Professional Documents
Culture Documents
Six
Six
Hindi ba tumatagal ang iyong mga sapatos? Hayaan mong ibahagi ko sayo ang partikular kong sapatos
na kailanma'y hindi ko pinagsisihang bilhin, Ang MARIKINA SHOES. Ito'y ginamitan ng mga kasiningan at
kasanayan na ipinasa mula unang henerasyon hanggang sa kasalukuyan. Kaya dapat nating ipagmalaki!
Makulay, madisenyo, matibay, komportable, may teksturang kalidad at talagang natatangi dahil yari ito
sa mga nakapadron at nakahabing halamang produkto ng ating bansa tulad ng rattan, abaca at iba pa.
Higit sa lahat abot kamay ang presyo! Imbis na bili ng bili ng mga sapatos na trendy at mahal ngunit
madali namang masira, bat di mo subukang tangkilikin ang marikina shoes na siyang sumasalamin sa
sariling atin at siyang talagang tatagal at di masasayang? Ating paunlarin ang kabuhayan ng ating kapwa
Pilipino. 5 years na kmi ng aking partner. Sobrang sulit kaya huwag ng magdalawang isip! Mag marikina
shoes ka na!