You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Tacloban City
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA IKAAPAT NA BAITANG 4

Name: Date:
Teacher: Section:

I. PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


Pakinggang mabuti ang maikling kwentong babasahin ng iyong guro. (Ang Langaw at ang Kalabaw.)

1. Sino ang dalawang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. Aso at Kalabaw B. Baka at Kabayo C. Langaw at Kalabaw D. Kalabaw at
Kabayo

2. Ano ang ginagawa nila sa ilog?


A. naglalaba B. naliligo C. naglalaro D. kumakain

Tukuyin ang pagkakasunud – sunod ng mga pangyayari sa kwento.


1 – Iniligtas ni Langaw si Kalabaw
2 – Tinulungan ni Kalabaw si Langaw
3 – Masayang naliligo si Kalabaw sa ilog
4 – Nabasa ang pakpak ni Langaw kaya hindi siya makalipad
2. Alin ang unang pangyayari sa kwento?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
3. Alin ang huling pangyayari sa kwento?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

Suriin ang mga maiikling teksto sa bawat bilang.

5. Madalas kumain ng junkfood at uminom ng softdrinks si Mirabel. Bigla siyang nakaranas ng paghihirap sa
pag-ihi. Ano ang maaaring hinuha sa pangyayari?
A. Naging malusog siya.
B. Siya ay may sakit sa bato.
C. Siya ay nagugutom lamang.
D. lalabo ang kanyang mga mata.

6. Lumipat si Karen sa daan na hindi tinitignan ang mga sasakyan na paparating. Ano ang maaaring hinuha
sa pangyayari?
A. Siya ay sumakay sa sasakyan.
B. Siya ay nasagasaan ng sasakyan.
C. Siya ay masayang nakalipat sa daan.
D. Siya ay umiyak at napagalitan ng kanyang nanay.

Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.


7. Sina Ron at Ben ay may lakad sa darating na Biyernes para sa kanilang educational trip.
A. pupuntahan B. papanoorin C. kakain D. tatakbuhin
8. Si Marco ay dinala sa ospital at napag-alaman na siya ay na-dengue.
A. malubhang pakiramdam na natamo sa kagat ng langgam
B. isang uri ng pagmamasahe ng lamok
C. malubhang sakit na nakuha sa kagat ng lamok
D. isang sakit na nakakadagdag ng buhay

PANUTO: Ibigayang kahulugan ng mga salitang hiram na nakadiin sa bawat pangungusap


9. Mahina ang internet naming sa bahay kaya hindi ako makasali sa online class natin.
A. Ito ay isang pamilihan
B. ito ay pinapanood gamit ang telebisyon.
C. Isang kagamitan na maaring tumawag o makausap ang mga mahal sa buhay
D. Ito ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o
grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon.

10. Sa social networking na nga lang ba nagpapahayag ng damdamin ang mgakabataan sa ngayon?
A. Ugnayang panlipunan
B. Ugnayan sa pamayanan
C. Ugnayan sa kapwa sa iba’t ibang panig ng mundo gamit ang internet
D. ito ang pagtitipon ng maraming tao sa isang pagdiriwang.

Basahin ang talata.


Ang Sampaguita ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. Ito ay isang uri ng palumpong
na may maliliit, mababango,at mapuputing bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa
ibang mga bulaklak.
11. Ano ang paksa ng iyong binasa?
A. Ang rosas ay magandang halaman
B. Ang santan ay makulay na halaman
C. Ang rosal ay isang mabangong bulaklak
D. Ang Sampaguita ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas
Tukuyin ang kahulugan ng salita ayun sa larawan nito

12. Ito ay mga salapi.


A. bahay B. isang hayop C. pera D. sapatos

13. Palagi niyang dalangin sa May Kapal ang iyong kaligtasan.


A. bata B. dasal C. buhok D. silid

Ibigay ang tamang pang-uri sa bawat pangungusap.


14. ______________ na bata si Mayla.
A. Mas masipag B. Pinakamasipag C. Masipag D. Pinakamabait

15. Ang sapatos ni Melvin ay ________________ kaysa sa sapatos ni Ron.


A. malaki B. mas malaki C. pinaka malaki D. maliit

16. Si Verna ang _____________________ sa buong klase.


A. tahimik D. mas tahimik C. pinaka tahinik D. maingay
17. Si Elsa ay mahilig kumain ng kendi at iba pang matatamis na pagkain. Umaga palang,
matatamis na kaagad ang kaniyang kinakain. Kung ipagpapatuloy niya ang pagkahilig sa matatamis,
ano ang maaaring maging mangyari sa kaniya?
A. Siya ay lulusog.
B. Siya ay papayat.
C. Masisira at sasakit ang kaniyang mga ngipin.
D. Lalong babait at sisipag si Elsa.

