You are on page 1of 75

Nawala ang Buntot ng

munting tuko!
Mangingitlog na si
inang tuko, Dalawa
ang kanyang iniitlog.
Dalawang maliit at
puting itlog. Buong
araw na hindi
nakakain at hidi
nakakilos si inang
tuko. Iningatan nyang
mabuti ang mga itlog.
Sa wakas, napisa
naang mga itlog.
Gumapang palabas sa
mga itlog, ang
dalawang munting
tuko. Ako at ang
kapatid ko. Lumalaki
ako. Natutuhan kong
manghuli ng mga
lamok. Sabi ni ina
magpokus daw ako.
Magmatyag daw
akong mabuti at
maging tahimik.
Lumipad palapit sa
akin ang lamok. Agad
kong ipinanghuli ang
aking dila.
Napakamadikit ng
aking dila munting
lamok. Hindi ka na
makatatakas. Ngayon
gusto ko namang
makipaglaro sa aking
mga kaibigan.
Kakanta ako ng
malakas para marinig
nila ako. Pagkatapos
darating sila para
makipaglaro. Pero
biglang may nilalang
na nagtangkang
humuli sa akin! Agad
akong tumakbo
palayo.
MEOWWWW!!! Ilang
saglit lang , umalis
ang kakaibang
nilalang. Nanginginig
pa din ako sa takot.
Naku po nawawala
ang aking buntot! Ina
ina ano ang gagawin
ko? “ Huwag kang
mag alala anak,
Ganito natin
natatakasan ang ating
mga kaaway. Tutubo
rin agad ang iyong
buntot.” Ang galing!
Tama nga si ina.
Tingnan mo ang bago
kong buntot.
Tago Pagong Tago!
Si inang pagong ay
malapit ng mangitlog.
Kailangan niyang
makahanap ng lugar.
Doon siya maghuhukay
ng malaking butas.
Dito nya inilagay ang
mga itlog. Ang mga
itlog ay mapipisa
pagkalipas ng ilang
buwan. Krrrr-akkkk!
nabiyak ang balat ng
mga itlog . Gumapang
palabas ang maliliit na
pagong. May bahay
ako sa aking likuran.
Kaya kong magtago sa
aking bahay kapag may
panganib. Mahilig
akong kumain ng mga
berde at madahong
gulay. Kumakain ako
kaya ako ay lumalaki.
Maghahanap ako ng
pagkain. Matagal na
akong gumagapang.
Ngunit wala akong
makitang pagkain.
Pagod na ako. Sana ay
makakita na ako ng
pagkain kaagad.
Yehey, may nakita
akong masasarap na
gulay doon! Bigla -
biglang may lumipad
na agila sa aking
ibabaw. “ Naku
kailangan kong
magtago sa loob ng
aking bahay.
Nakapagtataka naman
ang alam ko ay
nakakita ako ng
pagong. Saan kaya
iyon nagpunta?
Matapos ang ilang
sandali, lumipad palayo
ang agila. “ Hay
mabuti nalang!
Ang sarap katakam
takam talaga ang mga
gulay.
Ang Masisipag na
Langgam
Magandang umaga!
Maaga akong
bumabangon para
maghanap ng pagkain.
Habang naglalakad,
palinga linga ako.
Hayun may nakita
akong isang piraso ng
prutas. Naku po,
napakabigat nitong
mansanas. Hindi ko
mahila nang mag isa.
Magpapatulong ako sa
aking mga
kapatid.Tulong tulong
naiuwi naming sa
aming bahay ang
mansanas. Nasa lupa
ang bahay naming.
Maraming pagkain
ang iniimbak namin
dito. Sa bahay naming
nakatira ang reynang
langgam. Napakalaki
ng kanyang tiyan.
Malapit na syang
mangitlog. Kay rami
ng naging itlog ng
reyna. Maingat
naming pinagsama
sama ang mga itlog.
Nakalabas na ako!
Nakalabas ang
bagong silang na mga
langgam. Kay layo ng
anyo nila sa amin!
Kumakain sila at
lumalaki. Napakarami
na namin ngayon.
Kailangan na namin ng
mas malaking bahay.
Tara ng magtayo rito
ng mas bagong bahay!
Maghuhukay kami sa
lupa. Gagawa kami ng
mas maraming silid.
Ngayon na ang araw
ng paglilipat!
Hahakutin namin ang
mga pagkain sa bago
naming bahay.
Dadalhin din naming
sa bago naming bahay
ang bagong mga itlog.
Tag ulan na Mahirap
ng makahanap ng
pagkain kahit saan.
Ngunit hindi kami
takot. Marami kaming
pagkain sa aming
bahay.

