You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: Baitang at Pangkat: Iskor:


Paaralan: Guro:

Unang Markahan
GAWAING PAGSASANAY Bilang 7

I. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng


ang kahon kung tama ang mga hakbang na ipinakikita
sa bawat sitwasyon at naman kung mali ang mga
ito.

1. Ipinalabas sa telebisyon ang tungkol sa “Strawberry


Moon”.Sinabi ng kalaro mo na tinawag itong strawberry
moon sapagkat hugis strawberry ang buwan. Nais kong
malaman kung totoo ang kuwento kung kaya’t hinanap
ko ang palabas tungkol dito at doon ko natuklasan na
tinawag itong strawberry moon dahil natapat ito sa
anihan ng strawberry sa Amerika.
2. Narinig mong sinabi ng nanay mo na pupunta sila ng
inyong kapitbahay sa barangay hall para magpalista sa
“Social Amelioration” ngunit alam mo na nakatanggap
ang tatay mo ng ayuda mula sa DOLE. Napanood mo sa
balita na ang “SAP” ay para lamang sa mga walang
natanggap na kahit anong ayuda mula sa anumang
ahensya ng pamahalaan dahil dito, sinabi mo sa iyong
nanay ang tungkol sa napanood mong balita.
3. Patuloy ka pa ring naglalaro sa labas kahit napanood mo
sa telebisyon na lubos na pinag-iingat ang mga bata at
matatanda dahil madali silang mahawa ng sakit.
4. Hindi ka naghuhugas ng kamay bago kumain kahit
madalas mong mapanood na makatutulong ito sa pag-
iwas sa anumang sakit.
5. Sinabi sa isang palabas na may malakas na bagyong
parating. Sinabi ko ito sa aking mga magulang upang
makapaghanda kami.

1
II. Isulat sa telebisyon ang mga palabas na sa palagay ninyo
ay angkop sa inyong edad at isulat sa kahon kung paano
nakatutulong sa inyo ang mga palabas na ito.

III. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Ano-ano ang iyong mga karanasan na nagpapakita ng


pagsusuri mo sa palabas na iyong napanood?

2
Panapos na Gawain

Basahin ang mga sitwasyon Gumuhit ng araw ( ) kung


naisagawa ang pagsusuri at tamang hakbangin sa bawat
sitwasyon at ulap ( ) kung hindi ito naisagawa.
1.Napanood mo sa DOH Briefing na ang COVID-19 na ang
mga bata at matatanda ay madaling mahawa ng COVID-19
kung kaya’t hindi ka na lumalabas kahit gustong-gusto
mo ng makipaglaro sa iyong mga kaibigan.
2.Sinabi ng isang psychic sa napanood ninyong palabas na
magkakaroon ng napakalakas na lindol kinabukasan at
nagpapanic na ang mga magulang mo kaya’t sinabihan
mo sila na huwag mag-panic dahil walang katotohanan
ang impormasyong iyon sapagkat napag-aralan ninyo na
hindi pa kaya ng siyensya na malaman ang pagdating ng
lindol.
3.May napanood na programa sa telebisyon si Edna na
tungkol sa Agham at Matematika. Marami siyang
natutuhan tuwing nanonood siya,Dahil dito, sinabihan
niya ang kanyang mga kamag-aral na panoorin din ang
palabas na iyon.
4.Mahilig manood si Jomar ng mga proramang nagpapakita
ng karahasan.Sinabi sa palabas na ito na maaaring
gayahin ng mga bata ang mga teknik na ipinakikita
nila.Pinag-aralan ito ni Jomar at sinubukang gawin sa
kanyang mga kalaro.

3
5.Palaging nanonood si Rommel ng mga “gag show” kung
saan nagmumurahan ang mga artista.Sinasabi ng mga
host sa palabas na ito na mas maganda ang magmura
kaysa manakit. Kung kaya’t ginagaya niya ang kanyang
napanood.

You might also like