Oo nga. Tara dalhin na natin iyan doon”pagsang-ayon naman ni Gerard.
Nang makarating na sila sa Lost and found, saktong nanduon naman ang may-
ari ng wallet.
Week 30 - Day 2
Isang Aral
Isang araw, pumunta si Miguel sa tindahan ni Aling Rosa. May nakita siyang bata
na bumili ng kendi. Pagkatapos balatan ng bata ang kendi, itinapon lang niya ito sa
kung saan. Naalala ni Miguel ang bilin sa kanya ng kanyang ate.
Ate: Miguel, kapag may nakita kang dumi, pulutin mo na kaagad dahil pag dumami yan,
ito ay magiging sanhi ng baha.
Miguel: hello! Ako si Kuya Miguel. Gusto ko lang sana sabihin sayo na dapat mong
itapon ang iyong basura sa tamang basurahan, kasi kapag dumami iyan at naipon,
magiging sanhi iyan ng baha.
Bata: opo Kuya. Sorry po.
Aling Rosa: Miguel! Hanga ako sayo. Dapat ay tumulad sayo ang mga batang katulad
nila.
Miguel: Salamat po.
Isang araw, nagising si April ng maaga. Inutusan siya ng kanyang ina na bumili
ng ulam sa may karinderya malapit sa kanilang bahay. Mahaba ang pila ng makarating
si April sa karinderya. Ilang sandali biglang may dumating na matandang babae na
kagagaling lamang sa simbahan, at biglang sumingit sa harapan. Pagkakuha niya ng
kanyang pinamili, may mag-inang pulubi ang lumapit sa kanya at nanghingi ng pagkain.
Matandang babae: Umalis nga kayo dito! Ang babaho niyo! Nakakaperwisyo lang kayo.
Nang makaalis ang matandang babae, nalungkot at biglang inisip ni April ang
nangyari. Inilagay niya sa sitwasyon ang kanyang sarili at ang kanyang Ina. Naawa siya
sa mga ito at ng pagkabili niya ng kanyang pinamili, ibinigay niya ito sa mag-ina. Laking
tuwa nila at nagpasalamat sila sa batang si April. Nang maka-uwi si April, tinanong siya
ng kanyang ina kung bakit kulang ang kanyang binili. Ipinaliwanag ni April ang mga
pangyayari. Nasiyahan ang kanyang ina sa ginawa ni April at niyakap siya ng kanyang
ina.
Week 31 Day 1
Ang Sapatero at ang mga Duwende
by: Maryl Tamayo
Week 31 Day 4
Si Ella at Si Ana
Week 31 Day 5
Karanasan ni Tino
Sa palengke, maraming tao ang makikilala. May mga tinder ng mga gulay,
karne, delata, damit, isda, tinapay, mantika, bagoong at mga prutas. Maraming taong
tumatawad dito at doon. May mga taong nakikipagkuwentuhan, nagtatanong kung
magkano, kung sariwa ang gulay o hinog ang prutas.
Sina Mang Ben at Aling Mila ay dalawa sa mga masisipag na tindero at tindera.
Nagtitinda sila ng mga sariwang gulay at matatamis na prutas. Ito ang kanilang
kabuhayan. Sikap at tiyaga ang kanilang gabay sa pagtitinda. Ayon sa kanila, kung
may tiyaga, may ginhawa.
Sa mga taong namamalengke araw-araw, alam nilang sa palengke lamang
mabibili ang mga sariwa at murang sangkap. Hindi bale nang mainit ang paligid,
nakakatawad ka naman at nakikita mo pa ang iyong mga kaibigan.
Week 31 Day 3
Darating ang mga lolo at lola at mga kaibigan ng pamilya. Magluluto si Nanay ng
adobong manok na may gulay. Ilalaga rin niya ang karne ng baboy. Ipiprito niya ang
bangus. Magluluto rin siya ng pinakbet na may talbos ng kamote. Kung may panahon,
mag-iihaw din si Tatay ng isda at karne ng baboy. Para sa panghimagas, gagawa si
Ate ng “fruit salad” at lalagyan niya ito ng yelo. Masarap na naman ang hapunan ng
pamilya. Siguradong masaya ang lahat sa pagkaing ihahain ni Nanay.
Week 32 - Day 3
Mahigit nang isandaang taon nang likhain si Istet, mamahaling istetoskop na yari
sa pinakamahusay na materyales. Nang panahong iyon, ang mga istetoskop ang
itinuturing na pinakabagong imbensyon sa daigdig ng panggagamot. Sila ay sadyang
ginawa para sa mga doctor. Si Istet ay kakaiba sa lahat. May pagkasuplado siya
sapagkat ayon sa kanya, siya ay gawa sa bayan ng mga Kastila.
Mataas na agad ang pangarap ni Istet. Gusto niyang sumikat at makilala sa
buong daigdig. Isang araw, may dayuhang nagkagustong bumili sa kanya. Pero hindi
niya ito nagustuhan. Tinanong siya ng kasama niyang istetoskop kung bakit siya
nakasimangot.
“E paano, tingnan mo naman ang dayuhang bumili sa akin. Isang lalaking maliit
ang tindig at kayumanggi ang balat.”
“Ang selan mo naman! Doctor din naman siya a,” tugon ng kasama.
“A, basta, hindi siya ang gusto kong magmay-ari sa akin. Gusto ko ay kagaya rin
nating Espanyol!!”
Inis na inis si Istet. Wala siyang magawa kundi sumama sa dayuhan na kung
tawagin nila ay Pepe. Nagging bugnutin tuloy siya. Madalas ay pinagtataguan niya si
Pepe.
Pero matiyaga ang doctor. Maingat siyang isinasabit nito sa kanyang balikat
pagkatapos gamitin. Matiyagang nililinis pag narumihan.
Minsan sa loob ng bag na itim ni Pepe, narinig niyang sinabi ni Teroy Termomiter
na kahanga-hanga daw si Pepe.
“Mahusay gumamot ang kayumangging doktor!” pahayag ni Popoy Posep.
“Kahit ang mga walang pera ay ginagamot niya!” sabi ni Gringga Heringgilya.
“At magaling din siyang manunulat!” tugon ni Iskong Iskalpel.”
Biglang sumingit si Istet sa usapan. “Si Pepe, manunulat?”
Natuwa si Istet sa narinig niya. Sabi niya “Kung totoo ngang magaling na
manunulat si Pepe, bukod sa doktor pa siya, may pag-asa ngang matupad ang mga
pangarap ko. Pag sumikat si Pepe, pati ako!” Nagpupugay pa si Istet sa mga
kasamahan. Akala mo’y sikat na sikat na.
Nainis ang mga instrumento sa loob ng bag na itim nang marinig ang kanyang
kayabangan. Pinaligiran nila ang ambisyosong istetoskop at sabay-sabay sinabing:
“Angpagsikat di dapat hangarin, Kusa itong dumarating, Ano ang dapat gawin?,
Trabaho’y paghusayin!”
“Bata pa si Istet, pagpasensiyahan n’yo na!” pagtatanggol ni Pen-Pen.
Isang umaga, nagtaka si Istet nang hindi siya kinuha ni Pepe. Akala niya’y wala
lang pasok sa ospital si Pepe. Ngunit kinabukasan, at nang sumunod pang mga araw,
hindi pa siya ginagamit ni Pepe. Sumilip siya mula sa bag na itim at laking gulat niya
nang Makita niyang si Pen-Pen ang hawak-hawak ni Pepe. Pumasok ang matinding
selos at inggit sa puso ni Istet.
“May bago nang paborito si Pepe,” bulong niya.
Mabait na nagpaliwanag si Pen-Pen. “Istet, balang araw maiintindihan mo rin
kung bakit kami sumusulat ng akalat. Huwag ka nang magtampo. Halika ipapakilala kita
kana Aklat Noli at Aklat Fili.”
“Hmmmmmmmmmmmmppp!” umismid lang si Istet.
Inawat ni Gringga Heringgilya ang dalawa. “Naku Istet, hindi mabuti para sa iyo
ang lagi kang bugnutin. Itigil mo na ang pagkukumpara sa inyong dalawa. Bawat
nilikha’y may kanya-kanyang galing!”
Pinagdudahan pa rin ni Istet si Pen-Pen. Kaya isang gabi, sinubukan niyang
silipin kung ano ang laman ng aklat na pinagkakaabalahang sulatin ni Pepe.
“Aba, masama pala ang mga Fraileng Kastila!”
“Bakit laging nakikialam ang mga Kastila?”
“Magkatuluyan kaya si Ibaraa at Maria Clara?”
Marami pa siyang natuklasan sa aklat na iyon. Mula noon, kapag tulog na ang
lahat, dahan-dahan siyang bumabangon upang buklatin ang aklat at subaybayan ang
nangyayari sa mga tauhan ni Pepe.
Hindi nagtagal, at nagbalik si Pepe sa kanyang bayan at dito’y nakaharap ni Istet
ang mga taong kayumanggi. Noong una’y umiral ang selan niya. Pero naisip niyang ito
marahil ang mga aping tauhan sa aklat ni Pepe. Kaya pinagbuti niya ang pakikinig sa
mga tunog, tibok at hininga ng mga kababayan ni Pepe.
“Magaling ang doktor galing sa Madrid!” sabi ng mga taong nagpapagamot.
Pero napansin ni Istet na minsa’y may mga lalaking nagpupunta sa kanila pero
hindi naman nagpapakonsulta. Nagrereklamo ang mga ito sa pagmamalabis ng mga
kastila. Narinig ni Istet nagalit ang mga Kastila kay Pepe. Bigla niyang naalala ang mga
aklat na sinulat nito.
“Alam mo Istet, may sakit an gating lipunan. Kaya lang, ang sakit na ito any di
simpleng ubo, sipon at tigdas, TB at pagtatae lamang. Gustong gamutin ni Pepe ang
sakit na ito kaya nagagalit ang mga kastila.
Kasabay ng pagkamulat ay sinabi ni Istet, “Pen-Pen, gusto ko ang mga
ginagawa ni Pepe, Kakampi niya ako.”
Hindi sukat akalain ni Istet na dahil lamang sa mga sinulat na aklat ay ipadadakip
sila ng mga Kastila. Napadpad sila sa Dapitan, isang bayang malayo sa siyudad.
Galit na galit si Istet. Halos itatwa niya na siya ay gawa sa Espanya. “Wala na sa
katwiran ang mga Kastila. Sobra na ang pakikialam nila!” reklamo niya kay Gringga
heringgilya na agad namang sumang-ayon at nagsabing “tutusukin ko sila.” Nalito si
Istet sa mga pangyayari. Sa harap ni Pen-Pen at Gringga ay hiyang hiya siya. Halos
itatwa niya ang kanyang pinagmulan.
“Kayo ba ay nagagalit sa akin?”
“Bakit mo naitanong yan Istet?”
“Kasi’y Kastila rin ako. Di ba’t sa Espanya ako nilikha?” maluha luha na si Istet.
“Hiyang hiya ako kay Pepe at sa kanyang mga kababayan.”
“Wala kang kasalanan, Istet. Hindi naman ang lahing Kastila ang inaayawan ni
Pepe kundi ang pamamalakad nila sa ating bayan.” “Wala nang mas marangal pa sa
kanya kaysa sa taong nagmamahal sa kanyang bayan” paliwanag ni Pen-Pen.
