You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Division of Misamis Oriental


District Of Medina South
KIBUGAHAN ELEMENTARY SCHOOL

PRETEST SA FILIPINO V

Pangalan: __________________________________Iskor:_________________

Baitang at Pangkat:_____________________Petsa:_____________________

PANUTO: BIlugan ang titik ng tamang sagot.

Hanapin ang pinakamalapit na kahulugan sa salitang


nakasalungguhit.

1. Ang walang humpay na pagtatapon ng basura ay isang


malaking problema ng pamahalaan.
a. dumami nang dumami c. tuloy-tuloy
b. tumaas nang tumaas d. pahinto- hinto
2. Ang lahat ng bagay ay may pakinabang kaya’t nararapat
lamang na timg pahalaahan.
a. halaga c. bigat
b. magagawa d. pera
3. May pag- aalinlangan sa kanyang isip kaya’t nararapat lamang
na ating pahalagahan.
a. pagdududa c. walang kasiguraduhan
b. tiyak na tiyak d. nag-aalala
4. Maraming pamparikit na maaaring magawa mula sa bagay na
aking nakuha sa bodega
a. pampaganda c. pandikit
b. pampalasa d. panlinis
5. Malaki ang magagawa mo upang masagip ang bansang
a. mapahamak c. matulungan
b. masayang d. marunong
6. Ang matuwid niyang pamumuhay ang naglapit sa kanya sa
Diyos at sa maraming pagpapala sa buhay.
a. baluktot c. marangal
b. masama d. diretso
7. Nagalak si Noe nang malamang kasama niyang papasok sa
daong ang kanyang buong pamilya.
a. naguluhan c. nagtaka
b. nainis d. natuwa
8. Mataginting na halakhakan ang naging sagot na tao samga
sinabi ni Noe.
a. Iyakan c. tawanan
b. Inisan d. sigawan
9. Matapos ang malaking baha ay namatay ang lahat ng may
buhay sa lupa maliban sa pamilya ni Noe.
a. hindi kabalikat c. hindi katuwang
b. hindi kabilang d. hindi umalis
10. Kung nakinig sana ang mga tao sa babalang ibinigay ni
Noe ay nailigtas nila ang kanilang sarili at pamilya.
a. paalala c. pangako
b. pananakot d. kautusan
11. Bawat mamamayan ay hikayating magtanim sa kani-
kanilang lugar upang makatulong sa kapaligiran
a. ipagtanggol c. alukin
b. himukin d. iwasan
12. Iligtas natin ang mga hayop na kabilang sa tinatawag na
endangered species.
a. alagaan c. pabayaan
b. bantayan d. sagipin
13. Kaysarap malasin ang gintong araw sa paglubog nito
tuwing dapit hapo sa dakong kanluran.
a. alamin c. pagmasdan
b. malaman d. tulugan
14. Panahon na upang tayo’y magbuklod para masagip ang
kalikasan.
a. magkaisa c. mag-away
b. magkamayan d. maghiwalay
15. Salot kung ituring ang mga taong sumisira sa kapaligiran.
a. biyaya c. handog
b. peste d. regalo
Piliin ang uri ng pangngalang ginamit sa mga pangungusap

16. Kaligayahan ni nanay na ipagluto kami ng masustansiyang


pagkain.
a. tahas b. basal c. lansakan d. wala sa
nabanggit

17. Mas gusto ng pamilyang kumain ng isda kaysa sa karne

a. tahas b. basal c. lansakan d. wala sa


nabanggit

18. Siguradong lalaks na naming kumain ang pangkat ng mga


lalaki sa pamilya.
a. tahas b. basal c. lansakan d. wala sa
nabanggit

19. Bumili kami ng isang buwig ng saging bilang panghimagas.


a. tahas b. basal c. lansakan d.wala sa
nabanggit

20. Sinasamahan ni inay ng pagmamahal ang kanyang luto


kaya’t talagang masarap ito.
a. tahas n. basal c. lansakan d. wala sa
nabanggit

Piliin ang tamang panghalip na dapat gamitin pamalit sa mga


salitang nasa panaklong.

