You are on page 1of 1

Marie Elny B.

Zuniga

BSPSYCH3-1

Sa iyong palagay, naging malaki ba ang naging kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez, ang
tinaguriang "Ama ng Sikolohiyang Pilipino?" Ipaliwang ang iyong sagot.

Oo, naging malaki ang naging kontribusyon ni Virgilio G. Enriquez sa sikolohiyang pilipino. Tinagurian
siyang "Ama ng Sikolohiyang pilipino" dahil sa kanyang mahalagang papel sa pag unload ng Sikolohiyang
pilipino sa ating Bansa, na ang kahulugan ay Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong
pilipino. Dahil kay Enriquez nabuo ang Sikolohiyang pilipino at may iilang aspeto o batayan nagunamit
upang mapalalom pa ang Sikolohiyang pilipino. Una ang mga batayan ng kinagisnang Sikolohiyang, na
ang ibig sabihin ay mga kaugaliang minana ng mga pilipino, mga paniniwala at ang mga ugali ng mga
pilipino sa pakikitungo sa isa't isa. Pangalawa ay, Ang batangan sa tao at sa kanyang diwa . Ang ikalawang
batayan na ito ng Sikolohiyang pilipino ay ang pagpapahalaga sa tao at sa kanyang diwa. Pangatlo, Ang
batayan sa panahon ng pagbabagong isip, isa sa mga halimbawa nito ay "Hindi dapat mangiming hanapin
ang ugat ng Sikolohiyang wika sa leksikograpiya ni Pedro Serrano Laktaw o sa sa mga ginagawa ng
pokloristangsi Isabelo de los Reyes. Sinabi din na isa itong pang-anim sa kababawan ng oryentasyong
pilipino sa mga pananaliksik at pag-aaral na Sikolohikal sa pilipinas. Pang apat ay ang, Batayan sa
panahon ng pag papahalaga sa kilos at kakayahan ng tao, na bukod tangi sa mga unang pormal na
nakadama sa impluwensiya ng Sikolohiyang Amerikano siamAgustin Alonzo, ang kauna-unahang
pilipinong nagtapos ng master sa singing ng sikolohiya sa unibersidad ng pilipinas, Ang kanyang tesis ay
tungkol sa sikolohiya ng damdamin. Pang Lima, Batayan sa panahon ng pagpapahalaga sa suliranin ng
lipunan, ipinaliwanag na ang pagpapahalaga sa mga suliranin ng lipunan ay habang-panahong uukilkil sa
isipan ng bawat Sikolohiyang nais magtago sa katahimikan ng kanyang pagsuri ng datos o eksperimento.
Ang pang huli naman o pang anim sa batayan ay, Ang batayan sa wika, kultura, at pananaw ng pilipino.
Na pinaninindigan ng kasalukuyang mananaliksik na Isang napakahalagang batayan ng Sikolohiyang
pilipino ang wikang pilipino at ang mga wikang katutubo sa pilipinas, mga batayang ito ay Ang
pagpapahalaga sa wika, kultura, at pananaw ng pilipino. Sa pangkalahatan, ang mga ideya at prinsipyong
itinaguyod ni Virgilio ay nagbigay daan sa mga pilipino, lalo na sa pag unlad ng Sikolohiyang pilipino
bilang mas malayang pananaliksi ng mga Pilipino,mula sa makakalikasan, at sa kultura.

You might also like