“Ah basta, tutusukin ko sila!” sabad ni Gringga Heringgilya.
Dahil sa mga nangyari, lalong napalapit ang loob ni Istet kay Pen-Pen at
Gringga. Hinanap niya ang mga kaibigan. Ipinagtanung-tanong niya, subalit walang
makapagsabi kung nasaan sila. “Siguro’y nakakita na ng bagong istetoskop si Pepe.
Mas bago, makintab at siguro’y mas malakas ang pandinig. Iniwanan na niya ako.’
Lumipas ang maraming taon. Isang araw, may mga panauhing dumating sa
lumang klinika ni Pepe sa Dapitan. Bagama’t luma na si Istet ay malinaw pa rin niyang
naririnig ang usap-usapan ng mga lalaking ito. Binabanggit nila si Pepe.
Ipinapasundo na siya. Dadalhin sa Maynila. “Saan na naman kaya maglilibot si
Pepe? Kasama kaya nila sina Pen-Pen at Gringga?” Nakatulugan na niya ang pag-iisip.
Idinuduyan siya sa pagkakahimbing ng mahabang paglalakbay.
Nagulat si Istet nang makita ang maraming pares ng matang nakatunghay sa
kanya doon sa kuwadrong sisidlan na napaliligiran ng salamin. “nasaan ako?” “Sino
kayo?” tanong ni Istet. Noong una’y natakot siya at nabahala. Pero nang titigan niya
ang mga mata nito, ang nakita niya roon ay paghanga.
“Teka teka, ano itong naririnig ko? Ako na raw ang pinakasikat na istetoskop sa balat ng
lupa dahil inari raw ako ni Pepe. Aba’y bakit? Ano bang nangyari kay Pepe?”
Iginala niya ang kanyang paningin. Sa isang sulok ay nakita niya sina Penpen at
Gringga na nahiga rin sa kamang katulad ng sa kanya. Marami ring mata ang nakasilip
doon. Hindi sinasadya’y napatingala si Istet sa katapat na dingding. Doo’y nakita niya
ang isang malaking kuwadro ni Pepe. Nakaharap ito sa direksyon niya at nakangiti.
Noon lamang napagtanto ni Istet na ang dayuhang muntik na niyang isnabin ang
hinirang na pinakadakilang bayani sa bansang Pilipinas.
Natupad na rin ang pangarap ni Istet. Ngunit para sa kanya, sikat man o hindi,
ang higit na mahalaga’y magkasama silang muli ng kanyang mga kaibigan.
Week 32 - Day 2
Ang Batang Ayaw Maligo
By: Beng Alba
Week 32 Day 4
Ang Dalawang Takuri
Isang malakas na bagyo ang dumaan sa isang bayan. Lumaki ang tubig sa ilog
at tinangay ng baha ang ilang bahay na nakatayo sa pampang.
Dalawang takuri ang hindi nakaligtas sa baha. Ang isa ay yari sa luwad at ang
isa ay yari sa pilak.
Ngayon ay palutang-lutang sila kasama ang mga layak habang inaanod sila ng
rumaragasang tubig ng ilog.
“Kaibigan,” wika ng takuring yari sa pilak sa takuring yari sa luwad, “alam kong
natatakot ka. Kapag nabundol ka ay mababasag ka.”
“Dito ka pumuwesto sa likuran ko, magiging pananggalang mo ako,” wika ng
takuring yari sa pilak. “Hindi ako mababasag dahil yari ako sa pilak.”
“Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad.
“Pero hindi na kailangan.”
Sa halip na lumapit ay lalong lumayo ang takuring yari sa luwad sa takuring yari
sa pilak.
“Bakit ka lumayo?” nagtatakang tanong ng takuring yari sa pilak.
“Ayaw mo bang maprotektahan kita habang hindi pa lumilipas ang panganib?”
“Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad. “Alam kong mabuti ang iyong
layunin pero kapag lumapit ako sayo at nagkabungguan tayo, tiyak na mababasag ako.”
Hindi nakaimik ang takuring yari sa pilak. Pinagmasdan na lamang niya ang
takuring yari sa luwad na ilayo pa ang sarili sa kanya.
Week 32 Day 1
Ang Diyos na Si Merkuryo at ang Mangangahoy
Week 32 Day 5
Filemon Mamon
by: Christine Bellen
“ SUGOD MGA KAPATID! “ sigaw ni Filemon. Umuumbok ang mga pisngi niyang
kasingkulay ng makopa. Nangining ang mataba niyang braso sa pagtaas ng kamao.
Ensayo ito ni Filemon para sa awdisyon. Talagang napakahilig niyang umarte sa
dulaan.
Kahit sa paglalaro, umaarte siyang tatay sa bahay bahayan at kaaway naman sa
barilan. Gustuhin man niyang maging kuya, ipinagpipilitan ng mga kalaro niya, “
Mukhang matanda kapag mataba. Mukhang bata kapag payat.“ naisin man niyang
maging bida, sasabihin ng mga ito sa kanya, “ Mataba ang mga kaaway, mapapayat
ang mga bida. “
Tuwing pasko lamang siya bidaa. Laging si Santa Klaus si Filemon sa paaralan.
At ang puna ng lahat, parang puputok ang pulang damit niya.“ Naka tight-fit yata si
Santa! “ isang kaway at hinga nga ni filemon dalawang butones ang tumilapon.
Umaalog alog naman ang tiyan niyang bilog habang naglalakad at bumabati ng “ Merry
Christmas! “ sabi nga ng nanay at mga yaya, “ Naku, parang keso de bola. “
Para naman maiba, gusto ni Filemon na maging si Andres Bonifacio sa dula.
Siya ang matapang na lider nng Katipunan. Kaya, “ Sugod, mga kapatid!” ang sigaw
niya. Lalo na nang makitang nakahain na ang mesa. Parang fiesta! Nilanghap niya ang
amoy ng nagmamantikang adobo at lechong paksiw. Naglaway siya sa manggang hilaw
at bagoong. Umikot ang mga mata niya sa sari saring minatamis na nilunod sa arnibal.
Matapos naman ang kainan, sasalampak si Filemon sa harap ng tv. Sasali rin
ang kanyang nanay at tatay. Dala nila ang maraming kutkutin, popocorn, mani, kornik,
chicharon at isang litro ng softdrinks. “ Ganyan talaga ang lumalaking bata, “ hihimasin
ni tatay ang ulo ni Filemon habang nginagasab ng anak ang mga kutkutin.
Kaya tuloy walang pakialam si Filemon kahit pa tawagin siyang baboy, Bola,
Bundat, Biik, Bilog, Tabachoy, at Filemon Mamon.Mahal naman siya ng kanyang nanay
at tatay. At mahal din siya ng kanyang mga kaeskwela. Kapag nadikit ang mga ito sa
kanya: Parang mammon, nakakapanggigil kagatin. Parang unan, mainam yakapin.
Parang pader, malapad na sandalan.
Nang dumating ang araw ng awdisyon, handing handa na si Filemon. “ Sugod,
mga kapatid.” Parang kulog ang kanyang sigaw. Nagpalakpakan ang kanyang mga
kaeskwela,. Bida si Filemon! “ hiyawan ng mga ito. Tumaba pati puso ni Filemon sa
kanyang narinig.
At nagkatotoo nga! Siya ang hinirang na Andres Bonifacio. Bigay na bigay si
Filemon sa mga ensayo. Ngunit wala pa sa kalagitnaan, hingal-kabayo na ang bida.
Hindi na marinig ang “ Sugod mga kapatid!”. Kaya lagi itong ipinapaulit.Mabilis
mapagod si Filemon kaya nagpasya si Direk.“ May mas bagay na kilos sa mga kagaya
mong bilog.”
Ginawa siyang prayleng mataba., ang kaaway sa dula. “ Patayin ang mga
Indios!’ pang gigil pa rin ni Filemon. Lalo nang makita niya ang bagong Andres
Bonifacio. Hindi ito bilugan, hindi mukhang mammon ang katawan. Maliksi ito sa
takbuhan at hindi hinihingal sa sigawan.
Sumugod pauwi si Filemon.“ Kailangan ko bang pumayat? Kailangan ko bang
maging patpat? Gusto kong maging Andres Bonifacio sa dula! “, hikbi ni Filemon. “
Ayoko nang maging mammon.” Hindi na sumugod sa mesa si Filemon noong kainan.
Hindi na rin siya bumangon nong hatinggabi upang higupin ang kondensada o kaya’y
manginain ng mga tiring yema na tinda ni Nanay.
Sa pag-alalala sa kakaibang ikinikilos ni Filemon, isinugod siya ng kanyang
nanay at tatay sa doctor kinabukasan. “ wala pong ganang kumain si Filemon.
Mangangayayat po ba siya, Doktor?” nangingilid ang luha ng kanyang nanay.Naninikip
naman ang paghinga ng tatay.Sa tingin ni Filemon, pwedeng artista sa dula ang
kanyang nanay at tatay.
“Maayos po ang anak ninyo, “ sabi ng doctor. “ Ngunit kailangan ninyong
bantayan ang kanyang kalusugan dahil mabilis pong kapitan ng sakit ang matataba
tulad po ng sakit sa puso at diyabetes. Mabilis din po siyang mapagod. “ Napatingin ang
nanay at tatay ni Filemon sa kanilang kabilugan ng katawan. Hinikayat sila ng doctor na
maging halimbawa ng mabuting kalusugan para kay Filemon.
Nabawasan ang panonood ng tv nina Filemon. Naglalakad-lakad sila sa parke
tuwing hapon. Nakatuwaan din nila ang paghahalaman bilang libangan. Bagong putahe
na rin ang niluluto ni Nanay. Karaniwan mga isda at gulay. Prutas na rin ang paborito
nilang ngatain habang nagkkwentuhan.
Week 33 Day 1
Ang Dagang Taganayon at ang Dagang Tagalungsod
Week 33 Day 3
“Lisa, siguraduhin mong walang laman ang iyong bulsa. Kung hinsi mababasa
ang iyong mga gamit’ sabi ng kanyang nanay. “Bulsa? Wala akong bulsa.” Sabi ni
Conduroy sa kanyang sarili. Bumaba si Conduroy sa kinauupuan niya. “Hahanap ako
ng telang gagamitin kong bulsa.” At inikot ni Conduroy ang paligid.
Una siyang pumunta sa isang bag na puno ng tuwalya, ngunit walang kasya sa
kanya at walang gusto niyang kulay. Sunod niyang nakita ang isang bag na puno ng
makukulay na damit. “Siguro meron dito na magagamit kong pang gawa ng bulsa ko,”
sabi ni Conduroy sa kanyang sarili.walang anu-ano, inakyat niya ang bag na puno ng
basang damit. “Mayroong kweba rito, gusto kong tumira sa isang madilim at malamig na
kweba,” sabi ni Conduroy sa kanyang sarili.
Maya maya pa, hinanap nan i Lisa ang kanyang laruang oso, ngunit hindi niya ito
natagpuan. “Nanay, nawawala si Conduroy.” Paiyak na sabi ni Lisa. “Anak malapit nang
magsara ang labahan, at kailangan na nating umuwi.” Sabi ng kanyang nanay. Ayaw
umuwi ni Lisa nang hindi kasama si Conduroy ngunit. “Kailangan nating umuwo.
Balikan na lang natin siya bukas” ang sabi ng kanyang nanay.
