You are on page 1of 6

Title:

ENZYMES

Setting: Bahay ni Carlos


Characters: Lawrence Romero – Nakakabatang kapatid
Carlos Romero – Matandang kapatid
Mary “Nana” Plaga – Tiyahin ni Carlos at
Lawrence

Scene 1: Inutusan si Carlos ng kanyang Nana na mag kudkud


ng niyog sa kanilang kusina. Habang nag kukudkud,
nilapitan siya ni Lawrence, ang kanyang nakababatang
kapatid at nagtanong ito habang kumakain ng biscuit.
Lawrence: Kuya, ano ginagawa mo?
Carlos: Nagkukudkud ng niyog.
Lawrence: Ahh, bakit mo ginamit tong de kuryente na
kudkuran?
Carlos: Para mapabilis ang trabaho ko kasi nagmamadali na si
Nana.
Lawrence: Ayh ganun? Paano ba napapabilis niyan ang
pagkudkud ng niyog?
Carlos: Hmmm. (Huminto sandal sa pagkudkud) Ganito kasi
yan. May mga maliliit na ngipin itong kudkuran (tinuro ang
kudkuran) at dahil sa kuryente pinapagana niya ito para
kudkurin ang laman ng niyog at kapag nasa maliliit na piraso
na ito, pinipiga para makakuha ng gata na gagamitin sa
pagluluto. Dahil dito, napapabilis ang trabaho kesa gumamit
ka ng tinidor.
Lawrence: Kaya pala masarap luto ni Nana at madali rin
siyang matapos magluto.
Carlos: Oo, kagaya rin ito habang ikaw ay kumakain.
Lawrence: Bakit naman?
Carlos: Anong nangyayari sa biscuit na kinakain mo ngayon
kapag nasa bibig mo na?
Lawrence: Hmmmm. (Nag-iisip habang ngumunguya)
kinakagat gamit ngipin ko tapos unti unting nagiging maliit
na piraso at binabasa ng laway ko tapos nalulunok ko na.
Carlos: Pinapadali ba ng ngipin at laway mo ang iyong
pagkain?
Lawrence: Opo kuya. Anong meron po ba sa bibig ko para
madali kong malunok ang biscuit?
Carlos: Magandang tanong yan! Dahil ito sa Enzymes!
Lawrence: Enzymes? Ano po yun?
Carlos: Ang enzymes ay kagaya nitong de kuryenteng
kudkuran ng niyog. Pinapadali niya ang pag proseso ng isang
bagay para magamit ito kaagad pero hindi ito naububos o
nasisira habang pinapabilis ang reaksyon o ang “Chemical
reaction”. Sila ay tinatawag na “biological catalyst” kasi
natural silang nakikita at nabubuo sa ating mga katawan.
Habang ikaw ay kumakain, ang iyong laway ay may ezymes
na tinatawag na “Amylase” sila yung tumutulong para maging
maliliit na piraso ang yung pagkain sa iyong bibig para madali
mung lunukin at para din mas madaling pagkunan ng
enerhiya ng iyong katawan. Meron din tayong mga enzymes
na makikita sa ating tiyan, ito ay ang pepsin na tumutulong
mapabilis ang pagdurog o di kaya’y e proseso ang pagkain sa
ating tiyan. Meron ding mga enzymes na hindi lang padurog
ang trabaho kasi, pwede din silang bumu o ng mga molecules
katulad ng DNA Polymerase na tumutulong sa pagbuo ng
isang replica ng iyong DNA strands na bumubo ng iyong DNA
(Deoxyribonucleic Acid) na naglalaman ng genetic
information na tinatawag na gene.
Lawrence: Ang galing pala ng Enzymes kuya! Para silang mga
superheroes! Saan nga ba sila gawa?
Carlos: OO! Aksyon agad! Sila ay gawa sa mga protena na
binubuo ng mga amino acids. Parang ganito (Pinakita at
tinuro ang braso) ngunit ito ay nasa labas kasi ang enzymes
ay nasa loob ng iyong katawan. Karamihan sa enzymes ay
binubuo ng isang daan hanggang isang libong amino acids na
kung kapag pinagdikitdikit ay makakabuo ng mahabang lubid
na kung e tutupi natin ito, makakagawa ng kakaibang hugis.
(Nagpakita ng sample). Bawat hugis ng enzymes ay
magkakaiba sa bawat isa dahil ito sa pagkasunod-sunod at uri
ng amino acid sa kanilang struktura kayamagka-iba ang
kanilang epekto at tungkulin sa bawat pagpapadali ng
kemikal na reaksyon.
Lawrence: Ahh, parang tayo kuya, magkaiba trabaho natin sa
bahay. Sayo yung mabibigat at sa aking yung magaga-an.
Hmmm (napa isip)
Carlos: Tama ka dyan! (Sabay hawak sa ulo ng nakakabatang
kapatid)
Lawrence: E paano naman sila nagtatrabaho o guma-gana
kuya?

