You are on page 1of 5

Department of Education

Region III-Central Luzon


Schools Division of Tarlac Province
MACABACLE ELEMENTARY SCHOOL

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5


HOME ECONOMICS SECOND QUARTER TEST

Kinalalagyan ng Aytem
Mga Kasanayan/ Layunin
Bilang
ng Process
Araw % Knowledge / Skills Understanding Performance Kabuuan
1. Naipaliliwanag ang mga
pagbabagong pisikal na 7 1,2,3,4,5 17,18,19,26,27, 10
nagaganap sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.

48,40,5
2. Naisasaugali ang pagtupad 5 16,20 5
0
ng tungkulin sa sarili.
3. Napangangalagaan ang
4 6,7,8,9,10 28,29 7
sariling kasuotan.

4.Naisasagawa ang wastong


paraan ng paglalaba. 5 21, 1
5.Natutukoy an mga bahagi
32,34,35,3
ng tahanan at mga gawain 5 24,25,31,,33 8
6
dito.
6. Nakagagawa ng mga ng
plano sa pagbuo ng mga 4 23 1
kagamitang pambahay.
6. Nakagagamit ng makina at
kamay sa pagbuo ng mga 5 30,38,47 22 4
kagamitang pambahay.
11,12,13,1
7. Natutukoy ang mga salik sa
4,39,40,41,
pagpaplanong pagkain ng 4 12
42,43,44,
pamilya.
45,46
8. Naihahanda nang may
kaakit-akit ang nilutong 4 15,37 2
pagkain sa hapag-kainan.
Inihanda ni :
Kabuuan 43 100% 31 3Binigyan-pansin
16 ni: 50
ROSALIE M. VELASQUEZ ANTONIO C. SANTOS
Guro sa Baitang 5 ESHT-
Schools Division of Tarlac Province
CONCEPCION WEST DISTRICT
MACABACLE ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA E.P.P. 5


EDUKASYONG PANTAHANAN

Pangalan: Iskor:

I. A. Pag-ugnayin ang mga salita sa hanay A at B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
guhit. A B
1. Pituitary gland A. pag-alis ng sobrang balat sa titi.
2. Puberty stage B. pagdadalaga at pagbibinata
3. Menopausal stage C. buwanang dalaw sa babae
4. Regla D. glandulang malapit sa utak
5. Pagtutuli E. pagtigil ng regla

B. Hanapin sa hanay B ang makatatanggal ng mga mantsang nasa hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
guhit.

6. kalawang A. alcohol
7. dugo B. gaas
8. Pintura C. kalamansi
9. Bubble gum D. sabong pampaligo
10. Tinta E. yelo

C. Hanapin sa hanay B ang sagot na tinutukoy sa hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa guhit.

11. Talaan ng mga putahe A. agahan


12. Talaan ng mga sangkap B. food pyramid
at paraan ng pagluluto C. menu pattern
13. Gabay sa paggawa ng menu D. recipe
14. Pinakamahalagang pagkain E. table appointments
Sa buong araw.
15. Dinnerwares, flatwares, glasswares

II. Isulat ang TAMA sa guhit kung katotohanan ang isinasaad ng kaisipan at MALI kung di- makatotohanan.

16. Iwasan ang pagsigaw at paghalakhak sa publikong lugar.


17. Ang kababaihan ay magsisimulang dumanas ng buwanang dalaw simula sa gulang 9 -16.
18. Lumalapad ang balikat ng mga nagdadalaga.
19. Ang menstrual cycle ay pare-pareho sa lahat ng babae.
20. Tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang kaniyang pansariling kaayusan at kalinisan.
21. Labhan muna ang damit na may punit o tastas.
22. Gumamit ng kahit anong kulay ng sinulid sa pagkukumpuni ng damit.
23. Bumili ng malaking muwebles kahit maliit ang bahay.
24. Tanda ng kabutihang-asal ang pagkatok sa palikuran bago pumasok ditto.
25. Nakasasakit sa mata ang paggamt ng kurtina sa mga bintana.

III. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

26. Tumitigil ang pagbabagong pisikal sa katawan ng nagbibinata at nagdadalaga sa gulang


na.. A. 15 B. 16 C. 17 D. 18

27. Ito ay ang buwanang dalaw sa mga batang babae o tinedyer.


A. dysmenorrhea B. regla o menstruation C. menopause D. menarche

28. Alin sa sumusunod ang iniaangkop sa kulay, edad, okasyon at panahon?


A. hanapbuhay B. kasuotan C. libangan D. tirahan

29. Alin sa smusunod ang mainam na sundin na panuntunan sa pananamit?


A. kapayakan o simple B. magarbo C. modern D.mamahalin

30. Ito ang pagtatapal ng kapirasong tela sa butas ng isang damit.


A. Paglalaba B. Pag-aalmirol C. Pagtatagpi D. Pagsusulsi

31. Alin sa sumusunod ang unang dapat pagsikapan na magkaroon ang pamilya?
A. maraming damit B. magarang sasakyan C. maayos na tahanan D. mamahaling kasangkapan

32. Alin sa sumusunod na kagamitan ang nagpapabilis at nagpapagaan ang iba pang gawaing bahay?
A. floor polisher B. washing machine C. sewing machine D. lahat ng ito

33. Saan ibinabatay ang paglalaan ng tunkulin sa bawat kasapi ng pamlya?


A. kawilihan B. kakayahan C. pinag-aralan D. katungklan
34. Silid na unang nakikita sa loob ng bahay mula sa labas.
A. sala B. aklatan C. silid-kainan D. silid-tulugan

35. Kagamitan na pamukpok o pambunotng pako.


A. plais B. lagari C. martilyo D. gunting

36. Kagamitan sa paglilinis. Ito ay panlampaso ng sahig.


A. Bunot B. Mop C. Floor Polisher D. Basahan

37. Ang mga pagkain ay nakaayos sa harap ng host o may handa at siya ang naglalagay ng pagkain sa mga pinggan.
A. Estilong English B.. Estilong Filipino C. EstilongRussian D. Estilong Buffet

38. Kasuotan na ipinapatong sa damit upang hindi marumihan kapag naghahanda ng pagkain.
A. Balabal B. Apron C. Dyaket D. tuwalya

IV. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa guhit.

Paghahalo Paglalaga Pagsasangkutsa PaghihimayPaghihiwa


Pagpiprito Pagsasala Pagsusulsi PagtatalopPagbabalat

39. Pagluluto ng pagkain sa maraming kumukulong mantika.


40. Pagpapakulo ng pagkaing sa maraming tubig.
41. Pagluluto ng pagkain upang mapanatili ang lasa o timpla bago ito lubusang lutuin.
42. Pag-aalis ng balat gamit ang maliit na kutsilyo.
43. Paghihiwalay ng likido sa buo-buong sangkap.
44. Pagputol ng mga pagkain upang lumiit gamit ang kutsilyo.
45. Pagsama-sama ng mga sangkap.
46. Paghihiwalay sa mga pinong bahagi ng nilutong pagkain gamit ang kamay.
47. Pagtatahi ng pinong-pino at paulit-ulit.

V. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

Magbigay ng 3 paraan ng tamang pangangalaga sa katawan.

48.
49.
50.
ANSWER KEY:

1. D
2. B.
3. E
4. C
5. A
6. C
7. D
8. B
9. E
10. A
11. C
12. D
13. B
14. A
15. E
16. T
17. T
18. M
19. M
20. T
21. M
22. M
23. M
24. T
25. M
26. D.
27. B
28.B
29.A
30. C
31. C
32. D
33. B
34. A
35. C.
36. B
37. A
38. B
39. PAGPIPRITO
40. PAGLALAGA
41. PAGSASANGKUTSA
42. PAGTATALOP
43. PAGSASALA
44. PAGHIHIWA
45. PAGHAHALO
46. PAGHIHIMAY
47. PAGSUSULSI
48. MALIGO ARAW-ARAW
49. KUMAIN NG MASUSTANSYANG PAGKAIN
50. SAPAT NA TULOG
MAGPALIT NG DAMIT PANLOOB KUNG KAILANGAN
PAG EEHERSISYO

You might also like