Pag alis ng mga ina, may isang lalaking naglabas ng bag na may lamang mga
labada. Iyon ang bag na natgapuan ni Conduro. Bago pa siya makaalis napasama na si
Conduroy sa mga damit na inilagay ng lalaki sa loob ng washing machine. Nang ialis ng
lalaki ang mga damit niya sa washing machine, nagulat siya nang Makita si Conduroy
kasama ang kanyang mga basing damit.
Tinanggal ng lalaki ang mga basing damit ni Conduroy at inilagay ito sa loob ng
dryer upang matuyo. Tinulungan niya si Conduroy na isuot ang kanyang mga damit. “
Magsasara na po kami,” ang sabi ng may-ari ng labahan.
“Sino kaya ang may ari sa osong ito?” tanong ng lalaki. “Dapat mayroon kang
pangalan sa iyong damit para hindi ka mawawala” ang sabi pa niya at maingat na
nilagay si Conduroy sa ibabaw ng washing machine.
Nang patayin ang mga ilaw sa loob ng mga labahan, nagumpisa muling
maghanaop si Conduroy. Nakakita siya ng mga puting kumikislap sa dilim. “Siguro ito
ay snow! Matagal ko nang gustong maglaro sa snow! Sabi ni Conduroy sa kanyang
sarili habang naglalakad nang masipa niya ang isang kahon na puno ng kumikislap na
pulbos. Natabunan siya ng maliliit na puting pulbos at nang siya ay maglakd, napadulas
si Conduroy sa sahig. “Wow! Ang say nito!” sabi ni Conduroy sa kanyang sarili.
Nakarating siya sa isang basket na walang laman, “Ito yata ay isang kulungan, ayaw
kong tumira sa loob ng isang kulungan.”
Kinabukasan, nang dumating na ang may ari ng labahan, nakita niya si Lisa na
naghihintay sa labas ng labahan. “May naiwan po ako sa loob ng labahan ninyo, pwede
po bang hanapin ko siya?” tanong ni Lisa sa may ari ng labahan. “Siyempre nama.”
Nakangiting sagot ng may ari.
“Opo, opo,! Siya ang aking matlik na kaibigan!” sigaw ni Lisa habang inaabot si
Comduroy. “ Ikaw talaga, halika at uuwi na tayo”.
“Hay, Conduroy, bakit hindi mo sinbi sa akin na gusto mo pala ng bulsa?” tanong
ni Lisa.
Nang umagang iyon, itinahi ni Lisa ng bulsa si Conduroy sa damit nito, at narito
ang iyong pangalan para sa sususnod, hindi ka na mawawala, sabi ni Lisa.
Si Troy ay pitong taong gulang na. Siya ang panganay na kapatid nina Elena at
Dodong. Limang taon na si Elena at tatlong taon naman si Dodong. Mahilig maglaro
sina Troy, Elena at Dodong.
Sa iisang kama natutulog sina Troy, Elena at Dodong. Magkakatabi sila kung
matulog sa gabi.
Isang gabi, nanaginip si Troy. Kapitan siya ng isang barko. Malakas ang hangin
at malaki ang alon. Bumuhos ang malakas na ulan. Kasama niya sa barko sina Elena at
Dodong.
Biglang umiyak si Dodong dahil ngulat siya nang mabasa ang kanyang likod.
Tinulungan sila ng tatay na ayusing muli ang kanilang higaan. Tinulungan naman
si Troy ng nanay na patuyuin ang katawan at magpalit ng damit
Hiyang- hiya si Troy sa nangyari. Pitong taon na siya pero naiihi pa siya sa
higaan.
Pero sabi ng nanay niya, talagang may mga batang kahit malaki na ay naiihi pa
rin sa higaan.
Kailangan nilang pag- aralan kung paano maiiwasan ang ganoong pangyayari.
“Maraming puwedeng gawin para maiwasan ang pag- ihi sa kama,” sabi ng
nanay ni Troy.
“Kailangan umihi bago matulog.”
Ganoon nga ang ginawa ni Troy. Gabi- gabi bago siya matulog, hindi niya
kinakalimutan ang bilin ng nanay niya.
Hindi rin siya umiinom ng tubig bago matulog. Sabi kasi ng nanany niya, kapag
uminom ng tubig bago matulog mas malamang ang maihi sa kalagitnaan ng gabi.
Natuto rin si Troy na pakiramdaman ang sarili sa gabi, kapag siya’y naiihi.
Hindi na siya kinakabahan kapag naririnig ang sigaw nina Elena at Dodong:
“Nababasa tayo! Nababasa tayo!”
Alam ni Troy na iyon ay panaginip na lamang dahil hindi na siya umiihi sa kama.
Week 33 Day 5
Kapag naglalakad ako pauwi mula eskwelahan tuwing Lunes, nakakita ako ng
puno ng sampalok sa kabila ng kalsada. Nakakita ako ng duwende na nakaupo sa mga
sanga, kumakain ng hilaw na prutas at may sawsawang sandakot na asin.
Kapag naglalakad ako pauwi mula ng eskwelahan tuwing Martes, nakakaita ako
ng tulay at batis sa kabila ng kalsada. Nakakakita ako ng dugong na iwinawasiwas ang
butot at humuhila ng vintang may layag na makulay. Tumatawid ako ng kalsada nang
hindi tumitingin sa kaliwa at hindi tumitingin sa kanan, para makipaglaro sa dugong..
Kaya pinasama ni Tatay si Ate para alalayan ako sa paguwi mulang eskwelahan
tuwing Martes. Kapag naglalakad ako pauwi mula eskwelahan ng Miyerkules,
nakakakita ako ng malaking anino sa kabila ng kalsada. Iato ang tikbalang na
kumikindat sa akin, at lilim ko ang kanyang anino.
Isang araw, sinabihan ako ni Tayay, “Malaki kana at kaya mo nang imuwing
mag-isa. Isipin ang gagawin at gamitin ang mga mata.” Nagyon, tumitingin ako sa
kaliwa at tumitingin ako sa kanan bago tumawid ng kalsada. Wala na akong nakikitang
dwendeng kumakain ng sampalok,. Nawala na ang mga dugong at pagong. Umalis ang
tikbalang. Naglaho ang lihim na kweba. Walang ahas na humaharang sa akin.
Sa halip, mga kotse, dyip, mga trak at bus, mga pusang tumatakbo, mga asong
sumisibad at mga taong nagmamadali….Ito lamang ang aking nakikita tuwing Lunes,
Martes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes. Ngunit pagdating ko sa bahay, doon at noon
ko nakikita.
Sina pagong, dugong, ahas at iba pa…kasaa ko silang lahat maghapon, buong
Sabado at Linggo
Week 33-Day 2
Ang Maliit na Pulang Sapatos
Minsan, may maliit na pulang sapatos. Sila ay nakatira sa tindahan. Nakatira sila dito
nang matagal na panahon. “Hindi na ito nakakatuwa,” ang sabi ng isang sapatos.
“Gusto kong tumakbo,” ang sabi ng isa. Kaya naman umalis sila sa tindahan. Tumakbo
sila sa daan. Nakakita sila ng manok.
“Hinto!” ang tawag ng manok. “Gusto ko kayong isuot.” Lumundag siya sa sapatos.
“ngayon, kumalahig kayo.” sabi ng manok. “Hindi naming kaya. Ang sabi ng maliit na
pulang sapatos. “Kung ganon hindi ko kayo maaaring isuot. Tumakbo na kayo.”
Nakita nila ang bibe. “Hinto! Gusto ko kayong isuot! Lumundag siya sa maliit na pulang
sapatos. “Ngayon, lumangoy kayo,” sabi ng bibe. “Hindi namin kayang lumangoy,” ang
sabi ng sapatos. “Kung ganon, hindi ko kayo maaaring isuot. Tumakbo na kayong muli.
“
Nakita nila si Asong Nero. “Hinto! Gusto ko kayong isuot,” ang sabi ng aso. Lumundag
siya sa maliit na pulang sapatos. “Ngayon, tumakbo kayo!” “Dalawa lang kami, ang
kailangan mo ay apat na sapatos.” “Kung ganon, hindi ko kayo maaaring isuot.”
“Tumakbo na kayo.”
Nakita nila ang maliit na babae. Wala siyang sapin sa paa. Umiiyak. Lumundag ang
maliit na pulang sapatos patungo sa maliit na babae. Nakita niya ang sapatos. Huminto
siya sa pag-iyak.
“Isusuot mo ba kami? Tatakbo kami para sa iyo.” Ang sabi ng maliit na pulang sapatos.
“Tatakbo ba kayo papunta sa paaralan?” Tanong ng maliit na babae.
“Oo,” ang tugon ng maliit na pulang sapatos. “Tatakbo kami papunta sa paaralan araw-
araw. “
“Oh, salamat sa inyo, Salamat!” ang sabi ng maliit na babae. “Ngayon makakapasok na
ko sa paaralan.”
At ang maliit na pulang sapatos ay masaya. Ang maliit na babae ay naging masaya rin.
Week 34 Day 2
Ciriaco ang Malupit na Kapitan ng Barko
Nang magsimulang pasukin ng tubig ang sasakyan, ipinatapon ni ciriaco ang ibang
kasangkapan
Pero patuloy sa paglakas ng bagyo.
Muli niyang ipinatapon ang ibang gamit sa barko.
“Lulubog po tayo kundi babawasan ang ating kargamento!” sigaw ng isang tauhan.
Week 34 Day 3
Jeff, Ang Mabait na Jeep
Si Jeff ay isang mabait na jeep. Magalang siya sa mga pasahero, bata man o
matanda.Marami ang natutuwa sa kanya. “Ligtas ang pakiramdam ko kapag kay Jeff
ako nakasakay”,sabi ng isang nanay.Siyempre,ang mga bata ay gustung-gusto ring kay
Jeff sumakay. “Ingat kayo sa pag-akyat, mga bata!”
Sino ba naman ang hindi gustong sumakay sa isang mabait na jeep? Kaya
naman laging maraming pasahero si Jeff…Ito ang dahilan kaya asar sa kanya si Saro.
Si Saro ay isang jeep na barumbado.”Umalis ka sa daraanan ko!” sigaw niya kay Jeff.
“Ano ka ba naman,Saro? Hindi iyo ang kalsada,”sabi ni Jeff.”Bakit,kakasa ka ba sa
akin? Karera na lang tayo!” ang hamon ni Saro. Alam mong hindi kita papatulan,’ani
Jeff.
Responsableng sasakyan si Jeff. Ang lahat ng mga batas-trapiko ay sinusunod
niya. Mabuti na ang sumunod sa tama.”Hindi siya nakikipag-unahan kapag pula na ang
ilaw. Tinitiyak din niyang nakatawid na lahat ang mga tao bago siya umandar. Gustung-
gusto ng mga pasahero si Jeff. Malinis kasi siya. Bago mamasada ay naliligo pa siya.
Lalong nainis at nainggit si Saro kay Jeff. “Wala ka namang binatbat sa akin!Buti
pa ay laban na lang tayo!”hamon niya.Minsan ay nagyabang na mabuti si Saro.
Uminom pa ito ng alak bago namasada. Napakabilis ng pagpapatakbo nito.Iskriiits!
Braaang!Ang malakas na pagsalpok ng dyip ni Saro sa puno ay talaga namang
nakakabingi.