Scene 2: Kumuha ng mga susi si Carlos at pinakita


kang Lawrence. Sinubukan niyang buksan ang
saradong pinto gamit ang mga susi.
Carlos: Nakikita mo ba ang mga susing ito?
Lawrence: Opo.
Carlos: Saang susi kaya dito ang makakapagbukas ng pintong
ito? (Binigay kay Lawrence ang mga susi)
Lawrence: (Hinawakan at tiningnan ang mga susi) Hmmmmm
ang dami naman nito kuya.
Carlos: Subukan mong buksan ang pinto gamit ang mga
susing yan. Bibigyan kita ng sampung segundo para subukan
nag lahat ng susi at mabuksan ang pinto.
Lawrence: Ha????! (Nag-alalangan) pero sige.
Nagsimulang mag bilang si Carlos at sinubukan naman ni
Lawrence ang mga susi para mabuksan ang siradong pinto.
Tatlong susi na ang na subukan ni Lawrence ngunit hindi pa
rin ito nabubuksan. Hanggang sa ika-apat na susi,
nagtagumpay na din syang mabuksan ang pinto.
Carlos: wow! Galing naman. Malapit ding matapos ang oras
ahh.
Lawrence: Huuuu! Nabuksan ko din. Ang hirap pala kapag
hindi mo pamilyar ang mga susi kuya.
Carlos: Totoo, bakit nataggalan ka sa pag bukas?
Lawrence: Kasi, marami kaya tong mga susi mo. At hindi
sakto sa pinto pero may iisa lang susi na sakto sa kanya kaya
nabuksan ko.
Carlos: Tama! Ganyan gumagana ang mga enzymes! Napaka
specific nila sa kanilang mga reaksyon na pinapabilis. Diba,
sabi ko kanina na magkakaiba ang enzymes sa kanilang mga
hugis lalo na sa kanilang tungkulin. Para gumana ang isang
enzyme, dapat ang mga molecules ay sakto at hulma sa hugis
na kung saan didikit ito sa parte ng enzyme at magsisimula na
ang reaksyon. Ang tawag sa molecule na didikit sa enzyme ay
“substrate” at sa parte naman na kung saan didikit ang
substrate ay “active site”.
Kagaya kanina, nabuksan mo lang ang pinto dahil may tiyak
itong susi na para lang sa kanyang kandado. Sa enzymes, may
reakyon lang na mangyayari kapag sakto ang hugis ng
substrate na didikit sa active site, ito ay tinatawag na lock and
key model. Ang “Lock” o kandado ay ang enzyme at “Key” o
susi ay ang substrate. (Pinakita ang model). Kapag nakita na
ni substrate ang kanyang “the one” na si enzyme,
magkakaroon ng enzyme-reactant complex na kung saan may
magyayari sa reaksyon at si substrate ay magiging produkto
ng reaksyon habang si enzyme ay mananatiling enzyme at
maghihintay na naman ng ibang substrate para sa isang
kemikal reaksyon.
Lawrence: Wow kuya! Andami kong natutunan sayo ngayon
ah!
Carlos: Aba, dapat lang! Sige nga, ano yung mga natutunan
mo?
Lawrence: Hmmm. Sabing marami nga eh!
Carlos: Ano nga?
Lawrence: (Nag bisikleta) Katulad nito, magba-bike ako
papunta sa tindahan kesa naman maglalakad ako kapag
inuutusan mo. Mas mapapadali ang trabaho ko at hindi mo
pa ako mapapagalitan kapag natagalan ako, naka save pa ako
ng energy. Hindi ba? Ganito ang trabaho ng enzymes?
Pinapadali ang trabaho o proseso ng isang kemikal reaksyon.
Carlos: WOW! Nagmana ka talaga sa akin. Ang talino mo!
Halina ka na, tinatawag na tayo ni Nana.
Lawrence: (Papunta sa kanyang Kuya) Kuya, sana makita ko
na yung “the one” ko katulad ng pagtatagpo ni Enzyme at
substrate, fit sila for each other. Ayeeeeey!
Carlos: Naku! (Natatawa) Bata ka! Sa takdang panahon pag
handa at Malaki ka na.

You might also like