Q2 Mapeh 5

You might also like

You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of Pangasinan I
PACUAN ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN MAPEH 5


QUARTER 2

Name: Date:
Teacher: Section:

Panuto: Tukuyin ang inilarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Ano ang tawag sa musical symbol na ito na nasa loob ng staff?


A. F-Clef B. G-clef C. Whole note D. Sharp

2. Ito ay binubuo ng limang guhit na pahalang na maaaring hatiin sa maliliit na bahagi na tinatawag
na measure.
A. G-Clef B. Staff C. Note D. Pitch name

3. Paano ginagamit ang sharp sign ?


A. binababa ng isang buong tone ang pitch
B. binababa ng isang semitone ang pitch
C. tinataas ng isang semitone ang pitch
D. tinataas ng isang buong tone ang pitch

4. Alin sa mga sumusunod ang simbolong sharp?

A. B. C. D.

5. Ang simbolong flat ay ____________?


A. ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang natural na nota.
B. nagpapabalik sa normal na tonong notang pinababa o pinataas.
C. nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na nota.
D. nagpapantay ng mga tono.

6. Ang _______ ay nagpapakita ng relasyon ng bawat note sa awitin.


A. interval B. nota C. pahinga D. sharp
7. Ito ang tawag sa mga nota na walang pagkakaiba sa agwat.
A. pahinga B. unison C. third D. octave

Suriin ang mga ilustrasyon sa ibaba. Kilalanin ang mga pitch names at katumbas sa
pangalan nito sa so-fa syllable.

8.

A. do B. re C. mi D. Fa
9.

A. fa B. so C. la D. ti

10-11

10

11

Ibigay ang interval sa pamamagitan ng pagbilang ng espasyo at linya sa gitna ng mga


sumusunod na nota.

10. a. 3 b. 4 c. 5 d. 6
11. a. 5 b. 6 c. 7 d. 7

12. Ano ang pagkakaiba ng iskalang pentatonic sa iskalang mayor?


A. Ang iskalang pentatonic ay may limang nota lamang samantalang walo naman ang nota ng
iskalang mayor.
B. Ang iskalang pentatonic ay may limang nota samantalang ang iskalang mayor ay may anim
na nota.
C. Ang iskalang pentatonic ay may tatlong nota lamang samantalang lima ang nota ng iskalang
mayor.
D. Wala sa nabanggit.

13. Ang iskalang mayor ay binubuo ng walong sunod-sunod na nota na


nakaayos sa guhit at puwang ng limguhit. Anong nota ito nagsisimula at
nagtatapos?
A. Nagsisimula sa mi at nagtatapos sa do C. Nagsisimula sa do at nagtatapos sa do
B. Nagsisimula sa do at nagtatapos sa mi D. Nagsisimula sa do at nagtatapos sa so

14. Ano ang tawag sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tono upang makabuo ng isang ideya?

A. melody B. interval C. pentatonic D. c major scale

15. Ito ang mga kailangan o tips para sa paglikha ng isang awitin?
A. Kumuha ng pangunahing kaalaman sa musical B. Lumikha ng isang himig
C. Palamutihan ang isang himig D. Lahat ng mga nabanggit

ARTS
Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng Cordillera Rice Terraces kung bakit ito
napabilang sa Pandaigdig na Pamanang Pook o World Heritage Site. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.
1. Ang ay isang mahalagang yaman ng Pilipinas na ginawaran ng
UNESCO bilang World Heritage Site.
A. Chocolate Hills ng Bohol
B. Cordillera Rice Terraces
C. Bulkang Mayon
D. Yungib ng Callao sa Cagayan

2. Ano ang tawag ng mga Ifugao at ibang taga-Cordillera sa Rice Terraces?


A. Hagdan-hagdan Palayan
B. Palay-palayan
C. Pay-yo
D. Bulubundukin

3. Sinong pintor ang gumagamit ng madilim at makulimlim sa pagpinta?


A. Fernando Amorsolo
B. Victorino C. Edades
C. Vicente Manansala
D. Carlos ‘’Botong’’ Francisco

4. Ipininta ni ang ‘’Mother and Child’’


A. Fernando Amorsolo
B. Victorino C. Edades
C. Vicente Manansala
D. Carlos ‘’Botong’’ Francisco
5. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-sabay na
elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang
nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at
translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades C. Vicente Mansala
B. Fernando C. Amorsolo D. Carlos “Botong” Francisco

6. Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa pagpinta ay
taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa
kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang mabigyang pansin
ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
A. Carlos “Botong” Francisco C. Vicente Mansala
B. Fernando Amorsolo D. Victorino Edades

7. Ang _______________ ay ang magkasalungat na kulay na matatagpuan sa color wheel. Ito ay


nabuo dahil sa nagkakaroon ng maganda kombinasyon kapag ang magkasalungat na kulay
ay pinagsama.
A. Complementary colors C. Secondary colors
B. Color wheel D. Primary colors

8. Anong kulay ang nililikha ng complementary colors?


A. matingkad B. madilim C. makulimlim D. wala

9. Alin sa mga detalye ng Batanes ang nasa foreground?


A. Mga burol B. mga ulap C. mga puno D. mga ibon

10. Ano ano ang mga makikita sa bahaging background nga hagdanhagdang
palayan ng Banaue?
A. Palayan at damuhan C. ulap at kabundukan
B. kapatagan at tubig D. bahay at Kabataan

11. Aling detalye ang nasa middle ground ng Bulkang Taal?


A. Kalangitan C. bunganga ng bulkan
B. lawa D. bundok

12. Ang detalye ng landscape na pinakamamadilim and kulay.


A. Foreground C. background
B. middleground D. wala sa nabanggit

P.E
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang larong pinoy may kaugnayan sa pag-agaw o pagdampot ng isang


bagay na masusubok ang inyong bilis at liksi.
A. Agawang Panyo C. Larong Syato
B. Larong Batuhang Bola D. Tumbang Preso

2. Anong skill-related fitness ang malilinang sa larong Agawang Panyo?


A. bilis C. time
B. speed at agility D. lahat ng nabanggit

3. Ang agawang panyo ay pwedeng laruin ng .


A. solo o isahan C. tatlo
B. dalawa D. lima o higit pang kasapi

4. Ang mga sumusunod ay mga kasanayang napapaunlad sa larong agawang


panyo maliban sa isa.
A. pagtakbo C. pag-agaw
B. pag-iwas D. pagsalo

5. Ang pakikilahok sa mga gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay


A. nagpapatatag ng katawan
B. nakakatulong na magkaroon ng maraming kaibigan
C. nagpapalakas ng katawan
D. lahat ng nabanggit

6. Nakita mo na ang iyong kaklase ay madadapa at malapit ka sa kanya. Ano


ang iyong gagawin?
A. magkukunwaring hindi mo siya nakita
B. titingnan lamang
C. hihingi ng tulong sa kaibigan o guro
D. agapan na huwag tuluyang madapa

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng invasion game MALIBAN sa isa.


A. Larong Agawang Panyo C. Larong Lawin at Sisiw
B. Patintero D. Syatong

8. Ang lawin at sisiw ay halimbawa ng larong .


A. Fielding game C. Invasion game
B. Lead- up game D. Target game

9. Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng lawin at sisiw?


A. bola at tsinelas C. tansan at barya
B. kahoy at tsinelas D. panyo

10. Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay .


A. Maagaw ang panyo sa kalaban
B. Lusubin o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo
C. Iwasang maagaw ang panyo ng kalaban.
D. Wala sa nabanggit.

11. Ang mga sumusunod ay mga skill at health- related fitness na nalilinang sa
paglalaro ng lawin at sisiw maliban sa isa.
A. bilis C. balance
B. lakas ng braso D. liksi

12. Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng lawin at sisiw?
A. sa loob ng bahay C. bakuran o lansangan
B. loob ng silid-aralan D. mabato at madamong lugar

HEALTH
Panuto: Basahin ang mga ibinigay na pag-iingat at pangangalaga sa sarili. Tukuyin kung
anong pangkalusugang isyu o suliranin ang isinasaad nito. Kopyahin ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sundin at gawin ang tamang pagpili ng kakainin upang magkaroon ng
malusog napangangatawan.
A. Pagbabago-bago ng emosyon
B. Pagkakaroon ng taghiyawat
C. Mga isyung pang- nutrisyon
D. Pagiging sakitin