Marami ang tumulong para madala si Saro sa pagawaan ng sasakyan. Masakit
na masakit ang lahat ng piyesa niya. Dinalaw siya ni Jeff.”Magpagaling kang
mabuti.Sana ay maging aral sa iyo iyan para hindi ka na muling
mapahamak.”Nauunawaan na ni Saro si Jeff. Sa bawat paglabas sa kalye ay buhay
niya at buhay ng mga pasahero ang nasa kamay niya kaya dapat maging masunurin sa
batas at awtoridad.
Week 34 Day 5
Kuwentong Kotse
Broom! Bagabag! Sus! Grabe namang magmaneho itong si Jack!Halos tumalsik
na ang mga gulong ko. Wala siyang pakialam kahit dumaan pa siya sa lubak-lubak na
kalsada. Sige rito,sige roon! Lagi pang gabi kung umuwi siya. Lasing pa
lagi,kaya…..Broom!Ay naku po! Magdahan-dahan ka naman,Jack! Parang mawawasak
na ang katawan ko. Hindi rin siya marunong mag-alaga ng kotse. Ang tagal na nang
huling ipa-tune up ako. At ang langis ko, maitim na,di pa rin pinapalitan.
Kaya ang laki ng pasasalamat ko nang ibenta ako ni Jack kay Sylvia. Isa siyang
stewardess. Bukod sa sexy at dahan-dahan kung magmaneho, pinananatili niya akong
malinis. Lagi niya akong dinadala sa car wash. Lagi pa akong mabango. Kaya lang,
nakakainip ang buhay ko rito kay Sylvia. Nababagot ako lagi. Lagi akong nakakulong sa
garahe ng condo unit niya at hindi nagagamit.
Iba-iba ang oras ni Sylvia. Minsan nga, sa isang linggo, wala kaming biyahe.
Bukod sa napakalapit ng pinupuntahan ng amo kung sexy, madalang na madalang pa
kaming umalis. Nang magpasya ang amo kong maganda na ialok ako sa kapatid niyang
si Rico, hindi na nagdalawang-isip pa ang kanyang kapatid na bilihin agad ako. Mura
lang kasi ako ibinenta ni Sylvia. “Wow, may kotse na tayo!” bulalas ni John Carlo, ang
anak ni Rico, habang nakayakap sa akin. Kung kaya ko lang kausapin ang batang ito ay
sasabihin ko, “Ang sarap naman.” Ngayon lang ako nakaranas ng yakap. Mangiyak-
ngiyak ako sa kaligayahan.
Kinaumagahan, dinala ako na pamilya ni Rico sa talyer. Kinausap niya ang
tatlong mekaniko roon. “Tingnan ninyo lahat ng sira nito. Ayusin n’yo ha? At palitan
ninyo ang pintura.” “Color red! “sigaw ni John Carlo. “ O,pula daw sabi ng anak ko.”
Iniwan nila ako sa talyer at dinig ko’y isang buwan akong mamamalagi roon. Ayos dito,
ayos doon. Palit ng piyesa rito, palit doon. Langis dito, langis doon. Masilya rito, masilya
roon. Pintura dito, pintura doon. Linis dito, linis doon. Wow ang gwapo ko na!
Pagkabayad at pagkakuha sa akin sa talyer ay saka ako minaneho ni Rico. Suwabeng
mag-drive ang daddy ni John Carlo---dahan-dahan lang. Ay, ang sarap tumakbo kapag
kagaya niya ang nagda-drive sa akin; nakakondisyon pa ang mga piyesa ko!
“ Asensado kana talaga, Rico. Ang ganda ng bagong kotse mo,” sabi ng
kapitbahay nila sa apartment na tinitirhan nila. Mula noon, ako na ang naghahatid at
sumusundo kay John Carlo sa school na pinapasukan niya. “Wow, may bago na pala
kayong kotse!” sabi na isa niyang kaklase. “Oo, at kabibili lang iyan ng daddy ko. Ako
ang namili ng kulay niyan,” pagmamayabang niya. Ahente ng mga gamot ang daddy ni
John Carlo. Sa likod ko lagi nakalagay ang kahon-kahon ng samples niya sa mga
ospital. Masaya ako kina John Carlo, kaya susunod ako lagi sa gusto ng daddy niya sa
pagda-drive niya sakin.
Laking gulat ko nang pagkalipas lamang ng isang taon, bumili na ng sarili nilang
bahay sina John Carlo. Isa iyong town house. “ Umaasenso talaga itong si Rico, ah.
Napansin ko, mula nang bilhin mo ang kotseng ito, tuluy-tuloy na ang swerte mo.”
Nakakataba ng puso ang magandang sinabi ng mommy at daddy ni John Carlo. “ Kaya
kung ako sa iyo, huwag na huwag mo ibebenta ito.” Naniniwala ba kayo roon? Nasa tao
iyon,” sagot ni Rico. “ Hindi, Daddy, huwag mong ibenta ang kotse,” pagtatanggol sa
akin ni John Carlo. Kaya naman tuwing mamasyal kami sa mall o ‘ di kaya maisipan
nilang mag-outing sa Tagaytay, ginagalingan ko ang pagtakbo. Takbo rito, takbo roon,
Kurba rito, kurba roon. Preno rito, preno roon! Hay, hindi ako dapat palitan! Ayokong
mawala sa akin si John Carlo.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon, nagkaroon na ng sariling negosyo si
Rico. At bumuli na siya ng malaking bahay sa isang sikat na subdivision. Tuwang-tuwa
na naman ako, dahil marami ang nagsasabi sa kanila na ako raw ang suwerte sa buhay
nina Rico.” Rico, malaki ka na. hindi na bagay sa iyo ang ganitong klaseng kotse. Luma
na. Pogporogpog . kailangan’yong brand-new at magandang klase,” isang gabi ay sabi
ng isang kaibigan niyang mahangin. Nakita kong napaisip si Rico.
Isang araw, nagkaroon ng importanteng meeting si Rico sa probinsiya. Tatlong
araw din kami roon. At gabi na nang magpasya siyang umuwi. Napansin ko, parang
wala sa kondisyon si Rico. Medyo gumigiwang ako. Aba, inaantok siya. Dahan-dahan
lang! Nagpatuloy si Rico sa pagpapatakbo sa akin. Hindi niya napansin ang truck na
sumasalubong sa amin. Bigla niyang kinabig ang manibela para makaiwas. Pero
gumiwang-giwang ako sa highway hanggang tumama ako sa puno! Si Rico! Ano na
kaya ang nangyari sa kanya?! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakaramdam
ako ng panghihina hanggang sa magdilim ang aking paligid. Si Rico…. Ang daddy ni
John Carlo….
Umaga na nang maramdaman kong hinihila ako---hinihila ng isang truck at hindi
ko alam kung saan ako dadalhin. Nasaan na kaya si Rico? Naku, wasak ang mukha ko.
Basag ang mga salamin at ilaw ko. Ano na kaya ang hitsura ko? Ilang araw din akong
nakaparada sa tabi ng kalsada. Walang pumapansin sa akin kahit arawin at ulanin ako.
Ilang araw pa ang nagdaan nang makita ko si John Carlo, kasama ang mommy
niya. Humahangos na nagtungo siya sa akin at pinagtatadyakan niya ako. “I hate you!
Kung’ di dahil sa iyo hindi naaksidente si daddy! I hate you!” Pinigilan siya ng kanyang
mommy pero patuloy ang pagtatadyak niya sa akin. Pagkaraan ng ilang saglit ay
dumating si Rico. May benda ito sa ulo. “ John Carlo, huwag. Huwag anak, ako ang
may kasalanan. Nag-drive ako nang inaantok.” “ Tama ang sabi ng iba, dapat ibenta na
iyan. Luma na!” nanlumo ako sa aking narinig. Nagbingi-bingihan ako sa mga
masasakit na sinabi ni John Carlo. Napaiyak ako.
Hanggang sa isang araw, nagising na lamang ako sa isang talyer. Ayos dito,
ayos doon. Palit ng piyesa dito, palit doon. Langis dito at langis doon. Masilya rito,
masilya roon. Pintura dito, pintura doon! Nasa car show ako? At bakit ako naririto?
Pinaganda pa akong lalo ng daddy ni John Carlo! “ daddy, bakit inayos mo pa iyan?
Napaganda mo nga lalo baka maaksidente ka pa.” “Wala siyang kasalanan, tulad ng
sabi ko. Itong pilat na ito ay magsisilbing tanda na dapat akong mag-ingat.”
Ang gara ko sa paligsahan na iyon. May iba’t ibang kulay pa na ipinalagay si
Rico sa aking katawan. Inaanunsiyo kung sino ang nanalo: walang iba kundi ako! At
nanalo ng napakalaking premyo ang daddy ni John Carlo. May trophy rin siyang
natanggap. At ipinagmayabang pa niya ako. Picture taking dito, picture taking doon.
Nang gabing iyon, pinuntahan ako ni John Carlo sa garahe. Dahan-dahang binuksan
niya ang pinto sa gawi ng driver, umupo sa harap ng manibela at… “ Broom…”
pinagpa-practice-an ako. “ Ikaw nga siguro ang swerte sa amin,” bulong niya.
Kinaumagahan ay saka ko lamang napansin na bago pala ang aking garahe. At
may dumating na isang kotse: bago at napakaganda. Nang iwan kami sa garahe,
nagtanong ang bagong kotse. “Ano’ng pangalan mo?” “ George, and what about you?” “
Georgia,” malambing na sabi niya. “Okay ba sina John Carlo at ang kanyang mommy at
daddy?” “Okay! Okay na okay!”
Week 34 Day 1
Week 34 Day 4
Tapayan ni Ollie
Week 34 Day 4
Tapayan ni Ollie
Week 35 Day 1
“Ako ang hari ng kalsada” sabi niya. Takot ang lahat ng jeep at kotse sa kaniya.
“Sa daan, ako ang tunay na bida.”
Walang kinakatakutan si Kas. Hindi siya takot sa jeep at sa kotse. Hindi rin siya
takot sa taksi. Kahit a pulis at sa pasahero, hindi rin takot si Kas.
Ang bilis bilis ng takbo ni Kas. Kaya takot na takot ang mga pasahero. “Para!
Para-a-a-a! sabi nila. Pero humihinto lang si Kas kung saan at kung kailan lang niya
gusto. Pagbaba ng mga pasahero, nerbiyos na nerbiyos sila. “Dahan dahan lang ang
takbo,” sabi nila kay Kas. Hindi sila pinansin ng barumbado.
Kahit pulis ay walang magawa. “Ayan na! ayan ni si Kaskasero!”. Unahan ang
lahat sa pagtakbopara iwasan ang bus na barumbado. Tlagang walang mgawa ang
lahat kay Kas.
Kahit ilang ulit siyang pagsabihan, talagang matigas ang ulo. “Ako ang hari ng
kalsada,” lagi niyang sinasabi. “Gagawin ko ang lahat ng gusto ko!”
Inubo ng inubo ang mga halaman. Pero hindi man lang lumingon si Kaskasero.
Wala siyang pinakikinggan kahit na sino. “ Ako ang hari ng kalsada,” ang
katwiran niya. “Magagawa ko kahit anong gusto ko!”
Kahit lasing na lasing, naisip parin niyang magyabang. Kahit paekis ekis ang
mga gulong, pumaspas parin siya sa gitna ng daan.
