You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos

AIRs - LM
LU_Q2_EsP10_Module 5
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joy D. Pagaduan


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez
Language Reviewer: Janice S. Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Joniel C. Narvasa

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Narinig mo na ba ang kasabihang “Nasa bandang huli ang pagsisisi”?


Nangyari na ba ito sa buhay mo? Kung minsan, nakakagawa ng pagkakamali sa
buhay ang tao. Nasisira ito at nawawalan ng saysay kapag gumagawa tayo ng
pagpapasiyang mali at hindi naaayon sa tamang katwiran, ayon kay Amarillas
(2010).

Sa unang markahan ay inyong napag-aralan ang dalawang pakultad na


ibinigay ng Diyos sa tao - ito ay ang isip at kilos-loob. Ito ay kapangyarihan ng tao
upang makapagpasiya ng mabuti at at maipamalas ang makataong kilos. Ngunit
paano natin nagagawa ang makataong kilos? Alam mo ba kung ano ang makataong
kilos?

Sa modyul na ito ay ating tuklasin ang mga yugto ng makataong kilos.

Narito ang ang mga sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto na


inaasahang maipamamalas mo pagkatapos ng araling ito:

7.2 Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos (EsP10MK-IIe-7.2)

7.3 Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos. (EsP10MK-IIf-7.3)

Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga yugto ng makataong kilos


2. Naipaliliwanag ang mga yugto ng makataong kilos
3. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagagawa na umaayon sa bawat yugto
ng makataong kilos

1
LU_Q2_ESP10_Module5
Aralin Mga Yugto ng Makataong Kilos
1

Simulan

Magbahagi ng maikling pagsasalaysay tungkol sa sariling karanasan kung


saan ikaw ay nagpamalas ng makataong kilos batay sa pasiyang iyong nagawa.
Pagkatapos ay sagutin ang Pamprosesong Tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging batayan mo para masabing naging makatao ang kilos?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Batay sa iyong naging karanasan, ano ang iyong pagkaunawa sa makataong
kilos?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan May
mahusay ng Kasanayan panimulang
Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)
Nilalaman Napakahusay Mahusay May Nangangailangan May ilang
ng sagot. ang kahusayan ng kahusayan naisulat na
Tiyak, sagot. ang sagot ang sagot. Hindi salita ngunit
malinaw at Malinaw ngunit malinaw at tiyak walang diwa.
malawak ang at hindi ang mga salita.
sagot. maayos gaanong
ang malinaw at
sagot. tiyak.

2
LU_Q2_ESP10_Module5
Lakbayin

May pagkakasunud-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos.


Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya
ito: ang isip at kilos-loob. Kung daraan ang tao sa mga yugtong ito, tiyak na magiging
mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isinagawang kilos. Maaaring hindi tayo
palaging may kamalayan sa mga yugtong ito ngunit mahalaga na malaman ang
bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay.

ISIP KILOS-LOOB
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin

3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensyon ng layunin

5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pinili

9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Suriin natin kung paano ginagamit ang mga yugto ng makataong kilos batay
sa sumusunod na halimbawang sitwasyon:

Sitwasyon:
Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung
saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon nito.

1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone


na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.

3
LU_Q2_ESP10_Module5
Ang unang reaksyon ni Alvin ay ang
2. Nais ng layunin. pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya
kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
3. Paghuhusga sa nais Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang
magkaroon ng bagong modelo ng cellphone.
makamtan.
Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si
Alvin na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay
likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti
na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera
ngunit iniipon niya yon para sa kaniyang pag-aaral
sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya
ang bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos
ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.
4. Intensiyon ng layunin. Kung ititigil na niya ang ideya na bilhin ang
cellphone, natatapos na dito ang moral na kilos.
Ngunit kung ang nag-isip pa siya ng ibang
alternatibo tulad ng paghihiram ng pera sa mga
kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay
nagpapatuloy.Pinag-iisipan niya ngayon ang iba’t
ibang paraan upang mabili ang bagay na iyon.
Bibilhin ba biya ito ng cash o installment? O
nanakawin ba niya ito?
Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin
5. Masusing pagsusuri ng paraan. ay ngpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga
nasabing pagpipilian.
Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang
pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga,
6. Paghuhusga sa paraan. pagbabayad ng paunti-unti, o pagnanakaw;
pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti
sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng
pinili. pinakamabuting paraan.

