You are on page 1of 2

Ako'y nandito na naman

May hinahangaan na naman

Ang puso’y tinamaan

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman

Hindi kita kayang maalis saaking puso’t isipan

Na para bang akoy inoorasan

Bakit kaya ganito ang aking nararanasan

Gusto kong umamin pero natatakot na ako'y muling masaktan

Ayaw konang ulitin ang nangyari sa nakaraan

Utak ay di pinakinggan at puso’y nasugatan

Pano kung bigla kang umalis at ako'y iyong iiwan

Pano kung ang iyong tingin saakin ay isang kaibigan

Kung sakaling ako'y masaktan

Wala akong sisisihin kundi ang aking nararamdaman

Aking tinatagohan ang katotohanan

Pilit na nagbubulag bulagan pero ako'y umaasa

Dahil lahat ng ating pagkikita at pinag uusapan ay binibigyan ko ng kahulugan Di ko alam kung
ano ang aking papakinggan

Aamin ba ako o susundin ko ang pagpigil ng aking isipan

Sana ako'y iyong pakinggan

Dahil katulad ng buwan lagi kitang pinagmamasdan


Pinagdarasal sa kaitaasan na sanay pag bigyan ang aking kahilingan

O aking sinta ikaw ay aking lihim na hinahangaan

You might also like