You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

MTB-MLE 3
SECOND QUARTERLY EXAMINATIONS
SY 2023-2024

TABLE OF SPECIFICATIONS

LEARNING Actual Weig Tot

Understanding
Remembering

Evaluating
COMPETENCIES Instruc ht al

Analyzing
Applying

Creating
tion % No.
(Days) of
Ite
ms
1. Identifies 1,
interrogative 2, 6, 7, 12, 10,
14 35% 14 11
pronouns 3, 8, 9 13 14
MT3G-IIa-b-2.2.3 4, 5
2. Use expressions
appropriate to the
grade level to react 16,
to local news, 19,
17,
information, and 32.5 15, 20, 24,
13 13 18,
propaganda about % 27 21, 26
22
school, community 23,
and other local 25
activities
MT3OL-IId-e-3.6
3. Identifies 28,
33,
Metaphor 32.5 29, 32, 36,
13 13 34, 37 40
personification, % 30, 38 39
35
hyperbole 31
100
TOTAL 40 40 11 13 6 6 2 2
%

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III


Noted by:
School Principal I

Republic of the Philippines


Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

MTB-MLE 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

A. Panuto: Tukuyin ang angkop na reaksiyon sa mga sumusunod na sitwasyon.


Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay,


tao, hayop, gawain o pangyayari.
a. Panghalip c. Panghalip Pananong
b. Panghalip Pamatlig d. Panghalip Panao

2. Ang panghalip pananong na _____ ay ginagamit upang sagutin ang mga


tanong tungkol sa ngalan ng tao.
a. ano b. sino c. saan d. kailan

3. Ang panghalip na pananong na _______ ay ginagamit kung tayo ay


magtatanong tungkol sa lugar o ngalan ng lugar.
a. sino b. kailan c. ano d. saan

4. Anong panghalip pananong ang iyong gagamitin na may kaugnayan sa petsa,


araw, oras o panahon?
a. kailan b. sino c. ano d. saan

5. Anong panghalip na pananong ang ginagamit kung magtatanong tungkol sa


isang bagay o isang pangyayari?
a. ano b. sino c. saan d. kailan

6. “________ang kasama mo mamili sa palengke tuwing Linggo?” Alin ang


tamang panghalip pananong ang bubuo sa pangungusap?
a. Saan b. Kailan c. Sino d. Ano

7. Kumpletuhin ang pangungusap: “Nawawala ang wallet ko. Hindi ako


makabili ng pagkain. Naalala mo ba kung ______ ko ito inilagay?”
a. ano b. sino c. kailan d. saan

8. “____ ang gusto mong maging sa iyong paglaki?” Ano ang tamang panghalip
pananong ang bubuo sa pangungusap?
a. Ano b. Sino c. Saan d. Kailan

9. Tukuyin kung anong pananong ang gamitin sa pangungusap. “_____ ipapasa


ang album ng mga bayani?”
a. Ano b. Saan c. Kailan d. Sino

10. Alin sa mga sumusunod ang tamang gamit ng panghalip pananong sa


pangungusap?
a. Saan ang iniisip mo?
b. Sino ang paaralan mo?
c. Kailan ang pangalan mo?
d. Ano ang gagawin mo mamaya?

11. Ano ang tamang sagot sa tanong na: “Kailan kayo pupunta sa iyong lolo at
lola?
a. Kami ay pupunta sa bus kina lolo at lola.
b. Kami ay pupunta sa Sabado upang makita sina lolo at lola.
c. Kami ay pupunta sa probinsiya upang makita sina lolo at lola.
d. Kami ay pupunta kasama ng aking ina sa bahay ng aking lolo at
lola.

12. Si Manuel L. Quezon ay ipinanganak sa lalawigan ng Quezon. Ano ang


angkop na panghalip pananong sa salitang nasalungguhitan?
a. Ano b. Saan c. Kailan d. Sino

13. Tukuyin ang angkop na paghalip pananong sa salitang nasalungguhitan:


“Mahilig magpinta si Juan pagkatapos gawin ang kanyang takdang aralin.”
a. Ano b. Saan c. Kailan d. Sino

14. Alin sa mga sumusunod na larawan ang sumasagot sa tanong na SAAN?

a. b. c. d.