Dito ay pumapasok na ang malayang


8. Pagpili. pagpapasiya na kung saan ang kaniyang isip ay nag-
uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito
agad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba
ang kaniyang isinagawang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya
layunin. ng cellphone.

12. Bunga Ito ang resulta ng kaniyang pinili.

Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto -


ang pagpili. Kung kaya’t kailangan ng masusing pagninilay bago isagawa ang
pagpili. Hindi ito madali dahil kailangang pag-aralang mabuti at timbangin ang
bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti
dahil dito nakasalalay ang naumang maaaring kahinatnan nito.

4
LU_Q2_ESP10_Module5
Galugarin

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nakapaloob sa ikalawang hanay.


Tukuyin kung ano ang maaaring kahihinatnan kung hindi dumaan ang ginawang
pagpapasiya sa yugto ng makataong kilos. Isulat ang sagot sa unang hanay. Isulat
naman sa ikatlong hanay ang maaaring kahihinatnan kapag dumaan sa yugto ng
makataong kilos ang gagawing pagpapasiya.

Hindi Dumaan sa Dumaan sa Yugto


Sitwasyon
Yugto ng Pagpapasiya ng Pagpapasiya
Tahimik na sinasagot ni Jinky
ang kaniyang mga modyuls sa
kanilang bahay nang tumawag si
Gwenn na natapos na niya ang
pagsagot sa kaniyang mga
modyuls. Inalok niya si Jinky na
ipapakopya na lang kaniyang mga
sagot para di na siya mahirapan.
Magkagrupo sina Jake at
Greg sa isang proyekto. Naghati
sila ng gagawin, si Jake ang
magsaliksik at magsulat ng case
study, si Greg naman ang mag-
eencode. Dumating ang araw ng
pagpasa ng kanilang proyekto,
nalaman ni Jake na hindi
nakapag-encode si Greg. Nainis si
Jake sa pagpapabaya ni Greg.

Rubrik sa Pagsagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di- Nangangailangan May
gaanong ng Kasanayan panimulang
mahusay Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)
Nilalaman Napakahusay Mahusay May Nangangailangan May ilang
ng sagot. ang kahusaya ng kahusayan naisulat na
Tiyak, malinaw sagot. n ang ang sagot. Hindi salita ngunit
at malawak Malinaw sagot malinaw at tiyak walang diwa.
ang sagot. at ngunit ang mga salita.
maayos hindi
ang gaanong
sagot. malinaw
at tiyak.

5
LU_Q2_ESP10_Module5
Palalimin

Panuto: Magbigay ng halimbawa mula sa sariling karanasan kung saan nakagawa


ka ng pagpapasiya na di dumaan sa yugto ng makataong kilos. Magbigay din ng
halimbawa mula rin sa iyong karanasan kung saan ikaw ay nakagawa ng
pagpapasiya na dumaan sa lahat ng yugto ng makataong kilos. Isulat sa ibaba kung
ano ang naging kahihinatnan ng iyong pasiya. Pagkatapos ay sagutin ang tanong
ibaba. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Hindi Dumaan sa Yugto ng Dumaan sa Yugto ng Pagpapasiya


Pagpapasiya

Kahihinatnan Kahihinatnan

Ano ang iyong naging reyalisasyon pagkatapos sagutin ang gawain?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan May
mahusay ng Kasanayan panimulang
Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)
Nilalaman Napakahusay Mahusay May Nangangailangan May ilang
ng sagot. ang kahusayan ng kahusayan naisulat na
Tiyak, sagot. ang sagot ang sagot. Hindi salita ngunit
malinaw at Malinaw ngunit malinaw at tiyak walang diwa.
malawak ang at hindi ang mga salita.
sagot. maayos gaanong
ang malinaw at
sagot. tiyak.

