You are on page 1of 1

Pasko

Sa bawat tahanan, ilaw ay sumisilay,


Parol sa bintana, nagbibigay buhay.
Sa paskong ipinagdiriwang ito’y makulay,
Pagdiriwang na parte na ng ating buhay.

Pasko na hindi lamang tungkol sa pagbibigayan,


bagamat tayo rin ay nagmamahalan.
Salu-salo ng pagmamahalan,
Pasko'y handog ng Diyos, biyayang walang hanggan.

Simbang gabi satin ay nagdadala ng pag-asa,


Sa araw ng pasko, tahanan ay puno ng saya.
Sa lamig ng panahon, mainit na pagsasama,
Sulyap ng pag-asa, sa mga mata ng mga bata

Sa gitna ng hamon, ating nadarama,


Ang lihim ng Pasko, sa pag-ibig nagmumula.
Sa pag-ibig at pagkakaunawaan,
Maligayang Pasko sa bawat puso't tahanan!

Ipninasa ni: Chiara Micah R. Garcia


Ipinasa kay: Bb. Charmaine Layca S. Pagaoa

You might also like