You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 9 QUARTER I

SUMMATIVE I UNANG MARKAHAN, WEEK 1


Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang tamang
titik na tumutukoy sa tama na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia ,isang salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay:
A.pamamahala ng negosyo
B.pakikipagkalakalan
C.pamamahala ng tahanan
D.pagtitipid

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


A. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang material na panganagailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano lilikhain ng tao ang salapi.
D. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama
sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D.Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

4. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
D.Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

5. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap


ang nagsasaad ng diwang ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahandaan ang katayuan ng mga tao sa
lipunan kaya’t nauuri natin ang maihaharap, nakaririwasa, at mayayaman
B.Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa ,kailangang sundin nito ang mga patakaran
ng mayayamang bansa.
C.Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat
dapat ipagpatuloy ang produksiyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa
daigdig.
D. Sa pamamgitan ng pag-aaral ng ekonomiks nakatutuklas ng paraan upang patuloy na
tumaas ang antas ng kita,empleyo,seguridad at kagalingang panlipunan ng mga
mamamayan sa isang bansa.

(1)

6. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao
ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-
yaman?
A. Antropolohiya
B. Ekonomiks
C.Heograpiya
D.Sosyolohiya

7. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit


nararanasan natin ang kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
B. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang poulasyon at kaunti lang ang
pinagkukunang-yaman.
C. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na naranasan.
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
kahit limitado ang pinagkukunang-yaman.

8. Mas pinili ni Boyet na mag-aral ng kanyang leksiyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng


basketbol ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa
sitwasyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

9. Kahit masama ang pakiramdam ni Sophie ay pinilit parin niyang pumasok sa paaralan
dahil naghihinayang siya sa maaari niyang matutunan sa leksiyon. Ang sitwasyon ay isang
halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

10. Bilang bahagi ng lipunan, paano makakatulong ang pag-aaral ng ekonomiks?


A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-ekonomiya
C. Nauunawaan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
D. Naiintindihan mo ang Sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok.

II. Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks batay sa gampanin ng isang


tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (15 puntos)

A. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

11-15. Bilang Mag-aaral


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

16-20 Bilang Miyembro ng Pamilya


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

(2)

21-25. Bilang Mamamayan ng Lipunan


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

B. Ibigay ang mga sagot ng mga sumusunod na pahayag.

Panuto: Gumuhit ng tatlong naglalarawan ng Panuto: Magbigay ng tatlong kahalagahan


kabutihang nararanasan sa paggamit ng ng ekonomiks sa pang-araw araw na
ekonomiks sa pang-araw araw na pamumuhay ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng
bawat pamilya at lipunan. lipunan.

26 29

27 30

28 31

C. Pag-uugnay:
Panuto: Iugnay sa ekonomiks ang pang-araw araw na pamumuhay ng iyong sariling pamilya at ng
lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAMILYA LIPUNAN
32-33. 34-35.

(3)
D.Pagbabasa
Panuto: Basahin ang lathalaing tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks sa pag-usbong ng
lipunan.( 5 puntos)
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang
mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-
aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman
upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba't
ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang
kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating
kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng
mga kabataan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano
naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang kaisipang
pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay ipinaliliwanag ng ekonomiks na
makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan.

36-37. Magbigay ng iyong sariling pahayag tungkol sa kahulugan ng ekonomiks.


Paliwanag:_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

38-40. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng ekonomiks at ano
ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
Paliwanag:_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
References:
Modyul 1&2: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang araw araw na Pamumuhay.
pp 8-10, at pp. 6-7.Unang Edisyon, 2020.
Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. pp. 12-22.

Prepared by:
CHARLEN C. REJAS, SST III
Checked by:
FERNANDO F. SARMIENTO, JR. MT II
Grade IX Subject Chairman

Noted:
MARINA B. SANGUENZA, Ph.D.
SSHT IV, Social Studies

(4)

Answer Key
AP 9, Quarter 1, Summative 1, W1-3
1. C
2. A
3. D
4. D
5. D
6. B
7. D
8. D
9. C
10. D
11-15 –Bilang mag-aaral mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makakatulong
ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
16-20 – Bilang Miyembro ng Pamilya ---------
21-25 – Bilang Mamamayan ng Lipunan -----------
26. sariling sagot
27. sariling sagot
28. sariling sagot
29. sariling sagot
30. sariling sagot
31. sariling sagot
32-33 sariling sagot
34-35 sariling sagot
36-37 sariling paliwanag
38-40 sariling paliwanag

You might also like