18. Sina Ana at Bel ay namasyal sa plasa kahapon. Anong panahunan ang pandiwang
nakasalungguhit?
A. Pangnagdaan B. Pangkasalukuyan C. Panghinaharap D. wala sa nabanggit

19. Sa Sabado, _______________ kami sa dagat. Alin sa mga sumusunod ang tamang pandiwa para
sa pangungusap?
A. naligo B. naliligo C. maliligo D. ligo

20. Siya ay nagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran. Anong panahunan ang pandiwang
nakasalungguhit?
A. Pangnagdaan B. Pangkasalukuyan C. Panghinaharap D. wala sa nabanggit

21. Noong unang panahon, sa isang malayong lugar, may isang prinsesa na nakatira sa isang palasyo. Siya
ay napakabait at magalang sa lahat. Anong elemento ng kuwento ang nakasalungguhit?
A. tagpuan B. tauhan C. banghay D. pangyayari

22. “Masayang namumuhay ang Pamilya Reyes sa kanilang munting tahanan. Si tatay at kuya ang
nagtatrabaho sa bukid. Si Nanay Rosa at ate ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Si bunso ang tagapag-
bigay kasiyahan sa kanila.” Ibigay ang mga tauhan sa iyong binasa.
A. tatay at nanay
B. tatay, nanay, bunso
C. ate, kuya, bunso, nanay
D. tatay, nanay, kuya, ate, bunso.

23. “Tumakbo siya nang matulin, kaya siya nadapa.” Alin ang nagpapakita ng sanhi o dahilan sa
pangungusap?
A. Tumakbo
B. tumakbo siya nang matulin
C. nadapa
D. kaya siya nadapa

24. Si Jasmin ay palaging nag-aaral ng kaniyang aralin. Ano ang maaaring maging bunga ng pahayag.
A. Sumakit ang kaniyang ulo
B. Nasira ang kniyang mga ngipin
C. Siya ay nahirapan sa pagsusulit.
D. Mataas ang kaniyang nakuhang marka sa pasusulit

25. Pagmasdan ang larawan. Ito ay isang halimbawa ng talahanayan na tinatawag na __________________.

A. Grap

B. Bar grap

C. Time line

D. Venn diagram
26. ________ ka maupo sa tabi ko. Anong panghalip pamatlig ang maaring gamitin sa pangungusap?
A. Dito B. Diyan C. Doon D. Ito

27. “ Ang aming paaralan ay malawak at maganda.” Ano ang mga pang-uring ginamit sa
pangungusap?
A. aming B. paaralan C. malawak, maganda D. at

28. “Diligan mo ang mga halaman natin anak.” Alin ang pandiwa-pautos ang ginamit sa pangungusap?
A. anak B. Diligan C. halaman D. natin

29. Basahin ang isang panuto. Tukuyin sa mga larawan ang may wastong pagkakasonod sa panuto.
“ Gumuhit ng isang kahon. Sa itaas ng kahon, gumuhit ng tatsulok. Sa loob ng tatsulok at kahon, gumihit ng
tig-isang puso.”

A. B. C. D.

30. Pagmasdan ang diyagram ng Paggawa ng Kalamansi Juice. Ano ang unang panuto ayun dito?

1. 2. 3. 4. 5. 6.

A. Hiwain ang mga kalamansi.


B. Hugasan ang mga kalamansi
C. Pigain ang mga kalamansi sa isang salaam
D. Lagyan ng asukal o pulot.
Basahin ang talata. Ang Aking Paboritong Prutas

Pakwan ang aking paboritong prutas. Isang araw, isinama ako ni nanay sa palengke. Ako ay
nasiyahan nang makita ko ang mga pakwan. Ito may hugis bilog o kaya’y bilohaba. May maliit at
malalaking pakwan na mabibili sa palengke. Kulay berde ang balat ng pakwan. Kapag hiniwa mo ito,
ang laman nito ay kulay pula. Matamis at masustansya ang pakwan. Ito ang aking paborito sa lahat.

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salitang naglalarawan?

