You are on page 1of 2

FILIPINO 7 WEEK 3  “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan

ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD mandin ng pag-ibig.”

Kung magiging mapanuri at mag-oobserba ka sa usapan ng mga tao, Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Habang maikli pa ang
mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit kumot, magtiis mamaluktot.
depende sa lugar, okasyon, panahon, gayundin sa taong kausap.
Halimbawa, kapag may mga nakasalubong ka sa umaga ay maaaring Mga Salitang Impormal o Di Pormal – mga salitang karaniwang ginagamit sa
magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan o pormalidad sa pagbati mo pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa, kung ang prinsipal ninyo 1. Balbal (Slang) ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na, “Magandang umaga po,” ang kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
sasabihin mo. Magbabago ito kung kaibigang matalik o BFF mo na ang Nabibilang ang mga salitang ito sa di pormal na uri ng salita kaya’t
makasalubong mo. Maaaring maging “Kumusta, ‘Tol!” o kaya’y “Uy! Pre!” na karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat. Ang
may kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng
pang kilalanin ang mga antas ng wika batay sa pormalidad. sumusunod:
Mga Salitang Pormal – mga salitang istandard dahil ang mga ito ay  pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa salitang
ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang Amerikano na naging “Kano”
ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat,
ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal.  pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging “astig”

Halimbawa:  paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng


toxic na binigyan ng kahulugang “hindi maayos ang kalagayan o hindi
 Maybahay sa halip na waswit maayos na tao” tulad ng “toxic na schedule” o “toxic na kasamahan.”
 Ama at ina sa halip na erpat at ermat  pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin
 Salapi o yaman sa halip na datung na ang kahulugan ay “karma.”

Kabilang din sa uring ito ang masining na salitang tulad ng mga tayutay, Iba pang halimbawa:

kasabihan, at kawikaang lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika. bagets - kabataan

Halimbawa: lespu - pulis

 “Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na charing - biro


manga.” nenok - nakaw

datung - pera
sikyo - guwardiya Halimbawa:

ermat - nanay  tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”

utol - kapatid  ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”

erpat - tatay  manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay “kuya” at
“ate”
yosi -sigarilyo
 ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”
2. Kolokyal (Colloquial)

Ito’y isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw- araw
na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng
ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang
dalawang salita.

Halimbawa:

pa’no mula sa paano kelan mula kailan

p’re mula sa pare meron mula sa mayroon

te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan

Bahagi pa rin nito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at


Ingles o “Tag-lish” o Tagalog-Espanyol.

Halimbawa:

 A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Taglish)

 Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan. (Tag- Espanyol)

3. Lalawiganin (Provincialism)

Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y


partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin- pansing
ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.

You might also like