Kokak! Isa Akong


Palaka
Ako ay itlog. Nagmula
ako sa isang palaka.
Nakadikit ako sa
kung anong dahon sa
ilalim ng tubig. May
kung anong parang
malagkit sa palibot
ko. Napisa na ang
itlog. Isa na akong
butete. May malaki
akong ulo at
mahabang buntot.
Masigasig akong nag
eehersisyo araw
araw. Tignan mo may
dalawa na akong paa
sa likod. Umiiksi na
rin ang buntot ko. Uy!
Wala na ang buntot
ko. Isa na akong
munting palaka. Ang
saya! Gustong-gusto
ko ang tag ulan.
Maganda kasi at
malamig. Shh, huwag
kang maingay.May
nakikita akong lamok.
Kailangan kong mag
pokus. Inilabas ko
ang mahaba kong dila,
dumikit sa dila ko ang
lamok at nilunok ko
sya. Sarap! Hilig
kong kumain ng mga
lamok, langaw, at iba
pang kulisap. Sarap!
Naku gusto akong
kainin ng ibon! Dagli
akong tumalon sa
tubig. Makalipas ang
ilang saglit. Sumilip
ako sa ibabaw ng
tubig. Nasaan na ang
ibon? Lumukso ako sa
mga palumpong. Naku!
Nasa likod ng
kaibigan ko ang ibon!
Natakot ang ibon,
nakita nito ang marka
sa likod ng kaibigan
ko. Parang dalawang
malaking mata ang
mga marking iyon.
Mapalad ang kaibigan
ko. Mabilis na lumipad
palayo ang ibon. Tag-
ulan na. Panahon na
naming
magkakaibigan para
komokak ng malakas.
KOKAK KOKAK
KOKAK KOKAK

Ang Malikot na
Bulate
Isa akong bulate.
Nakatira ako sa ilalim
ng lupa. Ang katawan
ko ay manipis at
mahaba. Madulas ito.
Wala akong mga mata
o tainga. Mabilis
akong nakakakilos sa
lupa. Maraming
lusutan akong
nagagawa dito at
doon. Gusto ako ng
mga magsasaka dahil
tumutulong akong
mabuhaghag ang lupa.
Nakatutulong ito
para maging maganda
ang pagtubo ng mga
pananim. Ngayong
araw ay maulan.
Basang basa ang
ilalim ng lupa. Kaya
ako at ang aking
kaibigan ay kumislot
sa ibabaw ng lupa.
Halika pumunta tayo
sa ibang lugar.
Masyadong mainit
dito. Gumagalaw ang
lupa! Mayroong
panganib! Bilis dito
tayo sa ilalim. Naku!
Muntik na tayo doon!
Mapanganib sa itaas.
Mas ligtas tayo sa
ilalim ng lupa.

Ang Masayang Batang


Elepante
Ako ay batang
elepante. Kasisilang
lang sa akin. Hirap pa
akong tumayo, kaya
ginagamit ni nanay
ang bulalay nya para
alalayan ako.
Nagugutom na ako!
Mmmm… Ang sarap
ng gatas ni nanay.
Nasa limang oras na
rin mula nang isilang
ako. Nakakalakad na
ako ngayon. Sadyang
kay saya ko!
Isinasama ako ni
nanay sa paghahanap
ng pagkain.
Tinuturuan nya ako
kung paano gamitin
ang aking bulalay
para baliin ang tubo.
Parang kamay ang
aking bulalay. Sobra
itong
kapakipakinabang. “
Nanay ang init” .
Ipagaspas mo ang
iyong mga tainga
anak, at hindi ka na
gaanong maiinitan. Ha
ha! Hindi na mainit.
Kapakipakinabang din
pala ang mga tainga
ko. Nasa tabing ilog
kami. Pinaglalaruan
namin ni nanay ang
tubig kay saya!
Tinuturuan din akong
lumangoy ni nanay.
Kay rami kong
natutuhan. Mahal ako
ng lahat. Habang
naglalaro ako, may
dumating na mabagsik
na tigre. Palapit siya
sa akin. Agad akong
tumakbo patungo kay
nanay.
Napakatangkad at
napakalaki ni nanay,
gayundin ang ibang
matatandang
elepante. Dahil sa
matinding takot,
napatakbong palayo
ang tigre.
Nagpapasalamat ako
sa pagkakaroon ng
masaya at
mapagmahal na
pamilya.

