You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG EKSAMINASYON

SY 2023 - 2024
FILIPINO 10

Pangalan: ________________________ Pangkat: ___________ Petsa: ___________


Paaralan: ________________________ School ID: ___________ Iskor: ___________
Guro: ________________________ LRN: ___________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

A. TALASALITAAN
Piliin ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan batay sa konteksto ng pangungusap.

_____ 1. Sa kabilang silid sa kwarto nina Nanay at Tatay narinig ko ang pigil na paghikbi.
A. pagsasalita B. pagbulong C. pag-iyak D. pagtawa

_____ 2. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan.


A. makasalanang mamamayan C. palaaway na kabataan
B. mamamayang mangmang D. pabigat sa bayan

_____ 3. Isang dahilan ito ng paglaho niya sa sanlibutan.


A. pagkawala B. pagwasak C. paglipat D. pag-alis

_____ 4. Naghahanda ang pamilya ayon sa katas ng kinabuhayan.


A. taon ng paghahanapbuhay C. kalagayan ng buhay
B. lebel ng hanapbuhay D. mariwasang buhay

_____ 5. Ang mga ito’y gawa ng mga taong sukaban.


A. hunghang B. malupit C. bastos D. taksil

Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at iba pang katangian nito.

_____ 6. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kasingkahulugan?


A. malatoy B. mabango C. masarap D. malasa

_____ 7. Labis na iniibig ni James si Vanessa kaya ibibigay niya ang lahat para sa minamahal.
Anong salitang inuulit ang maaring ipamalit sa labis na iniibig?
A. baliw na baliw B. mahal na mahal C. hibang na hibang D. sobrang minamahal

_____ 8. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.


A. amo B. bathala C. Diyos D. siga

Tukuyin ang salitang kapareho o kaugnay na kahulugan.

_____ 9. Wagas at dalisay ang pag-iibigan ng mag-asawang Cristy at Jake kaya’t sila’y
hinahangaan ng magkasintahang ang suyuan din ay walang maliw.
A. mag-asawa at magkasintahan C. hinahangaan at suyuan
B. pag-iibigan at walang maliw D. wagas at dalisay

_____ 10. Ang pag-unlad at pagsulong ng isang bansa ay nakasalalay sa mga mamamayang may
malasakit sa bayan.
A. mamamayan at malasakit C. nakasalalay at bansa
B. pag-unlad at pagsulong D. mamamayan at bayan
B. Panitikan
_____ 11. Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas.
A. nobela B. alegorya C. sanaysay D. maikling kuwento

_____ 12. Mga kuwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
A. dagli B. nobela C. pabula D. parabula

_____ 13. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
A. dula B. tula C. sanaysay D. maikling kuwento

_____ 14. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, ang
nagsasalita at pangungusap ng tauhan.
A. kuwento ng katutubong kulay C. kuwentong makabanghay
B. kuwentong ng kababalaghan D. kuwento ng tauhan

_____ 15. Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay
ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao.
A. oda B. dalit C. soneto D. elehiya

_____ 16. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay


ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
A. mito B. dalit C. epiko D. alegorya

_____ 17. Isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na
kinukuhang interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon.
A. oda B. dalit C. soneto D. elehiya

_____ 18. Ito ay tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.


A. duplo B. korido C. elehiya D. balagtasan

_____ 19. Isang uri ng tula, karaniwang panrelihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos.
A. oda B. awit C. dalit D. soneto

_____ 20. Isang tula na may balangkas at maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may
kaugnayan sa maaaring maging simple o komplikadong pangyayari.
A. Tulang dula B. Tulang liriko C. Tulang patnigan D. Tulang pasalaysay

_____ 21. Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran
nang patula.
A. dalit B. duplo C. karagatan D. balagtasan

_____ 22. Ito ay patulang binibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin.
A. Tulang dula B. Tulang liriko C. Tulang patnigan D. Tulang pasalaysay

Basahing mabuti ang akda at piliin ang tamang sagot batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan
ng binasa.(Para sa bilang 23-26)
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
(Sanaysay/Muslim)
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan,
kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng
binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa
pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Ang pangalawang
seremonya ay higit na kilala bilang peggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw
pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang
pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga
magulang sa pamayanan. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang
paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog
ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin.Nilalagyan din ang buaya ng manok
na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam.
Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok
na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw
ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

_____ 23. Ang paghahanda ng Pagislam ng naaayon sa antas ng kabuhayan. Ang ibig sabihin:
A. maghanda ang may ihahanda
B. mayaman lamang ang may karapatang maghanda
C. ang maykaya lang ang dapat maghanda nang maringal
D. maghanda ang ibig maghandog ng pasasalamat sa abot ng makakaya

_____ 24. Sa simula pa lamang ay nababakas na ang istilo sa pagsulat ng may-akda hanggang sa
pagsunud-sunurin ang tatlong hanay ng kanilang seremonya. Malinaw na kinababakasan
ito ng:
A. wakas B. simula C. impresyon D. anyo at forms