6
LU_Q2_ESP10_Module5
Aralin Moral na Pagpapasiya at Ang
2 Yugto ng Makataong Kilos

Simulan

Gawain 4: Ito ang Choice Ko


Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Pagkatapos ay ilahad kung ano sa
iyong palagay ang pinakatamang pasiya ang maaari mong gawin. Pangatwiranan
ang iyong sagot . Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
Matalik na magkaibigan kayo ni Tony. Halos lahat tungkol sa kaniyang buhay
ay alam mo lalo na ang pananakit sa kaniya ng kaniyang tatay tuwing ito ay lasing.
Ngunit batid mo rin na sa kabila nito ay mahal na mahal pa rin ni Tony ang kaniyang
tatay dahil ayon sa kaniya ay mabait naman ito sa kaniya kapag wala sa
impluwensiya ng alak. Isang gabi, nagtungo sa bahay nyo si Tony upang magtago
dahil lasing na naman ang kaniyang ama. Napansin mo ang mga maiitim na pasa
sa kaniyang mukha at pilay ang isang kamay. Halos hindi maidilat ang kanang mata.
Ano ang gagawin mo? Tama ba ang iyong pasiya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagsagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan May
mahusay ng Kasanayan panimulang
Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)
Nilalaman Napakahusay Mahusay May Nangangailangan May ilang
ng sagot. ang kahusayan ng kahusayan naisulat na
Tiyak, sagot. ang sagot ang sagot. Hindi salita ngunit
malinaw at Malinaw ngunit malinaw at tiyak walang diwa.
malawak ang at hindi ang mga salita.
sagot. maayos gaanong
ang malinaw at
sagot. tiyak.

7
LU_Q2_ESP10_Module5
Lakbayin

Ating napag-aralan sa unang aralin ang iba’t ibang yugto ng makataong kilos.
Maaaring iyong napagtanto na ito ay ginagawa mo na sa bawat pagpapasiyang iyong
ginagawa araw-araw. Sa lahat yugto, ang pinakamahalaga ay ang yugto ng pagpili.
Dito nasusukat ang iyong pamantayan ng kabutihan o karunungan batay sa pasiya
na iyong pipiliin. Malaki ang epekto nito sa magiging kahihinatnan sa hinaharap.
Kung kaya’t kailangang pag-isipan mabuti dahil tayo ay may pananagutan sa ating
sarili, sa kapwa at sa Diyos. Kailangan natin isaalang-alang sa ating pagpapasiya
ang kalooban ng Diyos kung ang pipilian ba natin ay nakalulugod sa Kanya o hindi.
Huwag tayong umasa sa sariling karunungan, kailangan natin ang payo ng mga
nakatatanda lalung lalo na ang gabay ng Diyos.

Narito ang mga hakbang na makatutulong sa iyo upang makagawa ng moral


na pagpapasiya mula sa ating Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Ang tawag
dito ay LISTEN Process.

Look for the facts. (Magkalap ng patunay)


Imagine Possibilities. (Isaisip ang mga posibilidad)
Seek insight beyond your own. (Maghanap ng ibang kaalaman)
Turn inward. (Tingnan ang kalooban)
Expect and trust in God’s help. (Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos)
Name your decision. (Magsagawa ng pasiya)

Tandaan na kailangan ng sapat na panahon sa pagpapasiya, hindi madalian o


pabigla-bigla. Maglaan ng panahon para sa sarili para manahimik at pagnilayan ang
gagawing pasiya. At higit sa lahat, kapag naisagawa ang pasiya, manalig at
manampalataya sa Diyos sa maaaring kahiinatnan nito.

8
LU_Q2_ESP10_Module5
Galugarin

Gawain 5: Timbangin MO!