21. (Si Noe) ______ ay isang mabuting alagad ng Diyos.


a. tayo b. siya c. sila d. kami
22. Ginawa (ni Noe)______ nang maayos at buong tapang ang
arko sa kabila ng panlilibak ng mga tao.
a. niya b. tayo c.siya d. akin
23. (Mga taong masasama, mabisyo at walang alam na
gawing mabuti sa kapwa) ______ ang naging dahilan kung bakit
nagalit ang Diyos sa mundo.
a. siya b. kami c. ako d. sila
24. Ibinigay (sa sarili) ______ ngayon ang pagkakataong
maging bahagi ng tipan ni Noe.
a. tayo b. siya c. akin d. kami
25. (Ikaw at ako)______ ay dapat gumawa ng hakbang upang
hindi na maulit ang nangyari noong panahon ni Noe.
a. sila b. tayo c. kami d. siya

Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng


tamang panghalip pamatlig.

26. ________ ang ilan sa mga bagay na magagawa ng tao


upang masagip ang mundo
a. ganoon b. naroon c. ito d. doon
27. Upang maging matagumpay ang iyong layunin para sa
mundo, ito ay dapat na nagmumula __________ sa kaibuturan n
gating puso.
a. dito b. ito c. ganoon d. naroon
28. _________ at dumating na ang mga taong makatutulong
mo sa pagkamit ng mga layuning ito.
a. hayan b. nandito c. ganire d.ganoon
29. _________ sa ulap ang palatandaan na nagagawa mo ang
layunin mo para sa mundo.
a. hayan b. hayun c. ito d. ganoon
30. _________ sa inyong lugar ay simulan mo ang magaganda
mong plano para sa ikagaganda ng mundo.
a. ganyan b. nito c. doon d. hayan

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ayon sa akda.

“Ang Talinghaga Tungkol sa Manggagawang na Di-Marunong


Magpatawad”

Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa


kanya,“Panginoon,makailan kong patatawarin ang aking kapatid na
paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni
Jesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito; ipinasiya ng isang
hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa
kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000,00.
Dahil sa siya´y walang ibayad,inutos ng hari na ipagbili siya, ang
kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang
makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at
nagmakaawa: “Bigyan pa ninyo ako ng panahon at babayaran ko
sa inyo ang lahat.Naawa sa kanya ang hari kaya pinatawad ang
kanyang mga utang at pinayaon siya.“Ngunit pagkaalis niya roon ay
nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang
na 500 sa kanya.

Sinunggaban niya ito at sinakal,sabay wika; ”Magbayad ka ng


utang mo! Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya; ”Bigyan mo
pa ako ng panahon at babayaran kita. ”Ngunit hindi siya pumayag;
sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang
sa ito´y makabayad.Nang makita ng kanyang kapwa lingkod ang
nangyari, sila´y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at
isinumbong ang nangyari.

Kaya´t ipinatawag siya ng hari, ”Ikaw-napakasama mo!” sabi


niya.”Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa
Akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring nahabag sa
kapwa mo?” At sa galit ng hari, siya´y ipinabilanggo hanggang sa
mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa
inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang
inyong kapatid.”(MATEO 18:21-35)

31. Sino ang lumapit kay Hesus at nagtanong kung makailang


beses dapat patawarin ang isang nagkasala?
a. Juan b. Pablo c. Pedro d. Haring David

