You are on page 1of 4

1.

FERTILE CRESCENT
Ang mga Sumerian ang unans pangkat ng sinaunang taong nanirahan at nagtatag, ng
kanilang mga lungsod-estado sa masaganang lupain ng Sumer, Mesopotamia sa
katimugang bahagi ng Fertile Crescent, may 5,000 taon na ang nakaraan. Ang Ur ang
tamababang antas,kinikilalang pinakamatandang lungsod-estadong nalinang ng mga
Sumerian.

2.SUMERIANS
THEOCRACY(pamahalaang nasa ilalim ng pamumuno ng puno ng relihiyon/simbahan)
-PATESI-pinunong PARI.
-Ang patesi ay pinakamakapangyarihang tagapamagitan ng tao sa kinikilala ng diyos.
-Ang pinakamataas na katayuan sa lipunan ang mga pari at hari.
-kasunod ang mga artisano.
-mga magsasaka ang binubuo ng ikatlong antas.
-samantalang ang alipin ay nasa pinakamababang antas.

POLYTHEISM(pananampalatay sa higit isang diyos)


-Si Anu ang pinaniniwalaan nilang diyos ng kalangitan.
-Si Enlil ang diyos ng mga ulap.
-Si Ea ang diyos ng tubig at baha.
-Matibay ang kanilang paniniwala sa mga kinikilalang diyos.
-Upang payapain ang kanilang mga diyos, itinayo ng mga
Sumerian ang ZIGGURAT.
ziggurat=templong tore.
-Ang mga sumerian ay nakalikha ng sistema ng
pagsusulat at ito ay CUNEIFORM.
-Ang CUNEIFORM ay itinuturing na pinakaunang
sistema ng pagsusulat na binubuo ng higit
500 pictograph at simbolong nakasulat sa teblet gamit ang STYLUS.
-Sila rin ay napasimulang gumamit ng KALENDARYONG LUNAR na
binubuo ng 12 BUWAN at dinagdagan pa ng IKA 13 BUWAN.
-Kilala rin ang mga sumerian sa CYLINDER SEAL na nag tatak
sa disenyo sa anumang bagay na rolyohan nito.
-Galing din ang mga sumerians ang ilang sistema sa ALGEBRA at
sistemang SEXAGESIMAL kung saan nakabatay sa numerong 60 ang bawat ORAS,MINUTO AT
SEGUNDO.
-Sila din ang unang gumamit ng GULONG,KARWAHE at BAGON.

3.AKKADIANS
-Ito ay pangkat ng mga taong SEMITIC na nagmula sa ARABIAN PENINSULA.
-Ang namumuno sa AKKADIANS ay si SARGON I.
-Pinuksa ni SARGON I ang kapangyarihan ng mga sumerian sa ilaim ni
LUGALZAGESI,sakop ng mesopotamia ang kaniyang pamumuno.
-Sakop ng kaniyang imperyo ang kalakhang bahagi ng Fertile Crescent mule ELAM.
-Si Sargon 1 I ang kinikilalang kaunaunahang dakilang pinuno sa kaysasaysayan
ng pangkat semitic.
-Si Sargon ang kaunaunahang nagtatag ng IMPERYO sa daigdig sa ilalim ng
pamahalaang HEREDITARY MONARCHY.

HEREDITARY MONARCHY- pamamahala o pamumunong namamana ng mga


anak o susunod na salinlahi.

IMPERYO-pinagisang pangkat ng mga kaharian sa ilalim ng


kapangyarihan ng isang hari o monarko.

-Si sargon ay namatay.Ang pumalit sakanya ay ang kaniyang APO na si


NARAM-SIN.
-nasakop ni naram ang hilagang assyria.
-si naram ay ikinikalala nang "Hari ng Ikaapat na bahagi ng Daigdig".