“Ako ang hari ng kalsada,” sabi niya, saka bumusina ng bumusina. Mabilis na
mabilis ang takbo ni Kas. Mabuti na lang at wala siyang sakay.
Lasing na lasing ang bus na walang modo. Ang bilis bilis ng kaniyang takbo.
Mas mabilis pa sa jeep. Mas mabilis pa sa taksi. Mas mabilis pa sa kotse.
Pero hindi parin siya nasiyahan. Ang takbo’y lalo pa niyang binilisan!
Nabangga si Kas. Bali bali ang bakal at tubo. Wasak ang makina at baluktot ang
tambotso. Parang napisang lata si Kaskasero. Hindi na ulit nakalabas ng daan si
Kaskasero.
Week 35 Day 4
Ayaw nang gamitin ni Momon ang luma niyang bisikleta. Nahihiya siya sa mga
kalaro. Ang gilas ng mga bisikleta nila! Sari sari ang mga nakasampay na kulay,
naksisilaw, tumatalon, umiikot, humaharurot, at pag bumusina tabi ang poporma-porma.
“Kung bago lang sana ang bisikleta ko, uunahan ko ang mga kalaro ko,” sabi ulit
ni Momon sa sarili. “Tignan mo inuunahan nila yung matanda. Muntik nng
masagasaan,” pabulong ulit na sabi ng bisikleta.
“Kung bago lang sana ang bisikleta ko. Tiyak na kahit baha, lalampasan ko.”
Wika ulit ni Momon sa sarili. “Ow? Tumingin ka ulit. Ni hindi makatawid sa kabilang
kanto ang mayayabang. Ayaw maputikan. Magpapahinog ang mga iyan sa paghihintay
sa hindi matapos tapos na kalyeng hinuhukay.” Ang sabi ng bisikleta.
“Nangolekta nga ako ng peklat sa tuhod at braso pero mabilis akong natuto.
Kung dati’y hinihika ako at nahihilo, nagyon magaan at maginhawa ang paghinga ko.”
“Noong una’y alangan ako at natatakot. Nang magtagal ay alam kong kaya ko
ring umikot.” Salamat sa aking bisikleta! Patakbong bumalik si Momon sa bahay pero
wala naman ni anino nito.
Nasaan ang bisikleta ko?! Sigaw ng isip ni Momon. “Heto ang bisikleta mo,
inayos ko, nilangisan at pinintahan ng bago.
Nahihiyang nilapitan ni Momon ang bisikleta. Yayakapin sana pero walang anu
ano’y tumalikod at nagkulong sa kuwarto. (“Ano ba talaga, Momon?” nabubuwisit na
ang bisikleta.)
Week 35 Day 3
Molly, Milly and Mipper
Si Mipper ay may motorbike na pwedeng pang-angkas para sa dalawa. Palagi
niyang ginagamit ang kanyang motorbike.
“Milly, Molly,aalis muna ako para makasanghap ng sariwang hangin” sabay suot
ng kanyang helmet at sapatos. “Kami din” sagot ni Molly at Milly.
Nadaanan nila ang isang makitid na ilog na puno ng mga halaman na walang
mga bulaklak. Huminto sila dalampasigan,naglakad lakad sila sa mabuhangin at maalat
na tubig. Napahinto sa paglalakad si Mipper, napag isip siya sa kanilang gingagawa….
Milly, Molly panatilihin natin malinis ang hangin tulad ng sariwang hangin na
nalalanghap natin ngayon.
Week 36 Day 1
Maingat na kinuha ni Tina ang halaman nang walang naputol na ugat. Itinanim
niya ito sa tabi ng gumamela.
Nakalipas ang limang buwan, ang halaman ay bahagya lang lumaki ngunit
nagbago ang kulay ng mga sanga at dahon nito. Nagging kulay ginto. Takang-taka ang
bawat makakita sa halamang iyon. Maging si Tina at mga magulang nito at takang-taka
rin.
Pinakiusapan niya si Tina at ang kanyang mga magulang nito na ipagbili na ito
sa kanya.
Week 36 Day 1
Maingat na kinuha ni Tina ang halaman nang walang naputol na ugat. Itinanim
niya ito sa tabi ng gumamela.
Nakalipas ang limang buwan, ang halaman ay bahagya lang lumaki ngunit
nagbago ang kulay ng mga sanga at dahon nito. Nagging kulay ginto. Takang-taka ang
bawat makakita sa halamang iyon. Maging si Tina at mga magulang nito at takang-taka
rin.
Pinakiusapan niya si Tina at ang kanyang mga magulang nito na ipagbili na ito
sa kanya.
Week 36 Day 3
Malaki ang problema ni Impong Puno, unti-unti na kasing nauubos ang mga
puno sa gubat. Walang awa itong pinuputol ng isang grupo ng mga “illegal Loggers” na
pinamumunuan ni Banong Putol, isang mabagsik at walang-pusong tao na umaabuso
sa kagubatan.
“Walang makakapigil sa akin! Uubusin kong lahat ang mga puno’t halaman sa
gubat na ito! Ha, ha,ha!”. Sigaw na sabi ni Banong Putol. Nanginginig sa takot ang mga
natitirang puno at pati na rin ang mga maliliit na hayop, halaman at mga bato.
Dahil sa sobrang takot, sumangguni ang mga natitirang puno’t halaman kay
Impong Puno, ang pinakamatandang puno sa kagubatan. “Anong ating gagawain
Impong Puno? Unti-unti na pong nasisira ang kagubatan.” Wika ng isang puno. “Putol
ng putol pero hindi naman sila nagtatanim ng panibagong puno” malungkot na sabi ng
bato.
Pinulong ni Impong Puno ang lahat, “Makinig kayo kailangana mapigilan na ang
paglapastangan sa kagubatan, magkaisa tayo at magtulungan upang mapakita natin sa
kanila ang kahalagahan natin sa tao at sa mundo.” Pinagplanuhan na nga ng lahat ang
kanilang gagawin.
Isang umaga habang gigil na gigil na putulin ni Banong Putol ang isang malaking
punong mangga, “Ha, ha, ha, , lagot ka sa akin puputulin na kita.” ‘ Huwag po, maawa
na kayo. Saklolo!!,” sigaw ng puno. Iyon na ang hudyat kina Impong Puno at nang iba
pa na simulat ang kanilang plano.
Mula sa punong mannga ay lumabas ang galit nag alit na si Ahas. Pumulupot ito
sa kanyang braso hanggang mabitiwan niya ang hawak na itak. Lumabasa ng
mabangis na Leoon at kinalmot siya nito. Pinuntirya naman ni Uwak ang kanyang puwit.
Sa kanyang pagtakbo ay pinatid din siya ni Bato. Tumayo si Banong Putol at muling
takot na nagtatakbo palayo.
Isang putol na puno ang lumapit kay Banong Putol upang may makapitan ito
hanggang makarating ito sa ligtas na lugar. “ Higit pa riyan ang mangyayari sa
kapatagan kung hindi ninyo titigilan ang paglapastangan sa kagubatan,” paalala ni
Impong Puno. “ “ Pangako hindi ko na basta na lang puputulin ang mga puno’t halaman
at magtatanim ako ng kapalit ng bawat napinsalang puno.” Pangako ni Banong Putol.
Simula noon ay masayang namuhay si Impong Puno at ang lahat ng mga puno.,
halaman at hayop sa kagubatan. Samantalang si Banong Putol naman ay masaya na
rin sa kanyang bagong gawain, ang magtanim ng mga bagong halaman at puno
Week 36 Day 5
Ako si Kaliwa. Kapatid ko si Kanan. Hinubog kami mula sa iisang goma. Iisa ang
aming hitsura. Magkasinggaan. Magkasinlaki.
Maghapon ay nag-iiwanan kami ni Kaliwa. Ako ay hindi nahuhuli. Kaya ako ang
paborito ni Carlo. Sa karera sa sapa, ako ang bangkang pambato.
Ako.. Ako.. Ako talagaang paborito niya. Ayaw ko si Kaliwa. Sana’y di ko na siya
makita.
Nawala na si Kanan sa tabi ko! Tuwang tuwa ako. Nakita ko si Carlo na paikot-
ikot sa kuwarto. Pinuntahan amg bawat sulok, silong, at kanto. Maghapong hinanap
niya si Kanan. Maghapong hindi niya ako isinuot. Maghapong hindi niya ako isinuot.
Maghapong hindi niya ako dinampot. hindi kami naglaro ng tumbang preso. Mali pala
ako, si Kanan pala ang kaniyang paborito.
“Ay ganiyan talaga!” ang sabi ng isang bakya. “Ako ri’y nawalan ng kapareha at
ngayo’y nag-iisa. Di tuloy ako makaalis kahit na isang hakbang. Dito nakapirme,
nakatago’t nakalimutan”.
Isang umaga, pagkagising ko ay nasa labas na ako ng bahay. Dinala ako rito ng
asong bantay. Nawala na si Kaliwa sa tabi ko! Tuwang tuwa ako. Natanaw ko si Carlo
na paikot-ikot sa kuwarto. Pinuntahan ang bawat sulok, silong at kanto. Siguro’y
naglalaro sila ng taguan ni Kaliwa.Maghapon hindi niya ako isinuot. Maghapong hindi
niya ako dinampot. Mali pala ako, si Kaliwa pala ang kaniyang paborito.
At pagdating ng gabi, mag-isa ako sa kalsada. “Bakit ka nandito?” ang tanong
ng lumang gulong ng bisikleta. “Mukha kapang matibay at may ibubuga”. “Nahiwalay
kasi ako sa kapatid kong si Kaliwa”.
“Ay ganiyan talaga!” ang sabi niya. “Ako ri’y nawalan ng kapareha at ngayo’y
nag-iisa. Di tuloy makalayo kahit na isang dipa. Dito nakapirme, naiwan, at
nakalimutan”.
“Nandito lang pala yung isang tsinelas mo, iho!” ang hiyaw ng nanay ni Carlo.
Dali-dali akong kinuha ni Carlo mula sa aparador. “Ang paborito mong kaliwang
tsinelas”.
“Nandito lang pala ang isang tsinelas mo, iho!” sabay pulot sa akin ng nanay ni
Carlo.
Buong umaga ay naglaro kami sa may sapa. Buong hapon ay nag palipad ng
saranggola.
Week 36 Day 2
May Pera sa Basura
by: Lamberto Antonio
Ang basura ay hindi suliranin…Kung alam ninyo ang dapat gawin. Kung
ang dumi ng hayop at dahon ay iipunin, puwede itong maging pataba sa pananim. Kung
ang bao ay di basta titisurin, puwede itong sandok, butones, suklay, at uling.Kung ang
basyong bote ay di basta babasagin, puwede itong plorera, lalagyan ng lapis o bolpen,
Kung ang basyong lata ay di basta yuyupiin puwede itong taniman o laruan ng tsikiting.
Kung ang tirang tabla’y di basta sisibakin,puwede itong laruan ng chess, sangkalan, at
panghasa ng patalim. Ang lumang gulong ay di dapat sunugin. Puwede itong
sandalyas, dormat, o kainan ni Muning. Kung ang retasong tela ay di basta pupunitin,
puwede itong kurtina, kumot, laso, at punda ng unan ni Martin. Kung ang butas na
timba’t kaserola ay di basta wawasakin, puwede silang gawing gasera, daspan o
dekorasyong nakabitin. Kung ang lumang supot at bag ay di basta tatastasin, puwede
itong muling pagsidlan kung pakalilinisin. Kung ang patapong bakal, karton, at papel ay
lilikumin, puwede itong bolhin, tunawin sa pabrika, at muling gamitin. Kung ang mga ito
ay inyong gagawin, malalaman ninyong ang basura ay may pakinabang din.