15. Ito ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon o pagsalungat, pagkatuwa


o pagkadismaya sa isang isyu o balita.
a. saloobin c. reaksyon
b. opinyon d. pananaw

16. Ano ang angkop na pahayag na reaksiyon o damdamin mula sa larawan?

a. masaya c. naiinis
b. malungkot d. nagulat

17. Nasa silid aklatan si Ana ng makita niya ang kanyang matalik na
kaibigan.Ano ang angkop na reaksyon?
a. Ipagpatuloy ang pagtatanong sa kaibigan
b. Ipagpatuloy ang pakikipag usap sa kaibigan
c. Lumabas sa silid aklatan at huwag nang tapusin ang pagsasalita
d. Lumabas sa silid aklatan at doon makipag-usap sa labas kasama ang
kaibigan

18. Nakita ni Adriane na may babala sa Parke na " bawal apakan ang mga
bulaklak". Ano ang angkop na reaksyon?
a. Aapakan pa rin niya ang mga bulaklak dahil walang nakakita
b. Yayain ang mga kaibigan na doon maglaro sa Parke at apakan ang
mga bulaklak
c. Sundin ang babala na nakalagay sa parke upang mapanatili ang
kagandahan nito
d. Utusan nag mga kaibigan na maglaro at apakan ang mga bulaklak
kahit may nakalagay na babala
19. Ano kaya ang angkop na reaksyon ng bata sa kanyang ama
dahil binigyan ito ng regalo?
a. malungkot c. masaya
b. magagalit d. maiinis

20. “Kung ako ang tatanugin, dapat mag-aral ng mabuti ang mga mag-aaral at
hindi ang pagcomputer.” Ano ang ginamit na ekspresyon sa pagbibigay ng
reaksiyon na ginamit sa pangungusap?
a. Kung ako ang tatanungin
b. dapat mag-aral ng mabuti
c. ang mga mag-aaral
d. hindi ang pagcomputer

21. Tukuyin ang ekspresyon sa pagbibigay ng reaksiyon sa ginamit na pahayag.


“Maaaring tama ang magpahayag ngunit para sa akin, mas mainam na
huwag sumagot ng pabalang sa magulang.”
a. mas mainam c. maaaring tama
b. magpahayag d. huwag sumagot

22. Mahigpit na ipinagbawal ng punong guro ang paggamit ng cellphone lalo sa


oras ng kalse. Ano ang angkop na reaksiyon sa pahayag?
a. Hindi ako sang-ayon sa pasya ng punong guro.
b. Sa aking palagay mali ang ginawa ng punog guro.
c. Sa aking palagay hinayaan na lamang sana ng punong guro ang mga
mag-aaral.
d. Sa opinyon ko tama ang naging pasya ng punong guro para makapag-
aral ng maayos ang mga mag-aaral.

23. Alin ang nagpapahayag ng opinyon o reaksiyon sa pangungusap: “Kung


hindi ako nagkakamali, dapat basahing mabuti ang mga aralin bago sagutin
ang mga tanong sa gawain.”
a. dapat basahing mabuti ang mga aralin
b. Kung hindi ako nagkakamali
c. bago sagutin ang mga tanong
d. tanong sa gawain

24. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng wastong pagbibigay ng reaksiyon


o opinyon, MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Sa aking palagay, mas makabubuting sumunod sa nanay at tatay.
b. Tama at mabuti ang iyong iniisip. Maging magalang sa lahat.
c. Kung ako ang tatanungin, mahalaga pa rin ang pag-aaral.
d. Ayaw ko. Hindi ko gusto ang sinasabi mo.

25. Alin ang hindi ekspresyon?


a. Halika!
b. Nauunawaan ko.
c. Sumasang-ayon ako.
d. Paumanhin ngunit hindi ako sumasang-ayon.
26. Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpasa ng kaniyang proyekto.
Ibinigay niya ito tatlong araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang
araw ng pagpapasa.
a. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Beth sa klase.
b. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.
c. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Beth dahil nakapagpasa pa rin
naman.
d. Wala sa nabanggit.