4.BABYLONIAN
-ang kapangyarihan ng mga akkadian sa mesopotamia ay humina sa pag
pasok ng pangkat ng mga AMORITE.
-Ang mga amorite ay nag tatag din SENTRALISADONG PAMAHALAAN.
-Ang haring babylonian ay itinuring ng mga Amorite BILANG DIYOS NA MAY SUKDULANG
KAPANGYARIHAN.
-Ipinagawa ni HAMMURABI ang mga KANAL at DIKE.
-Nag pagawa din siya ng mga PALASYO at TEMPLO na alam niyang
kagigiliwan ng mga nasasakupan.
-Ang pinakamahalagang amabg ni HAMMURABI ay ang
CODE OF HAMMURABI o KODIGO NI HAMMURABI.
-Ang KODIGO NI HAMMURABI ay nagpapahayag ng mataas na batayang alintuntuning
pampamahalaan.

-Saklang ng CODE OF HAMMURABI ang pampolitika,panlipunan at pangkabuhayang


oragnisasyon ng babylonia.
-Tampok sa kodigo ng batas na ito ay paraan ng pagpaparusang naayon
sa prinsipyong LEXTALIONIS o MATA PARA SA MATA AT NGIPIN PARA SA NGIPIN.

-Ang pamilya ay batayan ng lipunan ng babylonia.


-Binubuo ang lipunang ito ng mga MAHARLIKA o HARI.
-Ang MIDDLE CLASS naman ay binubuo ng mga ARTISANO MAGSASAKA at iba pang
MANGGAGAWA.
-Si MARDUK ang kinikilala nilang PANGUNAHIN at MAKAPANGYARIHANG DIYOS.

5.HITTITE
-unang pangkat na gumamit ng sandata,punyal,maikling espada,kalasag.
-Si hammurabi ay namatay kaya humina ang imperyong babylonia.
-nilusob ng pangkat ng mga hittite noong 1530 BCE.
-Sinakop nila ang sinaunang rehiyon ng ANATOLIA na kilala ring
ASIA MINOR at ito ngayon ay ang TURKIYE.
-Inihayag ng mga tabletang hittite na ang haring hittite
ay kinikilala bilang pangunahing pinuno,lider,militar,huwes at
higit sa lahat, Diyos na makapangyarihan.
-Binibigyang diin din nito ang pagbibigay ng bayad-pinsala
sa ilang pagkakataon kapalit ng kaparusahan at paguusig
sa binalak na krimen.

6.ASSYRIAN
-Sila ang kabilang sa pangkat ng mga NANDAYUHANG SEMITIKO
SA LAMBAK NG TIGRIS AT EUPHRATES.
-Kailagan nila makipagdigma sa mga kalapit na lungsod estado
para palaging bukas ang daanang pangkalakalan.
-Lungsod estado ng assur, ang sentro ng kabihasnang assyrian.
-Ang mga assyrian ay kinikilala bilang PINAKAMLUPIT,PINAKAMABAGSIK
AT MAPANGHAMOK.
-Saklaw ng Imperyong Assyrian ang teritoryong mula sa Egypt sa kanluran,
hanggang kanluran hangganan ng Iran.
-Ang KULTURA ng mga ASSYRIAN ay PIANGHALONG KULTURA NG MGA
SUMERIAN AT BABYLONIAN LALO NA SA ANTAS NG LIPUNAN NG RELIHIYON.

-Ang wikang assyrian ay nakasulat sa CUNEIFORM.


-Sila ay pinaguugnay ng isang templong pinamumunuan.
-Ang hari ay may kapangyarihang absolute o ganap
na tinitiyak ang kaligtasan at proteksiyon ng kaniyang nasasakupan.
(Tiglath-Pileser 1 Assur Bampi)

7.CHALDEAN
-tinalo ng mga Indo-European,Medes at Semitic Chaldean ang Assyria
sa pamumuno ni Nabopolassar, isang rebeldeng gobernador ng Baby lonia.
-Nang nabagsak ang Nineveh muling bumangon ang kabihasnang Babylonian.
-Namatay si nabopolassar, pinalitan siya ni NEBUCHADNEZZAR, ang pinakatanyag
na pinuno ng mga Chaldean.