Week 37-Day 1
Ang Isda na Nangarap na Lumipad
Minsan, may isda na lumalangoy sa buong paligid. Nais niyang lumangoy paitaas. Nais
din niyang lumangoy paibaba.
Lumalangoy siya sa ibabaw ng tubig at humaharap sa kalangitan. Gustung-gusto
niyang mapanood ang mga ibon na lilipad-lipad.
Oh, sana ay nakakalipad din siya.
Kaya naman muli siyang lumangoy pailalim at lumangoy paitaas nang mabilis. Habang
nasa ibabaw ng tubig, tinamaan siya ng malakas na hangin.
Sa wakas, inakala niya na siya ay nakakalipad.
Pero sa halip na siya ay nakakalipad unti-unti siyang bumagsak sa tubig. Paikot-ikot.
At sa huli, nahulog siya sa kanyang tahanan sa dagat na kung saan siya nararapat.
Hindi na muling nangarap ang isda na lumipad.
Week 37 Day 5
Alas! Alas! Malungkot na umiiyak ang munting puno. “Hu! Hu! Hu!. Lahat ng ginto
kong dahon ay nawala.Nakakahiya naman sumama sa iba kong kasamang puno na
may magagandang dahon” hinagpis ng munting puno. “Kung puwede lang sana akong
humiling muli, gusto ko sana ng kristal na dahon.
Muling nakatulog ang munting puno. Paggising niya kinabukasan ay nakita niya
ang sarili na nababalutan ng mga dahong Kristal. “ Ngayon ay masaya na ako dahil
walang ibang puno sa kakahuyan na kasing kinang ko.
“Ang mga dahon ko! Ang mga Kristal kong dahon! ! tangis ng munting dahon.
Kumalat sa buong kakahuyan pero ang ibang puno ay nakatayo pa rin at may mga
dahon. Oh! Kung puwede lang sana akong humiling muli. Gusto ko ng mga luntiang
mga dahon.”
Hu! Hu! Hu! Iyak ng kaawa-awang munting puno. Ayoko na ng kahit na anong
dahon, ginto man o Kristal , berde, pula o dilaw. Gusto ko magkaroong muli ng tinik.
Kahit kalian hindi na ako magrereklamo
Week 37 Day 4
Mabuting Binhi
“Magandang umaga!” bati ng bubot na manga mula sa pagkakagising sa matagl
na pagkakaidlip sa lupa.
Kinusot ng bagong sibol na manga ang kanyang mga mata, inaninag ang
daigdig, ang makulay na langit, makapal na alapaap, ang matatayog na puno.
“Mabuting binhi?”
“Oo, isa kang mabuting binhi gaya nila matamis at uusbong na sintayog nila”
“Talaga, lalaki akong sintayog nila? Ano nga pala ang kahulugan ng mabuti?”
“Dahil bat aka plang, bago ditto sa hardin, tandaan mo lokas kang mabuti. Kaya
pag may nagtanong say o kung sino ka, ano ang isasagot mo?
Ako ay si mabuti
Week 37 Day 2
Si Pilandok, ang Bantay ng Kalikasan
By Virgilio S. Almario
Galit na galit si Datu Usman. Nagsumbong kasi ang kanyang mga alagad na
nakatira raw ngayon si Pilandok sa gubat at binabawal ang sinuman sa pagputol ng
mga punongkahoy kapag wala siyang pahintulot.
Nakarating kay Pilandok ang utos ni Datu Usman kay Sabandar. Mabilis siyang
nag-isip. Tinakpan niya ng panyo ang kaliwang mata saka naupo sa lilim ng sanga na
may natutulog na malaking sawa.
At dumating ang mandirigma ng datu. Pagkakita kay Pilandok ay agad na
nagtanong. “Ikaw ba si Pilandok?”
“Ngunit marami po kaming Pilandok dito ako po si Pilandok na bulag ang isang
mata baka ang hinahanap ninyo ay dalawa ang mata.”
“Huwag po! Huwag po! Tutol ni Pilandok. “Papatayin po ako ng Sultan ng Gubat
kapag nawala ang maharlikang sinturon.
“Ha?” nanlaki ang mata ni Somusun at inagaw kay Pilandok ang pamalo ng
gong.
Ngunit ayaw pa ring pumayag ni Pilandok. Hindi niya binitiwan ang pamalo ng
gong.
“O sige, sa wakas,” alok ni Somusun “narito ang sansupot na salapi kapalit ang
pamalo ng maharlikang gong.”
Agad pinalo ni Somusun ang “gong.” Tulad ng dapat asahan, nabiyak ang
malaking pukyutan. At naglabasan ang sanlibong galit na pukyot. Namaga ang katawan
nina Somusun sa masasakit na kagat ng sanlibong pukyot.
Week 37-Day 3
Ang Tigre sa Kulungan
Noong unang panahon, may isang batang lalaki ang naglalakad sa kagubatan.
Nadaanan niya ang malaking kulungang kahoy na may tigre sa loob.
“Maaari mo ba akong tulungan,” ang sabi ng tigre. “Pakiusap maaari mo ba akong
tulungang makalabas sa kulungang ito?”
Naawa ang lalaki sa tigre, kaya binuksan niya ang kulungan. Nang makawala ang tigre,
hinila niya ang lalaki papunta sa kagubatan.
“Saan mo ako dadalhin?” umiiyak na sabi ng lalaki.
“Dadalhin kita sa aming bahay para sa hapunan,” sabi ng tigre.
“Pero hindi ka patas,” sabi ng lalaki. “Tinulungan kitang makawala sa iyong kulungan.
“Oo, gusto kong maging patas pero gusto ko ring kumain ng batang lalaki. Anong
gagawin ko?” ang sabi ng tigre.
“Bakit hindi ka humingi ng ibang opinion sa iba?” sagot ng lalaki.
“Sige,” sabi ng tigre. At naupo sila sa habang naghihintay sa ibang tao na dadaan.
At isang batang babae ang dumaan. Pinatigil ng tigre ang babae at ipinaliwanag ang
tungkol sa pagkawala niya sa kulungan at kung ano ang nangyari at hindi niya alam
ngayon kung ano ang patas. Kakainin ba niya ang lalaki o pakakawalan ito.
“Pasensya na,” sabi ng babae, “Pero hindi ko nakita ang kulungan.” Paano ko masasabi
kung ano ang patas, kung hindi ako sigurado na mayroon ngang kulungan. Kaya
naman bumalik sila kasama ang babae na kung saan doon matatagpuan ang
pinagkulungan kay tigre.
“Paano ka napunta sa loob ng kulungan?” tanong ng babae.
Ipinaliwanag ng tigre na noong gabi na nahuli siya na nagnanakaw ng batang tupa ay
ikinulong siya dito ng isang magsasaka.
“Ang kulungang ito ay hindi mukhang malaki para magkasya ka dito,” sabi ng babae. “Di
ako naniniwalang nagkasya ka dito.”
“Hayaan mong ipakita ko sayo,” sabi ng tigre at lumakad siya papasok sa kulungan.
“Pero madali kang makakaalis sa kulungan na ito,” sabi pa ng babae.
Sa pagkakataong ito, naiinis na ang tigre sa babae.
“Ang kulungan ay may kandado. Nakalagay diyan sa lupa.
Kinuha ng babae ang kandado. “Tingnan natin kung talagang naiikandado,” sabi ng
babae.
Mabilis na ikinandado ng babae ang tigre sa loob.
“Nakita mo na, nagsasabi ako ng totoo. Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang
patas. “
“Ang patas ay itigil mo na ang pagkain ng tupa at mga batang lalaki.”
At dahil doon, umalis ang dalawa at naglakad papalayo habang iniwang nakakulong
ang tigre.
Week 38 Day 5
Sa Bagong Planeta
by: Feny de los Angeles at Elmer L. Gatchalian
Tuwang-tuwa ang mga Bugabu nang lumapag ang kanilang higanteng spaceship
sa Planeta Sabandaron. Sa wakas, natagpuan na nila ang kanilang bagong
tahanan.“Alamin muna natin kung ligtas na lugar ang Planetang Sabandaron,” sabi ng
matatandang Bugabu.
Nilanghap ng matatandang Bugabu ang hangin. Nagtampisaw sila sa ilog.
Tinikman nila ang mga bunga sa puno at halaman. Nang masiguro nilang maayos ang
lahat, sinimulan na nila ang pagtatayo ng siyudad.
Nagpulong-pulong ang mga ekspertong Bugabu. May eksperto sa tulay. May
eksperto sa gusali. May eksperto sa kalsada. May eksperto sa sasakyan. May eksperto
sa bahay. Gumawa sila ng plano para sa itatayong siyudad.
Pagkatapos konsultahin ang lahat ng eksperto, sinimulan na ng matatandang
Bugabu ang konstruksyon.Nang mabuo ang bagong siyudad, lahat ay namangha.Lahat
ay humanga.Lahat ay natuwa.Maliban sa mga bata. Bakit kaya?
Kakaunti kasi ang mga paaralan para sa mga bata. Bukod sa matataas at
masisikip ang mga ito, kay layo pa nito sa kanilang mga tirahan. Kulang na kulang
din ang mga palaruan ang lapit-lapit pa nito sa daanan ng sasakyan.
Sa dami ng naglalakihang gusali, halos hindi na nasisikatan ng araw o kaya’y
nauulanan ang mga batang Bugabu. Wala ng saya ang paglalaro ng patintero at taguan
dahil sa kompyuter na lang nila ito ginagawa. Hindi na rin sila nakapamimitas ng mga
bunga sa puno dahil may makina nang gumagawa nito.Hindi magawa ng mga batang
may kapansanan ang gusto nilang gawin. Lagi kasi silang nasa loob ng bahay o
paaralan. Higit sa lahat, ang daming bawal!“Saan tayo nagkamali?”tanong ng mga
eksperto sa tulay, gusali, kalsada, sasakyan at bahay. Nagdiwang ang mga bata at
matatandang Bugabu nang “Buti pa’y kausapin natin ang mga bata,” naisip nila.Sa
pakikipag-usap sa mga bata, maraming natutuhan ang mga eksperto..May plano at
ideya pala ang mga bata para sa bagong siyudad.Higit sa lahat, natutuhan ng mga
eksperto na pakinggan at isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga bata sa
kanilang pagpaplano.
Katulong ang mga bata, inaayos ng mga eksperto ang siyudad. Mula noon,
naging Masaya at matiwasay ang buhay sa Planeta Sabandaron. Kung may kinalaman
sa mga bata ang gagawing proyekto, lagi silang kinokonsulta ng mga eksperto.
Week 38 Day 4
Wooossshhh! Woooosssssh!
Ayan na ang malakas na hangin!
Buhos ng ulan ay malakas na rin!
Ngunit si Kapitan Ding laging nakabantay
Upang sa amin ay umalalay.
