You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Division of Cebu Province
TEOTIMO A. ABELLANA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
REVIEWER IN FILIPINO 12
Huwag sumulat ng kahit ano sa test paper.

I. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
a. Agenda b. Katitikan ng pulong c. Sintesis d. Buod
2. Pangkaraniwang Gawain ng isang Samahan, organisasyon, kompanya, palihan at sa mga kumperensiya.
a. Agenda b. Pagpupulong c. Pagsusulat d. Pagtatalumpati
3. Isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang manunulat o tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa mas maikli
ngunit komprehensibong paraan.
a. Agenda b. Katitikan ng pulong c. Sintesis/Buod d. Pagsusulat
4. Ang susi sa matagumpay na pulong ay nakabatay sa _____________ Agenda
a. Sistematikong b. Maganda c. Organisado d. Mahaba
5. Sa tulong nito, naisasagawa ang pagpupulong gaya ng teleconference, video conference, at online meeting.
a. Akademikong Pagsusulat b. Makabagong teknolohiya c. Pagpupulong d. Agenda
6. Sa bahaging ito matatagpuan ang pangalan ng Samahan, organisasyon at kompanya.
a. Lagda b. Katawan ng Agenda c. Heading d. Panapos na bahagi
7. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong , kailangang ___________pagkatapos ng pulong ang mga naitala o kaya nama’y
basahin ang mga paksang napagdesisyonan dahil maaaring may ilang nakaligtaan upang maiwasto ng mga miyembro.
a. Pagbuod b. I-beripika c. Ayusin d. Isulat
8. Ang layunin ng sintesis ay makakuha ng mahalaga ngunit_______________ sulatin na kumakatawan sa kabuoan ng
tekstong ibinuod.
a. Mahaba b. Maikli c. detalyado d. Kaakit-akit
9. Ang sintesis ng napag-usapan o pulong ay tulad din ng nilalaman ng Katitikan ng Pulong, maliban sa ang sintesis ay
nakasulat sa paraang____________.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Pangungumbinsi d. Panghihikayat
10. Nagsisilbing opisyal at legal na dokumento ang Katitikan ng Pulong.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
11. Malaking tulong ang pagamit ng recorder sa pagbuo ng Katitikan ng Pulong.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
12. Maaaring magbigay ng puna at sariling opinion ang gumagawa ng Katitikan ng Pulong.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
13. Ang Katitikan ng Pulong ang nagsisilbing talaan ng mga napag-usapan sa paparating na pulong.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
14. Makikita sa bahagi ng heading ang petsa, oras at lugar ng susunod na pagpupulong.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
15. Anong Gawain na nakasaad sa Republic Act. No.8293 ang mga Karapatan at obligasyon ng mga may-akda?
a. Plagiarism b. copyright c. integridad d. Modification
16. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon ,
Karapatan, katuwiran at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang Lipunan o bansa ang pagkamakatao,
katapatan at pagtitiwala.
a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon
17. Ano ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao” sa layuning
angkinin ito na magmukhang kaniya.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
18. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
19. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod(summary) at hinalaw (paraphrase) ?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
20. Kasama dito ang imbensiyon ng datos?
a. Pag-aatubili b. Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
21. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos.
a. Pag-aatubili b. Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
22. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos.
a. Pag-aatubili b. Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
23. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos, gayundin
ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
24. Alin sa mga sulating akademiko ang magkatulad ng kahulugan ng terminong paksa?
a. Bionote at abstrak b. Pictorial essay at agenda
c. Katitikan ng pulong at agenda d. Panukalang proyekto at posisyong papel
25. Ang terminong__________________ ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan sa Bionote.
a. Paksa b. Pagkakakilanlan ng tao
c. Edukasyon kung saan natapos ang pinag-usapan d. Mga natatanging ambag ng tao sa lipunang ginagalawan
26. Ang layunin, rasyunal, katwirang lohikal, at konklusyon ay mga katawagan sa___________
a. Bionote b. Panukalang proyekto c. Posisyong Papel d. Talumpati
27. Ano ang tanging pahayag sa ilalim ng larawan?
a. Banggit b. Indensyon c. Kapsyon d. Lebel
28. Ang legal o nasusulat na batayan ng posisyong papel ay tinatawag na_____
a. Batayan b. Konklusyon c. Legal d. Rasyunal
29. Ang sulating abstrak ay nagpapakita ng larawan at gumagamit ng terminong kapsyon.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
30. Ang kahulugan ng paksa sa Bionote ay taong inilalarawan.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
31. Ang konklusyon ay listahan ng mga batayan kung saan hinango ang mga impormasyon.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
32. Ang lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng terminong budget.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
33. Ang bawat posisyong papel ay kinakailangang gumagamit ng terminong rasyunal.
a. Tama b. Mali c. Hindi possible d. Wala sa nabanggit
34. Ang bahaging ito ang itinuturing na mapa ng sanaysay. Ito ang nagbibigay direksyon sa mga mambabasa ng
pangkalahatang ideya o overview sa nilalaman ng isang akda.
a. Panimula b. Katawan c. Konklusyon d. Introduksyon
35. Ito ang magtatampok ng mga karanasan at pangyayari sa isang akda kaya;t kinakailangang organisado at maayos ang
pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga detalye upang madaling maunawaan ng mga mambabasa.
a. Panimula b. Katawan c. Konklusyon d. Introduksyon
36. Mahalagang mailahad dito ang mga positibong naidulot ng paglalakbay tulad ng mga aral at mga kaisipang napulot mula
sa mga nagging karanasan na nagpabago at nagpaunlad ng iyong sarili.
a. Panimula b. Katawan c. Konklusyon d. Introduksyon
37. Isang uri ng sulatin na ang layunin ay mailahad ng may-akda ang kanyang mga naranasan at mga natuklasan sa
paglalakbay.
a. Bionote b.Lakbay-sanaysay c. Pictorial essay d. Agenda
38. Isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may-akda ang mga litrato na nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng
mga teksto sa mga paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu.
a. Bionote b.Lakbay-sanaysay c. Pictorial essay d. Agenda
39. Isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao.
a. Talumpati b.Panukalang proyekto c. Pictorial essay d. Agenda
40. Ito ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin
upang malutas ang isang particular na problema sa Negosyo o oportunidad.
a. Bionote b.Panukalang proyekto c. Pictorial essay d. Agenda

You might also like