_____ 25. Naghahanda ang mga Muslim ng kakaning korteng buaya, ito raw ay para sa kaligtasan
ng bata sa paglalakbay sa tubig. Sa katoliko ang iba’y naniniwala pa sa pakikipag-unahan
sa paglabas ng simbahan. Ang bata na mauuna sa paglabas ay magiging matalino sa pag
aaral at di patatalo sa labanan. Ito ay isang:
A.palagay B.kasabihan C.haka-haka D.katotohanan

_____ 26. Ano ang aral na inihatid ng binasang akda?


A. pagkakaroon ng tiwala sa kapwa
B. pagkakaroon ng pananampalataya
C. pagkilala sa may mataas na antas ng buhay
D. pagsisikap upang di abutin ng pagdarahop sa hinaharap

_____ 27. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na “naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol
ay ipinanganak na walang kasalanan”. Na ang mga sanggol ay:
A. katulad ng mga anghel
B. di na kailangang binyagan
C. magkakaroon pa ng seremonya
D. sumailalim sa babasa ng adzan

Para sa bilang 28 – 29

DANIELA: Ang lakas talaga ng aking kapangyarihan.


ROMINA: Bakit ganyan ang ugali mo, Daniela?
DANIELA: Huwag ninyong sabayan ang kapangyarihan ko, matatalo lang kayo.
ROMINA: Naku! Talagang nagbago ka na Daniela.
DANIELA: Ang alam ko ay malakas ako at malakas rin ang kapangyarihan ko.

_____ 28. “Huwag ninyong sabayan ang kapangyarihan ko, matatalo lang kayo!”
A. pagkaawa B. pagkatuwa C. pagmamalaki D. pagwawalang-bahala

_____ 29. “Inay, bakit po ba kayo galit kay Daniela? At bakit po ang pangit ng budhi nito?”
A. pagkaawa B. pagkainis C. pagtataka D. pagkagalit

_____ 30. “Ang kahapon ay nakalibing na.” Anong kaisipan ang napapaloob sa pahayag?
A.nananahimik na ang ating mga ninuno
B. walang kabuluhan ang nakaraan
C. talikuran na ang mga tradisyon
D. kalimutan na ang lumipas

_____ 31. Sinuman ang kumilos nang may katwiran sa publiko o pribadong buhay, kailangan ang
kanyang mga mata ay may matibay na tuon.Anong kaisipan ang napapaloob dito?
A. Kailangang lumitaw ang liwanag ng katotohanan.
B. Walang manloloko kung walang magpapaloko.
C. Maging patas sa anumang labanan.
D. Magpakatotoo sa lahat ng bagay.

Sa huli’y isinuko ko ang aking katawan, na para ring patay, sa mga bisig ng isang lalaking hindi ko
iniibig.

______ 32. Ang larawang ipinakikita sa akda ay isang babaeng ______.


A. mapagbigay B. mahinahon C. mapusok D. mahina

Hindi mapigil ang mabilis na pag-inog ng daigdig. Naging marunong ang tao sa tulong ng agham at
teknolohiya. Kapansin-pansin ang kaunlaran sa medisina, pati na rin ang pagdami ng tao.

_____ 33. Ano ang kaisipang mahihinuha mula sa binasa?


A. Mabilis umikot ang mundo.
B. Ang karunungan ay nagdudulot ng kaunlaran.
C. Ang kaunlaran ay bunga ng pagpupunyagi ng mga tao.
D. Dumarami ang tao dahil sa mabilis na pag-inog ng mundo.

Gaya ng lahat ng mabait na anak na laki sa hirap, si Awra ay tumutulong sa magulang sa lahat ng
gawain sa bahay at gayon din naman sa ano pa mang pagsisikap ng kanyang ina na maaaring
pagkakitaan ng salapi upang kahit paano’y makatulong sa pamilya.

_____ 34. Anong magandang asal ang itinuturo nito sa kabataan?


A. ang bumuo ng pangarap C. ang maagang pagkita ng salapi
B. ang pagtulong sa pamilya D. ang pagpapahalaga sa hanapbuhay

Tukuyin ang damdaming ipinahahayag ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin


(nakasulat nang madiin).

_____ 35. “ Ngunit ang puso ko’y sadyang naninimdim.”


A. lumuluha B. nalilito C. malungkot D. natatakot

_____ 36. “Bakit ba mahal ko, kay agang lumisan at iniwan akong sawing-kapalaran.”
A. umaasam-asam B. nagsusumamo C. naguguluhan D. naghihinagpis
_____ 37. “Noong ako’y nasa pook na limit dalawin, naaalala ko pa ang ating paggiliw.”
A. pagniniig B. pagsusuyuan C. pagtutulungan D. paglalambingan

Para sa bilang 38 – 39

1.)
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa
pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na
umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon
ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa
utang na loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng kaniyang katawan ay ang matinding kirot na
nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

_____ 38. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod?


A. pangungusap 1 C. pangungusap 3
B. pangungusap 2 D. pangungusap 4

_____ 39. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?


A. Nakatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.
B. Lantad at matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala.
C. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.
D. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.