WEEK 39 DAY 4
Ang Maliit na Patak ng Ulan
Isang araw, ang Inang Ulap ay nasa tuktok ng bundok. “Ina, maaari ba akong
bumaba?” tanong ng maliit na patak ng ulan. “Kami din po!” sabi ng iba pa. “O, sige
mga anak” sagot ni Inang Ulap. “Bumaba kayo at tulungan ang mga tao, hayop at mga
halaman.”
Ang maliit na patak ng ulan ay nalaglag sa dahon kasama ang kanyang mga
kapatid. Bumigat ang dahon at nalaglag sa lupa ang mga patak ng ulan. Ang maliit na
patak ng ulan ay kumapit ng mabuti sa dahon habang pinapanood ang iba na
nasisipsip ng lupa at ugat ng mga puno.
Nang mapagod ang maliit na patak ng ulan, ay nagtago siya sa ilalim ng dahon
at doon natulog. Lumipas ang ilang araw at ginising siya ng kanyang kapatid. “Halika
aking kapatid, tulungan natin ang mga ilog.” Ang maliit na patak ng ulan at ang
kanyang mga kapatid ay napunta sa ilalim ng lupa. Kahit madilim, ang maliit na patak
na ulan kasama ang kanyang mga kapatid ay masaya pa ring umaawit.
Umaawit sila habang naglalakbay pababa ng bundok patungo sa batis, patungo
sa ilog hanggang sa lawa. Nakipaglaro sila sa mga isda at sumakay pa ang maliit na
patak ng ulan sa isang isda.
Dinala sila ng mga isda sa gitna ng karagatan. At doon ay nakita nila ang
kanilang Inang Ulap. Kumaway sila sa kanilang ina. “Gusto na naming umuwi, Inang
Ulap.” Sabay-sabay na sabi ng magkakapatid. Tinangay ng hangin ang magkakapatid
pabalik sa piling ng kanilang Ina.
Week 39 - Day 3
Wag Magtiwala sa Hindi Kakilala
by: Ofelia E. Concepcion
Walang problema si Aling Cora kay Karla. Ang inaalala lang niya ay napakabata
pa ni Karla para makilala kung sino ang mabuti at ang masamang tao. " Mamang
Guwardiya, salamat sa pagbabantay kay Karla," ani Aling Cora. "Okey lang ho," sabi ng
guwardiya. Ang guwardiya ang nagbabantay kay Karla habang wala si Aling Cora.
Hindi dumatin g si Mang Gino sa araw ng paguwi nito. Nag-alala si Aling Cora. Si
Karla man ay nag-alala rin. Kinabukasan ay muling inihatid ni Aling Cora si Karla sa
paaralan. "Hintayin mo ako mamaya," sabi ng ina kay Karla. "Opo, Inay," sabi niya.
Nasa mga ginawang aralin ang isip ni Karla. Hindi niya napansin ang paglipas ng oras.
Uwian na pala. "Babay, Titser!" sabi ng mga bata sa kanilang guro.
Maagang dumating ang serbis ni Tatti. Nasundo na rin ang ibang mag-aaral.
Naiwang mag-isa si Karla sa hintayan ng mga tagasundo. Nagsimula na siyang mainip
nang may lumapit na babae sa kanya. "Ikaw si Karla, hindi ba?" tanong ng babae.
"Opo," magalang na sagot ni Karla. "Ipinasusundo ka kasi sa akin ng nanay mo," anang
babae. "Sabi po ng nanay, siya ang susundo sa akin," katwiran ni Karla. "May nangyari
kasi kaya hindi ka masusundo," paliwanag ng babae.
Naniwala si Karla. Naisip niya na baka may nangyari sa Tatay niya dahil hindi
nakauwi gaya ng pangako. Sumama siya sa babae dahil tingin niya ay
mapagkakatiwalaan ito. Sasakay na siya ng kotse ng babae nang habulin ng guwardiya
ng paaralan. Ang nanay pala ni Karla ang kausap nito sa telepono. Nalaman nila na
kasapi pala ng sindikatong nangingidnap ng mga bata ang babae. Mabuti at hindi nito
natangay si Karla. Naging aral kay Karla ang nangyari. Hindi na basta nagtitiwala si
Karla sa hindi niya kakilala kahit mukha pa itong mabait.
Week 39 Day 1
Isang Mundong Makabata
by: Feny De Los Angeles Bautista
Bawat bata ay dapat na magkaroon ng sapat na pagkain at malinis na tubig para
maging malusog. Ngunit minsan, kulang ang pagkain at walang tubig na malinis. Bawat
bata ay dapat na magkaroon ng tahanan at pamilya na mag-aalaga at magmamahal sa
kanila.
Ngunit minsan, may mga batang walang bahay o walang pamilya. Bawat bata ay
dapat na makapaglaro at makapag-aral upang matuto at umunlad. Ngunit minsan,
kulang ang mga paaralan, libro at gamit o walang guro.
Minsan, may mga bata rin na kailangang magtrabaho nang mabibigat o
maghanap-buhay. Ngunit minsan, may digmaan o kalamidad. Bawat bata ay dapat na
mapakinggan, at maging malaya sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan at damdamin.
Ngunit minsan hindi lahat ng bata ay pinakikinggan. Minsan, hindi sila malaya.
Kailangang magtulong-tulong ang bata at matanda sa ating bayan upang mabigyan ang
bawat bata ng lahat ng kailangan nila.
Wee 39 Day 5
Si Linggit at Barakuda
Week 39 Day 2
Zia, Ang Munting Guro
By Dudi Gamos & Cathy Gamos
Si Zia ay may alagang aso, si Aro, na palagi niyang kasama saan man siya
magpunta.
Isang umagang maganda ang sikat ng araw, niyaya niya si Aro na mamingwit.
Dala ang kanilang pamingwit, agad silang nagtungo sa ilog.
Ang Halimaw sa Tubig ay umahon mula sa ilog at hinabol siya. Galit na galit na
sinungaban ng Halimaw sa Tubig si Bobby, na nagsisisigaw sa paghingi ng saklolo.
“SAKLOLO! MAAWA KAYO SA AKIN, TULUNGAN NINYO AKO!” ngunit walang
nakarinig sa kaniya.
Mula noon ay lagi ng nakikipagtulungan si Bobby kay Zia para makumbinsi ang
ibang taong panatilihing malinis ang ilog.
Naging matalik na magkaibigan sina Bobby at Zia at silang dalawa ang hinirang
na pinakamahusay sa pangangampanya ng “Malinis na Ilog”. At lahat sila ay namuhay
ng maligaya.
Isarang mabuti ang gripo pagkatapos gumamit ng tubig. Ang tumutulong gripo ay
maaaring magsayang ng limamgpung gallon ng tubig sa loob ng isang araw.
Week 40 Day 3
Ang Batang Masipag
Si Sara ay masipag.
Masipag siya sa mga gawaing bahay. Pagkagaling sa eskwela, tumutulong muna
si Sara sa kanyang nanay sa pagtitinda sa palengke.Inaayos niya ang mga paninida ng
kanyang nanay sa palengke.
Pagkatapos ay tutulong siya sa mga gawaing bahay. Tutulong siya sa
paghuhugas ng mga kasangkapan at sa paglilinis ng kanilang bahay.
Mag-aaral muna si Sara ng kanyang mga aralin bago makipaglaro sa kanyang
mga kapatid. Tuwang tuwa ang mga magulang ni Sara sa kanyang kasipagan. Tunay
na masipag na bata si Sara.
Week 40 Day 4
“Maari ninyong gamitin lahat ng mga yamang likas ng aming kaharian, upang
magawa ang lahat ng dapat gawin. Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito,
upang sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.” ito ang utos
ng Reyna ng Mahiwagang Kaharian.
“Magaling!” sabi ni Malikh. “Ngayun ay alam na natin ang dapat gawin. Gagawa
tayo ng malalakas na bubong, at mga bangka, upang mapaghandaan ang lakas ng
hangin at tubig na dadalhin sa atin ni Bondoy. Agad na humingi ng tulong si Malikh sa
mga kawal ng Reyna, at nagpuputol kaagad sila ng maraming mga puno ng kawayan,
upang gawing mga bubong at bangka. At katulad ng dating ugali ni Malikh, maraming
mga puno ng kawayan ang nasayang.
“Huwag mong putulin ang puno!” tutol ni Kaloy kay Malikh. “Kapag pinutol mo
ang mga kawayan, mawawalan ng puno ang poprotekta sa lupa, at maaring gumuho o
bahain ito pag dumating ang maraming tubig.
“Huwag ninyong tanggalan ng tubig ang mga ilog!”, mariin ulit tumanggi si Kaloy
sa plano ni Lino, kapag nawalan ng daluyan ang mga tubig sa mga ilog at batis,
maaring kumalat ang tubig na dadalhin ni Bondoy kung saan saan, at maaaring
bumaha sa buong bayan.”“Kapag walang tubig sa buong bayan, walang tubig na
babaha, Kaloy.” Iyan naman ang sinagot ng matalinong kaibigan niya.
At dito nagsimulang sumalakay si Bondoy. Tama nga ang mga bagay na inulat ni
Sinang: Isa siyang napakalaking at napakalakas na halimaw, bumubuga siya ng
pagkalakas-lakas na hangin, sa sobrang lakas ng hangin ay natangay kaagad ang mga
matitibay na bubong na ginawa nila Malikh at ng mga kawal ng Reyna. Nanlumo si
Malikh, dahil kahit na sobrang tibay ng kanyang mga ginawang bubungan, ay nabuwag
pa rin ito ni Bondoy, hindi nagawang proteksiyonan ng mga bubungan ni Malikh ang
mga naninirahan sa Kaharian ng Kawayan.Mas nagulat sila sa mga sumunod na
ginawa ni Bondoy. Humila siya ng mga tubig mula sa dagat, at hinatak niya ang mga
ito upang bahain ang buong kaharian. At dahil sa maraming puno ang mga naputol nila
Malikh, wala nang mga puno ang sumipsip ng tubig. Wala na ring dadaluyan ang mga
tubig baha na ito, dahil isinara na rin nila Lino ang daluyan ng tubig, tulad ng ilog at
batis.Lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Kaharian ni Reynang Pinas, ngunit
hindi ang bahagi ng gubat na inaalagaan ni Kaloy. Hindi ito tinablan ng hanging
ibinubuga ni Bondoy, dahil yumuyuko lang ang mga kawayan sa mga malalakas na
hangin. Maging ang tubig-baha ay sinisipsip lamang ng ugat ng mga punong ito.
“May isang bahagi sa gubat ang inaalagaan ni Kaloy!” ito ang naalala ni Sinang,
“Hindi iyon aanurin ng tubig baha.”Agad nag-utos ang Reyna na dalhin ang lahat sa
bahaging iyon ng gubat.Agad namang nagsipuntahan doon ang lahat ng naninirahan ng
kaharian. Ang malaking bahagi ng bayan na nawalan ng puno ay nakita nilang
lumambot ang lupa, dahil wala na ang mga ugat ng puno na sumusuporta dito. Wala
na din ang mga ilog na dating daluyan ng tubig, inagos ng tubig baha ang lahat ng mga
bahay. At dahil na din sa malambot na lupa, ay nadulas sa kanyang tinatapakan si
Bondoy, at tumilapon siya pabalik sa dagat kung saan siya nanggaling.
