You are on page 1of 2

Kung Bakit Umuulan

Isang Kuwentong Bayan


Bakit kaya umuulan?

Noong bago magkaroon ng panahon, walang anumang mundo. Walang araw. Walang
buwan. Walang buhay. Walang kamatayan.

Ang mayroon lang ay sina Tungkung Langit at Alunsina.

“Huwag kang malungkot, mahal kong Alunsina, lilikhain ko ang kalawakan para sa iyo.
Araw, mga bituin, planeta, buwan, ulap, hangin…”

“Ako rin,” sabi ng Alunsina. “Gusto ko rin maglikha ng mga bagay.”

Ayaw ni Tungkung Langit na mapagod si Alunsina kaya hindi siya pumayag. “Ang aking
mga nililikha ay regalo ko sa iyo.”

“Hindi ba ako’y Diyosa at mayroon ding kapangyarihang lumikha?” tanong ni Alunsina.

Nagalit si Tungkung Langit. “Ang nais ko ay hindi ka mapagod. Umupo ka lang diyan at
magpaganda at ako’y maglilikha.”

Nayamot si Alunsina. Gusto niyang lumikha ng mga bagay.

“Huwag kang mag-alala, Alunsina. Para hindi ka mayamot, lilikhain ko ang panahon!
Ang oras!”

At sa pagsabi nang ganoon ni Tungkung Langit, biglang nagkaroon ng oras!

Pagkalikha ng oras, nagkaroon ng alaala. At naalala ni Alunsina ang nakalipas —


noong wala pang kalawakan. Nanaig sa kanya ang pagnanasa na lumikha. Siya’y
umiyak.

Isang araw, palihim niyang sinundan si Tungkung Langit. Nang makita siya, tinanong ni
Tungkung Langit, “Bakit ka narito? Bakit mo ako sinundan?”
“Gusto kong lumikha ng mga bagay, tulad ng ginagawa mo.”

“Mahal ko, ika’y nayayamot na naman ba? Lilikhain ko ang kidlat at kulog para sa iyo.”

At nagawa ang mga iyon. Ngunit nagdamdam si Alunsina.

“Lagi kang lumiklikha ng mga bagay. Bakit hindi ko maaaring gamitin ang aking sariling
kapangyarihan?”

Umalis si Alunsina at hindi bumalik sa tabi ni Tungkung Langit. Matagal bago pa makita
uli ni Tungkung Langit ang kanyang pinakamamahal.

“Matagal kitang hinahanap, Alunsina. Labis akong nalungkot.”

Mukhang masaya si Alunsina. “Nilikha ko ang mundo — ang mundo ng mga puno at
bulaklak, ibon at isda. Nililikha ko ngayon ang mga bundok at dagat.”

Mula noon, hindi ma muling bumalik si Alunsina sa tinitirahan ni Tungkung Langit.

Tuwing ninanais ni Tungkung Langit na dalawin si Alunsina, kailangan niyang maging


ulan — para pumatak sa mundong nilikha ni Alunsina.

You might also like