Panuto: Markahan ng T ang pahayag kung ito ay tama. Markahan naman
ng M kung mali. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Likas na mabuti ang tao.
____ 2. Ayos lang na paulit-ulit magkamali ang tao dahil hindi nilalang na perpekto.
____ 3. Maiiwasan ang magkamali kung inuuna ng tao ang kalooban ng Diyos.
____4. Dapat ay magpasiya agad upang mabilis mabigyan ng solusyon ang problema.
____ 5. Walang pakialam ang iyong kapwa sa mga desisyon mo sa buhay.

Palalimin

Gawain 5: Check Mo Lang


Panuto: Pagkatapos ng aralin, maglaan ng oras para sa sumusunod na
gawain. Bumuo ng isang liham-panalangin ukol sa iyong paghingi ng
patnubay sa iyong pagpapasiya. Gamiting gabay ang sumusunod na rubrik:

Pamantayan (10 puntos) 7 puntos) (3 puntos)


ng Iskor
Napakalinaw at Malinaw ngunit Hindi malinaw at
Kalidad ng
tiyak ang hindi tiyak ang hindi tiyak ang
pahayag
panalangin. panalangin. panalangin.

9
LU_Q2_ESP10_Module5
Sukatin

A.
Panuto: Tukuyin kung aling kategorya kabilang ang bawat aytem. Isulat ang I kung
ito ay isip at K naman kung ito ay kilos-loob. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Nais ng layunin
2. Paghuhusga sa paraan
3. Paghuhusga sa nais makamtan
4. Masusing pagsusuri ng paraan
5. Pagpili
6. Utos
7. Bunga
8. Praktikal na paghuhusga sa pinili
9. Pag-unawa sa layunin
10. Intensyon ng layunin

B.
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kilos na hindi kailangang pag-isipan
maliban sa
A. Pagbahing B. Paghinga C. Pag-ipon D. Pagtulog

2. Ang tao ay maihahalintulad sa nagmamaneho ng sasakyan sapagkat


A. Sa pagpapasiya, bawat kilos at paiya na kaniyang gagawin ay may epekto
sa kaniyang sarili at sa kapwa.
B. Sa pagpapasiya, siya ang naghahanap ng direksiyon ng kaniyang
pupuntahan.
C. Sa bawat pagpapasiya ay may kahihinatnan nito katulad ng pagmamaneho
na makararating sa destinasyon nito.
D. Sa pagpapasiya, nakikinig din ang nagmamaneho sa mga sakay nito kung
saan pupunta katulad sa buhay na pagsunod sa mga taong malapit sa iyo.

10
LU_Q2_ESP10_Module5
3. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya
nagiging mapanagutan. Ang pangungusap ay
A. Tama, sapagkat hindi niya siniseryoso ang ginagawang pasiya.
B. Tama, spagkat nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito.
C. Mali, sapagkat mahalaga ang maging maagap sa paggawa ng desisyon.
D. Mali, bagkus nagiging mapanagutan siya dahil agad tumutugon sa
sitwasyon.

4. Ang yugto ng moral na kilos ay nagtatapos sa _____________.


A. Ika-pitong Yugto
B. Ika-walong Yugto
C. Ika-siyam na Yugto
D. Ika-sampung Yugto

5. Bakit kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung
anong kilos ang dapat gawin?
A. Upang makatulong para maging mabuting tao.
B. Upang magamit ang talinong ipinagkaloob ng Diyos.
C. Upang makita kung ang pipiliin ay nakabatay sa makataong kilos.
D. Upang maipamalas ang kakayahang gumawa ng matalinong pagpapasiya

11
LU_Q2_ESP10_Module5
LU_Q2_ESP10_Module5
12
Galugarin
Gawain 5. Timbangin
MO!
1. T
2. M
3. T
4. M
5. M
Sukatin
A.
Sukatin 1. K
B.
1. C 2. K
2. A 3. I
3. B 4. I
4. B 5. K
5. C 6. I
7. K
8. I
9. I
10. K
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat:

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Modyul para sa Mag-Aaral. Unang Edisyon


2015

2. Amarillas, Benjie A. Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Muling Inilimbag 2010

13
LU_Q2_ESP10_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

14
LU_Q2_ESP10_Module5

You might also like