Ang maliit na bahagi ng gubat na iyon ang tanging nagligtas sa kanila mula sa
kapahamakan, at iyon ay ang bahaging inalagaan ni Kaloy.Nagpasalamat ang Reyna
sa ginawang iyon ni Kaloy, at binigyan silang apat ng mga ginto bilang gantimpala.
Ngunit higit sa mga gantimpalang kanilang tinanggap ay ang mga aral na kanilang
natutunan mula sa nangyari:
At nang makabalik na sila sa tunay na mundo, doon nila naalala ang mga
katagang sinabi ng Reyna ng Kaharian ng Kawayan:
“Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating nang
panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.”
Week 40 Day 2
Kahel na Okta
By: Joy Ceres
Pista sa mga lugar ng mga pugita. Ang matandang ougita ay abala sa lahat ng
Gawain. Marami sa mga batang pigita ay naglalaro habang ang iba naman ay
nanonood ng mga palabas.
“Kahel na Okta! Tara maglaro tayo!” ang sigaw ng mga batang pugita. Pero hindi
lumabas ng bahay si Kahel na Okta. Siya ay bata at mahiyaing pugita. Mas gusto
niyang makipaglaro sa ibang hayop sa dagat. At hindi sa ibang batang pugita. Narinig
ng inang pugita ang pagtawag ng mga bata at sabi, “Okta , anak ko, pumunta ka at
makipaglaro sa kanila.” Subalit ang kumikislap na kahel na okta ay tumingin lang sa
kanyang ina at ang sabi, “Ayoko po, Inay.”
“Pero bakit mahal ko?” ang tanong ng inang pugita. “Panahon na para lumabas
ka at makihabilo sa kanila”. “Ayoko po. Iba ako sa kanila,” ang malungkoy na sabi niya.
“ Sige na anak. Siguaradong masisiyahan ka sa pagsama mo sa kanila. “Hindi ninyo po
ba nakikita, inay? Tignan n’yo po ako. Kulay kahel. Subalit sila ay hindi. Ang katawan ko
ay kumikislap ang sa kanila ay hindi.
Niyakap lang ng inasi Kahel na okta at ang sabi, Espeyal ka anak. Mayroon kang
matalinong pag-iisip at malambot na puso. Mahal kita kahit na ano pa ang sabihin nila.
Isang araw, habang abla ang lahat sa trabaho at mga bata ay naglalaro, isang
malaki, malakas at nakakatakot na tunog ang kanilang narinig. Bruuuummmm!
Bruuummm! Bruuumm! Mga takot na tinig ang maririnig sa buong lugar ng mga pugita.
Ang mga batang pugita ay tumatawag sa kanilang mga magulang.
Mas natakot ang mga pugita nang magdilim ang dagat dahil sa buhangin. Ang
ibang mga hayop ay natakoy narin. Nanginginig sa takotnilang hinahanap ang bawat
isa. Hinahanap ng mga magulang ang kanilang mga anak at hinahanp ng mga bata ang
kanilang mga magulang.
Ang inang pugita na nawala sa kanilang koral ay sumisigaw,” “Okta, anak! Hindi
ko makta ang daan pauwi!”
Hindi rin makita Makita ng ibang pugita ang kanilang daan pabalik sa kanilang
lugar.
Narinig ng Kahel na OKta ang boses na nanginginig ng kaniyang ina sa malayo.
Nagmamadaling lumabas ng bahay si Okta. “ Sa labas, makikita nila ang kumukislap,
ang kahel kong katawan. Gagabay ito sa kanila para makabalik dito.
Sa di kalayuan , nakita niya at ibang pugita ang nagniningning kong ilaw. Sabik
silang sumigaw.
“Iyon si Kahel na Okta, sa banda doon. Ngayon alam na natin ang daan pauwi.”
Week 40 Day 5
“Payag ako,” sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. “Kung kayo ay
magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y
magiging sunud-sunuran sa akin.”
Week 40 Day 1
Nag-lalaro si Mila sa bakuran ng kanilang bahay isang hapon na iyon. Kahit mag-
isa lamang siya at walang kalaro masaya pa rin siya. Wala kasi siyang kapatid na
pwede nyang makalaro at makasaya. Subalit sabi ng kanyang ina ay hindi na siya mag
kakaroon ng kapatid dahil wala na siyang ama. Ang ama niya ay pumanaw noong siya
ay sanggol pa lamang. Inatake daw ito ng mabangis na hayop kaya hindi na niya ito
naabutan ng siya ay lumalaki na.
Tanging ang mga halaman at hayop na alaga nila ang mga nakakalaro niya
araw-araw. Araw-araw din ay nag umaalis ang kanyang ina para magtrbaho sa bayan.
Tanging siya lamang ang naiiwan na mag-isa sa kanilang bahay para mag bantay at
mag asikaso dito. Nakatira sila sa gitna ng kabundukan, madalang ang mga bahay pati
na rin ang mga tao na naninirahan doon.
"Mila anak, huwag na huwag kang lalabas ng ating bakuran kapag umaalis ako.
At huwag kang pupunta sa mataas na bahagi ng kabundukan marami kasing hayop na
mababangis ang nandoon at baka saktan ka nila."
Laging paalala ng kanyang ina bago ito umalis. Ng hapong habang siya ay
nakaupo sa harap ay isang maliit na boses ang kanyang narinig galing sa mga halaman
na nasa harapan niya. Dahil sa murang isip niya, hinanap niya ang maliit na boses na
nag salita at tumawag sa pangalan niya. Hinawi niya ang mga halaman na nandoon at
nagsimulang igala ang kanyang paningin. Bigala siyang napaatras ng bumungad sa
kanya ang isang maliit na taong kasinlaki lamang ng kanyang hintuturong daliri sa
kamay. Naksuot ito ng kulay pulang maliit na damit, maliit na kulang itim na sapatos, at
maliit na sumbrerong matulis sa dulo na kulay pula din.
"Ako ay matagal ng nag babantay sa iyo dito, lagi kita pinapanuod habang ikaw ay
naglalaro. "
Dugtong pa nito.
Imbis na matakot ang bata. Ay hinarap nya pa ito. Inuri niya na parang tumitingin ng
isang di kilalang maliit na bagay.
"Kilala na kita. Matagal na kitang kilala. Subalit ako ngayon mo lang ako nakilala, dahil
ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Ako ay isang nuno. Naawa kasi ako sa iyo. Wala
kang kalaro. Nais ko sanang makipag laro sa iyo."
"Sabi ng nanay ko wag daw akong makipag usap sa mga estranghero. Baka daw kasi
mapahamak ako kung hindi ko kilala ang tao."
"Subalit hindi naman ako isang estranghero. Matagal na kitang kakilala. Kahit ako ay
ngayon mo lamang nakilala. "
Naglaro ang bata kasama ang nuno. Tuwang-tuwa siya habang ang maliit na tao
ay nag ku-kwento sa kanya ng mga nakakatawang bagay, Nagtatalon talon ito sa
harapan niya at umaarteng gaya ng isang artista sa entablado. Natapos ang araw na
iyon ni Mila na masaya, nag karoon siya ng bagong kaibigan at kalaro. Ilang saglit pa'y
dumating na ang kanyang ina, sinalubong niya ito at sabay humalik sa kamay. Ganoon
lamang ang kanilang buhay sa araw-araw ng dumadaan sa kanila.
"Kamusta ka Mila. ? Halika't bilisan mong kumain. Maglaro na tayo sa labasan. "
"Naku mag lilinis pa ako ng bahay, binilin nya kasi iyon sa akin. Bago daw ako mag-
laro, huwag ko daw kakalimutan ang binilin nya. "
"Naku! Mamaya kana mag linis. Dapat ang ginagawa mo ay nag lalaro lamang. Maglaro
ng maglaro.!"
"Halika na Mila. Bahala ka mamaya aalis na ako at wala kang makakalaro. Pupunta ako
sa taas ng bundok para duon mag-hanap ng ibang kalaro. "
Anyaya nito.
"Sa lugar namin. Duon tayo mag lalaro maraming pwedeng laruin doon. Marami pa
tayong makakalaro."
"Naku hindi pwede. Huwag daw akong aalis sa kulob namin sabi ni inay sakin. "
"Naku hindi naman natin sasabihin. Huwag kang mag alala. Masaya sa amin. Walang
kaungkutan. "
Sinundan ni Mila ang nuno. Sa likod ng kanilang tahanan ay may isang punso .
Tanong ni mila.
"Yumuko ka at ilagay mo ako sa iyong mga palad. Sabay tayong papasok sa loob at
sabay tayong papasok doon." Sabay turo sa punso.
Nakapasok na sila sa loob isang madilim na daanan at kakaibang amoy ang nalanghap
ng bata. Hanggang isang liwanag ang kanyang naaninag.
Parang isang kweba na may tumutulong tubig sa itaas na galing sa hamog, at maliliit na
nilalang ang nabungaran ni Mila. Lahat ay kasing laki ni Berto. Nakaitim na kasuotan
ang iba at ang iba naman ay naka pula. Natakot si Mila ng tumingin sa kanya ang mga
ito..
"Tinitignan nila ako Berto. Ang sasama ng tingin nila sa akin."
Lumayo ang katabing nuno ng bata Humalo ito sa mga kauri nitong mga nuno. Tinignan
din siya nito at tumawa ng malakas.
Lalong natakot ang bata. Tatakbo sana ito sa palayo sa mga ito subalit bigla siyang
napaupo, tumama kasi ang kanyang paa sa batong nasa paanan niya.
Iyak niya.
Tumawa ng tumawa ang mga nuno, Akmang lalapit na ang isa na may dalang manipis
na animoy sinulid. Ng biglang marinig ni Mila ang boses ng kanyang ina.
Pagabi na nga pala noon at umuwi na ang kanyang ina. Subalit hindi siya nito makikita.
Huminto sa pag lapit ang nuno. Sabay nito ang pag sigaw ng malakas ni Mila.
"Nandidito po ako sa loob ng punso! Tulungan ninyo ako sasaktan nila ako!"
Nataranta ang nanay ng batang babae. Maya-maya pa'y nawala na ang boses ng ina ni
Mila. Lalong umiyak ang bata. Mula sa ilalim ay itinali ng nuno ang paa ng bata.
"Niloko mo ako Berto. Sabi mo kaibigan kita pero hindi mo ako tinutulungan makaligtas
dito! huhuhu! Gusto ko ng umuwi sa amin. "
Iyak niya
Isang boses ang narinig ng lahat mula sa itaas ng punso ang nakapag pagimbal sa
lahat ng nuno. Isa kasi sambit ang isinasagawa nito. Para silang sinaksaktan sa bawat
salita na kanilang naririnig. Ilang saglit pa'y nawalan ng malay ang bata. Hindi na niya
alam ang mga sumunod na pangyayari.
Nagising si Mila sa kanlungan ng kanyang ina, sa tabi nito ay si Mang Tino ang kilalang
albularyo sa kanilang lugar. Ito pala ang tumulong sa kanya mula sa punso. Yumakap
siya sa kanyang ina.
"Hindi ko na po uulitin ina. Hindi na ako sasama sa hindi ko kakilala. Susundin ko na ulit
ang bil;in ninyo sa akin."
At mag mula noon hindi na nag pakita ang maliit na nilalang sa kanya. Lumipat na rin
ng bahay sila Mila sa bayan kung saan nakatira ang kanyang lola. Ito na ang mag
babanaty sa kanya habang wala ang kanyang ina.