You are on page 1of 1

Ang Masipag na si Miko

Isang natatanging bata si Miko. Maaga siyang nawalan ng ina, kaya doble kayod ang kanyang
tatay sa pagtratrabaho at pag-aalaga sa kanya. Kahit ano-anong trabaho na ang pinasok ng
kanyang tatay at siya ay ibinilin sa kanyang bahay ng siya ay bata pa. Maaga pa lang ay sanay na
sa gawaing bahay si Miko. Siya ang nagsasaing ng almusal at naghahanda para sa kanyang baon
dahil ang kanyang ama ay maagang umalis sa bahay upang mamasada. Siya na rin ang nag-iigib
ng tubig para panligo niya na galling pa sa kabilang kanto. Pagkatapos niyang maligo ay kaagad
na siyang kumain ng almusal. At dali-dali niyang inihanda ang kanyang bag para sa paaralan.

Papuntang paaralan ay buong sipag si Miko na naglalakad kasama ang kanyang


kapitbahay na si Lando. Isang matalik na kaibigan ni Miko si Lando, dahil simula pagkabata ay
palagi na silang naglalaro ng bahay-bahayan, luksong lubid, patintero, tagu-taguan, siatong at iba
pa sa kanilang maikling plasa kapag wala silang pasok. Habang naglalakad ay hindi nila alintana
ang pagod dahil masaya naman silang nagkukuwentuhan. Minsan ay nagbubugtungan,
naghaharutan at nagbiruan sila habang naglalakad. Hanggang sa maaga nilang narrating ang
paaralan na puno ng tuwa at sigasig sa pag-aaral.

Sa paaralan ay bukambibig si Miko ng kaniyang mga guro dahil sa sipag at talinong


ipinakita nito. Kapag may ipapagawa ang guro ay dali-dali niya itong tinapos. Ngunit hindi
maiiwasan ni Miko sa tuwing papasa siya ng mga Gawain ay puno ito ng dumi at basing-basa
ang papel. Sa dahilan na madaling mapawisan ang kanyang kamay kapag nagsusulat kaya
nababasa ang papel na kanyang sinusulatan. Kaya maingat siyang hindi makahawak ng mga
bagay na mababasa. Matagal ng napansin ni Miko ang kakaiba niyang sitwasyon na pagpapawis
ng kanyang kamay ngunit hindi lamang niya ito pinansin. Bagkus ito ay kanyang naisip na ito
ang swerte niya.

You might also like