-Sa pamuno ni nebuchadnezzar nilusob ng mga chaldean ang jerusalem at sa loob ng


mahahabng panahon ng pakikihamok
natalo ng mga chaldean ang libo libong jew at dinala sila sa
babylonia bilang mga ALIPIN. Ang pangyayaring ito ay tinaguriang BABYLONIAN
CAPTIVITY.

BABYLONIAN CAPTIVITY- Panahon ng pang-aalipin sa mga jew sa babylonia.

-nagpagawa si nebuchadnezzar ng mga kanal at dike.


-ipinagawang hanging gardens ay itinanghal bilang isa sa mga
7 wonders of Ancient World.

-Sila din ay tinawag na "Stargazers of Babylon" dahil mahilig sila sa


astronomiya.
-Naging hobbies na ng Chaldeab ang galaw ng mga bituin at konstelasyon.
-Sa kanila nagmula ang kaalaman tungkol sa 12 simbolo ng zodiac.

8.PERSIAN
-nagmula sa lupaing persia
-si cyrus the great ang namuno dito.
-nasakop ni cyrus ang babylon.
-pinairal niya nag pantay na pagpapatupad ng batas
-pinalaya niya ang mga jew mula sa kanilang
pagkaalipin at pinahintulang makabalik sa palestine.
-si cyrus namatay, pinalitan siya ng kaniyang anak
na si CAMBYSES.

-Makalipas ng ilang taon, si Cambyses ay pinalitan ni DARIUS.

-Muling pinalawak ni darius ang imperyo.


-Pinagawani darius ang lansangang nagdurugtong sa mga lungsod na saklaw ng
kaniyang imperyo.Ang lansangang ito aynagmula sa lungsod ng
susa sa persia at nagtatapos sa sardis ng anatolia ay itinaguriang ROYAL ROAD.

-Hinati ni darius ang kaniyang imperyo sa 20 lalawigan na tinawag niyang SATRAPY na

pamahalaan ng mga gobernador na tinawag niyang SATRAP.


-Si darius ay itinanghal bilang HARI NG MGA HARI.

-Humina na ang imperyong persian, Si alexander the great na ang pumalit kay
DARIUS.

9.PHOENICIANS
-pangkalakalan
-dakilang mangangalakal at koloniyalista ng sinaunang kabihasnan.
-Oligarkiya ang kanilang pamahalaan.
-Ang mga phoenicians ang nagtuklas ng mga ALPABETO. ANg alpabetong ito
ay naipasa ng mga phoenician sa mga greek.
-PRODUKTO NILA= telang lana kulay lila na mayayamang greek lang
ang bumibili nito at roman ang may kakayahang bumili.

-Ipinagpalit din ang nila ang telang lana sa metal.


-Ang mga phoenicians ang kaunaunahang gumawa ng babasaging
bote.
-Cedar Tree

10.HEBREW
-Ang tahanan ng mga hebrew ay ang PALESTINE.
-Palestinian ay kilala nang pangkat ng mga nomad.
-Ang pinuno= ABRAHAM.
-EXODUS=paglikas ng mga hebrew mula sa egypt
-Binubuo sila ng 12 tribu.
-Ang mga hebrew ay nagmula sa monotheism.
MONOTHEISM= paniniwala sa IISANG DIYOS.

-YAHWEH ang tawag ng mga sinaung hebrew sa kanilang DIYOS.


-Pinaniniwala ibinigay ng ng Diyos kay MOSES ang kaniyang SAMPUNG UTOS NG DIYOS
sa MOUNT SINAI.

-Pinalabas ang 10 utos ng diyos sa torah ang


isa sa limang aklat ng MOSAIC LAW= kodigong batas ng mga hebrew.

You might also like