Ang mga Abalang


Maliliit na Bubuyog
Sumikat na ang araw,
ako at ang iba pang
manggagawang
bubuyog ay lumipad
na para maghanap ng
nectar. Wow, tignan
mo ang mga bulaklak!
Uuwi ako at sasayaw
para maipaalam sa iba
ang tungkol sa mga
bulaklak na ito.
Nangolekta kami ng
nectar at polen.
Pagkatapos, kaagad
kaming lumipad pauwi.
Pagdating sa amin,
ipinasa namin ang
nectar at polen sa iba
pang manggagawang
bubuyog. Lahat kami
ay nagtrabaho nang
mabuti. Ang iba ay
ginawang pulot-
pukyutan ang nectar.
Itago nang mabuti
ang pulot pukyutan.
Kailangan natin iyan
sa panahon ng tag
ulan. Nilinis ng ibang
bubuyog ang bahay ng
pukyutan. Hindi
nagtagal, malinis na
ang pukyutan tulad ng
dati. Ang iba ay
nagpapakain ng mga
batang bubuyog.
Inaalagaan nilang
mabuti ang mga
batang bubuyog.
Lumalaki silang
malakas at malusog.
Naku! May oso roon!
Kinukuha nya ang
ating pulot pukyutan,
hindi iyon tama!
Bilis ,protektahan
natin ang ating bahay.
Yehey! Nailigtas
namin ang aming
bahay.
Ang Gagambang
Gumagawa ng Sapot
Ako ay itlog. Mula ako
sa isang gagamba.
Nasa loob ako ng
supot ng itlog kasama
ang aking mga kapatid.
Ligtas at mainit dito.
Pagkatapos ng ilang
linggo,ako at ang mga
kapatid ko ay
gagapang palabas mula
sa supot. Insekto ang
paborito kong pagkain.
Kailangan kong
gumawa ng sapot para
mahuli ko sila. Hayan
tapos na ang aking
sapot. Napagod ako.
Magpapahinga muna
ako. Nagsisimula nang
umulan. Malakas ang
ihip ng hangin. Naku
nasira ang sapot ko!
Kailangan kong ayusin
ang aking sapot. Ah!
Naayos din ang aking
sapot. Ngayon
magtatago ako at
hihintayin ang aking
pananghalian.
Naghintay at
naghintay ako. Sa
wakas! Isang malaki at
matabang lamok ang
lumipad sa aking
sapot. Binalutan ko ng
sapot ang lamok. At
saka ko kinagat. Ang
mga pagkaing kinakain
ko ay nakatutulong sa
aking wastong paglaki.
Ang mga insekto ay
masustansya para sa
akin. Ah! Busog na
busog ako.