Para sa bilang40-45
PAGBABA NG TABING
Rufino Alejandro
Ang mundo’y dulaan at pawang artista tayong lahat-lahat,
May kani-kaniyang bahagi sa dulang ating ginaganap,
Mayroong prinsipe, may mangbubukid, may mangmang, may pantas, may salat
sa ganda at may pinagyaman ng langit sa dilag.

Ngunit kapatid ko, sa iyong bahagi’y huwag ibubuhos, pagkataas-taas mang ng


iyong tungkulin, iyang loob;
Kung mababa nama’y hindi nararapat nating ikalungkot,
Ang dula’y maigsi at ang mundong ito’y mayroong pagkatapos.

Pagbaba ng tabing, walang pagtatanging tayo’y hahatulan ng poong may-akda


sa banal na dulang ating itatanghal;
Hahatulan tayo, di ayon sa papel nating ginampanan,kundi kung paano yaon
tinupad, ano kung hamak man.

_____ 40. Sa ano itinulad ng may-akda ang daigdig?


A. dula B. langit C. tabing D. tanghalan
_____ 41. Kanino niya itinulad ang tao?
A. magbubukid B. prinsipe C. artista D. pantas

_____ 42. Saan matatagpuan ang pangunahing kaisipan?


A. buong tula B. unang saknong C. huling saknongD. ikalawang saknong

_____ 43. Ano ang pangunahing kaisipang isinasaad sa tula?


A. Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa pagkatao niya.
B. Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa kanyang kagustuhan.
C. Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa uri ng kanyang pamumuhay.
D. Hahatulan ng Diyos kung paano namuhay ang tao sa mundong ito.

_____ 44. Ano ang ibig ipakahulugan ng may-akda sa pamagat ng “Pagbaba ng Tabing?”
A. kabiguan B. kahirapan C. kamatayan D. kalungkutan

_____ 45. Sa taludtod ng “Walang Pagtatanging tayo’y hahatulan ng poong may-akda”. Ipinahayag
na ang Diyos ay ______.
A. mahabagin B. mapaghatol C. mapagkupkop D. makatarungan

_____ 46. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche
at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na
pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw
na asawa.

Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa
daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang
alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya
ay napakapangit.

_____ 47. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga
pangarap sa buhay?
A. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang
aming buhay.
B. Titiisin ko na lang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano ang kayang
ibigay sa akin ng aking asawa.
C. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring
makapagbigay sa akin ng masaganang buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya
niyang ibigay upang lalo siyang magsumikap.

Suriin kung ang bahagi ng akdang inilahad ay isang katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal.

_____ 48. Mahigpit na ipinagbabawal sa panahong ito ang pagtsitsismis.


A. kabutihan B. kalinangan C. katotohanan D. kagandahang-asal

_____ 49. Ginagawa ang pag-aayuno upang tupdin ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito:
“Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa
inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.”
A. kabutihan B. kalinangan C. katotohanan D. kagandahang

_____ 50. Napili ang buwang ito dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng Qur’an kay Propeta
Mohammad, sa kuweba ng Hira.
A. kabutihan B. kalinangan C. katotohanan D. kagandahang-asal
_____ 51. Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano
mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal.
A. kabutihan B. kalinangan C. katotohanan D. kagandahang-asal

_____ 52. Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon,sama-sama o
grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa.
A. kabutihan B. kalinangan C. katotohanan D. kagandahang-asal

WIKA at GRAMATIKA
Piliin ang angkop na pandiwa na bubuo sa pangungusap.

_____ 53. _____ lalo ang mga Pilipino na bantayan ang kalayaan ng bansa dahil sa hirap na dinanas
sa kamay ng mga mananakop.
A. Sikapin B. Magsikap C. Magsisikap D. Nagsisikap

_____ 54. __________ ang mga bata sa pagmamalabis ng mga magulang.


A. Nagkamalay B. Magkakamalay C. Nagkakamalay D. Kakamalayin

Tukuyin kung anong gamit ng pandiwang nasasalungguhitan.

_____ 55. Natakot si Jeremy matapos malamang naaksidente ang kanyang asawa.
A. aksiyon B. proseso C. karanasan D. pangyayari

_____ 56. Nagpatiwakal ang binata sa labis na pagdaramdam.


A. aksiyon B. proseso C. karanasan D. pangyayari

_____ 57. Masyadong dinamdam ni Aling Sedra ang ginawang pagtatanan ng nag-iisa niyang anak
kaya’t nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y ina, __________ napatawad niya rin ito.
A. sa wakas B. pagkaraa’y C. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y

_____ 58.____sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan
kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang
namuno dito.
A. Sa paniniwala B. Sa ganang akin C. Sa aking palagay D. Sa kabilang dako

_____ 59. Kung mithiin ng mga mamamayan na makamit ang kapayapaan,


kailangan_____magkaunawaan, magkaisa at magtulungan sa isang dakilang layunin.
A. nilang B. niyang C. silang D. kanyang

_____ 60. Ang oregano ay isang kapaki-pakinabang na halaman. Iginagamot_____ sa ubo o sakit sa
baga.
A. ito B. sila C. kaniya D. kanila

You might also like