You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN JOSE DEL MONTE
FRANCISCO HOMES ELEMENTARY SCHOOL
FRANCISCO HOMES – BRGY. NARRA

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

I. Layunin:
Natutukoy ang aspekto ng pandiwa na ginamit sa pangungusap. F4WG.II d.g.5
Pagpapahalaga: Pagpapanatiling Malinis ng ating katawan, Pagkain ng Masustansiyang Pagkain.
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Aspekto ng Pandiwa ma Ginagamit sa Pangungusap.
Sanggunian: MELC K to 12 ,CG Code F4WG.II d.g.5
Kagamitan: tsart ng aralin,larawan, PPT, TV
Across Curriculum: Health
Cross Curriculum: Aspekto ng Pandiwa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Energizer
2. Balik-Aral:
Panuto: Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap.
a. Ang mga bata ay naglalaro sa parke.
b. Si Nenita ay naglutluto ng ginataan araw-araw.
c. Kami ay pupunta sa Maynila bukas.
d. Si Andrea ay naliligo tuwing umaga.
e. Si lolo ay nagbabasa ng dyaryo.
3.Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng batang naghuhugas ng kamay at ng mga pagkaing masustansiya.
Bakit mahalagang maghugas tayo ng kamay bago kumain?
Bakit kailangan nating kumain ng masustansiyang pagkain?
4.Pag-alis ng sagabal.
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
______1. tilaok A. pupunta
______2. tutungo B. ingay na gawa ng manok
______3. naghilamos C. naglinis ng mukha
______4. hapag kainan D. wala nang natira
______5. inubos E. mesa

B. Paglalahad:
1. Pagbibigay ng pamantayan sa wastong pagbasa nang malakas ng kwento.
2. Pagbasa ng kwento.
3. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang kwento.
a. Ano ang narinig ni Berta?
b. Anu-ano ang ginagawa ni Berta bago kumain?
c. Ano ang gagawin ni Berta bago kumain?
d. Ano ang ginawa ni Berta nang maalala niyang mahuhuli na siya sa klase?
e. Ginagawa mo rin ba ang ginagawa ni Berta bago kumain at bago pumasok sa paaralan? Bakit?

C.Paglinang sa Aralin:
1. Pag-aralan natin ang mga pangungusap na hango sa kwentong binasa.
a. Si Berta ay naglakad papuntang banyo.
b. Kumakain ng gulay si Berta.
c. Magdadasal muna si Berta bago kumain.
.
2.Pagtatalakay;

 Anu-ano mga salitang may salungguhit ang ginamit sa pangungusap?


 Ano ang tawag natin sa mga salitang mag salungguhit?
 Ipaliwanag ang Aspekto ng Pandiwa gamit ang mga pangungusap na hinango sa kuwento.
D. Paglalahat:
Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?
Ano ang pagkakaiba ng aspektong pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap?
E. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain:
1. Paghahati ng klase sa apat na pangkat.
2. Pagtatakda ng pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.
3. Pagbibigay ng gawain sa bawat pangkat.
Pangkat 1
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
1. Magluluto ako ng menudo mamaya.
2. Nagdilig ako ng halaman kaninang umaga.
Pangkat 2
1. Si Lola Zeny ay ________ araw-araw.
a.
b.
c.
2. Ang mga pulis ay ______bukas
a.
b.
c.
Pangkat 3
Basahin at intindihing mabuti ang salaysay.
Piliin ang mga pandiwang ginamit sa talata at isulat sa hanay ng aspektong kinabibilangan nito.
Pangkat 4
Pagbuo ng pangungusap mula sa larawan
F. Paglalapat:
Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay nasa aspektong pangnagdaan, pangkasalukuyan
o panghinaharap.
________1. Panoorin naming mag-ina ang pelikulang “Rewind”.
________2. Nakita ko si Roldan sa parke
________3. Ang Lolo ko ay nagtitiis sa banig ng karamdaman.
________4. Uuwi ba kayo sa probinsiya?
________5. Pumunta kami sa Starmall kahapon.

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang ginamit dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Si Lea ay naliligo araw-araw.
2. Ako ay naglaro ng basketball kahapon.
3. Mag-aaral ako ng aking leksiyon mamayang hapon.
4. Naglaba si nanay kanina.
5. Susulat si Ana sa kanyang Tatay na nasa Saudi.
V. Takdang Aralin:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa. Isulat ito sa inyong kwaderno.
1. bumili
2. magtatanim
3. mamamasyal
4. nagluto
5. sumusulat

Inihanda ni:
SUSANA M. INDAYA
Master Teacher II
Inobserbahan ni:
NERLIZA C. MIRANDA
Principal III

You might also like