A. bilog B. matamis C. isinama D. berde

32. Ilarawan ang damdamin ng tauhan sa talata nang Makita niya ang mga pakwan sa palengke.
A. galit B. natakot C. malungkot D. masaya

Panoorin ang maikling kuwentong may pamagat na “Ang Tatlong Biik” mula sa Youtube.com. Sagutin ang
mga tanong pagkatapos. https://www.youtube.com/watch?v=usar9gmEdZU

33. Ano ang paksa ng iyong napanood na maikling kuwento?


A. Pagtutulungan ng magkakapatid.
B. Pagandahan ng bahay
C. Katapangan ng lobo
D. Kasiyahan ng magkakapatid

34. Ano ang damdamin ng unang Biik nang masira ng Lobo ang kaniyang bahay?
A. natuwa
B. nagalit
C. natakot
D. nasiyahan

35. May pagsusulit sina Lorna, napuyat siya dahil sa paglalaro ng online game. Ano kaya ang magiging wakas
ng kuwento?
A. Mataas ang kaniyang marking nakuha.
B. Nahirapan siya sa pagsagot ng mga tanong.
C. Sumakit ang kaniyang ulo sa pagsagot ng mga tanong.
D. Masaya siyang nagsagot ng pagsusulit kahit hindi nya alam ang mga sagot.

Basahin ang liham.


143 Rosas St. Purok 4,
Brgy. Sto Nino, Pasay City
Disyembre 5, 2022
Mahal naming Bb. Santos,
Kami po ang Pangkat 3 mula sa Ikaapat na Baitang ay humihingi ng pahintulot na magamit
ang silid-aklatan upang kami ay magsaliksik sa aming proyekto tungkol sa mga magagandang
tanawin sa Pilipinas.

Nawa’y kami po ay inyong pahintulutang magsaliksik.

Lubos na Gumagalang,
Marko Reyes
Pinuno ng Pangkat 3

36. Anong uri ng liham ang iyong binasa?


A. Liham Pangkaibigan
B. Liham ng Pagpapasalamat
C. Liham ng Paghingi ng Pahintulot
D. Liham ng Pangangalakal

37. “Si Mang Pedro ay naglalakad nang dahan-dahan dahil sa kanyan edad.” Paano
inilarawan ang paglalakad ni Mang Pedro?
A. mabilis B. dahan-dahan C. mabagal D. matulin

38. “Si Maria ay nagbabasa ng kuwento.” Ano ang pandiwa o kilos na nabanggit sa
pangungusap?
A. Si B. Maria C. nagbabasa D. kuwento

Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang paborito kong prutas ay mansanas. Ito ay matamis, malutong, makatas at


nakakatulong sa pampagana sa pagkain. Ito ay may taglay na mga bitamina at mineral upang
mapanatili akong malusog.

39. Ano-ano ang mga sumusuportang ideya sa talata?


A. Mansanas ang paborito kong prutas.
B. Ito ay matamis, malutong, makatas at nakakatulong sa pampagana sa pagkain .
C. Ito ay may taglay na mga bitamina at mineral upang mapanatili akong malusog.
D. Parehong B at C ang mga sumusuportang ideya.

40. Mula sa talata, anong tanong ang iyong mabubuo kung ang sagot na ibibigay ay “mansanas”?
A. Ano ang lasa ng prutas?
B. Anong prutas ang kaniyang paborito?
C. Ano ang taglay ng prutas na ito?
D. Paborito mob a ang prutas na ito?

Ang Langaw at ang Kalabaw

Isang araw habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog, napuna niya ang isang Langaw sa
kanyang tabi. “Langaw, anong ginagawa mo rito? Pagalit ang tanong ni Kalabaw. “Pasensiya ka na. Hindi
lamang ako makalipad sapagkat nabasa ang aking pakpak,” malungkot na sagot ni Langaw. “Ganoon ba?
Hintayin mo ako at lulutasin ko ang iyong problema,” sabi ni Kalabaw kay Langaw.

Ilang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon. Inilagay ni Kalabaw ang
isang dahon sa kaniyang bibig at dahan-dahan niyang ipinahid sa pakpak ni Langaw.

Patuloy na ginawa ito ni Kalabaw upang matuyo ang pakpak ni Langaw. “Kalabaw maraming salamat sa
iyong pagtulong. Marahil kung wala ka ay namatay na ako.” Masayang wika ng Langaw.

“Hayun, may kalabaw na kumakain ng damo. Barilin mo na at baka makawala pa,” ang sabi ng mangangaso
sa kaniyang kausap. Nakaakma na ang baril nito nang dumating si Langaw. Lumipad siya nang paikot-ikot sa
tainga ng mangangaso hanggang sa bigla na lamang napaputok nito ang baril.

Nang marinig ni Kalabaw ang putok. Kumaripas ito nang takbo. Makalipas ang isang lingo, muling
nagkita ang dalawa at naikuwento ni Langaw kay Kalabaw ang kaniyang ginawang pagbabayad ng utang na
loob.

You might also like