Ang Tariktik
Tuka! Tuka! Malakas
at mabilis ang aking
pagtuka. Mahuhulaan
mo ba kung sino ako?
Isa akong tariktik.
Tumutuka ako sa
katawan ng puno para
maghanap ng grub.
Ang grub ay mga
batang insekto.
Araw-araw lumilipad
ako sa kagubatan.
Naghahanap ako ng
grub para sa aking
sarili at para sa aking
mga inakay. Hayaan
mo akong lumipad sa
itaas ng puno. Gamit
ang matalas kong mga
kuko, kumakapit ako
sa puno. Sinisimulan
ko ang pagtuka sa
puno gamit ang aking
matibay at matulis na
tuka. Tinutuka ko ang
lahat ng grub na
makita ko. Oras na
para lumipad pauwi sa
aking pugad. Baka
nagugutom na ang
aking mga inakay.
Kumain kayo nang
marami, maliliit kong
inakay. Kailangan ko
nang umalis para
maghanap ng mas
marami pang pagkain.
Ang Marikit na
Paruparo
Nakatira ako sa
matigas na supot
uuod. Nguya! Nguya!
Kinain ko at
binutasan ang bahagi
ng supot uod, at
gumapang akong
palabas. Tignan mo
ang dami kong paa.
Isa akong higad.
Mabalahibo ang aking
katawan. Mahilig
akong kumain ng mga
dahon. Nguya, nguya,
nguya!
Teka balat ko iyan!
Ngayon, may bago na
akong balat. Kakain
ako ng mas marami at
ng lumaki pa! Panahon
na para gumawa ako
ng bahay at doon
matulog. Matagal din
akong natulog, saka
mabagal akong
gumapang. Tignan mo,
may mga pakpak na
ako! Iniunat ko at
ibinuka ang aking mga
pakpak, anong ganda
nila! Nagtago ako sa
mga bulaklak.
Ramdam kong ligtas
ako rito. Umuulan.
Agad akong sumilong
sa dahon. Kapag
nabasa at bumigat
ang aking mga pakpak
hindi ako makalilipad.
Maya maya lang
tumila na ang ulan.
Salamat! makalilipad
na akong muli.
Nagpalipat lipat ako
sa mga bulaklak, para
sumipsip ng nectar.
Lahat ay nagsasabing
marikit ako. Naku,
gumagabi na, oras na
para umuwi. Aah…
Nasa bahay na ako,
oras na para matulog.
Ang Nakamamanghang
Amang Kabayito
Ako ay isang Tatay na
kabayito. Ginagamit ko
ang palikpik sa aking
likuran para lumangoy.
Napakabagal kong
lumangoy. Wala akong
mga ngipin. Ginagamit
ko ang aking nguso
para makasipsip ng
maliliit na hayop sa
dagat at pagkatapos ay
nilululon ko. Kayang
umikot ng aking mga
mata sa ibat ibang
direksyon.
Tinutulungan ako ng
aking mga mata na
makahanap ng pagkain.
Tinutulungan din ako
nitong Makita ang iba
pang mga hayop na nais
akong kainin. Hayun!
May nakita akong
alimango! Kailangang
magpalit ako ng kulay
ng aking balat para
hindi ako madaling
makita. Haay! Ligtas na
ako ngayon. Maaari na
akong bumalik sa dati
kong kulay. Alam mo
bang mayroon akong
bulsa sa aking tiyan?
Ginagamit ko ito bilang
lalagyan ng mga itlog
na galing kay nanay na
kabayito kahit pa ako
ang tatay nila.
Itinatago ko ang mga
itlog ng ilang linggo.
Pagkatapos ng ilang
linggo mapipisa na ang
mga itlog. O! tingnan
mo! Maliliit na
kabayito, lumalangoy
palabas ng bulsa ng
tatay na kabayito,
nakamamangha ito. Ang
ganda ng maliliit na
kabayito.

Lipad, Tutubi Lipad


Ako ay itlog. Mula
ako sa tutubi.
Nakatira ako sa
malaking tubigan.
Makalipas ang ilang
lingo, nakalabas na
ako sa itlog. Nang
may lumapit sa aking
mga butete,
sinubukan ko silang
hulihin. Habang
lumalaki ako,
naghuhunos ako ng
balat. Ilang ulit ko
itong ginagawa
hanggang sa maging
ganap akong tutubi.
Pagkatapos umahon
ako sa tubig.
Naghunos ulit ako.
Tignan mo ako
ngayon! Mayroon na
akong dalawang pares
ng pakpak. Sa wakas
makalilipad na ako!
Lumipad ako sa
ibabaw at sa pagitan
ng mga bulaklak.
Sobrang ganda rito!
Uy, may lamok!
Mabilis akong lumipad
palapit sa lamok.
Ang Gutom na Kuhol
Ako ay isang kuhol.
Dala dala ko ang
bahay ko sa aking
likod. Ang init naman.
Maghahanap nga ako
ng maganda at
malamig na lugar para
matulugan.
Bumaluktot ako sa
aking bahay. Ako ay
gumigising kapag
malamig na ang
panahon. Nagugutom
ako ngayon. Tayo na
at maghanap ng
pagkain. Ako at ang
aking kaibigan ay
gumalaw ng dahan
dahan. Nag iwan kami
ng madulas na bakas
sa aming dinadaanan.
Nakatutulong ang
laway namin upang
mas mapadali an
gaming paggalaw. May
nararamdaman ako
panganib, Bilis
magtago tayo sa
ating mga bahay. Hay!
Ligtas na ngayon.
Magpatuloy na tayo
sa paghahanap ng
pagkain. Tignan mo
roon may nakita
akong mga gulay. Ang
dahong ito ay
makatas. Ang sarap!
Hoy! Kaibigan,
tingnan mo! May
nakita akong mga
alitaptap na patungo
rito. Bilis magtago
tayo sa ating bahay.
Ligtas na tayo
ngayon, nawala na ang
mga alitaptap. Hay!
Salamat sa iyong
babala tungkol sa
pagdating ng mga
alitaptap. Masama
talaga kung makagat
tayo ng mga
alitaptap. Ahh! Busog
na ako ngayon. Ako
rin.

