You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 9 QUARTER I

SUMMATIVE 2 UNANG MARKAHAN, WEEK 4-5


Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya at Alokasyon

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba at hanapin sa kahon ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. Market Economy D. Mixed Economy

B. Traditional Economy E. Sistemang Pang-ekonomiya

C. Command Economy F. Central Planning Agency


_______1. Ano ang ekonomiya na ang bawat kalahok na konsyumer at prodyuser ay
kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interest upang makakuha ng mas
malaking pakinabang.
______2.Ano ang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
______3. Ano itong sistema na kung saan pinaghalo ang market at command economy.
______4. Ano itong isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan
ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng likas na yaman.
______5.Ano ang ekonomiya na kontrolado at regulasyon ng pamahalaan.

II. Panuto: Suriing Mabuti ang bawat sitwasyon at tukuyin kung saang sistemang pang-
ekonomiya ito napabilang. Isulat sa patlang ang sagot.

A. Traditional economy C. Command Economy


B. Market Economy D. Mixed Economy

6. Ang konsyumer ay nagtatanim ng gulay at palay upang may makakain sa darating na


tagtuyot. ________________________.
7. Ang bawat mamamayan ay magpoprodyus lamang ng mga produkto na naayon sa
pamahalaan. ______________________.
8. Ang prodyuser ay nakakapagtakda ng presyo. _____________________
9. Ang prodyuser ay siya ring konsyumer ng produkto. ___________________
10. Ang prodyuser may may kalayaan sa kung ano ang gusto nilang iprodyus ngunit kontrolado
ng pamahalaan ang presyo. ______________________

11.. Tumutukoy sa isang salik ng produksyon na may naiibang katangian dahil ito ay fixed o
takda ang bilang.
A. Lakas-paggawa B. Lupa C. Kapital D. Entreprenyur

12. Tumutukoy sa mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto.


A. Output B. Kapital C. Input D. Lupa

13. Ang mga sumusunod na manggagawa ay may blue-collar job maliban sa isa.
A. Karpintero C. Drayber
B. Inhinyero D. Magsasaka

14. Tumutukoy sa kita ng isang entreprenyur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran


sa negosyo .
A. Kapital B. Tubo C. Output D. Renta

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kapital bilang salik ng produksyon?
A. Gusali B. Yamang Likas C. Sasakyan D. Kalsada
16. Ito ay tumutukoy sa kabayaran sa lupang ginamit sa produksyon.
A. Renta B. Sahod C. Upa D. Kita
17. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga salik upang makabuo ng output.
A. Pagkonsumo B. Supply C. Produksyon D. Alokasyon

18. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglay ng isang entrepreneur maliban sa
isa. Alin ito?
A. May kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
B. Matalas ang pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
C. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
D. Matapang at mausisa sa kalakalan ng iba.

19. Mawawalan ng silbi ang mga hilaw na materyal kung wala ang salik ng produksyon na ito
na siyang lilinang at bubuo nito.
A. Entrepreneur B. Lakas-Paggawa C. Kapital D. Lupa

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa maging epekto kung sakaling kakapusin
ang isang bansa ng lakas-paggawa bilang salik ng produksyon?
A. Magkaroon ng kakulangan sa supply ng mga produkto at serbisyo
B. Maapektuhan ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa
C. Hindi maging kapaki-pakinabang ang likas na yaman
D. Hindi lubos na matustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
________ 31. Tinuturing na tagapag-ugnay ng ibang salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto at serbiyo.
A. Manggagawa C. Makinarya
B. Entrepreneur D. Pamilihan

________ 32. Ang makina, araro at gusali ay mga halimbawa ng anong salik ng
produksyon?
A. Lakas-paggawa C. Entrepreneur
B. Lupa D. Kapital

_________ 33. Tumutukoy sa mabubuo na produkto o serbisyo kung pagsama-samahin


ang iba’t ibang salik ng produksyon.
A. Output C. Input
B. Interes D. Tubo

________ 34. Sila ang mga manggagawang may kakayahang mental at mas ginagamit ang
isip kaysa lakas ng katawan.
A. Blue- Collar Job C. Orange-Collar Job
B. White- Collar Job D. Green- Collar Job

(3)
Ano ang isang salik ng produksyon na nagkakaroon ng kakulangan ng produkto ang
Pilipinas sa kasalukuyan ng pandemya. Ipaliwanag kung paano ito nakakaapekto sa
kaunlaran ng ating bansa ?
35. ______________________________________________________________________________________
36. ______________________________________________________________________________________

Ano ano ang mga hilaw na materyal bilang input sa paggawa ng produkto na gagamitin upang
makabuo ng baro bilang output.

Input Output

37. _________________________

38. _________________________

39. _________________________

40. _________________________

Credit: Google Image

References:
Modyul 3&4: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya. pp.6-8 Unang Edisyon, 2020.
Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. pp. 50-64.

Prepared by:

EVELYN L. DIZON, SST I ARLENE G. SANCHEZ, SST III

Checked by:

FERNANDO F. SARMIENTO, JR., MT II


Grade IX, Subject Chairman

Noted:

MARINA B. SANGUENZA,Ph.D.
SSHT IV, Social Studies

(4)
Answer Key
AP 9, Quarter 1, Summative 2, W4-5

1. A
2. B
3. D
4. E
5. C
6. A
7. C
8. B
9. A
10. D
11. sariling sagot
12. sariling sagot
13. sariling sagot
14. sariling sagot
15. sariling sagot
16. Tradisyonal na Ekonomiya
17. Market Economy
18. Mixed Economy
19. Market Economy
20. Command Economy
21. B
22. C
23. A
24. B
25. B
26. A
27. C
28. D
29. B
30. C
31. B
32. D
33. A
34. B
35. sariling sagot
36. sariling sagot
37. tela
38. sinulid
39. gunting
40. mananahi, makina

You might also like