32. Gaani kalaking halaga ang pagkakautang ng


manggagawa sa hari?
a. ₱ 10,000 b. ₱ 10,000,000 c. ₱ 20,000,000
d. ₱ 100, 000, 000
33. Ano ang naging katugunan ng hari sa nagmamakaawang
manggagawana walang maibayad sa kanyang
pagkakautang?
a. Binigyan niya ulit ito ng karagdagang palugit upang siya’y
makapagbayad
b. Dahil sa walang naibayad ang manggagawa ay
ipinabilanggo niya ito.
c. Ginawang alipin ang buo niyang sambahayan sa palasyo ng
hari.
d. Pinatawad ng hari ang lahat ng kanyang pagkakautang
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginawa ng
manggagawang may utang sa kanya ng ₱ 500?
a. Binigyan niya ito ng karagdagang palugit.
b. Ipinabilanggo niya ito.
c. PInilit niyang bayaran siya nito.
d. SInunggaban at sinakal niya ito.
35. Sino ang nagsabi sa hari sa hindi magandang ginawa ng
manggagawang knayang pinatawad sa kapwa nito
manggagawa?
a. ang manggagawang ipinakulong ng manggagawang
ipinatawad.
b. Kapamilya ng manggagawang ipinakulong
c. Kapamilya ng manggagawang pinatawad
d. Kapwa lingcod na nagdamdam sa ginawa ng
manggagawang pinatawad

Piliin kung anong bahagi ng pahayagan ang iyong pupunthana kung


hahanapin an impormasyonng nakatala sa bawat bilang.

36. Gusto mong maghanap ng trabaho para sa darating na


summer.
a. Pang-unang pahina c. Anunsiyo
b. Balitang Pandaigdig d. Editoryal

37. Gusto mong malaman ang nangyayari sa China at


Malaysia.
a. Editoryal c. Balitang Lokal
b. Balitang Pandaigdig d. Balitang Isports
38. Gusto mong malaman ang opinyon ng patnugot hinggil sa
mainit na balita.
a. Editoryal c. Balitang
Pangkomersiyo
b. Anunsiyo d. Panlibangan
39. Gusto mong malaman ang palitan ng dolyar at piso.
a. Anunsiyo c. Panlibangan
b. Balitang Pangkomersiyo d. Balitang Lokal
40. Makikibalita ka tungkol sa paborito mong artista
a. Panlibangan c. Balitang Isports
b. Anunsiyo d. Editoryal
41. Nainip ka at gusto mong maglaro ng palaisipan.
a. Anunsiyo c. Editorya
b. Panlibangan d. Balitang Isports
42. Nais mong bumili ng bahay.
a. Balitang Pangkomersiyo c. Anunsiyo
b. Balitang Lokal d. Balitang Pandaigdig
43. Nais mong malaman ang iba pang balita sa loob ng bansa.
a. Balitang lokal c. Anunsiyo
b. Balitang Pangkomersiyo d. Balitang Pandaigdig
44. Nais mong malaman ang pinakamahalagang pangyayari
sa bansa.
a. Balitang Pangkomersiyo c. Balitang Isports
b. Balitang Lokal d. Balitang Pandaigdig

45. Nais mong malaman kung anong team ang nanalo sa


larong basketbol.
a. Balitang Isports c. Editoryal
b. Anunsiyo d. Panlibangan

Piliin ang wastong pang- ugnay na dapat gamitin sa pangungusap.

46. Hangad ng isang pinuno ang mapayapa ________


pamayanan.
a. ng b. na c. at d. –ng
47. Ang mapang-abusong lider ay hindi dpat magtagal sa
kanyang posisyon ________
maraming tao ang puwedeng masaktan o maapi.
a. bagkus b. dahil c. datapwa’t d. na
48. _______ batas at sa kanyang budhi ang naging desisyon ng
bagong hari.
a. alinsunod b. laban sa c. tungkol sa d. dahil
49. Pinagpapala ng Diyos ang isang lider________ siya ay tapat
sa kanyang sarili at sa kayang mamamayan.
a. bagkus b. kung c. samantala d. at
50. nag-iisip at gumagawa ng magagandang plano ang hari
__________ kanyang mga nasasakupan.
a. sa b. dahil sa c. para sa d. laban sa

Inihanda ni:

MARY JANE S. PAHIGO


Teacher I

You might also like