Ingat mga Munting


Sisiw
Isa akong sisiw.
Nakatira ako sa
magandang nayon.
Tandang ang aking
tatay. Matangkad siya,
malakas at napakakisig.
May malaki at pulang
suklay sa ulo ni tatay.
Napakaganda nito.
Tuwing umaga,
ginigising ng malakas
na pagtilaok ni tatay
ang lahat. Ang aking
nanay ay inahing
manok. Araw araw
inilalabas niya ako at
ang aking mga kapatid
para maglaro at
maghanap ng makakain.
Mahilig kaming
magtatatakbo at
maglaro sa paligid.
Tinuruan kami ni Nanay
kung paano maghanap
ng pagkain at tumuka
ng butil. Mga anak,
wala tayong ngipin.
Kaya lulunok tayo ng
maliliit na bato para
madaling matunaw an
gating kinain. Isang
araw, nang naglalaro
kaming magkakapatid,
may agilang sumulpot
sa kalangitan. Ingat,
mga munti kong anak!
May agila dali,
magkubli kayo sa aking
mga pakpak. Takot na
takot kami. Tumakbo
kami sa pinakamabilis
na makakaya naming
patungo kay nanay.
Nagkubli kami sa
kanyang mga pakpak.
Huwag kayong
matakot. Ligtas kayo
sa ilalim ng aking mga
pakpak. Nakapako sa
amin ang matalim na
mga mata ng agila.
Matapang na
nakipagtitigan sa kanya
si Nanay. Mayamaya pa
ay lumipad nang palayo
ang agila. Ligtas kami,
paglaki ko pangarap
kong maging kasing
tapang ni Nanay.
Ang Pamilyang
Penguin
Ako ay isang penguin.
Nakatira ako sa lugar
na laging malamig.
Brrrr.. Mayroon
akong mga palikpik.
Ang mga palikpik ko
ay mukhang mga
pakpak pero hindi ako
nakalilipad. Mahusay
akong lumangoy.
Tingnan mo, meron
akong mga paa na
hugis sapot tulad ng
sa bibe. Nakikita mo
ba ang babaeng
penguin na iyon?
Malapit na siyang
mangitlog. Magiging
inang penguin na siya.
Ako naman ay
magiging amang
penguin. Nakikita mo
na ba ang itlog?
Umalis ang inang
penguin para
maghanap ng pagkain.
Kailangang
malimliman ko ang
itlog. Nananatili ako
sa tabi ng iba pang
Amang penguin. Ito
ay para mapainitan
namin ang isa’t isa.
Hindi kami kumakain
o umiinom hanggang
sa mapisa ang mga
itlog. Si inang penguin
ay naghahanap ng
isda sa dagat.
Magtatago ako ng ilan
sa aking tiyan para
maipakain sa aking
inakay. Sa wakas
napisa na ang itlog.
Lumabas na sa balat
ang Inakay na
Penguin. Salamat
nakabalik kana.
Talagang nagugutom
na ako. Oras na para
maghanap ng pagkain.
Alagaan mo ang
Inakay na Penguin.
Babalik ako kaagad.

You might also like