2. Gumamit ng deodorant o tawas pgkaatapos maligo bilang tulong sa


pangangalaga sa katawan.
A. Pagkakaroon ng taghiyawat
B. Di kanais-nais na amoy
C. Pagkakaroon ng buwanang daloy o regla
D. Pagkakaroon ng semilya

3. Lubusang tanggapin ang normal na pagbabagong pisikal sa sarili sa


panahon ngpagdadalaga.
A. Pag-umbok ng dibdib at paglapad ng balakang
B. Mga isyung pangnutrisyon
C. Pagkakaroon ng adam’s apple
D. Pagkakaroon ng adams apple

4. Maligo ng maligamgam na tubig at maglagay ng mainit na sapin (heating


pad) sa tiyan habang nakaupo o nakahiga.
A. Mga usapin sa Pagreregla ng Babae
B. Paglaki ng dibdib at paglapad ng balakang ng babae
C. Maling tikas at tindig ng katawan
D. Pagpapalaki ng braso

5. Ang pagpapanatiling malinis ng katawan ay mahalaga para sa isang


nagdadalaga at nagbibinata. Isang paraan ng pagsasagawa nito ay sa
pamamagitan ng .
A. paliligo araw-araw
B. pagsesepilyo ng ngipin minsan sa isang araw
C. paliligo kung kailan lang nagugustuhan
D. hindi paglilinis ng mga kuko sa kamay at paa

6. Mahalaga ang paghingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa mga


usaping pangkalusugan sapagkat .
A. masasabi nila sa atin kung ano ang dapat nating gawin upang mapanatili ang
kalinisan ng ating sarili
B. makapagbibigay sila sa atin ng mga mungkahi kung paano pahalagahan ang
sarili
C. Makatutulong upang matugunan ang pangangalaga sa iyong kalusugan
D. lahat nang nabanggit

7. Ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ay nangangahulugan ng .


A. pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain
B. pagkain lamang ng mga pagkaing gusto natin
C. pagkain ng junkfoods
D. hindi pagkain ng mga gulay at prutas

8. Ang buhok ay may malaking bahagi sa katauhan o personalidad lalo na sa


mga nagdadalaga at nagbibinata. Kung ibig mo itong mapanatiling malusog
at maayos dapat ay .
A. gumamit ng hairbrush habang basa pa ang buhok
B. ugaliin ang pagsusuklay at pagbrush nito bago matulog
C. gumamit ng shampoo at conditioner na akma sa klase ng buhok tuwing
dalawang araw o mas madalas kung kinakailangan
D. kapwa b at c

9. Sa napakaraming programa sa telebisyon at mga videos sa online platform kagaya ng


youtube at mga social apps kagaya ng Facebook at Instagram, maraming
natutununan ang mga batang lalaki at babae dito na sadyang napakalakas ng hatak
sa kanilang gampanin sa buhay. Ang mga nabanggit na mga platform ay saklaw ng
anong salik?
A. Pamilya C. Paaralan
B. Medya D. Relihiyon

10. Alin sa mga sumusunod na gawain sa paaralan ang nakapagtitibay ng


gampaning pangkasarian ng isang lalaki o babae?
A. youtube C. Mga Polisiya/Code of Conduct
B. Periodical Tests D. Catechism

11. Ang pagsali sa mga iba’t ibang laro kagaya ng basketball, boxing, volleyball at iba
pa ay maaring gawin ng mga kalalakihan o kababaihan na napagtitibay ng lahat ng
salik sa iba’t ibang pagkakataon at pamamaraan. Alin sa mga salik na iyong nabasa
sa modyul na ito ang may malaking bahagi sa pagkalinang ng kakayahan sa isport
ng mga batang lalaki at babae?
A. Paaralan C. Pamilya
B. Relihiyon D. Medya

Prepared by: SHARMAINE R. TAGALAN


Subject Teacher
Checked and Verified by: JANICE L. ICO
Teacher III

Noted: ROLLY A. LIQUIRAN


OIC/Head Teacher III

You might also like