27. Kapag ikaw ay magbibigay ng reaksyon sa inyong nababasa o naririnig


tulad ng balita, anunsiyo o iba pang kaisipan, dapat gamitin ang tamang
_____________.
a. paggalang c. salita
b. pangungusap d. ekspresyon

28. Ang _____________ ay ang masining na pagpapahayag na may mas


malalim nakahulugan kaysa literal na kahulugan..
a. tayutay c. pagbaybay
b. awit d. tula

29. Ano ang tawag sa tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang tao o


bagay?
a. personipikasyon c. metapora
b. hyperbole d. tayutay

30. Ito ay paglilipat ng katangian ng tao sa mga bagay-bagay


a. metapora c. hyperbole
b. personipikasyon d. tayutay

31. Ang _____________ ay pagmamalabis sa paglalarawan ng isang sitwasyon


o kalagayan.
a. tayutay c. metapora
b. personipikasyon d. hyperbole

32. Ang mga sumusunod na pahayag ay may tayutay, MALIBAN sa isa. Alin
ito?
a. Ang mata niya ay mga alitaptap
b. Galit na bumuhos ang ulan kahapon.
c. Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan.
d. Ang lolo ko ay parang leon sa katapangan.

33. “Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksyon.” Ano ang uri ng tayutay
ang isinasad sa pangungusap?
a. metapora c. personipikasyon
b. hyperbole d. walang tayutay

34. Sa pangungusap na "Sumasayaw ang mga kayawan sa bawat ihip ng


hangin", ano ang uri ng tayutay na angkop dito?
a. metapora c. personipikasyon
b. hyperbole d. walang tayutay

35. “Abot langit ang pagmamahal ko sa aking magulang.” Ano ang uri ng
tayutay ang para dito?
a. hyperbole c. metapora
b. personipikasyon d. walang tayutay

36. Sa bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang hapon na pala at kailangan


ko nang umuwi. Ano ang ibig ikahulugan ng nasalungguhitang tayutay?
a. Lumilipas ang oras
b. Nahulog ang orasan
c. Nagkaroon ng paa ang orasan
d. Nakikipaghabulan ang orasan

37. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangungusap na may tayutay


na metapora?
a. Tumatakbo ang oras kapag kasama mo ang iyong mahal.
b. Sumasayaw ang mga puno sa pag kanta ng hangin.
c. Nakangit ang langit kapag ikaw ay nasa aking tabi.
d. Ang aking ina ang ilaw ng tahanan.

38. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng tayutay na


hyperbole?
a. Lakad pagong kung lumakad si Justin.
b. Napangiti ang bulaklak sa kanyang pagdating.
c. Ang pangarap ko ay umabot hanggang buwan.
d. Pusong-mamon si Ana sa kanyang mga kapatid.

39. Ano ang kahulugan ng metapora sa pangungusap na ito? "Ang buhok niya
ay kurtina na sumasayaw sa hangin."
a. Ang buhok niya ay mahaba at maganda.
b. Ang buhok niya ay mahigpit na nakasabit.
c. Ang buhok niya ay hindi gaanong maikilos.
d. Ang buhok niya ay kumikilos na parang kurtina.

40. Saan ginamit ang metapora sa pangungusap na ito? "Ang araw ay isang
malaking butil ng ginto sa kalangitan."
a. Upang ipakita ang init ng araw.
b. Upang mangarap tungkol sa araw.
c. Upang ilarawan ang kagandahan ng langit.
d. Upang bigyang kahulugan ang liwanag ng araw.

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III

Noted by:
School Principal I
ANSWER KEY: MTB-MLE 3

1. C
2. B
3. D
4. A
5. A
6. C
7. D
8. A
9. C
10. D
11. B
12. D
13. A
14. C
15. C
16. B
17. D
18. C
19. C
20. A
21. C
22. D
23. B
24. D
25. A
26. B
27. D
28. A
29. C
30. B
31. D
32. C
33. A
34. C
35. B
36. A
37. D
38. C
39. A
40. D

You might also like